FAZER LOGIN“Pupunta ka na sa school?” tanong niya sa asawang kakababa lang galing sa kuwarto. Kasalukuyan itong nasa hagdan at pababa na sa kusina. Nakaligo na ito, nakabihis at nakasapatos. Ang aga naman, ni hindi pa nga siya nakaligo dahil inuna niya ang pagluto ng agahan. Bago siya nagbitaw ng tingin sa lalaki ay na-inspection na niya ang suot nitong uniform. Ang guwapo pa rin talaga, walang kupas.
Kinuha niya ang mga ulam na niluto niya at nilagay iyon sa mesa. Matamis siyang ngumiti nang nakababa na si Gian at tiningnan ang ginagawa niya. Alas sais palang ng umaga ngayon. Kanina eksaktong alas singko ng umaga palang ay gumising na siya para maghanda ng agahan nilang mag-asawa. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi siya. Kahit sa ganitong paraan ay makuha niyang muli ang dating Gian na kinunan niya ng kalayaan. Gusto niyang makitang muli ang matamis na ngiti ng lalaki. Ang ngiting naging dahilan kung bakit siya nahulog. Tila iyon pa ang naging patibong. Patibong na hindi na niya kayang layuan. “Sa school na ‘ko kakain.” Literal siyang napanganga sa sinabi nito. Sa school ito kakain? Paano ang mga niluto niya? Huwag nitong sabihin na solo lang siyang kakain? Nataranta siyang nilapitan si Gian. “Maaga pa naman, dito ka na lang kumain. Sayang naman itong hinanda ko.” Napalabi niyang sabi pero hindi nakinig si Gian. Kinuha nito ang mga gamit nito at nagmamadaling lumabas. Iniwan siya nito sa kusina. Tiningnan niya ang mga pagkain. Hindi puwede! Hindi siya papayag na hindi siya nito sabayan! Tumakbo siyang sinundan ito at hinawakan sa braso. “Sige na, Gian, dito ka na kuma—” Winaksi ni Gian ang braso at nabitawan niya ang pagkakahawak dito. Nag-iba na talaga ang Gian na nakilala ko, bulong niya sa sarili. Pero wala namang ibang dapat na sisihin, siya lang. Walang ibang dahilan kung bakit naging ganito kun’di siya lang. Mas inuna niya ang gusto niya, hindi niya inisip kung may masasaktan ba siya. “Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Ganiyan ka ba kabobo, Vanessa? Huwag mong ipagpilitan ang mga bagay na ayaw ko! Naiintindihan mo?” sigaw nito sa mukha niya. Sobrang dilim ng mga mata nito, mababakas ang galit, poot, at hinanakit sa mukha ng asawa niya. Napahikbi siya. “And one more thing, huwag mo akong iyak-iyakan, Van,” dagdag nito. “Gusto ko lang naman —” “Ayoko sa mga gusto mo! Akala mo ba mababawasan ang nararamdaman kong galit sa’yo dahil lang sa mga paghanda mo ng agahan? Pwes! Hindi!” Padabog nitong isinara ang pintong nilabasan. Napahawak siya sa kaniyang mukha at nilabas ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Gusto lang naman niyang mag-work ang kasal nila kaya siya nagkakaganito. Wala na siyang magagawa upang matama ang maling nagawa niya. Kung kaya niya lang, ginawa na niya. Hindi madaling makitang ang dating Gian na minahal niya ay naging ganito. Hindi madaling pakisamahan ang taong sa una palang ay ayaw na presensiya mo. Hindi madali, napakasakit. Tanging mga hikbi na lang niya ang maririnig sa malaking bahay. Ano ba namang kamalasan ang nangyayari sa buhay niya? Pinahid niya gamit ang mga kamay ang luhang bumalisbis sa mga mata niya. Kahit patuloy iyon sa pag-agos ay hindi siya nagpadala. Hindi ito ang tamang panahon upang panghinaan siya ng loob. Hindi ganito ang dating Vanessa, bulong niya. Muli siyang nagpahid ng luha at pagkatapos ay nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga at ngumiti. “Akala mo siguro, susuko na ako, Gian? Well, nagkakamali ka kasi nagsisimula palang ako,” natatawa niyang sabi. Bumalik siya sa mesa at pinagmasdan ang mga hinandang pagkain. Muli siyang nilukob ng lungkot. Paano na itong