Share

Chapter 4

Noella’s Point of View

I wore a red satin dress with a sleeveless square neckline, bungee spaghetti stripe, and an open back with bar a strap at the back. The dress I was wearing did not go beyond my knees, and my long and white legs were apparent, as well as my cleavage.

I'm not used to wearing this kind of clothes with my body almost exposed, but I can't complain about what they want me to wear. I have also been living in this place for a month, and I don’t know which part of the Philippines I am, and I have met people like me who, if not sold by a relative, will be repaid in her family debt.

Ang iba ay nabaon sa sugal na nasa organisasyon din ito at nang walang maipambayad ay ang anak nilang babae ang kinuha ng organisasyon at pinapirma ang kaanak nila ng isang kasulatan na pumayag silang kunin ang anak nila. Kahit ayaw nila, ay wala silang magawa dahil buhay naman ng pamilya nila ang kapalit at kailangan din nilang manahimik habang buhay.

Marami akong nalaman sa organisasyon pero alam kong kulang pa ang mga nalaaman ko at ang tanging nalaman ko lang ay kasapi ang may-ari ng kumuha sa akin at magbebenta sa isang mayamang customer ng Mafia group, na nagmula sa Japan, Russia, China at Korea, malaking organisasyon at kahit ang Pilipinas ay napasok na nila. Iba’t-ibang uri ng illegal na gawain subalit hindi magawang ipasuplong sa batas dahil sa malakas na kapangyarihan na mayroon ang organisasyon.

I was one of the unlucky ones who got this organization because of Mama, whose wealth was more expensive than her child and flesh and blood. I can't help but feel sadness and self-pity because of my life now. Wala na akong magagawa dahil pinapirma na rin kami ng isang kasulatan na organisasyon na ginusto namin na mapasok sa kanila at handa kaming ibenta sa nais bumili sa amin kapalit ng malaking perang nakuha ng pamilya namin.

Sapilitan ang pagpapapirma ng kasulatan na iyon dahil kapag hindi kami pumayag kamatayan namin at ng kapamilya namin saka hindi kami papatayin kaagad dahil ipapagamit na muna ang katawan namin sa mga lalake sa organisasyon bago kitilin ang buhay.

Para sa akin ay ayos ng mamatay na lang ako. Wala na rin naman patutunguhang maganda ang buhay ko at masakit pa rin sa akin na trinaydor ako ng sarili kong ina. Ang sakit na iyon ang nagtutulak sa akin na mamatay na lang pero mahal ko pa rin si Mama at ayokong pati siya idamay ng organisasyon at ayaw ko rin babuyin ng mga taong nandito sa organisasyon kaya heto ako at pumayag na sa gusto nila at pumirma sa kasunduan.

Saka na ako magpapakamatay kapag may bumili na sa akin at sa harapan mismo ng taong iyon ko kikitilin ang buhay ko para konsensiyahin siya o hindi kaya ay tatakas ako at pupunta kay Mama para sa harapan niya ay papatayin ko ang sarili ko. Siguro magandang karma iyon kay Mama para habang buhay na hindi niya makalimutan ang ginawa niya sa akin.

Mapait akong napangiti kahit puno ng lungkot, sama ng loob at pagkabigo ang damdamin ko.

“Maghanda na kayo at paparating na ang mga taong nagpa-reserve sa inyo,” anunsiyo ng isa sa tauhan ng organisasyon sa aming mga babae kaya natigil ang pag-iisip ko sa nangyari sa buhay ko at mga plano ko sa hinaharap.

Walang ni isa ang nagsalita at bumakas lang sa mga kasama ko ang takot sa kanila. Halos lahat kaming mga babae sa kwarto na ito ay nakasuot ng sexy na damit na halos kita ang buong katawan at dama ko rin sa kanilang lahat ang kaba at takot na nararamdaman sa kung anong magiging buhay nila sa mga taong bumili sa kanila. Nasa isang kwarto kami na may malaking salamin  sa harapan namin at nakaupo kami sa mahabang sofa.

Sampu kaming mga babae na nasa kwarto at halos lahat ng mga kasama ko ay mukhang kagaya ko na nanggaling sa mayamang pamilya dahil sa malasutlang balat at halatang alagang-alaga. Bago kami umabot sa ganitong sitwasyon na papasuotin ng ganitong damit at papasukin ng sama-sama sa kwarto na ito ay nag-orient na muna sa amin ang mukhang nakakataas din sa organisasyon.

Kung anong mangyayari sa amin at kung anong nararapat din naming gawin sa oras na mabenta kami. Na dapat sundin namin ang nais nilang ipapagawa sa amin dahil pag-aari na nila kami at walang magtatangkang tumakas sa bumili sa amin o magsuplong sa Pulis dahil wala rin naman mangyayari. Para sa akin  hindi siya mukhang orientation at mukha siyang pananakot sa bawat isa sa amin at sinabi na rin nila na wala talagang pag-asa na makatakas kami sa buhay naming ito kundi kamatayan.

“Mary Noella Monragon!” malakas ang boses na tawag sa buong pangalan ko dahilan para mapatingin ako sa matangkad at malaking katawan na lalake. “Tumayo ka na diyan at sumama sa amin!” utos ng lalake sa akin.

Napalunok ako at mabilis na kumabog ang dibdik ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Dahil hindi ako kaagad tumayo ay lumapit na sa akin ang lalake at hinawakan ang braso ko saka pinatayo at halos kaladkarin palabas ng kwarto. Muntikan pa akong madapa dahil sa suot kong higheels.

“Kapag sinabing tumayo ka at sumama sa amin ay kumilos ka kaagad!” galit na sita sa akin ng lalake habang patuloy na kinakaladkad ako sa mahabang hallway at isang pinto ang hinintuan namin.

May senenyas ang lalaking may hawak sa akin sa kasama niya at may kinuha ang kasama niya sa bulsa saka hinawakan ang baba ko at pinisil iyon dahilan para bumuka ng sapilitan ang bibig ko at may pinasubong tablet sa akin at pinainom ako ng tubig.

Napaubo pa ako dahil sa ginawa nila at walang magawa na nalunok ang tabletang pinasok sa bibig ko.

“A-ano iyon?” galit na tanong ko sa kanila.

“Pangpasaya iyon,” nakangising tugon ng lalaking nakahawak sa braso ko.

“Mga hayop kayo!” galit na bulalas ko.

“Pumasok ka na sa loob! Baka kapag uminit ang ulo ko ay kaming tatlo ang gagamit sa’yo!” pagbabanta niya sa akin.

Matalim ko siyang tinignan saka ipinihit ang door knob at binuksan iyon. Tinulak pa ako ng lalaking humawak sa akin sa braso at kumaladkad para tuluyang makapasok at isang sofa na mahaba lang ang namataan ko doon saka sumara ang pinto ng kwarto.

“So, you are the woman I bought. You look better in person than in the photo I saw on the website.”

Nagulat ako sa boses na iyon  at natulos ako sa kinatatayuan ko dahil doon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status