Share

Kabanata 4

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2025-05-27 01:42:41

CHAPTER 4

‘MOMMY, Papa is being mean to me again!’ matinis na reklamo agad ni Autumn ang sumalubong kay Summer nang buksan niya ang voice message na ipinadala nito.

‘Ikaw ang bigla na lang nangangagat.’

Ang laki-laki na ng kapatid niya, pinapatulan pa rin ang batang maliit.

‘You said you gonna get my toy guns and lappy. Mean Papa. Bad Papa. Susumbong kita kay Diddy-Lo. Pingot ikaw ni Mimila.’

Sinenyasan ni Summer ang kabaro na susunod siya sa conference room para kausapin muna ang bulilit niya.

Sumalubong sa kanya ang matambok na pisngi ng kanyang anak nang sagutin ang video call nito.

Autumn Vesarius, her daughter, was pouting while clinging to Rozen’s neck. Magulo ang buhok nito kahit nakirintas.

“What did you do this time, Rozen Gil?”

Umiling ang kapatid niya habang namimilog ang mga mata.

“Wrestling kami ni Papa!” tuwang-tuwa pang sigaw ng anak niya na hindi niya alam kung saan niya ba ipinaglihi

Totomboy-tomboy at talaga naman sakit sa ulo. Sabi nga ng mommy niya, manang-mana raw sa kanya!

“Ate, pinapangako ko, hindi ko sinaktan ang beybi ng pamilya.”

Pinaningkitan niya ng mata si Rozen. Gumaganti yata dahil nang mga bata sila ay madalas niya itong wrestling-in.

Inuwi nito sa Pilipinas si Autum, ilang buwan na rin ang nakararaan dahil kasama siya sa ni-deploy para sa mahalagang misyon na pinapangunahan niya.

She is Captain Summer Vesarius, a Green Beret in the U.S. Army. Transferred from the US Air Force after her one year of service.

“Autumn, behave.”

“But…but Papa always teases me.”

Kumusot na lang ang ilong kapatid niya dahil kahit ipagtanggol nito ang sarili ay alam na hindi mananalo kay Autum.

Nagsabi na lang ito na kukunan ng snack ang bata at iniwan. Agad naman siyang dinaldal ng anak niya.

“My, want ko po money layk dis.” Ipinakita sa kanya ang sampung daliri sabay taas ng dalawang maliliit na paa.

“Saan mo naman gagamitin?”

“Bili ako toy gun po. Iyon kasing Ser po kanina hindi ako bigay tip. Hmp! Baho-baho usok pa.”

“Di ba sabi ko huwag kang sasama kapag nagtatrabaho ang Papa Rozen mo?”

“Hingi ako money eh. Want ko many money. Kapag kita nila ako, give nila money si Papa ko. Pretty kasi me.”

Bumuga siya ng hangin sa dami ng katwiran ng anak niya.

“Sasabihan ko ang Papa Rozen mo na bilhan ka niya ng gusto mo.”

Kita ang gilagid na ngumisi sa kanya ang anak. Nag-flying kiss pa. Kapagkuwan ay tila may naalala.

“My, the Sir na mister na hindi give sa akin money, so pretty ng eyes. Kuway Gray.”

Awtomatiko ang pagbanggit niya sa isip ng pangalan ng lalaking kilala niya na may kulay gray na mga mata.

Pero impossible dahil nang huling banggit sa kanya ni Dhenaly ay nasa Russia ito at ayaw ng bumalik ng Pilipinas.

“Away ko iyon kapag kita ko. Singil ko siya.”

“Hayaan mo na, okay? Hingi ka na lang kay Diddy-Lo.”

Nanghahaba pa rin ang nguso nito kahit tumango. Eksakto naman bumalik na si Rozen nang senyasan siya ng kasamahan na paparating na ang mga nagtataasang opisyales.

She straightened her back and made a salute to Brigadier General Hawthorne.

Katulad ng dati, seryoso lamang ito subalit basa niya ang pagkadisgusto sa kanya. The old man has some personal issues with her dad back in their military days.

A special operation, “Iron Vile,” was given to them.

They need to rescue 6 American scientists kidnapped and forced to complete a prototype bio-weapon codenamed ‘Icarus Strain’.

Her team—ODA-3213 consist of 12 members in total. Isa sa mga iyon ay ang anak ng kasalukuyang presidente ng America—1st Lieutenant Keene Mason.

Maingat nilang pinagplanuhan ang gagawin.

Kaya hindi niya maintindihan kung saan sila nagkamali…

Summer led her troop through a mining shaft toward the lab. After neutralizing the outer perimeter quietly, the team was ambushed in the lower-level corridors.

