Share

Kabanata 6

Author: catalyst
last update publish date: 2026-02-28 00:25:32

Nagising si Celine na tila ba hinanalo ang kanyang utak sa loob ng bungo niya. Ang bawat tibok ng kanyang puso ay umaalingawngaw sa kanyang sentido, na para bang martilyo na walang tigil sa pagpukpok.

Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata, pero agad din itong napapikit dahil sa matinding liwanag. Tila ba may nakadagan na mabigat na bakal sa kanyang mga talukap kaya halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Inabot ng ilang minuto bago luminaw ang kanyang paningin at mag-focus sa paligid.

Napakalawak ng silid. Masyadong malawak para maging isang ordinaryong kwarto lang. Sa itaas ng kama ay may nakasabit na isang dambuhalang abstract oil painting na kulay ginto at itim.

Ang kisame ay may mga modernong LED strips na kahit kasalukuyang nakapatay ay nagbibigay ng minimalist vibe sa lugar. Ang chandelier na kristal sa gitna ay tila nanglalait sa kanyang kalagayan, malamig ang repleksyon nito mula sa nakabukas na pinto ng banyo.

Nasaan ako?

Gumalaw siya para sana bumangon, pero agad siyang napatigil nang maramdaman ang hapdi ng malamig na hangin sa kanyang balat. Doon lang niya napagtanto, wala siyang suot na kahit na anong damit.

Ang kanyang mga damit ay parang basurang itinapon sa sahig. Ang kanyang paboritong cardigan, ang kanyang jeans, at maging ang kanyang underwear ay nakakalat malapit sa paanan ng kama.

Isang matinding kilabot ang gumapang sa kanyang likod.

Anong nangyari?

Ang huli niyang natatandaan ay ang pakikipagkita niya kay Atty. Clarisse Gomez. Akala niya ay kakampi ito, akala niya ay tutulungan siya nito sa annulment niya laban kay Rico. Pero matapos inumin ang tsaa na ibinigay nito, unti-unting dumilim ang kanyang paligid.

Traydor.

Yuyuko na sana siya para abutin ang kanyang mga damit nang makarinig siya ng marahang "click" mula sa pintuan.

May pumasok!

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Celine. Mabilis niyang hinila ang makapal na kumot para takpan ang kanyang katawan. Ang puso niya ay parang tambol na kumakabog sa kanyang dibdib.

Isang matangkad na anino ang pumasok. Dahil sa backlight, hindi niya agad mamukhaan ang lalaki, pero sa tindig pa lang nito ay sapat na para kilalanin niya kung sino ito.

Habang papalapit ito, unti-unting luminaw ang kanyang mukha, ang matangos na ilong, ang matatalim at malalamig na mga mata na tila kayang basahin ang bawat lihim mo.

Si Jaxson De Silva!

Bakit siya? Bakit sa kwarto niya ako napadpad?

Nakasuot ito ng charcoal gray suit jacket sa ibabaw ng kanyang puting polo. Mukha itong galing sa isang napaka importanteng board meeting, seryoso at walang bahid ng emosyon.

Inihagis niya ang kanyang overcoat sa sofa nang may kawalang-bahala, ngunit bigla itong napatigil nang napatigin siya sa isang pamilyar na anyo sa higaan nya, si Celine.

Agad na nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Ang pagkagulat sa kanyang mukha ay panandalian lamang, agad itong napalitan ng isang malamig at mapang-asar na tingin.

"What the hell are you doing here?" Ang boses ni Jax ay parang isang mababang ungol na yumanig sa buong silid.

Nakatitig si Jax sa kanya, sa kanyang magulong buhok, sa kanyang namumutlang mukha, at sa mapuputing balikat na lumalabas mula sa kumot. Pagkatapos, ibinaba ni Jax ang tingin sa sahig. Doon, nakita niya ang underwear ni Celine na nakapatong mismo sa tabi ng kanyang mamahaling leather shoes.

Napalunok si Jax, at gumalaw ang kanyang Adam’s apple. Mabilis niyang iniwas ang tingin at humarap sa bintana.

