Chapter 04
Girlfriend
Dorothea wanted a longer break but she knew she couldn’t just leave her work. Ilang minuto matapos magpahangin, bumalik na rin siya sa kusina. Co-workers asked her kung saan siya nanggaling at ano ang ginawa niya pero hindi na rin naman siya nakasagot dahil nagtawag na ng tulong si Lucas sa service area.
The weather was just a little warm but Dorothea felt like she was working under a hot summer sun. Pigil ang panginginig ng kanyang mga kamay, it was a complete struggle to serve the tables much as well walking with her wobbly knees.
Gusto niyang kumalma. God knows how much she wanted to stop the frantic beating of her heart and the nervousness rocking her whole system pero paano? How would she calm the heck down if she was being watched with Clarence Eissen Palma’s hawk-like eyes?
“Ayos ka lang?” tanong ni Lucas nang marinig nito ang buntonghininga niya matapos mag-serve sa isang table. It was the only chance she got to breath when she returned to the kitchen.
“Ayos lang,” she tried to smile. Hindi naman na nangulit ang lalaki dahil medyo abala rin. Dorothea was also called to serve another order.
“Sa table four ulit,” sinabi ng babaeng staff na naglapag ng tray na may nag-iisang iced tea. “Ikaw raw ang mag-serve, Thea.”
“Huh?”
“Sabi ni Alena. Gusto raw no’ng nasa table four ikaw ang magse-serve n’yan. Kanina pa nga ‘yan. Nakakailang order na ‘yon ng iced tea. Hindi ko lang mabigay sa ‘yo kasi abala ka pa sa iba.”
Dorothea had an idea about who the staff was talking about but she wouldn’t let her mind go there. Kahit pa nga parang sasabog na sa lakas ng tibok nito ang puso niya dahil sa narinig.
“S-Sige…” Kasi wala naman siyang choice.
Ngumisi ang staff sa kanya, mukhang nahalata ang kanyang kaba.
“Pogi raw ‘yung nasa table four ah. Mukhang big time rin. Kung tipo ka no’n, swerte mo,” makahulugan nitong sinabi.
Hindi alam ni Dorothea kung ano ang ipapakitang ekspresyon kaya hilaw na ngiti lang ang binigay niya sa babae. She knew there are people out there who has that kind of thinking, even her step-mother was thinking the same thing when the woman discovered her ties with Rence before.
“Ambisyosa ka talaga. Akala mo naman gusto ka n’yan kaya ka syinota. Katawan lang ang habol n’yan sa ‘yo at kapag nakuha ka na, echapwera ka na. Kaya anong pinag-aaarte mo? Kung ako sa ‘yo habang maaga, pagkakakitaan ko na ‘yan.”
Isa lang ‘yon sa mga lason na inilalagay ng babae sa kanyang utak noon. The woman wasn’t aware of the real status between her and Rence. Akala nito may malalim silang relasyon kaya ganoon na lang magsalita.
“Hindi po ako gano’n, tita.”
“Sus! Walang pupuntahan ‘yang pag-iinarte mo, Dorothea. Bukas makalawa, malalaman mo ring tama ang sinasabi ko at magsisisi ka. Iiwan ka rin niyan kapag nakuha ka na at kapag nangyari ‘yon, ‘wag kang iiyak-iyak d’yan.”
Dorothea knew better than talking back kaya hindi na lang niya sinusubukang ipagtanggol ang sarili o si Rence sa mga ganoong usapan. Hinahayaan na lamang niyang magsalita ang babae at sabihin ang mga gusto nitong sabihin hanggang sa ito na mismo ang magsawa sa kakasalita dahil wala namang patutunguhan kung susubukan niyang umalma. Her tita would only insist her twisted beliefs and Dorothea wouldn’t have any room to say hers.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng iba sa mga mayayaman, o kahit sa mga kapos sa buhay. Pero hindi na rin naman bago sa kanya ang ganoong opinyon pagdating sa usaping estado ng buhay kaya ang marinig ang sinabi ngayon ng katrabaho, hindi na rin siya nagugulat.
She picked up the tray of iced tea. Habang naglalakad, hindi magkamayaw ang tibok ng puso niya. Hindi pa nakakatulong ang mga naiisip niyang posibilidad kapag nilapitan niya na ang lamesa ni Rence!
What if he starts throwing questions at her the moment she gets there? Ano ang isasagot niya rito? Hindi niya napaghandaan ang araw na ‘to. Or did she really ever think that this day would come at all? Hindi naman. Kasi kahit kailan, hindi niya naman naisip na magkikita pa sila ulit!
Dorothea didn’t know if it was a good thing that Rence was busy with something on his phone nang lumabas siya sa service area para ihatid ang order nito. She was in a hurry to walk towards him to just get things over with. Walang sali-salita niyang pinatong ang iced tea sa lamesa nito at kung hindi siguro nag-angat ng tingin ang lalaki diretso sa kanyang mga mata, baka tumakbo na siya pabalik sa kusina.
