Share

Kabanata 7

Penulis: catalyst
last update Tanggal publikasi: 2026-02-28 00:26:00

Naiwan pa rin sa hangin ang bigat ng kanilang mga huling salita, mga bantang binitiwan na parang mga pangakong hindi na maaaring bawiin. Ang pulang markang iniwan ni Celine sa balat ni Jax ay hindi lang bakas ng init ng sandali, kundi paalala ng digmaang nagsisimula pa lamang.

"Buksan mo ang pinto! Buksan mo 'to ngayon din!"

Lalong naging agresibo ang sigaw ni Rico Alcantara sa labas. Ang bawat kalabog ay tila yayanig sa buong Presidential Suite ng Grand Hyatt.

Tumingin si Jax kay Celine. Saglit silang nagkatinginan, tila ba isang tinging puno ng babala at hindi maipaliwanag na tensyon. Pagkatapos, binigyan siya ni Jax ng isang mabilis na kindat at itinuro ang banyo gamit ang kanyang nguso. Isang senyas na pumasok siya doon at huwag gagawa ng anumang ingay.

Tumango si Celine. Kahit nangangatog ang mga tuhod, mabilis niyang pinagsiksikan ang kaniyang sarili pabalik sa loob ng banyo at dahan dahang isinara ang pinto.

Huminga ng malalim si Jax. Inayos niya ang kanyang nagusot na white polo, habang inaayos niya ang kanyang collar, sinadya niya na pabahagyang makita ang bahagi ng pulang marka sa kanyang leeg, ang nag-aapoy na hickey. Pagkatapos, humakbang siya nang may buong kumpyansa patungo sa pinto. Binuksan niya ito ng padabog, sapat para magulat ang mga nasa labas.

Sa labas, akma ng sisipain ni Rico ang pinto ng bigla itong bumukas. Halos mawalan ng balanse ang Mayor, ang kanyang paa ay nanatiling nakabitin sa hangin bago dahan-dahang ibinaba.

Tumingin si Jax kay Rico, pagkatapos ay sa dalawang tauhan nito na nasa likuran na may hawak na mga cellphone, tila kumukuha ng video para sa kanilang "caught in the act" na plano.

"Gentlemen," bungad ni Jax, ang boses ay kalmado pero may awtoridad. "What’s with all the noise outside my room? Istorbo kayo sa pahinga ko."

Hindi inaasahan ni Rico na ang lalaking sasalubong sa kanya ay ganito karelax. Walang bahid ng panic, walang bakas ng pagkakagulo. Mukha siyang tunay na makapangyarihang lalaking kilala ng lahat.

"Hinahanap ko ang asawa ko!" sigaw ni Rico. Pilit niyang sinisilip ang loob ng silid. "Celine! Alam kong nandyan ka! Lumabas ka dyan kung ayaw mong kaladkarin kita!"

Susubukan sana ni Rico na pumasok sa loob pero hinarangan siya ni Jax gamit ang kanyang braso. Matigas ang mga brao ni Jax, parang pader na hindi basta-basta matitibag.

"Mr. Alcantara, entering my private suite without my permission is illegal. Common sense, Mayor. You should know better," malamig na sabi ni Jax.

Nanliit ang mga mata ni Rico. Tinitigan niyang mabuti si Jax. "Sino ka ba? At bakit kilala mo ako?"

"I had the pleasure of seeing you at the ASEAN Business Summit in Singapore last year," sagot ni Jax. "You were there with your father’s delegation, if I remember correctly."

Natigilan si Rico. Ang ASEAN Business Summit ay hindi basta-bastang event. Tanging ang mga pinaka-maimpluwensyang tao lang sa Asya ang nakakapunta roon. Napagtanto ni Rico na ang lalaking nasa harap niya ay hindi maaaring maging isang basta-bastang "wild man" o lover ni Celine.

"At sino ka naman?" tanong ni Rico, bagama't medyo bumaba na ang tono ng boses niya.

Kinuha ni Jax ang kanyang wallet mula sa bulsa ng kanyang suit na nasa sofa, kumuha ng isang business card, at iniabot ito kay Rico.

Nang mabasa ni Rico ang pangalan sa card, tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Ang kanyang mga palad ay agad na pinagpawisan nang malapot at malamig na pawis.

Atty. Jaxson De Silva. Managing Partner of De Silva & Associates.

