Share

Chapter 5 (Girlfriend Part 2)

Chapter 5

Girlfriend

She was very panicky since morning. Gabi naman kasi talaga ang trabaho niya pero tinawag na naman siya ni Adriano para tumulong sa tanghali dahil ngayon, si Alena naman ang wala. Gusto niyang tumanggi kanina pero ano naman ang sasabihin niya rito?

Hindi kailanman siya tumanggi sa mga pabor ni Adriano dahil wala naman kasi siyang ibang gagawin. Magtataka ito kung ngayon, hihindi siya. Ano ang sasabihin niyang dahilan? It would sound stupid to say that she wanted to escape an interaction with Rence. At hindi rin naman siya sigurado kung babalik pa ba ito sa Kampo.

Dorothea tried to calm herself. Habang nasa kusina at katatapos lang maghatid ng order, humihinga siya nang malalim. Bakit nga ba siya takot na takot? Rence seemed cool yesterday. Yes, he did try to talk to her pero hinayaan naman siya nitong umalis nang gustuhin niya. T’saka hindi niya rin naman sigurado kung ano talagang dahilan kung bakit napadpad ito roon. Pwede namang coincidence lang talaga tulad ng naisip niya rin nang nagdaang gabi. Hindi ba?

“Thea? May nag-request sa ‘yo. Ihatid mo raw sa table five.”

And there goes the fucking coincidence.

It wasn’t as packed as yesterday but there were several people eating their lunch. Hindi man sadya, napansin niya ang mumunting bulungan sa mga nadaanang lamesa. No matter how silent their whispers were, nagsusumigaw naman ang ibig sabihin ng pagsulyap nila sa lamesang nasa sulok ng service area kung saan nakaupo ang isang lalaking kumpara kahapon, nakaitim na polo na ngayon at… working pants?

Bitbit ni Dorothea ang tray ng order. It was only a chicken inasal, rice and a random vegetable dish na kasama ng set. A memory grazed her line of thoughts but she opted not to go there. Lalo pa dahil nasa harapan na siya ng dahilan kung bakit nagwawala na naman ang puso niya.

She didn’t know how to address his presence kaya isang hilaw na ngiti lamang ang naibigay niya kay Rence. Habang ang lalaki naman, walang pakundangan siyang pinapanood!

Can’t he be subtler?!

“Are you busy?”

Nasa kalagitnaan si Dorothea ng paglalapag ng side dish nang magtanong si Rence. Nagulat kaya medyo napalakas ang lapag niya sa mangkok.

“P-Po?”

“Sabi ng kaibigan mo baka abala ka when I asked for you.” Sumandal si Rence sa inuupuan at direktang-direkta ang tingin sa kanya.

“Ah… hindi naman, Sir. K-Kaunti lang din naman po ang customer kaya okay lang naman po.”

“Kaya hindi rin makakaabala kung yayayain kitang sabayan ako?”

Dorothea wished she’d just imagine that. Pinagpapawisan na siya nang matindi!

“H-Hindi po ako sigurado kung pwede, Sir. Uhm, oras po ng trabaho at mamaya pa rin po ang break ko.”

“What time is it?”

“H-Ha?”

“’Yung break mo,” the man shifted on his seat, asking cooly. “anong oras?”

“Thirty minutes from now po…”

Sumulyap sa relo si Rence. Dorothea couldn’t help but notice the brand of that watch even though the man didn’t mean for her to see it. She felt like she’s back from when she understood that their worlds were too far different. Dorothea was really out of Rence’s league.

Kumirot ang dibdib niya sa naisip ngunit agad namang naagapan nang muling magsalita ang lalaki.

“I’ll wait for you then.”

Hindi niya alam ang isasagot pero sinubukang magsalita ni Dorothea. “Bakit po, Sir?”

“Hmm?” Rence tilted his head, making his sharp jawline evident. “It’s been a long time since we last saw each other and had a conversation. Gusto lang kitang kumustahin, Thea.”

Shit…

“Pero kung hindi ayos sa ‘yo, I’ll understand. I’m sorry for bothering you while you’re working.”

Dorothea knew it was an opportunity to run away and avoid an interaction with Rence but she just couldn’t leave things the way it was. Bakit ba kasi parang nagpapaawa ang tono nito? Hindi naman niya ginustong magkasalubong ulit ang mga landas nila! Why does she need to feel guilty for the man?

Gusto niya lang namang isalba ang sarili niya. And she also knew it was the best for Rence not to have that conversation with her pero bakit? Why did she have to follow that voice inside her head telling her that there’s nothing wrong with catching up? Kasi dati naman silang magkaibigan bago nangyari ang lahat? At kahit papaano, may utang na loob pa rin siya sa lalaki?