hinanda niya? Sayang na naman ang effort niya. “Ang dami ko pa namang hinanda, tapos hindi pala kakain ang mukong na baklang Gian na iyon.” Umupo siya sa bakanteng silya at malungkot na pinasadahan ng tingin ang mga pagkain. Gian Saldivar, lalaking-lalaki pero bakla ang may-ari, natatawang bulong niya sa sarili. “Mauubos ko ba kayong lahat?” tanong niya sa mga pagkain na nasa mesa. Padabog siyang kumuha ng tinidor at tinusok sa isang hotdog bago mataman iyong tiningnan. “Alam mo, kung naging ikaw lang ang hotdog ni Gian? Kakainin talaga kita.” Natatawa siyang kinausap ang hotdog na hawak. “Dios mio, ano itong pinagsasabi ko. Parang hindi magtatagal, mababaliw na ko.” Humalakhak siya. “Bwesit ka, Gian!” sigaw niya. BINALOT niya lahat ang mga pagkain na natira at nilagay niya sa dalawang lunch box. Halos hindi maipinta ang mukha niya pero hindi niya hinayaan na masira ang araw niya dahil lang doon. Bawal siyang ma-stress, nakasasama ng beauty. Nang matapos niyang ibalot lahat ng pagkain ay muli siyang umupo sa silya. Sayang din ito, ‘no? Pinaghirapan niya kaya itong lutuin. Ni magprito nga ng hotdog noon ay hindi niya ginawa tapos ngayon nagprito pa siya ng isda. Pinaikot niya ang mga mata. Kaya nanggigigil talaga siya, ang sarap kagatin ni Gian sa leeg! Ang swerte kaya ni Gian, siya ang unang lalaking pinaglutuan ko tapos may gana pa siyang tanggihan ako. Pa hard-to-get, ‘te? Gandang-ganda sa sarili? Hindi niya napigilang mapahalakhak sa naisip. Hindi kasi pa hard-to-get ang tawag do’n. Dahil galit talaga si Gian sa kaniya. Sino ba naman ang hindi magagalit diba? Kinuha niya ang kalayaan nito. “Oh sige na, kasalanan ko na lahat. Taena!” Nang tapos na niyang saktan ang sarili at kaawaan ay tumayo na siya at pumasok sa kuwarto na ipinahiram ni Gian. Nagbihis na siya, mabuti na lang talaga at nadala niya ang departmental shirt niya, kasi kung hindi, panigurado na hindi siya makapapasok sa campus. Paepal din kasi ang guard nila, dinaig pa ang chancellor. Friday kasi ngayon kaya departmental shirt ang susuotin niya. Gano’n kasi ang policy ng university nila. She pair it with black maong pants ang black rubber shoes. Tumingin siya sa salamin bago lumabas ng maid’s quarter. Taenang Gian talaga ‘yon, ginawa pa ‘kong katulong. Pero ayos lang, love ko naman ang tipaklong na iyon. She chuckled. “Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.” Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay lumabas na siya ng bahay. Ngumiti pa siya pagkatapos maisara ang gate. Ito ang unang araw na naging Vanessa Alvarez Saldivar siya, good vibes lang dapat ang masagupa niya. Three minutes walk bago siya makarating sa terminal ng tricycle. Hay jusko! May sasakyan naman ang asawa ko but look at me now, mag-co-commute pa ‘ko. Kairita! Padabog siyang umupo sa tricycle at nilagay ang bag sa tabi. “Manong, let’s go na po,” sabi niya sa driver. “Nako Ma’am, kulang pa po tayo ng tatlo,” sagot nito sa kaniya na nagpalaki ng kaniyang mga mata sa gulat at nagpalaglag ng panga niya. Kulang ng tatlo? Luminga-linga pa siya at mas lalong nalaglag ang panga. “Seryoso? Ang sikip-sikip na nga po eh,” reklamo niya na tinawanan ng mga kasama niyang mga pasahero. “Ate, first time mo bang sumakay ng ganito? Sana po nag-taxi na lang kayo, hindi po masikip don,” kausap ng bata sa kaniya na mas lalong ikinatawa ng lahat. She just rolled her eyes at hindi na pinatulan ang sinabi ng bata. Totoo naman kasi ang sinabi nito, malay ba niyang ganito ang setup kapag sumakay ng tricycle. Nasa front seat siya ng tricycle at siya ang nasa gitna. Isang ginang at isang lalaking estudyante ang kaniyang katabi, schoolmate pa niya. Sa