MasukNeah was pregnant the night she desperately kept calling her husband while writhing in pain. But instead of answering her cries for help, Dave chose to stay in his meeting. At sa gabing iyon, hindi lang nila nawala ang kanilang anak—nawala rin ang pagmamahal na unti-unti nang gumuho sa pagitan nila. Two years later, Dave is finally at the peak of success as the top CEO candidate, while Neah is slowly rebuilding the life and heart he once shattered. But when fate brings them together again, Dave realizes that all his achievements mean nothing without the woman he once neglected. Pero paano kung ang pagkasira ng kanilang pagsasama ay hindi lang dahil sa kanyang kapabayaan… kundi dahil sa mga taong lihim na sumira sa kanila? And when Dave finally learns the truth, will there still be a family waiting for him… or is he already too late?
Lihat lebih banyakNEAH’S POV
Umuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.
“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.
For the seventh time tonight.
Sumasakit na ang tiyan ko kanina pa, ngunit ngayon ay halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi ito normal. Hindi ganito kasakit ang simpleng pananakit lang.
“Please answer… please…”
Tumulo ang luha ko nang marinig ko na naman ang voicemail.
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang nararamdaman ko ngayon o ang katotohanang baka mas importante na naman ang trabaho kaysa sa akin.
Bigla akong napayuko nang may mainit na likidong dumaloy sa pagitan ng mga hita ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa sahig. Nakita ko ang dugong dahan-dahan na tumutulo mula sa mga hita ko.
“D-Dave…”
Mabilis kong pinunasan ang luha ko habang nanginginig na muli kong tinawagan ang asawa ko. Nangingitim na ang paningin ko sa sakit ngunit pilit kong kinakapit ang sarili ko.
Sagutin mo naman ako. Please.
Pagkatapos ng ilang segundo, biglang kumonekta ang tawag.
Agad akong napaiyak.
“Dave…” hirap kong sambit habang napapahawak ako sa gilid ng sofa. “P-please… ang sakit… natatakot ako…”
Ilang segundo siyang natahimik sa kabilang linya. Rinig ko ang mahihinang boses ng mga tao at tunog ng projector sa background.
Meeting na naman.
“Neah,” mababa at seryoso niyang sabi. “I’m in a meeting right now.”
Parang may humigpit sa dibdib ko. Trabaho niya na naman ba ang pipiliin niya kesa sa amin?
“Please…” umiiyak kong pakiusap. “Hindi ko kaya… parang may mali sa baby natin…”
Pumikit ako habang pilit hinihintay ang sasabihin niya. Kahit konting pag-aalala lang. Kahit marinig ko man lang na paparating na siya.
Pero ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang dumurog sa akin.
“Let’s talk later, okay? I’ll call you after this.” At bigla niyang ibinaba ang tawag.
Tuluyan akong natulala.
Nanginginig kong ibinaba ang cellphone ko habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo roon habang namimilipit sa sakit. Mag-isa lang ako habang asawa ko, pinili na naman ang trabaho kaysa sa amin.
Napasinghap ako nang mas matinding sakit ang biglang kumirot sa tiyan ko. Napaigik ako habang mas maraming dugo ang tumulo.
“Help…”
Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
“Someone help me…”
Maya-maya pa’y malabong mga yabag at sigaw ng kapitbahay ang narinig ko bago tuluyang nangitim ang paningin ko.
Ang huling bagay na naalala ko.
Ay ang mahigpit kong pagkakahawak sa tiyan ko habang paulit-ulit na nagdadasal.
Please…
Save my baby.
---
Malamig.Iyon agad ang unang bagay na naramdaman ko pagmulat ko ng mga mata ko.
Mabigat ang talukap ko habang dahan-dahan kong nilibot ng tingin ang puting kisame sa ibabaw ko. Amoy antiseptic ang paligid. Mahinang tunog ng monitor ang paulit-ulit kong naririnig.
Nasa hospital ako.
Bigla akong kinabahan kaya agad kong hinawakan ang tiyan ko. At doon ko naramdaman ang nakakabinging katahimikan.
Wala na. Hindi ko na maramdaman ang baby bump ko.
Nanlaki ang mga mata ko habang mabilis akong napabangon kahit nanghihina ang katawan ko.
“My baby…” Nanginginig akong lumingon sa paligid.
“Nasaan ang baby ko?”