“Y-Your order, Sir…” halos nabibitin na sa hangin ang mga salita ni Dorothea habang hindi maialis ang kanyang paningin sa lalaki.
His brown eyes were still as she remembers from before. Honest and expressive. Kaya nga kitang-kita niya ngayon ang naghahalong mga tanong nito na hindi niya naman kayang sagutin. Napaiwas si Dorothea at bahagyang yumuko.
“Enjoy your… drink, Sir.” She was about to turn when Rence suddenly held her wrist, causing her to halt.
“Wait,” his voice was anything but angry, malayo sa inaasahan ni Dorothea. “you know me… right?”
Pakiramdam ni Dorothea nakuryente siya nang marinig ang tanong nito. At kahit na ayaw niyang harapin ang lalaki, ginawa niya pa rin dahil alam niyang nanonood na sa kanila ngayon si Lucas na nasa counter. She didn’t want him to think there’s something wrong going on. Protective pa naman ito sa kanya.
“Kilala mo ako,” ulit ni Rence pero hindi na iyon tanong ngayon. Nakatingala siya kay Dorothea, naghihintay ng sagot nito.
“U-Uh… yes, Sir. May problema po ba?” Hawak pa rin nito ang palapulsuhan niya kaya pasimple niyang tinanaw iyon. Still, Rence seemed to notice and gently let it go.
“Wala namang problema, Thea. And sorry about that.”
“Ah, okay lang… po.” She didn’t know if she meant that. Kasi hindi naman siya okay! Lalo dahil tinawag siya nito sa pangalan niya! “Uhm, m-may gagawin pa po ako kaya… mauna na ako, Sir.”
Hindi alam ni Dorothea kung anong klaseng ekspresyon ang pinapakita niya pero nakatitig sa mukha niya si Rence bago ito marahang tumango para sa pagpayag. Pakiramdam ng dalaga nabunutan siya ng tinik sa lalamunan at kahit nanonood pa ang lalaki, nagmamadali niyang tinungo ang kusina para makahinga.
She couldn’t bring herself to tell Rita about the interaction. Kahit nagtatanong ito kung bakit parang pagod na pagod siya sa araw na ‘yon, hindi nagawang ikwento ni Dorothea na nakita niya si Rence sa Kampo.
She didn’t know. She thought saying it out loud would only make things feel real. She wanted to pretend that what happened today wasn’t true. Dahil hindi niya alam kung papaano haharapin ang katotohanan na nasa iisang lugar lang sila ni Rence matapos siyang magpakalayo-layo.
What is he doing in a place like this, anyway? Hindi naman dito ang kompanya nila!
Maybe he’s on a trip? Nagkataon lang na sa Kampo niya naisipang tumigil para kumain. Pwedeng may pinuntahan siya rito. Business o kung anuman. Kung ganoon nga, maybe he’s not going to stay that long. Baka babalik na rin ito sa Maynila. Wala naman kasing dahilan para magtagal ito sa Ormoc kung tama ang iniisip ni Dorothea. She hoped she’s right. But oh well, since when was fate in favor of her?
THE dim-lighted room was so silent that the only thing Dorothea could hear was her and Rence's breathing in sync. Hindi niya alam kung anong oras na pero sigurado siyang madaling araw na. The long and dark curtains of Rence's room were hiding the lightening sky and the awakening of their own little community in that little urban part of the city. And Dorothea wished time would stop so she could feel Rence's warmth a little bit longer. So she could think that everything was alright. So she wouldn't be bothered by their reality which became even harder to swallow because of what happened between them just an hour ago. "You awake?" Rence's voice was gentle and husky. He kissed Dorothea's forehead as she was making the man's arm her pillow. Naramdaman niya rin ang mainit nitong kamay na humahaplos sa kanyang hubad na balikat. The only peace of fabric that was covering their bodies was the soft white comforter on Rence's bed. Dorothea could feel her nakedness under it. At ramdam niya, ga
ALL her inhibitions already flew out the window when Dorothea started accepting Rence's kisses as they hardly navigated the direction towards Rence's room in the penthouse. "A-Ah..." Dorothea moaned when the man started sucking her tongue hard like it was the most delicious thing he had ever tasted. She gripped onto Rence's black shirt, holding on for support dahil nanghihina na siya wala pa mang nangyayari. "Are you sure about this?" Rence was panting as he asked under his breath, making Dorothea's burn in desire. Rence's husky voice was a huge turn on and she couldn't help but get excited even more. "Sigurado ako, Eissen," she said firmly. "Tulungan mo 'kong makalimot." "No regrets tomorrow?" He kissed her neck and nibbled on her skin. His palms were already running under her blouse, distracting the heck out of Dorothea. "N-No regrets..." "Alright. I'll make you forget then." Pagkasabi no'n ay walang kahirap-hirap na pinangko siya nito, making her wrap her arms around