Si Jaxson De Silva! Ang tanyag na "Fixer" ng mga bilyonaryo. Narinig na ni Rico ang pangalang ito mula sa kanyang ama. Sa mundo ng batas at politika, ang pangalang De Silva ay hindi lang simbolo ng isang magaling na abogado, simbolo din ito ng isang dambuhalang network na abot hanggang sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno, finance, at real estate.

Si Jax, ang taong tumatapos sa mga kasong akala ng lahat ay wala nang pag-asa. Isa siyang strategist, a shark in a suit. Isang maling galaw mo lang sa kanya, at kaya niyang burahin ang pangalan mo sa mapa ng politika.

"A-atty. De Silva!" Agad na nagbago ang anyo ni Rico. Mula sa pagiging matapang na aso, naging tila tuta ito na nanginginig. "Pasensya na! My apologies! I didn't know na kayo pala ang naka-check in dito. Nagkamali lang siguro ang mga tauhan ko ng impormasyon."

"So, do you still think your wife is in my room, Mayor?" tanong ni Jax, may halong pang lalait.

"H-hindi na! Of course not! Bakit naman mapupunta ang isang babaeng gaya niya sa kwarto ng isang gaya niyo?" mabilis na sagot ni Rico, pilit na tumatawa kahit halatang kinakabahan. "She’s not worth your time, Attorney. Pasensya na talaga sa istorbo. I hope you won't take this to heart."

Tumango lang si Jax at akmang isasara na ang pinto ng biglang mapansin ni Rico ang isang bagay. Dahil sinadya ni Jax na bahagyang nakabukas ang kaniyang collar, nakita ni Rico ang isang matingkad na pulang marka sa gilid ng kanyang leeg. Isang hickey na halatang bago pa lang.

"Wait, Attorney De Silva," turo ni Rico sa leeg ni Jax, sinusubukan maging maingat at maparaan sa pagtatanong, pero puno ng kuryosidad. "Parang... may dumi sa leeg niyo."

Hindi nag-atubili si Jax. Sa halip na itago, mas lalo pa niyang itinagilid ang kanyang leeg para ipakita ang marka kay Rico. Isang mapanghamong tingin ang ibinigay niya rito.

"What? Mr. Alcantara, are you interested in my private affairs? O gusto mo ring malaman kung sino ang kasama ko kanina?"

Ang aura ni Jax ay sapat na para patahimikin ang anumang hinala ni Rico. Kahit pa isipin ni Rico na baka si Celine nga ang gumawa niyan, hindi siya mangangahas na kalabanin si Jax.

"N-no, no! Hindi po iyon ang ibig kong sabihin!" paulit-ulit na hingi ng paumanhin ni Rico. "Sige po, Attorney. Mauuna na kami. Rest well."

Mabilis na lumayo si Rico kasama ang kanyang mga tauhan, tila hinahabol ng demonyo.

Sa loob ng banyo, narinig ni Celine ang lahat. Nanginig siya nang marinig ang pangalan ni Jax na tila isang sumpa na nagpatahimik kay Rico. Sino nga ba ang mag-aakala na ang mahirap na estudyante noon na anak lang ng kanilang katulong ay isa na ngayong makapangyarihang tao na kinatatakutan ng mga gaya ni Rico?

"Come out," rinig niyang utos ni Jax.

Dahan-dahang lumabas si Celine. Nakita niya si Jax na nakatayo sa harap ng malaking bintana, nakatingin sa mga ilaw ng BGC.

"Jax... I mean, Attorney De Silva. Thank you for your help," bulong ni Celine. Punong-puno siya ng guilt. Alam niyang ginamit niya si Jax, at alam niyang hindi ito libre.

Humarap si Jax sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mukha, pero ang kanyang mga mata ay parang apoy na handang tumupok sa kanya.

"Thank you?" napatawa si Jax, isang tunog na nagdulot ng malamig na kilabot sa kanyang likod. "Matapos mo akong gawing panakip-butas at markahan na parang pag-aari mo sa harap ng asawa mo, akala mo sapat na ang salitang 'thank you'?"

"Then... ano ang gusto mo? I’ll pay you back. Name your price."

Humakbang si Jax palapit sa kanya. Ang bawat yabag nito ay tila nagpapaliit sa mundo ni Celine hanggang sa maipit siya sa pagitan ni Jax at ng kama.