Bombs exploded! Nag-collapse ang tunnel at nagkawatak-watak sila. Ang sumunod na pangyayari ay inisa-isa na sila ng mga kalaban.

They were trained to neutralize gunmen, but they were suddenly ambushed by almost hundred heavily built opponents.

Tatlo sa mga kasamahan niya ang namatay, apat ang comatose at kritikal ang lagay kasama ang anak ng presidente.

“You had one job, Captain Vesarius. One!” dagundong ang galit na boses ni Hawthorne.

Pabalik-balik ito sa harapan ni Summer na bagaman ay seryoso ay hindi maikakaila ang pagod.

“Secure the scientists. Keep your d amn team alive! Instead, I have three body bags being zipped up and the President’s son in a coma! A complete disaster. A damn failure.”

Summer remained silent. Hindi na bago sa pandinig niya ang mga iyon subalit iba ngayon. Masyadong mabigat sa pakiramdam ang sising ipinapatong sa balikat niya.

"This isn’t a damn kindergarten—this is war. People die; people get hurt.”

“Sir, we were ambushed. Someone leaked intel—”

“Spare me with excuses! Always someone else’s fault. Just like your father!”

Summer’s jaw tenses.

“Too arrogant. Always thought he was smarter than the command. Didn’t follow orders. Acted like he was a one-man army.”

Dinuro-duro siya nito sa dibd ib.

“You carry the same stench of arrogance and look where it got you. You want the truth, Vesarius?”

Kumuyom ang kamao niyang nakatago sa likod.

“You’re a mistake wearing rank. But you had the golden name, huh? Vesarius—big shot sniper’s daughter. You thought you were ready to lead men like Madsen and Harris? And now Wolfe’s gone. Baker’s dead. And Keene Mason? The president's only son—comatose! All because you wanted to play hero!”

“We were set up. I had a mole in my unit. I said—”

“The only common thread in all this mess…is you!”

Tinulak-tulak siya nito gamit ang daliri.

“Effective immediately—you’re suspended! Relieved command. Turn in your weapon and credentials. Ego over mission, like your father. He left a mess everywhere he went, and now you’re walking in his boots like you earned them!”

“Don’t talk about my father like that.”

“He was a glory-hunting bastard who got men killed and still walked away with d amn medals! He was a cancer in uniform—”

Umigkas ang kamao niya pataas. Subalit, mabilis niyang napigilan ang sarili bago pa iyon makapangalahati sa distansya ng ilong ng opisyal.

The room went into thick, dangerous silence.

“There it is. The Vesarius’ temper. Throw that punch! Give me reason to have your ass court-martialed!”

Ibinaba niya ang kamay, gulat na gulat sa sarili.

Buong pangkukutya na tumawa ito.

“Permission to leave, Sir!”

Hindi niya na ito hinintay magbigay ng pahintulot. Lumayas na agad siya bago pa siya makagawa ng mas ikalulubog niya.

“WE can submit an appeal and—”

Umiling siya habang nakatingin sa loob ng ICU kung nasaan si Keene.

“It’s not your fault, Summer,” Kelly Jane convinced her more.

Hindi iyon ang unang beses na nalagasan siya ng kasamahan o nagkaroon ng palpak na operasyon subalit iba ang bigat na hatid ngayon sa kanya.

Naisip niya rin gawin ang sinabi ng kaibigan ngunit hindi muna ngayon.

A phone call rang in her pocket.

Agad niyang nakilala ang numero ng ama.

“Dad.”

Umahon ang kaba sa kanyang dibd ib nang marinig ang tila namamaos na boses nito.

“Come home now, Summer.”

“Why? Is Autumn okay? What happ—”

“Your Tito-Handsome left us. Alejandro is dead.”

WALA siyang sinayang na oras. Agad siyang nag-impake pagkatapos ayusin ang mga dapat ayusin niya para sa suspensyon

Alejandro Almeradez is one of his dad’s bestfriend. Together with Riguel El Greco, they were ‘great trio’ during their military days.

Alam niyang sobrang apektado ang kanyang ama sa pagkawala nito. Maging siya ay hindi makapaniwala na p atay na ang itinuring niya na rin pangalawang ama.

Palinga-linga siya nang makarating sa Vesarius Airline. Busy ang pamilya niya sa pag-alalay sa mga Almeradez kaya isa sa mga kaibigan ang susundo sa kanya.

Kumakaway si Zacharias Funtellion sa tabi ng sasakyan.

Sinalubong siya nito para kunin ang bagahe niya. “Captain Vesarius in flesh. Still standing tall after the h ell huh?”

“Barely.” Itinapon niya rito ang duffle bag. “How’s everyone?”

