Share

CHAPTER 13

Tinanghali na ako ng gising at kung hindi pa ako magmamadali ay paniguradong mala-late na talaga ako.

 

Mas maaga ang pasok sa akin ni bebs at ang bruha hindi man lang ako ginising o kahit man lang lutuan ako ng umagahan. Kaya ang ending, heto at nagtatakbo na ako papalabas ng apartment habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig ko.

 

Nang padaan na ako sa printing shop nila Kuya Al ay sandali akong tumigil. Napansin ko kasing nakatayo sa labas si Kuya Jay habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Saka ko lang napansin na mainit pala ngayon ang panahon. Kaya naman pala medyo tagaktak ang pawis ko sa noo kahit na kaliligo ko lang naman.

 

"Good morning, Kuya Jay."

 

Mukha siyang nagulat sa presensiya ko. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, dala marahil ng init talaga ng panahon. Mestiso kasi si Kuya Jay. Habang si Kuya Al naman ay moreno.

 

"Good morning, Lexus. Late ka na ata."

 

Naging que ko iyon para mag-umpisa na ulit sa paglalakad. Nag-wave na lang ako kay Kuya Jay as a sign of goodbye.

 

Pagkadating ko sa gate ng university ay mukhang may katulad din akong mala-late na sa klase nila. Ngunit sa kanilang lahat ay ako lang ata itong may malapit na bahay pero mahuhuli pa rin sa klase.

 

Nang nasa tapat na ako ng gate at chini-check na ng guard namin ang bag ko ay doon ko lang napansin na hindi ko suot sa leeg ang ID ko. At mukhang napansin iyon ni manong guard.

 

"Sorry, Ma'am. Pero no ID, no entry po tayo."

 

Kahit gusto kong idaan siya sa pakiusapan ay wala na akong nagawa. Ayoko namang magtatalak dito lalo na't alam kong ginagawa niya lang naman ang kanyang trabaho.

 

"Bakit ba tila ang malas ko naman sa araw na 'to?"

 

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang umalis na ro'n dahil may mga naghihintay din na mga istudyante sa likuran ko.

 

Ayokong bumalik pa sa apartment para kunin ang ID ko but I have no choice. There is no other way for me to enter this university. Kaya bagsak ang balikat kong unti-unting naglakad. Bahala nang ma-late sa first period, hindi naman siguro makakabawas sa grades ang ma-late ng isang beses.

 

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may humawak na sa palapulsuhan ko saka ako neto hinigit paharap sa kanya. Kaagad nagsalubong ang kilay ko nang makilala ko kung sino ang nasa harap ko.

 

"Dwight," banggit ko sa pangalan niya. "Can you let go of my hand? I need to go home."

 

"No need for that."

 

Kahit may gusto pa akong itanong sa kanya ay hindi ko na nagawa dahil hinigit na niya ang kamay ko papunta sa kung saan.

 

"Dwight, pwede ba wala akong oras para makipaghilaan? Kailangan ko nga sabing bumalik sa apartment."

 

Tumigil lang kami nang nasa gilid na kami ng university. Medyo may mga talahib dito at may kababaan ang pader.

 

"Don't tell me we're going to climb up their?"

 

Nang walang makuhang sagot sa kanya ay sunod sunod akong napailing. Ika nga nila, silent means yes.

 

"I don't like this idea of yours. Dwight, I'm warning you! Hindi ako aakyat sa pader na 'yan."

 

"Bakit? Mababa lang naman, Lex. Hindi ka naman mahuhulog diyan. At kung mahuhulog ka man, sasaluhin naman kita."

 

Hindi ko naiwasang paikutin ang mga mata ko dahil sa huling sinabi niya. Ayokong magpaka-assumera pero pakiramdam ko sa huling sinabi niya ay may ibang kahulugan.

 

"Naka-skirt ako, Dwight."

 

"Hindi kita sisilipan." Pinagtaasan niya pa talaga ako ng kilay.

 

"As if namang masisilipan mo ako, Dwight. Bago mo pa magawa iyon ay may black eye ka na sa akin." That made him laugh.

 

Dahil sa pagtawa niya ay napansin kong may maliit pala siyang dimples sa kanyang magkabilang pisngi.

 

"Tara na, Lex. Baka pareho pa tayong ma-late."

 

Bigla ay may napagtanto ako. "Hindi ba't classmates kayo ni Jam? Dapat kanina ka pa may pasok. Bakit ka nandito?"

 

"Lumabas ako nang makita kitang hindi pinapasok ni manong guard," kibit-balikat niyang sagot.

