Napapabuntong hininga na lang siya pero hindi niya rin maiwasang hindi mag-overthink. Paano kung naghilom na si Kayla sa nakaraan niya tapos marealize nito na hindi pa talaga siya handang pumasok sa kahit anong relasyon?
“Bwisit. Bakit ba kung ano-anong lumalabas sa bibig ng lalaking yun?” inis niyang usal. Kung hindi lang nagsalita si Tyrone, hindi sana siya mag-iisip ng ganito. Inis niyang ibinagsak ang katawan niya sa kama. Tinitigan niya ang kisame na tila ba may makukuha siyang sagot sa mga tanong niya. Sigurado naman siyang wala ng gusto si Kayla sa ex nito.
“Hindi naman siguro siya tanga para bumalik pa sa lalaking nagbigay sa kaniya ng trauma. Kung babalik pa siya, babatukan ko talaga ang babaeng yun para matauhan.” Aniya sa sarili niya. Natatawa na lang siya sa sarili niya. “Nababaliw na yata ako.” Naiiling niyang wika.
Ramdam pa rin niyang tila may nakabara sa dibdib niya. Kung makakamove on man siya sa paglipas na lang yun ng panahon. Ayaw niya sanang naaattach sa mga pasyente niya para hindi siya masyadong masaktan kung sakaling may mangyari sa mga ito pero hindi niya maiwasan dahil umaga at hapon niya namang binibisita ang mga ito. Nakasanayan na rin nilang kausapin ang mga pasyente nila para hindi matakot ang mga ito sa kanila lalo na kapag kailangan silang turukan o bigyan ng gamot.“Sigurado ka bang magiging maayos ka lang dito kapag iniwan kita?” wika ni Owen habang kumakain pa rin sila.“Oo naman, huwag kang mag-alala hindi na ako iiyak. Kita mo naman sigurong pagod na ang mga mata ko saka inaantok na rin ako.” Sagot niya. Nakangiti man ito pero ang mga mata niya punong puno pa rin ng lungkot.“Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka. Kapag tulog ka na saka ako aalis para makasiguro akong tulog ka na.” tipid na ngumiti si Kayla saka tumango. Ayaw niya ng makipagtalo pa dahil pagod na siya.“
Sinamahan na muna ni Owen si Kayla sa condo nito. Tulala pa ring nakaupo si Kayla sa sofa. Iniwan naman na muna ni Owen si Kayla sa sala para makapagluto siya ng kakainin nila sa dinner. Habang naghihintay siya na kumulo ang niluluto niya ay sinilip niya si Kayla sa sala. Nakahiga naman na ito sa sofa at tila natutulog na. Napapabuntong hininga na lang si Owen dahil paniguradong napagod sa kakaiyak si Kayla. Nanguha siya ng blanket para ikumot kay Kayla dahil malamig ang ibinubuga ng aircon.Hinanap ni Owen ang remote ng aircon at pinahinaan na muna ito. Hinayaan niyang matulog muna si Kayla para makapagpahinga. Bumalik na siya sa kusina para ituloy ang pagluluto niya. Dinagdagan niya na rin ang putaheng niluluto niya dahil naniniwala pa rin siyang food is the best medicine for someone who is angry and tired.Makalipas ang isang oras ay natapos na siyang magluto. Nilinis niya naman na ang kusina at sink na ginamit niya para malinis ito bago sila kumain. Nang matapos siyang maglinis ay
Napaupo na lang si Kayla sa sahig habang humahagulgol pa rin. Parang anak at pamangkin na para sa kaniya si baby Kate kaya masakit para sa kaniya ang nangyari.“Umayos ka, doc Kayla. Pinasok mo ang propesyon na ‘to kaya kung ano man ang nangyayari sa trabaho natin, kayanin mo. Huwag na sanang maulit kung ano man ang lumabas sa bibig mo ngayon. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Alam kong mas malapit ka kay baby Kate, umiyak ka hanggang gusto mo at pagkatapos bumalik ka ulit sa trabaho mo.” Dagdag pa ni Jane. Patuloy pa ring umiiyak si Kayla pero hindi na ito nagsalita.“Iiwan na kita dito. Bumalik ka sa office kapag tapos ka na.” ani pa ni Jane saka ito tumalikod pero hindi pa man siya nakakalabas ng marinig niya na ang pagbagsak ng mga gamit na nasa rooftop. Ikinalat na ni Kayla ang mga sirang upuan na nasa rooftop pa. Hindi naman na siya pinigilan ni Jane at tuluyan na siyang bumaba.Bumalik si Jane sa office nila. Nang makita niya ang cellphone ni Kayla ay kinuha niya ito at binuksan.
