ALAM naman na ni Dorothea na isang araw, baka magpapakita ulit si Rence sa Kampo pero hindi naman niya inaasahan na ngayon pala ang araw na ‘yon. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang nagpupunas ng lamesa, panaka-naka ang sulyap sa lalaking naroon sa hindi kalayuang lamesa. Kasalukuyan itong sumisimsim sa baso ng Jack Daniels na in-order nito. Dorothea, like when she first saw Rence inside Kampo, thought how out of place he looked inside the place. Bakit nga ba ito narito? Pagkatapos niya nitong batiin, namili na ito ng lamesa. Dahil maraming tao kanina at ayaw niya naman talagang magtagal sa harap nito, nagpaalam na siyang aalis. Hindi na rin siya ang naghatid ng order nito. Ayaw niyang maging obvious na sinusubukan niyang iwasan ang lalaki pero sigurado siyang napapansin naman nito ang hindi niya na paglapit muli sa lamesa nito. Pero kahit hindi naman siya lumapit dito, ramdam na ramdam naman niya ang nanunuot sa balat nitong mga tingin sa kanya. “Nandito
“TARA! Bilisan mo, baka hindi na natin sila maabutan!” Halos masagasaan si Dorothea nang nagmamadaling grupo ng mga halong junior at senior. Mabuti na lang dahil naulinigan niya ang boses ng mga ito mula sa kanyang likod habang naglalakad sa malaking ground kaya agad siyang nakaiwas. Tinanaw niya ang malalaking hakbang ng mga ito patungo sa lumang gymnasium ng kanilang community college. She could clearly remember what’s happening there before. A basketball practice game. Pero hindi lang iyon isang tipikal na practice game kung saan may varsity players ng ibang school na naroon sa school nila para lumaban sa mga player nila. Hindi, dahil alam ni Dorothea noon na hindi naman magkakagulo ang mga babae kung tulad lang iyon ng nagdaang mga laro na marami mang nanonood, hindi naman gaano binibigyang-pansin ng lahat. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo mamaya na ‘yung assignment eh! Next week pa naman pasa no’n! Dapat iniwan na lang kita. Paano tayo sisingit sa ganyan karaming tao? Gustong-gusto k
Suot ang simpleng puting floral dress at sandals na madalas niyang ginagamit sa tuwing may kaswal na lakad, Thea bid her son and friend good bye.As usual, the tricycle ride was short and the town was quite crowded dahil Linggo ngayon. Maraming katulad niya ang mas piniling mamili sa pamilihang bayan kaysa sa mismong sentro ng lungsod dahil mas malapit nga naman at meron din naman ng mga kailangan nila rito. Although sometimes, when they really need to go to the central, Dorothea and Rita take trips kasama si Raisen. Doon na rin sila nagkakaroon ng kaunting bonding sa mall at bumibili ng mga bagay na hindi nila mabibili sa pamilihang bayan. Ang totoo, she really wanted to bring Raisen today. But the circumstances have changed and she needed to be careful with her son going out with her. Honestly, nagpapasalamat nga siya na hindi naaalala ng kanyang anak ang ipinangako niyang pamamasyal dito noong nakaraan. Rence’s presence in Alta Vista made her anxious no matter how much she trie
AKALA ni Dorothea tapos na ang kalbaryo niya dahil ibina-box na ang mga pinamili niya when it suddenly dawned on her that she hadn’t call a tricycle yet para mailagay roon ang mga ito. Ayaw niya namang magpanggap na kaya niyang bitbitin ang isang box at dalawang ecobag ng mga ito kasi alam niyang hindi niya talaga kaya!How was she supposed to carry all these out the store?!“Tapos na po, ma’am,” anang binatang nagsalansan at nagbalot ng mga pinamili niya. Maganda ang ngiti nito kay Dorothea.“Salamat,” she replied. Kilala na niya ang binata kahit papaano. Madalas siyang bumibili rito at ito palagi ang nagbabalot kaya pamilyar na rin sa kanya. “Wala kayong kasama, ma’am?” Sinulyapan nito ang mga pinamili niya. “Marami-rami ‘tong mga pinamili n’yo. Mabigat din. Baka hindi n’o kayang buha—”Natigil ang binata nang may tumikhim sa likuran ni Dorothea. Mula sa dalaga, napatingin ang binata sa kung sinuman iyon. He was clearly taken aback for a second before his eyes went back to Dorothea
