LOGINKUMIKISLAP na mga mata at nakangiting mga labi ang bawat tao na nadadaanan niya. Mahigpit ang hawak niya sa bulaklak na si Mae pa ang nag-design. Kulang ang salitang saya kung ihahambing sa nararamdaman niya. Ni kahit si William Shakespeare ay hindi kayang ipahiwatig ang tindi ng nararamdaman niya.Akala niya hindi na magaganap ito. Akala niya hanggang panaginip na lang ang lahat. Akala niya hanggang sa imahenasiyon na lang talaga siya. Akala niya hindi na mapapalitan ang remembrance niya sa kasal niyang nagtila araw ng mga patay.Ang pangarap niyang beach wedding ay natupad na rin ang pangarap niyang makalakad sa aisle ay natupad na rin. Natupad na rin sa wakas.Sino bang mag-aakala na sa kasal din pala sila mauuwi ni Gian? Sinong mag-aakala na ang maarte na bakla ay magiging lalaki rin pala? Sinong mag-aakala na ikakasal ulit pala siya?Ang dami mang nangyari, ang dami mang problema na hinarap nila pero heto, sila pa rin, matatag pa rin.Sa mali man na paraan niya pinilit si Gian pe
NAPABUNTONGHININGA si Vanessa. Lahat ng maaari niyang maging posisyon sa pagtulog nang gabing iyon ay nasubukan na niya pero ayaw pa rin talaga siyang dalawin ng antok, naging mailap iyon sa kaniya. Dapat kaya siyang magpasalamat dahil stranded ang pinsan niyang si Sharon sa Cagayan kaya nagkaroon siya ng magandang pagkakataon na tumira pansamantala sa lungga ng baklang si Gian.Parang ang sama ko naman kung ganoon, oportunista.Bumangon siya sa kama at binuksan ang pinto ng kuwarto na papuntang terrace. Yumakap agad sa kaniya ang malamig na hangin dulot ng bagyo. Hindi naman kalakasan iyon sa lugar nila pero sapat na para magdulot ng lamig na hangin. Tumingin siya sa halos hindi na makitang buwan.Ang dami na niya talagang kasalanan, lumayas na naman siya sa bahay nila. Hindi niya rin maintindihan ang sarili, gustong-gusto niyang sawayin ang Daddy niya. Gaya ngayon, ayaw na ayaw ng Daddy niya na sumabak siya sa magulong mundo ng showbiz pero sumuway na naman siya. Iyon kasi ang traba
MATALIM na tingin ang ibinigay niya sa asawa na bagong bihis at kalalabas lang sa sarili niyang banyo. Wala siyang ibang nagawa kunʼdi ang papasukin ito sa bahay nila dahil iyon ang utos ng kaniyang Daddy. Si Daddy ang batas, si Daddy ang nasunod.Pagpasok nila sa bahay kanina ay agad na sumalubong si Manang Celia na bitbit ang mga damit na gagamitin ni Gian. Ang pagpaikot na lang ng mga mata ang nagawa ni Vanessa.Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo sa kama at nilagay sa mga hita ang laptop habang nagpapatuyo ng buhok ang asawa. Ayaw man niyang aminin pero ang guwapo talaga ni Gian.Sa sobrang guwapo ng asawa mo, nakuha pang humanap ng number two, bulong niya sa isip.Hindi talaga mapagkakatiwalaan eh.Hindi siya makapag-concentrate sa binabasa niyang kuwento kaya nagbukas na lang siya ng another tab at nag-log in sa Facebook. Ilang araw na rin siyang hindi nadadayo roon dahil sa mga nangyari sa kaniya.Napansin niyang umupo ang asawa sa tabi niya kaya binigyan niya ito ng matalim na
MATAPOS niyang isara ang kulay rosas na kurtina sa kaniyang kuwarto ay nakarinig siya ng tatlong katok kasabay ng pagbukas ng pinto.“Hindi mo ba lalabasin si Gian?”Boses iyon ni Manang Celia. Hindi niya ito nilingon para ibigay ang tugon niya. Ayaw niyang harapin si Gian dahil naaalala lang niya kung gaano ito kagago. Ewan, pero tuwing naririnig niya ang pangalan ng asawa ay kumukulo na ang dugo niya. Sapat na ang pangalan nito para tumaas ang kaniyang dugo.“Malakas ang ulan sa labas, baka magkasakit ang asawa mo,” dagdag pa ni Manang Celia.“Should I care? Noʼng ako ang nasa hospital, nasaan siya?” malamig niyang tugon sa ginang habang nasa kurtina pa rin ang tingin.“Vanessa, huwag mo munang paandarin ang katigasan mo.”“Hindi naman, Manang. Ibinabalik ko lang kung anong binigay niya—”Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay muli niyang narinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto.Ano bang mali ko? Bakit galit silang lahat sa ‘kin? Kay Gian dapat sila magalit, hindi sa ‘kin.Laba
LUMIPAS ang dalawang araw, nakauwi na siya sa bahay nila. Nabalitaan niyang bumalik pala ng America ang kapatid niyang pinaglihi sa kaduwagan. Hindi yata kayang panindigan ang sinabing hahanapin nito si Ellena. Naaawa siya kay Jason pero kailangan nitong matuto.Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni nang may naglagay sa kaniya ng tasa sa kaniyang mesa kung saan nakalagay din ang ginamit niyang laptop kanina.“Hindi ka ba hahanapin ni Gian?” tanong ni Manang Celia. Bago siya sumagot ay inabot niya ang tasa.“Salamat, Manang,” nakangiti niyang sagot.Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naaalala ni Gian o sadiyang nalilibang na iyon sa bago nito. Bago ba talaga? Baka nga mas nauna pa ito sa kaniya.Pampalipas-oras lang ba talaga ako, Gian? Sana hindi na lang tayo umuwi rito.Hanggang sa nakalabas na siya ng hospital ay hindi na muling dumalaw pa ang magaling niyang asawa.“Vanessa? Ano ba talagang nangyari? Nag-away ba kayo kaya ayaw mong umuwi sa inyo?”Huminga
SA nakabukas na bintana nakatuon ang paningin ni Vanessa. Tila nag-uusap ang mga mata niya at ang mga dahon na hinahampas ng mahinang hangin. Malakas ang mga patak ng ulan na sumasabay sa pighati na nararamdaman niya. Ulan na parang naging simbolo ng kaniyang kasawian.Katulad nang narinig niya sa balita, may paparating daw na bagyo. Mukhang sasabayan talaga siya ng langit sa pagdadalamhati. Mukhang nais talagang sabayan ang bawat pagtulo ng kaniyang luha.Akala niya may makakasama na siya. Akala niya hindi na siya muling mag-iisa. Akala niya magiging ganap na ina na siya. Pero bakit ganito ang nangyari? Bakit ganoʼn?Bakit pumayag ang Maykapal na masawi ang anak niya? Bakit?Kailan matatapos ang bangungot na ito?Simula nang magising siya pagkatapos ng kaniyang operasiyon ay walang salitang lumabas sa bibig niya. Ayaw niyang magsalita. Ayaw niya. Parang gusto na lang niyang tingnan ang kawalan.Ang kawalan na sinasabayan ang kaniyang kalungkutan.Alam naman niyang hindi siya naging m