"Celine Villareal," tawag niya sa pangalan nito, bawat pantig ay puno ng bigat. "Is this your new strategy? Ang gamitin ang sarili mong katawan para lang makuha ang gusto mo? I didn't know you could sink this low."

"I... I don't know how I got here," pautal na sabi ni Celine. "I was drugged, Jax. Please, believe me."

"Drugged?" Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ni Jax. "By whom? By your husband? O baka naman part 'to ng palabas niyo ni Rico para i-blackmail ako?"

"I'm not lying!" halos pasigaw na sabi ni Celine, bagama't nanghihina pa rin siya. "Gusto ko lang makatakas sa kanya. Bakit ko gagawin 'to?"

"Because you're desperate," mabilis na sagot ni Jax habang nakaharap uli sa kanya. "Pero let me tell you this. I don't sleep with married women. Lalo na sa asawa ng isang Mayor na kasing dumi ng budhi mo."

Married women.

Napapikit si Celine sa sakit. Kung alam lang sana ni Jax ang totoong hirap na pinag dadaanan niya sa kamay ni Rico.

"Attorney De Silva, hinding-hindi ako makikipagtalik sa'yo kahit ikaw na lang ang huling lalaki sa mundo," matapang na sagot ni Celine. "Ang gusto ko lang ay tumalikod ka muna so I can get dressed. Is that too much to ask for your 'legal' ethics?"

Natahimik si Jax. Ang tensyon sa pagitan nila ay parang kuryenteng lumalapot sa hangin. Maya-maya pa ay marahang tumalikod si Jax, ang kanyang malapad na likuran ay tila isang matayog na pader na hindi matitibag.

Mabilis na kumilos si Celine. Sa kabila ng pagkahilo, mabilis niyang isinuot ang kanyang mga damit, habang pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang mga kamay. Ngunit ang katahimikan ay biglang binasag ng isang malakas na kalabog.

Bang! Bang! Bang!

Nanggaling ang ingay sa katabing suite, sinundan ng isang boses na nagpatindig ng balahibo ni Celine.

"Celine! Lumabas ka dyan! You shameless woman! Alam kong may lalaki ka rito!"

Si Rico.

"Ibang klase ka rin, 'no? Gagamitin mo pa ang hotel na 'to para makipag-talik sa kung sinong hayop na lalaki! Buksan niyo 'tong pinto!"

Narinig nila ang tunog ng mga nababasag na gamit sa kabilang kwarto. Mukhang nagkamali ang mga tauhan ni Rico, ang inakala nilang kwarto ni Celine ay ang katabing suite ni Jax.

Naintindihan din ni Jax ang sitwasyon. Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakikinig sa sigaw ni Rico.

"Your husband is quite energetic tonight," pang-aasar ni Jax. "He really wants to catch you 'in the act,' doesn't he? He's making sure na pagdating sa korte, wala kang makukuhang kahit isang sentimo sa kanya."

"Please, Jax... hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin," pagsusumamo ni Celine.

"Oh, I know. Rico Alcantara is a mad dog. And you, Celine... you're his favorite bone to chew on."

Narinig nila ang mga mabibigat na yabag na papalapit na sa mismong pinto ni Jax.

Bang! Bang! Bang!

"Buksan niyo 'to! Celine, alam kong nandyan ka! Buksan mo ang pinto kung ayaw mong ipagiba ko 'to!" sigaw ni Rico mula sa labas.

Nataranta si Celine. "Jax, please... hide me. He’ll kill me. O baka gamitin niya 'to para makuha si Clara."

"Why should I help you?" tanong ni Jax nang walang pakialam. "I'm a victim here, too. Pumasok ka sa kwarto ko nang walang paalam. Even if I let him in, I can just say you're a trespasser. In fact, baka pasalamatan pa niya ako."

"Jax, please! Kahit para sa... para sa dati nating pinagsamahan," nababasag na ang boses ni Celine.

"That 'pinagsamahan' died years ago, Celine. Kasama ng tiwala ko sa'yo."

Ang kalabog sa pinto ay lalong lumakas. Halos mayupi na ang kandado. Desperado na si Celine. Kung mahuhuli siya rito, magiging katapusan na niya at hinding-hindi na niya makikita ang kanyang anak.

Fine. If he wants a reason to help, I'll give him one.

