Share

Chapter 20

Author: EJ QUINO
last update Last Updated: 2021-11-16 13:44:05

Sheiha Fajardo's POV

Nagising na lang ako na nasa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad na hinawakan ang batok ko. Hindi ko alam pero para itong nangangalay. Iginalaw-galaw ko ang ulo

Hinanap ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'to tumutunog. Nakita ko ito sa side table. Pilit ko itong inaabot na hindi umaalis sa pwesto ko.

Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko, pero agad ko itong nailayo dahil sa napakalakas ng boses sa kabilang linya.

"Clinton naman!" bulyaw ko sa kabilang linya.

"Shit, Sheiha! Saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Nagpa-panic din siya, "Kanina ka pa hinahanap ni Brimme! Sa palagay ko nagwawala na 'yun sa kung saan."

Napakunot-noo ako, "Ano ba ang nangyari?"

Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong manakit. Hinilot-hilot ko ito para kahit papaano ay mawala ang sakit. 

"Anong nangyari?! Bigla ka lang namang nawala sa cafe kanina." 

"Cafe...?"

Hindi ko maalalang nagpunta ako roon. Sinong kasama ko? Here it is again. Pinipigilan na naman ba ako ng utak kong makaalala?!  

"Hindi... Hindi mo na naman maalala? Teka, tatawagan ko muna si Brimme. Nasaan ka ba?"

"Nasa... Nasa bahay lang..."

"Anong ginagawa mo riyan?"

Napakamot ako sa batok,

"Ano, natutulog...?"

"Huh!" Hindi nito makapaniwalang buga, "Nag-aalala kami kakahanap sa 'yo, tapos natutulog ka lang pala?! Hustisya, Sheiha! Nasaan ang hustisya!".

Napangiwi ako, "Nasa korte...?"

Natahimik ang kabilang linya. Tiningnan ko kung naputol na ba ang tawag.

"Huh...?"

Ayun, slow ang ugok.

"Wala... Sabi ko tawagan mo na si Brimme dahil hindi mo makikita ang hustisyang hinahanap mo kapag patay ka na. Gets mo?" Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Pinatay ko na ang tawag at humiga ulit.

Pilit kong iniisip ang nangyari kanina. Ano ba talaga ang nangyari?

Lumabas kami nang ospital. Tapos naglakad sa napakatirik na araw dahil walang sasakyang dala si Brimme. May nakita akong cafe at pumasok kami roon.

Napabalikwas ako nang bangon. Nagtanong ako roon sa babae kung nasaan ang banyo. Pumunta ako sa gilid ng playground kung nasaan ang banyo. Pagkatapos....

"Patawad, nak..."

"Patawad, nak..."

"Patawad, nak..."

Napahawak ako sa batok ko at hinilot ito. Pagkatapos ay sa sentido kong mas tumindi ang pagsakit. Panaginip lang ba 'yun? Pero paano ako napunta rito kung imahenasyon ko lang lahat? Nag-sleep walking ako galing sa cafe papunta rito sa bahay?

"Patawad, nak..." mahinang sambit ko.

Napakapamilyar ng boses ng lalaking 'yun. 

"Papa..."

Gulat akong napalingon sa pinto dahil sa biglaang pagbukas niyon. Humahangos na Brimme ang sumalubong sa 'kin at agad na yumakap. Nakasunod si Clinton at Damon dito na humahangos din. Humawak sila sa kani-kanilang tuhod dahil sa paghahabol ng hangin.

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Sinong nagdala sa 'yo rito?" Hinawakan ni Brimme ang magkabilang pisngi ko, "May naalala ka ba kahit kunti?"

"Si.... papa."

"H-Huh...?"

"Tingin ko, nakita–hindi, narinig ko ang boses niya, bago ako mawalan nang malay..."

"S-Si papa? Papa natin? Bakit ka nawalan nang malay? Paano ka napunta rito?"

Tumango ako, "Siya ang nagdala sa 'kin dito, sa palagay ko..."

"Sabi mo hindi mo naalala ang nangyari kanina?" takang tanong ni Clinton.

"Pinilit ko ang sariling makaalala." Tiningnan ko si Brimme, "Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni papa 'yun..."

Tumayo siya, "Gusto mong malaman kung saan ako nagtatrabaho 'di ba?" Tumango ako, "Tara... Kailangan natin siyang mahanap."

___

Kailangan daw na nakatakip ang mga mata ko papunta sa pinagtatrabahuan ni Brimme. Hindi ko maaaring malaman kung saan kami dumaan. 

"Ayos ka lang talaga? Hindi ba masakit ang ulo mo?"

Umiling ako.

"May sinabi ba si papa sa 'yo?" 

Tumango ako, "Humihingi siya ng tawad..."

"We're here," rinig kong sabi ni Clinton. Siya kasi ang nagsilbing driver namin. Sumama rin si Damon. Pareho pala silang tatlo nang pinagtatrabahuan.

