Share

Kabanata 58.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-11-21 17:25:34

Nang makauwi sila sa penthouse ay tiningnan ni Kayla ang mga sponsors ng pamilya ni Owen. Natutuwa siya pero hindi niya maiwasang hindi mahiya. Nang matapos namang magshower si Owen ay sumampa na siya sa kama. Tiningnan niya ang fiance niyang nakatingin na naman ito sa ipad niya.

“May problema ba love? May kulang pa ba?” tanong ni Owen. Napabuntong hininga naman si Kayla.

“Wala naman, halos gastusin na ng pamilya mo ang kasal natin samantalang yung pamilya ko wala man lang maibigay kahit man lang drinks.” Kinuha na ni Owen ang ipad ni Kayla saka ito inilagay sa side table niya.

“Huwag mo ng isipin yun. Hindi naman yun pinapansin ng pamilya ko. Ang mahalaga sa kanila ay mairaos natin ng maayos ang kasal. Okay lang din naman na wala kang maibigay, ako ang lalaki, ako ang dapat gumastos sa lahat. Huwag mo ng alalahanin yung gastos, magfocus tayo sa kalalabasan ng kasal natin.” Napatango at ngumiti na lang si Kayla. Nahiga na siya at niyakap si Owen.

Kinabukasan, kapag break time ni Kayla
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 64.2

    Tuwang tuwa si Kayla dahil humahampas na sa mukha niya ang malamig na hangin. Nababalanse pa rin naman niya ang sarili niya pero nawala ang ngiti sa mga labi niya nang maramdaman niyang bumibilis na ang pagbaba niya.“Love?” usal niya, gusto niyang lingunin si Owen pero natatakot siya. “Love! Bubulusok na ako!” sigaw ni Owen. Akala ni Owen ay nag-eenjoy pa ang asawa niya pero natatakot na pala ito. Sinubukang habulin ni Owen ang asawa niya. Sabay niya nang ginamit ang ski pole niya para mahabol si Kayla.Sinusubukan ni Kayla na pabagalin ang pag-andar niya pero hindi niya magawa.“Aaahhh!” sigaw niya dahil mababangga niya ang isang lalaking nasa ibaba. Gusto niyang umiwas pero hindi siya marunong. Huli na rin ang lahat para makaiwas ang lalaki. Tumama ang ski ni Kayla sa lalaki kaya naunang bumagsak si Kayla habang sumunod naman na bumagsak sa ibabaw niya ang lalaki. Mabuti na lamang at makapal ang suot ni Kayla, nalessen nito ang impact nang pagbagsak ng lalaki sa ibabaw niya.“Are y

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 64.1

    Tanghali na nang magising silang dalawa. Mahinang umungol si Kayla nang imulat niya ang mga mata niya. Tiningnan niya ang oras at ng makita niyang alas nwebe na ng umaga ay tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig.“May pasok pa ako!” sigaw niya at akma sanang babangon nang hilain siya ni Owen. Hinampas-hampas ni Kayla ang braso ng asawa niya dahil kailangan pa niyang maggayak. Late na late na siya!“Love nananaginip ka pa ba? Honeymoon natin, trabaho pa nasa isip mo?” mahinang sambit ni Owen. Bakas pa ang antok sa boses niya. Natauhan naman si Kayla at naalalang katatapos nga lang pala ng kasal nila at nasa South Korea sila ngayon. Nakahinga siya ng maluwag ng maalala niya na.Napada/ing siya nang maramdaman niyang tila ba nag-exercise siya sa sakit ng buong katawan niya. Naalala niya ang malalang gyera na nangyari sa kanilang dalawa ni Owen kagabi. Tiningnan ni Kayla ang buong kwarto nila. Nagkalat pa ang mga suot nila at tanging sando at panty na lang ang suot niya.Napapasapo na