"I won’t be someone’s fake lover for nothing, Celine," sabi ni Jax. Bigla nitong hinablot ang kanyang braso. "Aray! Jax, nasasaktan ako!"

Hindi siya pinakinggan ni Jax. Sa isang marahas pero kontroladong galaw, itinulak siya ni Jax sa kama. Napahiga si Celine sa malambot na kutson. Akma siyang babangon nang mabilis ay bilang pumatong si Jax sa kanya, ang kanyang mga braso ay nakaharang sa magkabilang gilid ni Celine.

"Ano bang ginagawa mo?! Jax, stop this! Diba sabi mo you don't sleep with married women? Nasaan ang principles mo?" sigaw ni Celine, pilit itong tinutulak sa dibdib.

"Do my principles even matter to you?" tinitigan siya ni Jax ng matalim. Galit at inis ang mababasa sa kanyang mga mata.

"Dati, nung gusto mong maging boyfriend ako, ginawa mo ang lahat para makuha ako. You used your money, your influence, and your charms. Ngayon, kailangan mo ng tagapagligtas, kaya ginagamit mo ulit ako. It’s always you, isn't it? Si Celine Villareal ang dapat laging nasusunod."

Nalasing si Celine sa amoy ni Jax, naghahalo ang mamahaling perfume at ang init ng kanyang katawan. Bigla siyang dinala ng kanyang ala ala sa University Belt, anim na taon na ang nakakalipas.

Flashback. Siyam na taon na ang nakalilipas...

Doon sila unang nagkita. Si Jax noon ay anak ng stay-in na katulong ng mga Villareal. Naglalaro si Celine ng frisbee sa garden nila nang aksidenteng mapunta ito sa direksyon ni Jax na noon ay naghahatid ng gamot para sa kanyang nanay.

Nasalo ni Jax ang frisbee sa ere nang may likas na husay, dahilan para sandaling mapigil ang paghinga ni Celine. Sa ilalim ng sikat ng araw, nakasuot si Jax ng simpleng white shirt, pawisan pero napaka guwapo. Ang kanyang mga mata noon ay parang malalim na lawa, tahimik pero mapanganib.

Mula noon, hinabol ni Celine si Jax. Pinupuntahan niya ito sa bawat klase sa Law School na pinapasukan nito. Tuwing lunch, laging "nagkakataon" na nakaupo siya sa harap nito sa karinderya, at palihim na inililipat ang mga masasarap na ulam sa plato ni Jax dahil alam niyang nagtitipid ito. Maging sa bar kung saan nagpa part-time si Jax bilang waiter, dinadala ni Celine ang kanyang mga rich friends para lang bigyan ito ng malaking tip.

Tatlong taon. Para siyang mapaglarong liwanag ng sinag ng araw na pilit sumisilip sa madilim niyang mundo. Hanggang sa tuluyan siyang nahulog, minahal siya ni Jax nang buong-buo. Siya na ang naging pinaka tapat nitong kakampi, halos handang ibigay ang lahat.

Pero ano ang ginawa niya?

Matapos ang tatlong buwang nilang pagiging magkasintahan, nung panahong mahal na mahal na siya ni Jax, bigla siyang nakipaghiwalay sa kaniya. Iniwan niya ito para magpakasal kay Rico Alcantara, ang anak ng kaalyado ng kanyang ama.

Dahil sa paghihiwalay na iyon, nagkagulo ang buhay ni Jax. Maging ang kanyang nanay ay naaksidente habang sinusubukan niya na ayusin ang gulo nila, ngunit nagresulta pa rin ito sa pagkaparalisa nito.

​End of Flashback.

"Have you forgotten how you seduced me, slept with me, and then threw me away like a piece of trash?" Hinawakan ni Jax ang leeg ni Celine, hindi para sakalin, kundi para maramdaman ang bawat tibok ng takot nito.

Ang kanyang mga mata ay naging mapula sa galit. "But things are different now. I’m no longer that poor boy you can just manipulate!"

"Bitawan mo ako! Jax, let me go!"

Nagpupumiglas si Celine. Nagawa niyang itulak si Jax pero bago pa siya makatayo, hinila siya ni Jax pabalik sa kama at muling dinalagan.