Kinuha ko ang takip sa mga mata ko at sinundan si Brimme palabas ng van. Nagtaka ako dahil walang kahit na ano sa lugar na kinaroonan namin. Kung hindi mga lupa lang. Napakalawak na lupain.

"Hindi ba tayo mapapagalitan ni superior nito?" Nakapamulsang tanong ni Clinton habang nakatanaw sa malawak na lupain. 

"Nagpaalam ako," sagot ni Brimme.

Nakita kong nakapikit si Clinton habang sinasamoy ang sariwang hangin, "Namiss ko nang makapunta rito. Kailan ba no'ng huli kong tapak dito?"

"Tara..." 

Sumunod kaming lahat kay Brimme. May isang maliit na bundok ang inakyatan namin bago kami makarating sa isang kweba.

"Bakit ba rito nila naiisipang magtayo nang agency?" Naiinis na tanong ni Damon. Kung makapagreklamo ito ay para bang hindi ito nagtatrabaho rito.

"Puro ka reklamo riyan! Palabasin mo nga si Dane. Iyon, matino pa kausap. Hindi puro reklamo ang isang 'yun."

"Tumahik nga kayo! Pareho naman kayong reklamador, e!" Nababanas kong bulyaw sa dalawa. 

Kung maaari nga ay pagbuhulin ko silang dalawa. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa pabigla-biglang pagbabago nang mood ko. 

"Mag-flashlight kayo. Gamitin niyo mga phone niyo," sabi ni Brimme habang may kinakalikot sa cellphone niya. Hanggang sa isa-isang nagliwanag ang mga phone nila.

"Kaya naman nating maglakad dito nang walang ilaw." 

I put my phone's flashlight on Clinton's face. Naiinis ako sa sinabi niya. Pwede bang manakit? 

"Kasama natin si Sheiha. Hindi niya kayang makakita sa dilim," maikling ani ni Brimme. 

"Ang galing niyo, ano? Nakakakita kayo sa dilim? Ano 'yang mga mata niyo? May supernatural powers?" Sarkastikong ani ko. 

Hindi na umimik ang iba. Nagsimula nang maglakad si Brimme papasok ng kweba. Sumunod ako, si Clinton at nasa huli si Damon. Kanina ko pa napapansin na tahimik lang si Damon pagkadating namin dito sa kweba. Baka napapagod nang magsalita.

"Kaya hindi ako nagbubukas ng liwanag dito, e. Nakikita ko ang malalaking supot ng mga gagamba at napakalaking mata ng mga paniki. Jeez," kinikilabutan na ani ni Clinton. Imbes na daan ang dapat na iniilawan niya, iyong mga supot at paniki ang binibigyan niya nang liwanag. Nang-istorbo ang putek.

"Kung ito 'yung anu niyo, bakit hindi niyo inaana?" tanong ko habang pumapalibot ang paningin sa kweba. Lalo na sa itaas na bahagi.

"Ano?" 

Nilingon ko si Clinton, "Kung ano niyo 'to, bakit hindi niyo inaano?"

"Anong inaano ba?"

"Ano, iyong ano..."

"Anong ano nga?!"

"Kung ito 'yung nagsisilbing head quarters niyo, bakit hindi niyo nililinisan?!" Ramdam kong nakakunot-noo na ako, "Bakit hindi mo maintindihan? Simpleng tanong lang hindi mo masagot-sagot, puro ka ano nang ano!"

Nag-e-echo ang mga boses namin sa loob ng kweba. Pati nga paghinga ng bawat isa ay naririnig namin. Bawat pagtapak at paghakbang namin sa lupa ay naririnig namin. O' ako lang ang maingay maglakad?

Namewang si Clinton at hinarap ako,

"Paano kita sasagutin ng maayos, e puro ka ano nang ano? May sense ba 'yang tanong mo? Gague 'to, e."

"Ikaw!"

"Ikaw!" 

"Clinton!"

"Sheiha!"

He's mimicking everything I've said! Gosh! Nakakagigil!

"Brimme, o!" Ungot na sumbong ko kay Brimme.

"Tumahimik kayo kung ayaw niyong paguuntugin at pagbubuhulin ko kayo. Naririndi na ako sa mga ingay niyo, a."

Pareho kaming umingos ni Clinton sa isa't isa at sabay na nag-iwas nang paningin.

"Asungot..." bulong ko.

"Sheiha?" nagbabantang tawag ni Brimme.

Napanguso na lang ako, "Tatahimik na!"

Tahimik kaming naglalakad. Ang tanging maririnig lang ay ang paghinga at mga yabag namin. 

"Ahhh!" 

Bigla akong napayuko at napahawak sa magkabilang tainga.

P-Putok ng b-baril...? Saan n-nanggaling 'yun?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing that Light   Chapter 33

    Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!

  • Chasing that Light   Chapter 32

    Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i

  • Chasing that Light   Chapter 31

    Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i

  • Chasing that Light   Chapter 30

    Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa

  • Chasing that Light   Chapter 29

    Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k

  • Chasing that Light   Chapter 28

    Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status