Agad na lumapit ang nurse sa akin. “Ma’am, please calm down—”
“Nasaan ang anak ko?!” sigaw kong tanong habang tuluyan nang bumagsak ang luha ko. “Please… please tell me my baby is okay…”
Biglang umiwas ng tingin ang nurse. At doon tuluyang lumubog ang puso ko.
Parang huminto ang mundo ko habang dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Dumating na si Dave.
Humihingal siya na tila kararating lang. Gusot ang suit niya habang hawak ang isang bouquet of white roses.
Nanlabo lalo ang paningin ko. Hilaw na lang akong natatawa. Habang nahihirapan ako, habang sinusubukan kong iligtas ang baby ko, abala naman siyang inaabot ang pangarap niya.
“Neah…” mahina niyang tawag habang lumalapit sa kama ko. “I came as soon as I—”
“Don’t.”
Agad siyang natigilan. Nanginginig kong pinunasan ang luha ko habang pilit kong kinakapit ang natitirang lakas ko.
“Don’t come near me.”
“Neah—”
“Wala na ang anak natin.” Nanginginig kong sambit sa kaniya. Napapatakip na lang ako sa mukha ko gamit ang mga palad ko. Mahinang hikbi ang tumakas mula sa bibig ko. Hindi ko matanggap. Paano ko kakayanin?
Napayuko siya. Parang ngayon lang nagsink in sa kaniya ang lahat. Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ko siya habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa harap mismo niya.
Hindi siya umabot.
Hindi niya kami pinili.
At kahit gusto kong magalit… mas masakit palang tanggapin na pagod na pagod na akong umasa.
“I called you,” nanginginig kong sabi. “I begged you…”
Mahigpit na napapikit si Dave habang bumibigat ang paghinga niya.
“I’m sorry.” Dalawang simpleng salita. Mapait akong ngumiti. Sorry? Maibabalik ba ng sorry niya ang nawalang anak namin? Huli na ang lahat.
“Do you know what I was thinking habang nawawalan ako ng malay?” umiiyak kong tanong. “Iniisip ko na darating ka. Kasi asawa kita.” Humihikbi kong wika sa kaniya. Kahit na pagod na pagod pa ako, kahit na masakit pa sa akin ang lahat, tahimik lang siya. At mas lalo akong nasaktan sa katahimikan niya. Hindi ko alam kung nasasaktan din ba siya sa pagkawala ng anak namin o kung mas iniisip niya ang pangarap niya.
Tumulo ang luha ko habang mabagal akong umiling.
“But you chose your meeting.”
Parang may kung anong nabasag sa ekspresyon niya.
“Neah, please… listen to me—”
“No.” umiiling kong sagot. Ayaw ko ng makinig sa kaniya.
Ngayon ko lang narealize. Hindi pala sapat na mahal ka ng isang tao.
Kailangan… piliin ka rin niya. At sa pinakaimportanteng gabi ng buhay namin.
Hindi ako ang pinili ni Dave Montenegro.
Tahimik ang buong kwarto pagkatapos ng mga sinabi ko.
Tanging mahinang tunog lamang ng heart monitor ang pumupuno sa pagitan naming dalawa.
Nakatayo lang si Dave sa tabi ng kama ko, hawak pa rin ang bouquet ng white roses na hindi niya maibigay sa akin.
Parang ngayon lang niya naiintindihan na may mga bagay na hindi kayang ayusin ng pera, apology, o flowers.
Unti-unti kong iniwas ang tingin ko sa kaniya dahil hindi ko na kayang makita pa ang mukha niya.
Masakit.
Sobrang sakit.
At ang pinakamasakit sa lahat.
Mahal ko pa rin siya.
Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga bago niya dahan-dahang ibinaba ang mga bulaklak sa mesa.
“Neah…” basag ang boses niya. “I know I failed you.”
Napapikit ako.
Failed me?
Hindi lang ako.
Pati ang anak namin.
“Please,” mahina niyang sabi habang lumalapit ulit. “Give me a chance to fix this.”
Napatawa ako nang mahina. Pero walang saya roon. Pagod lang.
“How?” tanong ko habang mabagal na lumingon sa kaniya. “Paano mo aayusin ang isang batang wala na?”
Agad siyang natahimik.
Namumula ang mga mata niya ngayon ngunit hindi na iyon sapat para alisin ang sakit na iniwan niya sa akin.
Dahan-dahan kong niyakap ang sarili ko habang pilit pinipigilan ang panibagong pag-iyak.
“Alam mo ba kung gaano ako natakot?” nanginginig kong tanong. “Akala ko mamamatay ako habang mag-isa.”
Mahigpit na napapikit si Dave.