TUMANGO si Dorothea sa offer ni Rence. She didn’t know if she was only seeing things pero parang nakita niyang nagulat ang lalaki sa pagpayag niya. Hindi na lang niya pinansin iyon dahil pagod na siya sa gabing iyon at gusto na lang niyang matapos ang lahat. “Huwag po kayong mag-alala, Sir. Nadakip na po ng mga kasamahan namin ang salarin at kasalukuyan na silang pabalik dito. Kami na po ang bahalang umasikaso sa kasong isinampa ni Miss Bustamante. Maari na po kayong umuwi.”Pare-pareho silang nagpasalamat sa chief of police matapos ‘yon. Saka pa lamang nag-sink in kay Dorothea ang lahat nang makaharap si Adriano na nag-aalala ang tingin sa kanya pagkatapos ay hinila siya sa isang mahigpit na yakap. “You okay?” bulong na tanong nito. Tinapik ni Dorothea ang likod ng lalaki. “Ayos lang, sir.” There was a hint of smile in her answer. Adriano hissed. “Don’t take this too lightly. Nag-alala ako sa ‘yo. Halos ako na ang magpalipad ng helicopter makabalik lang dito.”Natawa siya roon ng
“ADRIANO!” Sabay na tumayo si Dorothea at Rita sa inuupuang mono block chair nang pumasok sa police station si Adriano. He was still in his suit and obviously hurried back dahil sa tawag ni Rita. It silently amused Dorothea how her friend could make her boss come home after only a call. She would’ve wondered further kung hindi lang sa nakita niyang pumasok kasunod ni Adriano. Clarence Eissen’s face was dark and his eyes were bloodshot when they landed on Dorothea. Napasinghap siya nang malalaki ang hakbang nitong lumapit sa kanya at hinigit siya sa isang mahigpit na yakap. “R-Rence…” tawag niya rito habang hinahagod ang likod nito. She could feel the man’s tensing body. His embrace was too tight but Dorothea felt so comfortable with his arms around her. Napapikit siya sa kapayapaang nararamdaman sa presensya nito. Nagbabadya na naman ang mga luha niya pero pinigil niya iyon lalo nang marinig ang mahihinang mura ni Rence bago ito kumalas at pinagitan ang kanyang mukha sa mga palad
A COMMOTION broke out when Dorothea went home and Rita was there in the sala who was so shocked nang makita ang itsura niya habang inaalalayan ng matandang driver. "Anong nangyari?! Fuck!" Natatarantang dumako ito sa kanila at tinulungan ang driver sa pag-uupo sa kanya sa mahabang sofa. Dorothea was still so disheveled. Nanginginig pa rin ang katawan niya. Tumutulo pa rin ang mga luha at kahit gustuhin man niyang sabihing huwag mag-alala si Rita, hindi niya magawa. "Manong Roy! Ano pong nangyari?! Teka, kuha lang akong tubig!" Halos patakbong umalis si Rita para gawin ang sinabi. Nakaupo na ang matandang driver sa single sofa habang si Dorothea, yakap-yakap pa rin ang sarili at pilit na itinatago ang punit niyang damit sa jacket ng matanda. "'Wag ka nang mag-alala, ma'am. Ligtas ka na."No matter how much Dorothea wanted to feel better at the old man's gentle voice, hindi niya magawa. "Ito oh, tubig. Manong, inom na rin po kayo." Nilapag ni Rita ang dalawang baso at pitsel sa cen
Trigger Warning: Sexual Harassment"DIEGO? Akala ko umuwi ka na? May nakalimutan ka ba?" pilit niyang pinagtutunog normal ang boses kahit humihigpit na ang kapit niya sa strap ng kanyang bag. The man advanced and Dorothea couldn't help but step back. Halatang napansin ni Diego ang pag-atras niya. Ngumiti ito, sa mga mata ay halata ang pagkalasing. "May nakalimutan nga ako," dahan-dahan ang pagkakasabi nito. Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Dorothea nang nagpatuloy ito sa paglapit. "A-Ano ba 'yung nakalimutan mo? Tara, tulungan na kitang hanapin." Dorothea tried to redirect the conversation. Naglakad na rin siya para sana lumabas dahil hindi niya gustong dalawa lang sila sa loob ng maliit na locker room pero naramdaman niya ang paghawak ni Diego sa braso niya. Mahigpit iyon kaya agaran ang paglingon siya sa lalaki."D-Diego, ano ba?""Dito na muna tayo, Thea. Wala naman sa labas 'yung naiwan ko. Nandito sa loob," halos pabulong na sabi nito dahilan para kilabutan si Dorothea."S-