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 63.2

    Walang nagawa si Owen kundi ang sumunod. Napapaigting na lang ang panga niya. Sino ba ang mga lalaking yan para kabaliwan ng asawa niya? Nagpunta sila dito para sa honeymoon at para maging masaya silang dalawa pero bakit inis ang nararamdaman niya?Kunot noo niyang tiningnan ang asawa niyang malaki ang ngiti habang katabi ang lalaki?“Love, tapos na ba?!” sigaw ni Kayla sa kaniya. Mahigpit na hinawakan ni Owen ang cellphone niya.“Your hand, man!” sigaw ni Owen nang inakbayan ni Chae Min si Kayla.“It’s okay, don’t mind him.” Anas naman ni Kayla saka nito pinanlakihan ng mga mata. Nagngingitngit ang mga ngipin ni Owen sa inis. Hindi niya alam kung paano ba nakilala ng asawa niya ang lalaking yun. Nang matapos ay ibinigay niya kay Kayla ang cellphone.“Thank you, I love you!” saad pa ni Kayla kaya tinaasa siya ni Owen ng kilay. Ngumiti lang naman si Kayla.“I love you,” matamis nitong wika pero hindi nagbago ang reaksyon ni Owen. Nauna nang umalis si Owen, sumunod naman si Kayla habang

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 63.1

    Dumiretso na sila sa hotel na nabook na nila bago pa man sila magflight. Dumiretsong humiga si Kayla sa higaan dahil tila ba inaantok pa rin siya. Pakiramdam niya ay hindi pa rin nakakabawi ang katawan niya sa pagod at puyat niya sa kasal nila ni Owen.“Grabe yung lamig sa labas. Ang kapal na ng jacket ko pero nilalamig pa rin ako. Ang kapal kapal na rin ng snow. Kung makapal ang pagbagsak ng mga snow bukas, paano tayo makakapasyal niyan?” sambit ni Kayla nang maupo na siya sa kama. Inaayos naman ni Owen ang mga maleta nila.“Gusto mo bang bumili pa tayo ng mas makapal na jacket para hindi ka lamigin? Nakalimutan nating bumili ng scarf kaya baka dumadaan sa leeg natin yung lamig.” Bahagya namang napabuntong hininga si Kayla pero masaya siyang marating ang South Korea na kasama ang lalaking mahal niya.“Bukas na lang dahil gabi na, gusto ko na lang din magpahinga.” Sagot ni Kayla saka niya nilapitan ang mga maleta nila para iayos ito sa mga closet. Dalawa na silang nagtulungan para mab

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 62.2

    Nang makauwi ng penthouse ang bagong mag-asawa ay masaya nilang binuksan ang mga regalo sa kanila. Tuwang tuwa sila kapag may mga bagong gamit sila sa kitchen. Hindi rin nila natapos ang pagbibilang ng pera kagabi sa sobrang antok at pagod na nila.“Nakakatuwa palang magbukas ng mga gift ‘no? Sa tingin mo kaya magkakasya pa sa kusina ang mga bagong gamit natin?” anas ni Kayla.“Oo naman, malawak naman love yung kusina. Kaya mo pa bang iayos ang mga ito? Kukuha na lang ako ng pwedeng mag-ayos ng mga gamit natin para hindi ka na mapagod. Remember, may honeymoon pa tayo. Dapat nasa akin lang ang atensyon mo at sa akin ka lang mapapagod.” Natawa naman si Kayla sa sinabi ng asawa niya pero namula ang mga pisngi niya dahil nahihiya pa rin siya.Kapag naaalala niya ang ginawa niyang sayaw ay nahihiya pa rin siya hanggang ngayon lalo na at maraming nakakita. Karamihan sa mga close niya sa hospital ay dumalo kaya napanuod din nila ang nakapang-aakit niyang sayaw.“Ako na ang magluluto ng lunch

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 62.1

    Nang matapos silang kumain ay nagbihis na si Kayla para mas makagalaw siya ng maayos.“Are you ready?” tanong ni Jane kay Kayla. Napabuga naman ng hangin si Kayla dahil kinakabahan talaga siya. Paano kung masira ang profession niya? Pero ano naman ang mali kung magsasayaw siya? Kasal naman nila ito at kaniya ang gabing ito.“Kinakabahan but ready,” sagot niya naman na ikinatango ni Jane. Si Jane ang mag-aayos ng music ng sayaw ni Kayla.“Let’s welcome our bride and let’s watch her performance tonight! Mr. Groom, ready yourself!” anunsyo ng host na ikinagulat din ni Owen. Hinanap ni Owen ang asawa niya. Ang alam niya ay nagbihis lang ito, anong performance ang tinutukoy ng host?Nang bumukas ang pintuan ay nagpalakpakan ang mga bisita. Napatingin na rin si Owen kay Kayla na nakadress na lang. Ang dress niya na tila ba magsasayaw ng ballroom. Napalunok si Owen habang nakatingin siya kay Kayla na nasa dulo ng function hall.Nagsimula ang music at nagsimula na ring gumiling si Kayla. Nags

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status