Pumasok si Kayla nang nakayuko. Halos sakupin na ng face mask niya ang buong mukha niya. Nagtataka tuloy na nakatingin sa kaniya ang mga nurse at mga kapwa niya doctor.“Anong nangyari sayo?” tanong ni Jane, kapwa doctor ni Kayla.“Wala lang naman.” Sagot ni Kayla habang itinatago niya ang mukha niya. Hinila naman siya ni Jane at sapilitang inalis ang face mask nito. Nakita naman nila ang malaking pasa sa mukha ni Kayla at ang sugat sa labi nito.“What the fuck, Kayla!” ani ni Jane. Mabilis na ibinalik ni Kayla ang face mask at iniyuko niya ang ulo niya. “Anong nangyari sayo? Sinong bumugbog sayo?” sunod sunod na tanong ni Jane. Hindi nakasagot si Kayla. “Yung boyfriend mo ba? Sabi ko na eh, iba talaga ang aura ng Joshua na yun. Akala mo mabait pero may kademonyohan palang itinatago. Bakit hinayaan mong gawin niya sayo ‘to? Look at yourself, Kayla. Paano mo haharapin ang mga pasyente mo? Mga bata ang pasyente mo baka matakot mo sila sa ganiyang itsura mo. Paano ka rin pagkakatiwalaan
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya