NAALIMPUNGATAN si Vanessa dahil kahit ang lalim na ng gabi na ay sobrang init pa rin sa kuwarto niya. Bago pa nga siya nakatulog kagabi ay nagtabi pa siya ng pamaypay para kahit kunti man lang ay mabawasan ang init sa kuwarto niya. Idagdag pa ang matigas niyang higaan na dinaig pa ang bato, sobrang nakakasakit iyon sa likod. Hindi niya talaga alam kung paano siya nakatiis sa ganitong setup.Nag change position si Vanessa at muling pumikit, umaasang dadalawin ulit siya ng antok pero kasama yata niya palagi ang malas, naging malikot ang antok kay Vanessa at hindi na siya muling dinalaw pa.Nagpasya siyang lumabas ng kuwarto, kung minamalas naman kasi, sa buong bahay na ito ang kuwarto niya lang ang walang air-con. Ganyan kasama ang ugali ng asawa niya. Ewan, para yatang kapatid ni Gian si Satanas. Kulang na lang talaga, tubuan ng sungay si Gian, eh. Napailing si Vanessa, katulong nga tayo diba?‘Yong kwarto kaya ni Nanang, may air-con kaya? Tanong niya sa sarili.Nagsuot siya ng tsinila
Huling Na-update : 2025-12-12 Magbasa pa