Share

CHAPTER 14

last update Last Updated: 2021-12-01 22:00:30

After class ay nakatambay nanaman kami ni Jam dito sa corridor na madalas daananan ni Josh. Mula kasi no'ng encounter namin kanina ay hindi niya man lang ako sinulyapan kahit na lantaran na ang pagtingin ko sa kanya.

Ilang beses din akong dumaan kanina sa labas ng room nila ngunit tila wala talaga siyang pakialam sa akin. Tulad na lang nang wala akong pakialam kay Tamara kahit na binabato niya ako ng masamang tingin.

"Nandiyan na si Josh," bulong sa akin ni bebs.

Hinigit ko talaga siya kanina papunta rito. May balak sana siyang mag-stay sa library after class pero syempre wala siyang magagawa dahil hinila, I mean hinatak ko talaga siya.

Kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa grupo ng mga architects na padaan na rito sa puwesto namin ni Jam. Masasabi kong walang maitatapon sa kanilang lima. Ngunit nakatutok talaga ang atensiyon ko sa lalaking nagmamay-a*i ng kulay green na mga mata.

"Ang gagwapo. Kung kaklase ko lang sila ay mas lalo akong magsisipag mag-aral," ani bebs na sinabayan niya pa ng paghagikgik.

Hinintay ko munang makalagpas silang lima sa puwesto namin bago ako tumayo at tawagin ang pangalan niya para makuha ang kanyang atensiyon.

"Joshua Arcel Gonzales."

Imbes na siya ang tumingin ay ang apat na kasama niya ang bumaling ng tingin sa akin. At kailan pa sila naging Joshua, ha?

Huminto lang siya sa paglalakad pero hindi man lang lumingon sa gawi ko.

"Kapag lumingon ka.. akin ka na talaga."

Nagkantiyawan naman ang apat niyang kasama. Ang dalawa sa kanila ay tinapik pa sa balikat si Josh.

"Akin ka na lang, Miss. Hindi kita sasaktan," pagbibiro ng lalaking mas matangkad sa kanilang lima.

Hindi ko kita kung anong tingin ang ibinibigay ni Josh sa lalaking iyon, pero bigla na lang netong itinaas ang kamay na tila sumusuko. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na silang apat kay Josh na ngayon ay nakatalikod pa rin sa akin.

Magsisimula na sana ulit siyang maglakad nang balingan ko ng tingin si Jam. Sinenyasan ko si bebs na gawin na namin ang kanina ko pang pina-plano. Kanina ko pa ito naisip habang nakikinig 'kuno' sa discussion ng prof namin kanina.

Walang ganang tumayo naman si bebs pero umakto pa rin siya na tila gulat na gulat. Pang-best actress talaga ang acting-an ng pinsan ko.

"H-hoy! A-anong ginagawa mo, Euphrasia? Isuot mo nga 'yang uniform mo. Huwag mong hubarin! Baliw ka na."

Nakita kong saglit na natigilan si Josh ngunit sadyang bato ata talaga ang puso niya dahil nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. He leave me no choice. Kaya buong-lakas kong itinapon ang blouse ko at nagpapasalamat ako na nag-landing iyon malapit sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, marahil ay kakampi ko lang talaga si tadhana sa mga kagagahan ko sa buhay.

Dahil sa ginawa ko ay tuluyan na talaga siyang natigilan. Tila sumilip sa akin ang kagandahan ng langit nang tuluyan na siyang bumaling sa gawi ko. Kitang-kita ko kung paano namula ang kanyang pisngi at manlaki ang kanyang mga mata. Tuluyang kumunot ang noo niya nang mapagtanto ang ginawa ko.

Napahigikgik na lang ako sa naging reaksyon niya. Buong akala niya siguro ay hinubad ko talaga ang blouse ko. Ang hindi niya alam ay kasama ito sa plano ko dahil may dala akong extra'ng blouse na siyang itinapon ko malapit sa gawi niya.

"Paano ba iyan, Joshua Arcel Gonzales? Akin ka na, my honeybunch sweetypie my ultimate crush." Sabay ngisi. "I got you, babe."

Naabutan ko na nagkakape na si Jam pagdating ko sa kusina. Sumaglit ako sa cupboard at kumuha ng tasa para ipagtimpla ang sarili ko. Simula nang tumira kami rito sa apartment ay nakasanayan na naming dalawa na uminom ng kopiko blanca. Masyado kaming mapapagastos kung sa coffee shop pa kami iinom.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong palda. Kaya ibinaba ko ang tasa ko sa counter saka binuksan ang mensaheng galing sa isang hindi rehistradong numero, pagkakuha ko ng cellphone. Halos mapalundag ako nang makatanggap ng confirmation text about sa scholarship ko. It's already granted!

"Ang saya mo? Bakit?"

Napalingon ako kay bebs na nakakunot ang noo habang may tangay na tinapay sa bibig niya. Inilagay na rin niya ang tasang pinag-inuman sa lababo.

"Bebs, nakatanggap ako ng text mula sa capitol. Pasok na ako!"