“I’m sorry…”
Paulit-ulit. Pero wala nang epekto na para bang kahit isang milyong beses siyang magsorry, hindi na mababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa lalaking minsang naging buong mundo ko.
Hindi ko namalayang dumating kami sa puntong parang estranghero na kami sa isa’t isa.
Maya-maya’y biglang may kumatok sa pintuan bago sumilip ang doctor.
“Mrs. Montenegro,” maingat nitong tawag. “We need to discuss your condition.”
Agad akong napatingin dito.
Napansin kong bahagyang nag-alangan ang doctor nang mapatingin kay Dave bago muling bumalik sa akin ang tingin nito.
“There were complications during the miscarriage,” mahinahon nitong sabi. “Your body became very weak due to blood loss.”
Parang biglang lumamig ang buong katawan ko.
“W-What do you mean…?”
Huminga nang malalim ang doctor.
“We’re not saying it’s impossible,” dahan-dahan nitong paliwanag, “but there’s a possibility that getting pregnant again in the future may become difficult.”
Parang may humampas sa buong pagkatao ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ako makahinga. Para bang bigla akong nabingi sa narinig. Nawalan na ako ng anak, pati ba naman ang kakayahang magkaanak ulit?
Ang katabi ko, parang tuluyang nawalan ng kulay ang mukha ni Dave.
“No…” halos pabulong niyang sabi. “No, there has to be another way—”
Pero hindi ko na sila halos marinig. Kasi pakiramdam ko… Kasama ng anak namin—
May parte rin ng sarili ko ang namatay noong gabing iyon.
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong nagmamadali pa ako? “Paanong nangyari yun? Pinacheck ko lang ang sasakyan ko last week. Pinalitan din ang mga gulong.” Nagtataka kong tanong sa secretary ko na para bang alam niya rin ang sagot gayong magkasama kami sa loob ng conference room.“Hindi ko rin po alam sir.” Napapabuntong hininga ako.“Magbook ka ng sasakyan.” Utos ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa suit at pants ko pero wala ito. “Where’s my phone?” baling ko sa secretary ko. Kinuha naman nito ang cellphone ko sa bag niya at ibinigay sa akin.Tiningnan ko kung may message man lang ba si Neah o tawag pero wala. Siguro ay naghihintay pa siya sa
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na ako. Tumikhim ako bago ako naupo para kunin ang atensyon niya.“Love,” mahina niyang usal. Tipid akong ngumiti, kunwaring hindi napapansin ang pagkabalisa niya. Anong nangyari habang wala ako? May tumawag ba sa kaniya? Trabaho na naman ba?“What happened?” kalmado kong tanong. Gusto kong isipin na hindi niya sisirain ang gabing ito. Sinisimulan pa lang naming ayusin ang relasyon namin. Ayaw ko ng iparanas niya na naman sa akin na mas mahalaga pa rin sa kaniya ang trabaho niya kesa sa akin.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang iniisip niya.“Dave,” tawag ko s
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong naghihintay na ulit sa bahay. At sa pagkakataong ito, ayokong maulit ang dati.Tumayo ako at isinara ang folder sa harap ko.“We’ll continue tomorrow,” malamig kong sabi.Natigilan ang buong boardroom.“Sir?” gulat na tawag ng isa sa investors. “The proposal isn’t finalized yet.”“It can wait.”Hindi na ako nagbigay pa ng ibang paliwanag at agad nang lumabas ng conference room. Sa likod ko, ramdam ko ang pagtatakang tingin ng lahat. Dati, ako ang lalaking handang matulog sa opisina para lang matapos ang trabaho.Pero hindi na ngayon.Because for the first time in years…Mas gusto kong umuwi.---Habang nagda-drive ako pauwi, napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ko ang date.October
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga araw na buntis pa ako, na kasama ko pa ang anak ko.Tiningnan ko siya at ang dala-dala niyang mga bulaklak and foods. Na para bang maibabalik ng mga yun ang mga nangyari sa amin, sa pamilya namin, sa anak namin, sa relasyon naming dalawa.Mapait akong ngumiti ng makita ang white roses na dala-dala niya. Sa tuwing nakikita ko yun, naaalala ko ang gabing nawala sa akin ang anak ko, ang araw na mag-isa kong inilibing ang anak namin.Tumayo ako at umalis sa sala.“Neah,” tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa hardin ni mommy at naupo sa swing. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit pa rin sa akin na wala na ang anak ko. Na wala man lang akong nagaw












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.