"Why are you running away? Diba ito naman ang gusto mo? To be caught with me?" Jax started to loosen his tie, his voice deep and raspy.

"Since labeled as an 'adulterer' ka na rin naman sa paningin ng asawa mo, why don't we just make it official? Sayang naman ang hickey na 'to kung walang kasunod."

Nakita ni Celine ang matigas na abs ni Jax sa ilalim ng kanyang shirt na ngayon ay bahagyang nakabukas. Ang amoy ng nakaraan ay tila sumusuka sa kanyang sistema.

Anim na taon na ang nakakalipas, sa isang maliit at mainit na apartment sa Maynila, doon nila unang isinuko ang sarili sa isa't isa. Clumsy kisses, raw passion, it was all based on pure love. Pero ngayon, ang nararamdaman lang niya ay poot.

"Jaxson, ayokong makipagtalik sa'yo!" sigaw ni Celine, tinitigan siya nang diretso sa mata.

"Are you forgetful? Six years ago, I told you I was tired of you. Nagsawa na ako sa'yo, Jax. At hanggang ngayon, ganoon pa rin!"

Nagsawa na ako sa'yo.

Ang mga salitang iyon ay parang lason na bumaon sa puso ni Jax. Agad siyang napatigil. Ang apoy sa kanyang mga mata ay biglang naging yelo.

Bumitaw siya kay Celine at tumayo. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ito, at humithit ng malalim.

Dali-daling umayos ng upo si Celine. Kahit suot niya ang kanyang mga damit, pakiramdam niya ay mas lalo siyang napahiya sa nangyari kaysa nung makita siyang hubad ni Jax kanina.

"Get out." malamig na utos ni Jax habang nakatalikod.

"Fine. Aalis na ako."

Tumayo si Celine para lumakad patungo sa pinto. Pero bago pa siya maka tatlong hakbang, biglang umikot ang kanyang paligid. Ang hapdi sa likod ng kanyang ulo, kung saan siya pinalo nung na-drug siya, ay biglang kumirot ng matindi. Ang tensyon ng gabing ito ay tuluyan nang umubos sa kanyang lakas.

Dumilim ang buong paligid.

Bago siya tuluyang bumagsak sa sahig, nakita niya si Jax na itinapon ang sigarilyo at mabilis na sumugod patungo sa kanya.

Ang madilim na gabi sa BGC ay lalong naging gloomy dahil sa buhos ng ulan. Ang Mercedes-Benz G-Wagon ni Jax ay parang isang itim na anino na humahati sa basang kalsada.

Mahigpit ang kapit ni Jax sa manibela, ang kanyang mga kamao ay pumuputi na sa sobrang pressure ng paghawak niya sa manibela. Panandali siyang tumitingin sa passenger seat kung saan nakahiga ang walang malay na si Celine.

Ang putla nito. Her slender body was swallowed by the large leather seat.

"Celine! Hey, wake up!" tawag niya, pero walang sagot.

"Celine Villareal! Don't you dare die on me!"

Kinakabahan si Ja, isang pakiramdam na matagal na niyang ibinaon. Gamit ang car phone, tinawagan niya ang kanyang matalik na kaibigan.

"Sean, prepare the emergency room. Papunta ako dyan."

"Whoa, Jax? Gabi na ah. Sinong dadalhin mo?" tanong ni Dr. Sean Sy sa kabilang linya.

"Just prepare the damn room, Sean! I’m coming in hot!"

Makalipas ang labinlimang minuto, binuhat ni Jax si Celine papasok ng St. Luke’s Medical Center. Agad siyang sinalubong ni Sean at ng mga nurse.

Sa kabutihang palad, ang resulta ng mga tests ay hindi naman kasing lubha ng iniisip niya. Mild concussion lang dahil sa pagkakahampas sa kanyang ulo nung gabi na na-drug siya. Matapos ang mga tests ay nilipat si Celine sa isang private ward.

Nakatayo si Jax sa tabi ng bed ni Celine. Ang kanyang mamahaling shirt ay gusot-gusot na, ang collar ay nakabukas, at ang pulang marka sa kanyang leeg ay lalong naging halata sa ilalim ng fluorescent light ng ospital.

Pumasok si Sean sa kwarto, may dalang medical chart at isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Nilapitan niya si Jax at tinapik ito sa balikat gamit ang folder.