Mas lalo lang atang nangunot ang noo niya dahil sa naging balita ko, imbes na maging masaya tulad ng nararamdaman ko ngayon.

"Paanong nangyari iyon? Did they called you for an interview?" Naupo siya ulit kaya naupo na rin ako habang hawak-hawak ang kapeng ginawa ko para sa sarili.

"Hindi eh."

"Sa tingin mo ginawan kaya ito ng paraan ni tito?"

Nagkibit-balikat naman ako. "I don't know. But I'll call or text him later. Sa ngayon gusto ko munang mag-celebrate kasi madadagdagan na ang panggastos natin."

"What about your part time job? Ang sabi sa akin ni Dwight ay natanggap ka raw."

Napatango naman ako. "Thanks to him."

"Kailan ang start mo?"

Sandali akong sumimsim sa kape bago siya sagutin. "Bukas."

Matapos naming mag-almusal ay naghanda na rin kaming dalawa para sa pagpasok. Sumaglit akong nagpunta sa kuwarto at miretso sa study table ko saka binuksan ang aking drawer kung saan nakalagay ang diary ko. Kinuha ko pa ang susi sa maliit kong pitaka saka binuksan ang padlock no'n. Napangiti ako nang m****a ang nilalaman ng diary ko.

Kailan ko kaya isasagawa ang plano kong pag-seduce kay crush? Maybe later? Or tomorrow?

Nang makarinig ako ng yabag sa labas ng kuwarto ay nagmamadaling isinara ko ang diary ko saka ulit ibinalik ang padlock neto. Matapos ay isinilid ko iyon sa bag. Kahit pa may padlock ang diary ko ay hindi pa rin ako sigurado kung safe bang iwanan ko lang ito rito sa drawer. Mas maganda siguro na dalhin ko ito para maging reminder ko sa dapat kung gawin.

Pagkatapos naming masigurong naka-lock lahat ng bintana, pinto at gate ay nagsimula na kaming maglakad.

Mukhang maganda ang panahon ngayon – medyo malamig ang simoy ng hangin. Napangiti ako nang madaanan namin ang isang punong naglalagas ang mga dahon. Kaagad kong sinalo ang dahon na malapit nang malaglag sa tapat ko. Nasalo iyon ng palad ko kaya naisipan kong ilagay sa diary.

Sinilip ko pa si bebs na mukhang abala naman sa phone niya kaya kinuha ko na sa bag ang diary ko. Ngunit bago ko pa man makuha sa pitaka ang susi ay may biglang humablot ng diary ko mula sa pagkakahawak ko.

"What is this?"

"Ibalik mo iyan sa akin, Dwight!"

Para kaming mga batang nag-aagawan. Ngunit dahil isa siyang dakilang jerk ay itinaas niya ang diary ko. Mas lalong imposible na maabot ko iyon dahil mas matangkad siya sa akin. Nawala na tuloy ang interes ko sa dahon na nasalo ko kanina at hinayaan na lang iyong mahulog sa lupa.

Nilingon ko pa ang puwesto ni Jam pero mukhang iniwan na niya kaming dalawa dahil nasa gate na siya ng university habang sinusuri na ng guard ang bag niya. Kinuhang opportunity ni Dwight ang paglingon ko sa gawi ni Jam, para tumakbo. Nang mapansin ko iyon ay kaagad ko siyang hinabol. Not minding that I am wearing a skirt.

"Dwight!" Halos magsisigaw ako dahil inakyat niya lang naman ang mababang pader sa gilid ng university, ang dinaanan namin kahapon.

"Kapag hindi ka pa tumalon, Lex. I swear hindi mo na talaga makukuha ang kulay pink na bagay na 'to. What is this for? Is this your notebook about your secrets and confession for me?"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na umapak sa putol na punong nakatumba saka sumampa sa pader. Mukha naman siyang nagulat pero kaagad niya ring inihanda ang sarili para saluhin ako. Nunkang magpapatulong ulit ako sa kanyang bumaba. Baka mapadaan ulit dito si Josh at magselos pa iyon. Ngayon ko lang din kasi napagtanto na malapit lang dito ang building ng mga architect.

Kaya kahit hindi ko kaya ay pinilit kong bumaba nang walang hinihinging tulong mula kay Dwight. Ngunit matapos kong makababa aykumaripas nananaman siya ng takbo, tangan ang diary ko.

At ako naman itong si maganda, syempre hinabol ko siya. Kahit na alam kong nasa akin ang susi ng padlock ng diary ko. Hindi pa rin magandang mapasa-kamay iyon ng hudas na si Dwight.

Wala na rin akong pakialam kung pagtinginan pa kami ng mga istudyante na nalalagpasan naming dalawa.

"Is this what they called chasing your crush?"

Halos kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Kaya naman mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Good thing at sneakers ang suot ko at hindi stilletos.

Kaunti na lang sana at maabutan ko na siya, ngunit gano'n na lang ang paghinto ko nang tila may mahawakan akong isang bagay at narinig ko ang pagkapunit no'n. Kaagad akong napalingon sa kanang bahagi ko at gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bumungad sa akin si Josh.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status