“Almeradezes are not doing good.”

Isinalansan muna nito sa likuran ang mga gamit niya kaya nauna siyang buksan ang pinto ng passenger seat.

Itinago niya ang pagkagulat nang makitang may nakaupo roon.

Pinantayan niya ng kalamigan ang malamig na kulay abong mga mata na tila sinusuri siya.

“Forgot to tell you. Giovanni’s riding with us.”

Tipid na tango lang ang tugon niya at muling isinara ang pinto. Sumakay siya sa backseat, ramdam ang intensidad ng mga matang nakasunod sa bawat galaw niya.

Wala siyang dapat ikagulat o mag-isip ng ibang ibig ipakahulugan ng presensya nito. Natural lang na nandito ang lalaki dahil palaging magkadikit sina Zacharias at Giovanni simula pa nang mga bata sila.

Ilang beses niyang nahuli si Zacharias na sinisilip siya sa rearview mirror habang nagmamaneho.

“I didn’t make things weird, did I? Everyone moved on, right?”

“Of course,” sabi niya. Sinulyapan niya si Giovanni. “Just a casual ride with my ex-husband. No biggie.”

She saw Giovanni’s jaw clenched. Walang kahit anong emosyon na nakatingin ito sa rearview mirror. Sinalubong niya ang tingin ni Giovanni at saka tumaas ang sulok ng labi niya matapos pakiramdaman ang sarili.

Summer feels nothing but numbness.

Ganon din ang naramdaman niya nang makita niya ito sa screen ng cellphone habang kausap niya si Autumn.

Her ex-husband thought Autumn was Rozen’s daughter. Hahayaan niyang isipin nito iyon hanggang sa ito mismo ang makadiskubre ng katotohanan.

Dahil wala naman talaga siyang plano na kusang ipakilala ang anak niya sa ama nito.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (32)
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
Buhay si alejandro.
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
Mana sa ama......
goodnovel comment avatar
yours4ever
llllaaaaaa thriller palang daming nagreact pinatay na SI Alejandro..Ngayon dinead na talaga ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Giovanni   Kabanata 116

    CHAPTER 70 “SINO ang may sabi sa ‘yong pwede mong pakialaman ‘yan?!” Nawala sa pagkakahawak niya ang Photo Album nang may umagaw. Galit na mukha ng Nanay niya ang sumalubong kay Tori nang nag-angat siya ng tingin. Taranta nitong inayos ang mga picture na inalis niya sa pagkakadikit kanina. “N

  • Chasing Giovanni   Kabanata 115

    CHAPTER 69 Sinipa niya ang kamay ni Kwaichi nang makita niyang kumilos ito. Napasigaw ito sa sakit subalit wala siyang pakialam. “Ibaba ang baril o bali ang leeg ng amo niya!” maangas niyang sigaw. Ang isa niyang kamay ay nasa taas ng ulo nito habang ang isa ay nakasalo sa panga nito. Parang sa

  • Chasing Giovanni   Kabanata 114

    CHAPTER 68 Gulong-gulo ang isip ni Tori habang nakasakay si Tori sa bangkang de-motor. Papagabi na. Ilang oras siyang tumulala sa napuntahang restaurant sa Isla Molave. Iilan lang silang pasahero sa bangkang de-motor. Hindi niya na rin nakita ulit si Manong Ali. Nang makarating ang bangka sa dal

  • Chasing Giovanni   Kabanata 113

    “Baby…don’t cry.” “Mga pakyu sila!” hikbi niya. Tumawa si Anton kaya pumadyak-padyak ang paa niya. “Gusto ko silang suntukin lahat,” gigil niyang sabi. “I wanna cuddle the Baby boy Anton. I don’t want him alone.” Mas lalo itong tumawa. “Huwag kang tumawa!” Anton muffled his laugh by kissing

  • Chasing Giovanni   Kabanata 112

    CHAPTER 67 Hinayaan ni Tori na sumabog ang kanyang buhok sa dilim. Malamig ang simoy ng hangin sa gitna ng dagat subalit hindi niya iyon alintana dahil sa mainit na mga bisig na nakayakap sa kanya. P ahalik-h alik pa rin si Anton sa kanyang leeg. Sinandal niya ang likod sa d ibdib ng nobyo. Bumun

  • Chasing Giovanni   Kabanata 111

    CHAPTER 66 Yumuko siya para idampi ang labi sa labi nito. Awtomatikong sinapo ni Anton ang kanyang pisngi para palalalimin ang h alik. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang bahagyang lumayo rito. Namumungay ang kanyang mga mga mata na tumingin dito. “Happy Birthday,” Tori whispered, sexily.”

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status