palagay niya ay fourth year student din ito. “Kuya, usog po ng kaunti please. Naiipit kasi ako,” tawag pansin niya rito. Pero hanggang lingon lang ang ginawa ng binata. “Kuya—” “You know what, mahuhulog na ‘ko, Miss. Kung magpalit na lang kaya tayo ng puwesto.” Malakas ang pagkakasabi nito kaya narinig ng lahat ng pasahero. Pisti! Ang sungit-sungit. Hindi naman guwapo . “Stop this bullshit tricycle! Bababa ako!” “KUMUSTA naman kayo ni Sir Gian, Van?” tanong sa kaniya ng pinsan niyang si Mae. Nasa Computer Laboratory sila at ginagawa ang research proposal nila na parang ayaw na niyang tapusin. Simula na ng second sem kaya simula na rin ang kalbaryo ng mga graduating students – thesis! Tumigil siya sa pag-type at nilingon ang chismosa niyang pinsan na gusto pa yatang kalkalin ang love life niya. Lihim siyang napangiti sa naisip. Love life talaga? Eh si Gian nga ay halos patayin na siya sa inis. Well, bahala siya sa buhay niya. “Hoy tinatanong kita, may pa smile-smile ka pa. Alam mo, dapat nga mainis ako sayo eh.” Nilingon niya ito ulit at tinaasan ng kilay. Nag-iinarte na naman ang chismosa niyang pinsan. Literal talaga na chismosa ito. Wala kasing balita sa university na hindi nito nalalaman. “At bakit naman?” intriga niyang tanong. Siya dapat ang nag-e-emote rito, hindi si Mae. “Diba may usapan tayo na ako ang bridesmaid mo? But look what happened? Ni invitation nga ay hindi mo ko binigyan, tapos malalaman ko na lang na kinasal na kayo? Aba! Basaan ang hustisya roon, Mars? Daig mo pa ang budol-budol gang eh, walang pasabi! Nakakainis ka! Kapag ako talaga kinasal, taga-hugas ka lang ng plato. Tse!” Ngayon naman naging madrama ito. She rolled her eyes at napailing. “About that, I’m sorry. Walang bridesmaid or chuchu whatever sa kasal ko, Mae. Civil lang ‘yon. Don’t yah worry, kapag kinasal ako ulit, ikaw ang kukunin kong flower girl,” natatawa niyang sabi rito para tumigil na ito sa pagda-drama. Nakakatakot kasi itong kwentohan dahil tiyak na ang kuwento mo ay ilalagay nito sa student publication ng university. Si Shiella Mae Alvarez kasi ang Editor-in-chief ng Student Publication ng university nila. Isa rin ‘yan sa naging dahilan kung bakit napaka-chismosa nito. Kilala nito halos ang mga students sa university lalo na ang magaling sa mga literary works at iyong nga student na may potential sa literary. Tama talaga ang sabi ng iba na ‘wag kang magpadalos-dalos ng kuwento sa mga chismosa, especially sa mga writer. You wanna know why? Baka gawan ka ng story at ibubulgar lahat ng secrets mo. Deads ka do’n balae. Narinig niyang bumuntonghininga ang pinsan niya. Nilingon niya ulit ito. “Lalim non ah?” tanong niya. Akala niya tapos na ang drama nito, may ikalawang bahagi pa pala o baka nga ay nag-warm up lang si Mae. “Na-scam kasi ako.” Tumigil ito sa pag-type at sinara ang notebook pagkatapos ay nilagay sa dala nitong bag. Hindi siya nito tiningnan. “Scam? Ikaw? Na-scam? Aba, himala yata,” natatawa niyang sabi rito. “Tapos ka na?” dagdag niya nang tumayo si Mae. “Mamaya ko na tatapusin ‘to. Promise. Sigurado ka na ba talaga sa topic natin? How about sa research title, okay na kaya ‘yon?” tanong nito sa kaniya. “Baka ibasura ni Sir ito ha?” “Siya ang ibabasura ko,” natatawa niyang sagot sa pinsan. “Baliw!” Inayos ni Mae ang nagusot nitong departmental shirt at kinuha ang bag. “Mauna na ‘ko ha? Adios!” Nagmamadali itong iniwan siya at nagtungo sa logbook ng education students at nag log-out . Napailing na lang siya, hindi niya talaga maintindihan minsan ang pinsan niya. Medyo may sayad na ewan. Lihim siyang napangiti. “Kung ako ay matigas ang ulo, si Mae naman ay may sayad sa utak,” wala