Ngali-ngaling takpan niya ang sariling mukha sa hiya. Saan ba ito nagmana at palaging pera ang bukambibig?
“How much do you want?”
“Many many money!” Kapagkuwan ay tumingin sa kanya ang pilya. “My, bati kami ni Ser po kasi bilhan niya ako ng maraming toys.”
“Uuwi na tayo. Hinihintay ka na ni Mimila at Diddy-Lo.”
Tumango ito at saka nagtaas ng kamay. Akmang bubuhatin niya nang umiling ito at saka kinurap-kurapan ng mata si Giovanni.
“Carry mo po ako, Ser.”
“Ako na lang,” saway niya rito ngunit nirasonan na naman siya.
“No po. Karga sa Beybi ay strong dapat like Papa.”
Giovanni chuckled and carried Autumn in his arms.
“I am strong,” laban niya.
“Mommy po, mas strong si Ser na mister po. Tingnan mo po tigas masel niya.” Dinutdot pa talaga nito ang braso at saka inangkla ang maliliit na kamay payakap sa batok ng ama.
Lumamlam ang mga mata niya.
Ingrata siya kung sasabihin niyang ‘ni minsan ay hindi niya pinangarap ang tagpong nasa harapan niya.
Giovanni was staring at their daughter adorably while the little girl was talking about everything. Noon pa man ay responsable na itong ama kay Lucian.
Tumikhim si Rozen kaya napaiwas siya ng tingin.
Tinaasan niya ng kilay ang kapatid dahil naniningkit ang mga mata nito.
“Aalis na kami,” patay-malisya naman siya.
“Bye, Papa. Love you many times,” Autumn said sweetly and gave a flying kiss.
Nauna na ang dalawa sa labas dahil may ibinigay pa sa kanya si Rozen na ticket. Balak nitong pagbakasyunin ang mga magulang nila dahil siguradong malulugmok ang daddy nila.
“Who will run the airline?”
“I can do it.”
“Ang laki-laki mo na,” komento niya at saka inabot ang buhok nito para guluhin na umani ng reklamo mula rito.
“I’ll run the airline. Pero kailangan ko ng kapalit sa Casa Amara.”
Nauwi sa sabunot ang paghaplos niya sa buhok nito. “Gagawin mo akong ‘bell boy’?”
“Aw, sh!t! Wala ka naman gagawin. Di ba suspendido ka?”
“Lakasan mo pa,” sarkastiko niyang angil.
“Why don’t you want Daddy to know?”
“He just lost a friend, Rozen Gil!” Ang insensitive niya naman kung dadagdagan niya pa ang isipin nito.
Napilit din siya ni Rozen sa huli kahit panay ang tanggi niya.
Inirap-irapan niya ng matindi ang kapatid bago ito nilayasan. Nadatnan niya si Giovanni at Autumn sa parking lot na kausap si Amber.
Si Giovanni lang pala ang kausap dahil simangut na simangot ang anak niya habang nakahalukipkip.
“Mommy!” Nagliwanag ang mata ni Autumn nang makita siya.
Umawang ang bibig ni Amber nang lingunin siya.
“May anak na kayo?”
“Who po ikaw?” maarteng tanong ni Autumn na lihim niyang ikinahinga ng maluwag. Ayaw niyang itanggi ang bata ngunit ayaw niya rin umamin kay Giovanni.
“I’m Amber.”
Bago pa ito makapagtanong ng kung anu-ano ay inunahan niya na.
“Babalik ka na sa Russia?”
“Unfortunately, yes!” Amber eyed Giovanni meaningfully. “See you there? Lucian misses you.”
“Yeah.”
Umasim ang sikmura niya.
“Baba mo na ako, Ser. Don’t want you anymore.” Pumasag-pasag ang paa ni Autumn kaya napilitan ibaba ni Giovanni. Humawak agad sa kanya ang anak.
“Sorry,” nakangiwi niyang hingi ng paumanhin sa dalawa at saka nagmamadaling ipinasok ang bata sa kotse dahil baka ano pang masabi nito.
“Mommy, I’m not done yet. Tanong ko pa iyong babae po kung girlfriend ba siya ni Sir?”
“Why is that?”
“Para hindi na ako isip na boyfriend mo siya para tawag ko siyang Daddy ko.”
Napanganga siya.
Idinikit naman ng bata ang mukha sa bintana para silipin ang dalawang nag-uusap sa labas. Sabay silang umirap ni Autumn nang makitang may pahawak-hawak pa si Amber sa braso.
“Don’t want him anymore. Away ko talaga ‘yan po,” parang maiiyak na ang anak niya. Nakayakap na kasi si Amber kay Giovanni.
“Hindi pwedeng tawagin mo na lang bigla na Daddy ang kahit sino,” wika niya sabay iwas ng tingin sa dalawa.
“Wala ako Daddy. Why iyon po si Shaun meron?” tukoy nito sa anak ng kaibigan niyang si Vioxx Almeradez.
“Meron ka naman Papa saka Diddy-Lo.”
Tumahimik na lang ito ngunit halata sa mukha ang sama ng loob.
Kandong niya na si Autumn nang pumasok ang ama nito.
“Little Girl,” masuyo nitong tawag.
Sa halip na sumagot ay nakangiwing isinubsob ni Autumn ang mukha sa dibd ib niya. Giovanni looked disappointed when he maneuvered the car.
He looked more mature than years ago with stubble on his jaw. His messy hair was fashionably styled. Na para bang sinadya iyong guluhin.
Ang mga kilay na makakapal ay nakadagdag sa natural na supladong bukas ng mukha nito. The straight proud nose and sensual lips were like made by a great artist. Summer was sure he had inherited his aristocratic posture from his parents.
Biglang lumingon sa kanya si Giovanni. Huli na para iiwas niya ang tingin kaya nagsabi na lang siya ng kung ano.
“Hindi naman palaging ganon ang asal ni Autumn. Tinopak lang yata.”
“She was a bubbly brat the first time I met her. Reminds me of someone I knew for years.” Sinulyapan nito ang nahihimbing na bata bago nagtaas ng tingin sa kanya. “You were like that when we were kids.”
“I wasn’t a brat!”
“Is she really Rozen’s daughter?”
“Anong ibig mong sabihin?” Gumagapang ang mumunting kaba sa kanyang dibd ib.
“She resembles you a lot.”
“Of course! This little girl is a Vesarius.”
Mas lalo siyang kinabahan nang hindi na umimik si Giovanni. Diretso lang ang tingin nito sa kalsada na para bang may pilit inaarok sa isipan.
Walang nakakaalam na nagbuntis siya maliban sa pamilya niya. Kahit nga paglabas ng apartment niya sa New York ay hindi niya ginawa. Bumili ang daddy niya ng mga kagamitan para sa pagbubuntis at panganganak niya. May kinuha rin sariling Oby-gyne at private nurse.
Ang alam ng mga kaibigan niya ay nasa military training na siya nang mga panahong iyon. Masyado siyang nasaktan at galit kay Giovanni noon na kapag nalaman nitong buntis siya ay talagang magwawala siya.