Dumiretso si Kayla sa rooftop kung saan walang pwedeg makarinig sa kaniya. Walang humpay pa rin ang pag-iyak niya. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya. Inilalabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.“Bakit?! Bakit kung sino pa ang mga walang muwang ang kinukuha mo? Bakit?!” malakas niyang sigaw habang nakatingin sa itaas. Halos sumakit na ang lalamunan niya sa kakasigaw pero wala siyang pakialam dahil mas masakit ang nararamdaman ng puso niya ngayon. Hindi man niya anak o pamangkin si baby Kate pero isang taon din niya itong nakasama.“Kung totoong nandiyan ka, kung totoo ka bakit hinahayaan mong maghirap ang mga batang wala pang alam! Bakit mo sinasaktan ang mga batang wala pa namang nagagawang kasalanan?! BAKIIIIIT?!” pakiramdam ni Kayla ay sinasak/sak ang puso niya at pinapaikot pa ang kutsilyo para maramdaman niya ang sakit.“Hindi ba at nagpapagaling ka ng mga may sakit pero bakit hindi mo magawang pagalingin ang mga batang walang kasalanan sayo?! Bakit sila pa?! Ang dam
Masaya pa silang nagbibiruan at inaasar si Kayla habang naghahain ng pagkain nila.“Nanliligaw pa ba talaga o kayo na?” tanong ni Jane.“Nanliligaw pa lang siya. Masyado lang siyang generous. Nakakahiya na nga minsan dahil madalas siyang gumastos dahil sa akin eh pero wala naman akong magawa dahil yun daw ang love language niya. Kapag hindi raw siya naglalabas ng pera para sa nagugustuhan niya pakiramdam niya wala raw siyang kwenta, tsss.” Pagkwekwento ni Kayla. Natutuwa naman si Jane at Mylene. Alam nilang seryoso na talaga si Owen kay Kayla at hindi nila maiwasang hindi mainggit.“Ano bang swerte ang nakadikit sayo, ha? Habulin ka ng mga pogi at mayayamang lalaki eh.” Pagbibiro ni Jane. Bahagya namang tumawa si Kayla.“Kahit hindi mayaman basta sincere at seryoso sa akin, okay na yun. Aanhin ko naman ang kayamanan kung miserable naman ang buhay ko tapos hawak ako sa leeg kahit huwag na akong bigyan ng mayamang lalaki. Ang gusto ko matino.”“Maswerte na nga yun eh. Mayaman, gwapo, ma
Sa mga araw na wala si Owen ay itinuon naman ni Kayla ang oras niya sa trabaho niya. Palitan lang sila ng message at tawag sa gabi kapag nakakauwi na siya. Napapangiti na lang si Kayla habang binabasa niya ang mga message ni Owen sa kaniya. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Napapahawak na lang siya sa dibdib niya saka siya humuhugot ng malalim na buntong hininga.[I miss you, I want to see you as soon as possible but I need to finish my work. Malapit na ang biggest conference namin kaya kailangan kong magready for that. Okay lang ba talaga sayong umuuwi ka ng mag-isa? Gusto mo ba ipasundo kita sa driver ko para makampante akong makakauwi ka?] Napapangiti na lang si Kayla sa messages niya.“Ganito ba talaga siya? Bakit parang ang bilis bilis niyang makuha ang loob ko?” mahinang usal ni Kayla sa sarili niya habang nasa dibdib niya ang cellphone niya. Muli niyang itinaas ang cellphone niya para replyan si Owen.“Hindi na, okay lang ako. May sarili naman akong sasakyan na magagamit k