"Well, well, well. Kaya pala nagmamadali ka kanina. So, you’re the reason why she’s here? Grabe ka naman mag-drive, Jax. O baka naman iba ang naging 'bakbakan' niyo?" biro ni Sean, tinitingnan ang hickey sa leeg ng kaibigan.

Binigyan siya ni Jax ng isang "shut up or die" na tingin.

Pero hindi nagpa awat si Sean. "Look at you, Jax. You look like a mess. Mukhang naging intense ang encounter niyo ni Mrs. Alcantara. Pero pre, show some mercy naman. Look at her, she’s fragile. And you... your bed manners are still as wild as ever, I guess?"

"Sean Sy! Kung wala kang magawang matino, manahimik ka na lang," banta ni Jax.

"Okay, okay, sorry na," tinaas ni Sean ang kanyang mga kamay. "Pero akala ko ba kinalimutan mo na siya? Pagkabalik na pagkabalik mo rito sa Pilipinas, siya agad ang kasama mo? Wait... isn't she married? Jax, don't tell me... naging 'male homewrecker' ka na?"

"..."

"Dude, don't be a fool. Maraming babae dyan na single at mas maganda. Huwag mong sirain ang career mo para sa isang babaeng iniwan ka na noon. Stick to your principles, man."

"Shut up, will you?" sabi ni Jax habang minamasahe ang kanyang sentido.

Tiningnan ni Jax ang natutulog na si Celine. Kapag tulog ito, mukha itong anghel, walang bakas ng pananakit o pagtataksil. Naalala ni Jax kung paano siya dinurog ni Celine noon. Ang sakit ay nandoon pa rin, tila isang sugat na hindi kailanman naghilom.

Napupuno pa rin ng galit ang kanyang puso. Sinumpa niya si Celine, dahil sa paglalaro nito sa kanyang damdamin, at sa nangyari sa kanyang ina.

"Walang posibilidad na magkabalikan kami, Sean," malamig na sabi ni Jax, habang nakatitig sa maputlang mukha ni Celine.

"Six years ago, I already considered her dead to me. I'm just here to collect my debt."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 314

    Sa pamamagitan ng kaniyang malalaking kamay, kinuha nito ang magkabilang dulo ng silver shawl at maingat na ibinalot iyon muli sa mga balikat ni Celine. Maayos niya itong isinara upang matakpan ang anumang bahagi ng kaniyang balat na puwedeng makita ng iba. Bago pa makapagtanong si Celine, inabot n

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 313

    Tila huminto ang tibok ng puso ni Celine nang marinig ang boses ng kaniyang anak.Sa isang iglap, ang nakakatakot at madilim na aura na bumabalot kay Jax ay biglang naputol. Binitiwan ni Jax ang kwelyo ng music creator, dahilan upang tuluyang bumagsak ang lalaki sa sahig habang hawak ang pumutok ni

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 312

    “Miss Celine.”Dahan-dahan siyang lumingon, pilit nililinaw ang nanlalabong paningin. Bahagyang umiikot ang paligid dahil sa alak na nainom niya sa buong gabi, at kailangan pa niyang kumurap nang ilang beses bago tuluyang makapag-focus.Agad niyang nakilala ang lalaki. Ito ang taong nakaupo sa kani

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 311

    Doon medyo nahirapan ang loob ni Celine. Ang gaganaping post-event party sa malaking venue ay hindi lamang isang simpleng hapunan. Isa itong napakahalagang pagkakataon upang makipag-ugnayan sa ibang mga kilalang creators, advertisers, at mga malalaking kumpanya na puwedeng maging sponsor ng Casa P

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 310

    Pagkababa ni Celine mula sa maliwanag na entablado, hindi pa rin nawawala ang banayad na init sa kaniyang dibdib. Mahigpit pa rin niyang hawak ang mabigat na crystal trophy habang naglalakad patungo sa backstage, at sa bawat tunog ng kaniyang heels sa red carpet, parang paulit-ulit na umaalingawnga

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 309

    Hindi nagtagal ay tuluyan nang nagsimula ang event.Unti-unting humina ang mga ilaw na nakapaligid sa audience habang lumiwanag ang malaking LED screen. Lumabas ang opening montage ng mga creators. Iba’t ibang mukha, storya, videos at achievements na nagsimula lamang sa simpleng cellphone camera, ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status