sa sariling naiwika niya at hinarap ang computer. “At least si Mae, hindi maarte kapag nasa tricycle. ‘Di katulad mo. Hindi na nga kagandahan, ubod pa ng arte.” Narinig niyang may nagsalita sa tabi niya. Boses pa lang, lalaking-lalaki na. Agad niya itong nilingon. Pisti, ito yong lalaking nakatabi ko kanina sa tricycle. Biglang nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. Kinuha niya ang notebook niya at sinapok sa ulo ng lalaki. “Alam mo, ikaw! Kanina ka pa eh!” galit na sabi niya. “Hindi mo lang alam kung bakit nag-iinarte ako kanina. Kahit sino pa siguro, gagawin ang ginawa ko. Alam mo kung bakit? Ang baho kasi ng kilikili mo! Buwesit ka!” Pinukol niya ito ng masamang titig. Gusto niyang kalmutin ito sa mukha. Naiinis talaga siya. Wala sa sariling inamoy ng lalaki ang kili-kili nito. She rolled her eyes para mapagtakpan ang nararamdaman niya. Gusto niya talagang tumawa dahil hindi naman talaga mabaho ang kilikili ng lalaki. Wala na kasi siyang maisip na puweding idahilan sa binata. Tinawag ba naman siyang maarte! Ginalaw niya ang mouse na hawak para mag log-out sa account niya pagkatapos ay kinuha ang gamit at tumayo. Pero bago pa siya makahakbang ay nahawakan ng katabi ang braso niya. “Hindi mabaho ang kili-kili ko!”MAG-ISANG hinarap ni Vanessa ang computer, as usual nasa computer laboratory siya ng department nila. Dito siya palaging tumatambay magmula no’ng nagsimula ang kalbaryo niya. One week na ang matuling lumipas nang pumuntang Isla Berde ang chismosa niyang pinsan na si Mae.Do’n na raw ito titira sa lugar ng Lola nito sa mother side. Hindi pa siya nakakatapak sa islang iyon pero base sa mga kuwento ni Mae, napakaganda ng islang ‘yon. Breathtaking. Pero dahil sa isang aksidente, hindi na niya alam kung may balak pa ba siyang pumunta sa islang iyon. Aksidente na ayaw na niyang maalala pa.Ngayon ay mag-isa niyang itataguyod ang research paper na sinimulan nilang dalawa ng pinsan niya. Nakaramdam siya ng panghihinayang, graduating na sila pero saka pa nagkaganito ang pinsan niyang chismosa. Wala talaga eh, hindi natin hawak ang lahat ng maaaring mangyari.Bumukaka ba naman kasi at hindi gumamit ng kung anong contraceptives o kahit withdrawal na lang sana. Dios mio! Kaya dumadami ang populas
NAALIMPUNGATAN si Vanessa dahil kahit ang lalim na ng gabi na ay sobrang init pa rin sa kuwarto niya. Bago pa nga siya nakatulog kagabi ay nagtabi pa siya ng pamaypay para kahit kunti man lang ay mabawasan ang init sa kuwarto niya. Idagdag pa ang matigas niyang higaan na dinaig pa ang bato, sobrang nakakasakit iyon sa likod. Hindi niya talaga alam kung paano siya nakatiis sa ganitong setup.Nag change position si Vanessa at muling pumikit, umaasang dadalawin ulit siya ng antok pero kasama yata niya palagi ang malas, naging malikot ang antok kay Vanessa at hindi na siya muling dinalaw pa.Nagpasya siyang lumabas ng kuwarto, kung minamalas naman kasi, sa buong bahay na ito ang kuwarto niya lang ang walang air-con. Ganyan kasama ang ugali ng asawa niya. Ewan, para yatang kapatid ni Gian si Satanas. Kulang na lang talaga, tubuan ng sungay si Gian, eh. Napailing si Vanessa, katulong nga tayo diba?‘Yong kwarto kaya ni Nanang, may air-con kaya? Tanong niya sa sarili.Nagsuot siya ng tsinila