DOROTHEA was silent the whole time. She had no idea how she managed to survive the trip to the market with Rence but she did. She rode the man’s car and shopped with him not knowing why they were doing such things. Hinayaan na lang talagang mangyari ang mga bagay-bagay dahil sa hiya niya. She had to change some of her plans, though. Hindi na muna siya bumili ng mga vitamins ni Raisen at ng pinabibili nitong laruan. Iilang raw ingredients na lang sa palengke ang binili niya saka kaunting gamit sa bahay dahil nahihiya na rin talaga siya kay Rence.With the man’s air, kahit pa tahimik lang itong nanonood sa mga interaksyon ni Dorothea sa bawat tindahang pinagtatanungan o binibilhan, hindi maitatangging agaw-pansin pa rin ito. All heads were turning towards them sa bawat dinadaanan nila at kahit nakatigil, Dorothea didn’t fail to notice how women of all ages, stared at Clarence for an unreasonable period of time. Sa tuwing ganoon, she couldn’t help but look at the man too and marvel at h
WHEN was the last time she felt insecure? The last time she was jealous of something others have and she doesn’t? When was the last time she wished she’s living a different life from the one she’s currently living? When was it that she wanted to lash out and scream on the top of her lungs the questions she kept bottled deep within? “Tulala ka,” pansin sa kanya ni Lucas nang mapadaan sa may banda niya sa loob ng locker room. Tapos nang maglinis si Dorothea at halos kalahating oras na lamang ay magsasara na sila kaya hinihintay na lang matapos ang natitirang mga customer. Mga lasing na rin naman ito at duda silang magtatagal pa. “May iniisip lang,” kaswal niyang sagot. “Problema?” Lumapit ang lalaki sa locker nitong katapat ng kanya. Binuksan at tila may chineck lamang pagkatapos ay muling sinara. Tumingin ito kay Dorothea dahil hindi pa sumasagot. Nagtama ang kanilang mga mata at doon lamang umiling ang dalaga. “Hindi naman. Hindi naman gano’n kaimportante. Okay lang ba si Tonyo
“KUNG ganoon, bakit ka umiinom ngayon?”“Hindi ko rin alam. Naisip ko lang na gusto ko bigla. Pero hindi mo rin naman matatawag na alak itong iniinom ko.” Sinipat ng dalaga ang baso ng pink na inumin saka tumingin kay Lucas. “Hindi naman lasang alak.”“At least that won’t get you drunk, Thea. Uuwi ka pa kay Raisen. You don’t want to go home to him drunk, do you?” “I guess,” she shrugged. Katahimikan ulit. Tumungga si Lucas sa kanyang beer. “So what’s the problem with your friend?”Dorothea stilled a bit on her seat pero inasahan niya naman na ang tanong na iyon. Kahit pa nga sinabi na niyang ayaw niya itong pag-usapan. Bumuga siya ng hangin, buong pag-aalinlangan kung sasagutin ba iyon pero kalaunan ay bumuka rin naman ang kanyang mga labi. “Hindi ko siya kaibigan, Lucas.” Uminom si Dorothea sa inumin. “Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. We’re friends when we were young but things have changed. Ang dami-dami nang nagbago na hindi ko na alam kung ano pang dahilan kung b
IT WAS a complete silence inside Rence's car. Walang nagsasalita pero nararamdaman ni Dorothea ang panaka-nakang sulyap ng lalaki sa kanya even though she's staring out the passenger seat's window. Hindi niya alam kung tumitingin lang ba ito o may gustong sabihin pero nag-aalinlangan. But either way, Dorothea didn't plan to do anything. Masyado na siyang pagod sa araw na ito at gusto na lang niyang makauwi para makapagpahinga. Nga lang, Rence seemed to have a different idea."Iliko mo na lang d'yan sa may crossing," Dorothea told the man when she saw the way papunta sa bahay nila. She was already anticipating for the car to turn sa tinuro niyang papasukan pero naguluhan siya nang hindi ito iniliko ni Rence sa daang sinabi niya. "Bakit hindi ka lumiko? Doon ang papunta sa bahay na tinitirhan ko—""I know," kalmadong sinabi ni Rence, taliwas kay Dorothea na medyo nagpa-panic. "But let me first treat your wounds. I will not let you go home looking like that."Gustong umalma ni Dorothea p