 

Napatango na lang naman ako at hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.

 

"Sumampa ka lamang sa putol na punong iyon," pagturo niya pa roon na nasa gilid lang, malapit sa aakyatin naming pader. "Gamitin mo iyon para maakyat mo ang pader at ako na ang bahala sayo sa kabila."

"Sige."

 

Naging que na iyon para tuluyan nang akyatin ang pader na iyon na tila walang kahirap-hirap.

 

"Lex, ikaw naman," rinig kong sabi niya sa kabila.

 

Huminga muna ako nang malalim bago sumampa sa isang putol na puno. Ginamit ko iyon para makaakyat. Pagkasampa ko sa pader ay nakaabang na siya sa baba. His arms spread and open widely. Siguro para i-accomodate ako.

 

"Sige na. Talon ka na, Lex. Sasaluhin kita."

 

Inayos ko muna ang palda ko. Dahan-dahan akong bumaba habang siya naman ay todo alalay sa akin. Ngunit tila natigil sa ere ang katawan ko habang ang kamay niya ay nasa beywang ko nang marinig namin ang pamilyar na boses.

 

"What are you two doing?"

 

Mabilis akong napalayo mula kay Dwight nang mapag-sino ang taong nasa harapan namin. Kulang na nga lang ay matumba ako sa semento dahil sa ginawa ko. 

 

Nangunot ang noo ko nang biglang ngumisi si Dwight. Ano ba ang iniisip niya? Alam niya bang dadaan si Josh dito? Ngunit ang alam ko ay walang nagagawi sa bahagi na ito ng university kasi may mga multo raw.

 

Nabalik lang ako sa matinong pag-iisip nang may marinig na isa pang pamilyar na tinig.

 

"Josh," boses ni Tamara.

 

Umakyat kaagad ang inis sa ulo ko nang ipulupot niya ang kamay niya sa braso ng honeybunch sweetypie ko. At talagang kinareer niya na ang pagiging ahas dito sa university.

 

"Hi, Josh! Good morning my honeybunch sweetypie, my ultimate crush," pagbati ko sa kanya not minding the snake beside him.

 

Mas lalo lang nagsalubong ang makapal niyang kilay. Sandali lang niyang tiningnan ang gawi ni Dwight saka na naglakad paalis. Naiwan si Tamara na mukhang natulala dahil sa naging attitude ni Josh. Kinuha ko namang opportunity ang pagkagulat niya para maglakad pasunod kay Josh. Ngunit kaagad akong hinarangan ng isang impaktang ahas.

 

"Have a shame on yourself, Euphrasia. Kung ayaw sayo ni Josh ay tigilan mo na siya. Stop chasing him. He'll not going to fall for your traps," pagtataray niya sa akin.

 

I'm not the type of girl who is a war freak. Ngunit pagdating talaga sa babaeng ito ay nauubusan ako ng pasensiya. She thinks too highly of herself. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at humakbang na palapit sa kanya.

 

"Bago mo ako tarayan at pagbawalan na lapitan si Josh. Siguraduhin mo muna kung girlfriend ka niya, ha?" Magsasalita pa sana siya pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. "Pero sa nakikita ko, hindi naman kayo. Kaibigan ka lang. Kaya ilugar mo 'yang sarili mo. Sa ating dalawa, ikaw talaga ang mas dapat magbigay ng kahihiyan sa sarili mo. At isa pa, huwag kang manguyapit sa kanya na tila ahas na naghahanap ng mabibiktima."

 

Kita ko ang pagpula ng kanyang pisngi. Nag-level up na si Tamara. Hindi na siya ahas, kung hindi isang dragon na handa na akong bugahan ng apoy.

 

"How dare you!"

 

Itinaas niya ang kanyang kamay. Ngunit bago pa man dumapo sa pisngi ko ang palad niya ay nasalag ko na iyon. May narinig pa akong pagsipol mula sa likuran ko at kahit na hindi ko tingnan ay alam kong si Dwight iyon. Akala ko ay umalis na ang isang 'to.

 

"I dare you, Tamara. So, don't mess up with me. You don't know who you're talking to."

 

Pasalbag kong binitawan ang kanyang kamay at saka na ako ulit nagsimulang maglakad. Huminto lang ako saglit saka tumingin pabalik sa kanya na mukhang gulat pa rin.

 

"And one more thing, hindi ikaw si Josh. Kaya hindi ikaw ang magdedesiyon kung lalapitan o lalayuan ko siya."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status