LUNES, isang buwan na ang matuling dumaan sa buhay ni Vanessa. Isang buwan na parang sa tingin niya ay isang linggo lang. Mas lalong tumindi at naging dahas sa kaniya ang kaniyang asawa na si Gian. At ang mas malala pa ro’n, nagdadala na ito ng lalaki sa bahay nila.Este, bahay nito. Para bang pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nag e-exist sa buhay nito. Gano’n naman talaga ang ginagawa ni Gian. Lahat ng gawin niya ay hindi nito pinapansin at binabaliwala.Naalala niya no’ng isang araw, masaya pa siyang inayos ang design sa loob ng guest room kasi balak niyang doon matulog dahil hindi talaga siya comfortable na do’n matulog sa maid’s quarter ng bahay. Sobrang nagalit si Gian sa ginawa niya at naging away nilang dalawa iyon.Dapat daw kasi hindi siya nagingialam dahil hindi naman daw niya bahay iyon at dapat daw siyang makuntinto. Sabagay, totoo naman kaya wala na siyang nagawa kun’di tanggapin ang desisyon at galit ng asawa.“Lalim ah? Muntik na ‘kong malunod.” Tumabi sa kanya s
MALALIM na ang gabi, sinulyapan niya ang suot niyang relo. Alas siyete na siya nakauwi o mas tamang sabihin na alas siyete na siya nakarating. Hinaplos niya ang giniginaw na braso. Bakit kasi sa lahat ng puwede maiwan, jacket pa niya talaga! Nagbuga siya ng hangin, ang ginaw talaga.Sinulyapan niya ang buong bahay, mas madilim pa iyon kumpara sa labas. Tanging ang kuwarto lang ni Gian ang nakabukas na ilaw sa buong bahay, nakauwi na pala ito. Tinatamad siguro itong magbukas ng ilaw o baka nagtitipid ng kuryente. Edi, wow! Nagtitipid!Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto upang hindi siya makagawa ng kung anong ingay. Maingat siya sa bawat galaw niya. Baka tulog na ang asawa niya o baka may ginagawang paper works, mahirap na baka madistorbo pa niya ito at maging dragona na naman. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin kung nangyari iyon. Baka pati mga gamit niya ay itapon pa ng lalaki. Mas malala pa ang ugali no’n sa dragon.Ibang dragon kasi si Gian, dragon na nasa menopausal stage.
“Pupunta ka na sa school?” tanong niya sa asawang kakababa lang galing sa kuwarto. Kasalukuyan itong nasa hagdan at pababa na sa kusina. Nakaligo na ito, nakabihis at nakasapatos. Ang aga naman, ni hindi pa nga siya nakaligo dahil inuna niya ang pagluto ng agahan. Bago siya nagbitaw ng tingin sa lalaki ay na-inspection na niya ang suot nitong uniform. Ang guwapo pa rin talaga, walang kupas.Kinuha niya ang mga ulam na niluto niya at nilagay iyon sa mesa. Matamis siyang ngumiti nang nakababa na si Gian at tiningnan ang ginagawa niya. Alas sais palang ng umaga ngayon. Kanina eksaktong alas singko ng umaga palang ay gumising na siya para maghanda ng agahan nilang mag-asawa. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi siya. Kahit sa ganitong paraan ay makuha niyang muli ang dating Gian na kinunan niya ng kalayaan.Gusto niyang makitang muli ang matamis na ngiti ng lalaki. Ang ngiting naging dahilan kung bakit siya nahulog. Tila iyon pa ang naging patibong. Patibong na hindi na niya kaya
“You may now kiss the bride.”Mga salitang inaasam ng mga kababaihan, salitang matamis talagang pakinggan. Salitang nais niyang balik-balikan. Sa lahat nga ng mga kuwentong nababasa niya sa pocketbook ay minsan iyon pa ang ginagawang happy ending nga mga writer — kasal. Pero sa kuwento niya, ito pa ang simula at maliit lang ang porsiyento kung magiging masaya.Idagdag pa ang magandang wedding gown. Plano pa nga niya noon na siya ang magtatahi ng wedding gown niya. Oh, diba? Hanggang pangarap na lang talaga siya. Magandang set-up ng wedding, with full of flowers around the venue, and of course, a church wedding. Pero mas bet talaga niya ang beach wedding. Iyon bang sunset style. Iba talaga ang hatid niyon sa kanya.Oh, sige. Libre lang naman mangarap eh. Libre lang talaga.Napabuntonghininga siya. Malas lang kasi parang hindi na talaga yata matutupad ang dream wedding niya. Nakakalungkot mang isipin pero ‘yon kasi ang katotohanan. Ang saklap lang, ganito siguro ang tadhana niya. May gi