“Kung ayos lang sa ‘yo, uhm, magpapaalam lang ako sa manager namin.” Dorothea dropped all the pretense with her hope of escaping the conversation with the man. She smiled at Rence. “Pero mamaya pa kita masasamahan. May trabaho pa kasi. Pasensya na.”

“Ayos lang, Thea. Maghihintay ako.”

“O-Oh sige. Kung may kailangan ka pa nand’yan naman ang ibang staff. Tawagin mo na lang sila. Babalik na muna ako sa trabaho.”

“Alright.”

Bahagya pang yumuko si Dorothea bilang paalam bago tuluyang talikuran ang lamesa. She caught Lucas’ eyes while walking back to the kitchen pero dahil marami na ang tao, hindi na muna ito nagtanong sa kanya kahit na pumasok sa kusina para tumulong sa kanila.

However, she needed to get his permission so she could sit with the waiting Clarence Eissen outside kaya naman nang humupa ang orders at magbi-break na, nilapitan niya ito sa loob ng locker area. The room was not that small and they weren’t alone kaya kinailangan niya pang lumapit nang bahagya rito. Kasalukuyan itong may hinahanap sa locker. 

“Manager,” she called. “may ipapaalam lang sana ako.”

“Hmm? Ano ‘yon?” Masyado itong abala sa hinahanap.

“’Yung customer kanina. Uhm, kaibigan ko siya dati at gustong makausap ako kaya kung pwede, sa kanya ako sasabay ng lunch.”

Natigil ang lalaki at sa wakas ay nilipat ang atensyon sa kanya. Taas ang isang kilay nitong umayos ng tayo.

“That’s what you’re talking about with him earlier? Kaya ka natagalan sa lamesa niya?”

Napansin niya pa pala? Sabagay. Nakatingin nga siya. Dorothea thought.

“Oo. Gusto niya lang akong kumustahin. Okay lang ba?”

“Kung komportable ka sa kanya, bakit hindi? But I thought you’re trying to avoid him. Nakita ko kanina.”

“Ah…” she only smiled. “hindi naman. Iniisip ko lang na baka pagalitan mo ako dahil nakikipag-usap ako sa oras ng trabaho.”

Lucas’ lips broke into a silly smile. “Takot ka sa akin?”

“Nakakatakot ka kaya, Mr. Manager.”

“Wow. Talaga?” pabiro itong nagtaas ng kilay.

Dorothea chuckled and Lucas followed. He lightly brushed the scattered strands of her hair and tucked it behind her ear, a gesture from the man na nakasanayan na ni Dorothea. Nang humupa ang tawanan nila, nakangiti pa rin siya.

“Labasin mo na ‘yung kaibigan mo. Kanina pa ‘yon naghihintay,” utos ng lalaki.

“Opo, Sir.” Dorothea smirked and so did Lucas.

“Baka naman manliligaw mo ‘yon?” pahabol pa nito habang palabas na siya ng locker room.

“Wala akong gano’n, Sir.”

“Bakit? Selos ka ba kung oo, Sir?” singit ng isang staff na naroon at mukhang kanina pa nakikinig sa kanila. Nakangisi ito at halatang nakikisakay sa biruan nila.

Lucas shook his head. “Manahimik ka r’yan, Romero.”

///

Aware naman si Dorothea na hindi pangkaraniwan ang charisma ni Rence but she still couldn’t believe that she’d find a woman trying to talk to the man nang lumabas siya sa service area para sa pinangako ritong pag-uusap.

“Taga rito ka ba? Ngayon lang kita nakita so malamang hindi?” Dinig na dinig niya ang boses ng babae malayo pa lang siya sa lamesa. Nakatalikod man ito, she could clearly see where the woman got her confidence to approach a man like Clarence.

Fair-skinned, curvy form and decent height. Hindi man niya nakikita ang mukha, base sa boses, babaeng-babae ito. Idagdag pa ang suot nitong black na sphagetti dress at may takong na strappy sandals. Dorothea didn’t wanna go there but her eyes travelled to her own clothes. She’s wearing black pants, white polo shirt and simple flats, ang uniporme nila.

Kailanman hindi siya nakaramdam ng hiya suot ang mga iyon pero ngayon, she thought maybe it was better if she changed her clothes first before going out. Or maybe it was for the best if she didn’t come out at all?

She was in the middle of those thoughts when Rence’s uninterested eyes from the ongoing went to her. Nagsasalita pa ang babae sa harap nito pero parang wala itong naririnig dahil nasa kanya na nakatutok ang atensyon. Nagulat ang babae nang tumayo si Rence.

“Saan ka pupunta? I’m still talking—”

“Excuse me, miss.” From Dorothea, his eyes went to the woman. “Nandito na ang girlfriend ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status