Sa isang iglap, sumugod si Celine kay Jax. Sa sobrang gulat niya ay hindi agad ito nakaiwas. Hinawakan ni Celine ang kanyang mga balikat at hinila ito pababa. Tumingkayad siya, at imbes na sa labi, idiniin niya ang kanyang mukha sa leeg ni Jax.

Nanigas ang buong katawan ni Jax. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ni Celine sa kanyang balat. Ngunit hindi iyon isang matamis na halik.

Idiniin ni Celine ang kanyang mga labi sa balat ni Jax at hinigop iyon nang buong lakas, isang klase ng bagsik na hindi niya akalaing taglay niya. Bahagya pa niyang kinagat ang balat nito para masiguradong mag-iiwan iyon ng markang hindi agad mabubura. Isang marka ng scandal.

"Celine! What the hell--!"

Agad siyang tinulak ni Jax palayo, pero huli na ang lahat. Sa maputing balat ng leeg ni Jax, isang matingkad na pulang marka, isang hickey, ang unti-unting lumilitaw.

"Now, we're both in this," hingal na sabi ni Celine, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa halo-halong takot at determinasyon. "You didn't touch me? Fine. Pero may ebidensya na ngayon na may nangyari sa atin. If Rico sees that, he won't just sue me, he'll go after you too. Your reputation, your law firm... everything will be dragged into the mud."

Tumingin si Celine ng diretso sa mga mata ni Jax.

"Are you willing to lose everything just to see me fall?"

Dahan-dahang hinawakan ni Jax ang kanyang leeg, dinadama ang hapdi ng markang iniwan ni Celine. Ang kanyang mga mata ay nagdilim, puno ng galit at isang emosyong hindi mapangalanan.

"You've learned to play dirty," bulong ni Jax, ang boses ay naging seryoso at nakakatakot. "Natuto ka na ring mangagat, Celine."

"I had a good teacher." sagot ni Celine.

Bang! Bang! Bang!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 334

    Bahagya itong lumapit at ibinaba ang boses na para bang may ibinubulong na malaking sikreto.“Sinabi niyang ayaw niya ng sobrang formal na programa. Wala ring mahahabang speeches o mga corporate activities na pipilitin lang ang mga tao na ngumiti.”Napangiti si Cyril bago ipinagpatuloy ang paliwanag

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 333

    Pagsapit ng gabi, nakabalik na si Celine sa Casa Payapa. Disyembre na, at ramdam na sa malamig na simoy ng hangin ang nalalapit na pagtatapos ng taon. Ilang araw lamang ang nakalipas, may mga bisita pa rin na pumupunta sa Casa Payapa upang magpahinga sa kabundukan at lumayo sandali sa abalang buha

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 332

    Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Celine. “Okay naman. Mas mabilis kaysa sa inaasahan ko dahil alam na ni David ang gusto niyang gawin. Pero bakit nandito ka? May kailangan ka bang gawin sa munisipyo?”“May binili lang ako sa bayan. Nabanggit ni Roxy na may meeting kayo rito, kaya naisip kong isab

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 331

    Pagsapit ng hapon, muling nagtipon ang lahat sa conference room ng munisipyo ng San Jose upang pag-usapan ang panibagong direksiyon ng proyekto ng winery. Matapos palitan ni Jax De Silva ang orihinal na design team ng proyekto, naging usap-usapan sa loob ng winery kung makakabangon pa ba ito mula s

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 330

    Ang gusto talaga niyang itanong ay kung hanggang kailan balak ni Anton na manatili sa tabi ni Celine.Ngunit hindi niya kayang ibuka ang bibig para sabihin iyon. Dahil alam niyang sa sandaling ilabas niya ang tanong na iyon, masyadong magiging malinaw ang bagay na matagal na niyang pilit na itinatan

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 329

    Magkasabay silang pumasok ni Anton sa courtyard ng guesthouse, ngunit hindi pa man nakakasagot si Celine sa pagbati ni Roxy nang may nakita na siyang dalawang lalaking bumababa mula sa ikalawang palapag. Ang isa ay si Jax, na may suot na maayos na damit at malamig na ekspresyong tila walang anumang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status