Noella’s Point of View“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat nang iyan sa una pa lang?” tanong ni Diego sa akin.“Dahil hindi p’wede. Kahit gustuhin ko man ay hindi p’wede dahil natatakot akong mapahamak ang lahat ng mahal ko sa buhay. I-isa pa, kasapi ka sa grupo ng nagmamay-ari ng Slave Market kaya kahit ikaw din noon ay hindi ko mapagkatiwalaan at galit na galit ako sa’yo noon dahil nagawa niyo ang ganoon sa amin.“Sa aming mga babae na sapilitang ibenta sa Slave Market. Pero unti-unti ko rin nalaman sa mga pag-uusap natin nang magkasama tayo, kahit sa pag-uusap namin ni Draco at Kaan, na iba ang pagkakaalam niyo sa aming mga babaeng binibenta sa Slave Market sa buong katotohanan kung bakit nandoon kami at binenta kami,” tugon ko.“Matagal na ako sa organisasyon at isa sa pinagbabawal ang ganoong negosyo! Ang sapilitang magbenta ng tao k-kaya nagulat ako sa nalaman ko,” aniya.“N-nagsasabi ako nang totoo, Diego. Pero ayos lang kung hindi ka maniwala, grupo mo ang pinag-uusapan a
Noella’s Point of ViewNang dumating kami sa Ospital ay walang malay si Mama nang naabutan namin sa kwarto niya. Namumutla ang mukha at halatang nanghihina talaga. Nakadama ako bigla ng awa sa kaniya kahit pa may nagawa siyang masasakit sa akin at sinabi niyang hindi niya ako tunay na anak. Hindi ko alam pero mas nangibabaw ang pagiging anak ko sa kaniya kahit hindi kami magkadugo at hindi ko napigilang lapitan at haplusin ang pisngi niya.Ngayon ko lang napansin na pumayat pala si Mama hindi katulad noong huli ko siyang nakita saka nangingitim ang ilalim ng mga mata niya na tinatakpan lang ng make-up para hindi mapansin pero dahil nasa Ospital siya at walang malay ay hindi na siya nakapag-ayos pa.Pumasok ang Doktor kaya kaagad akong lumapit sa kaniya. “Doc, ako po ang anak ni Kriselda Monragon, ano po bang nangyari sa kaniya? Bakit bigla na lang daw pong nawalan ng malay habang nasa isang restaurant at kumakain?” tanong ko.“Hindi pa po ba sinasabi ng Mama mo sa’yo ang kalagayan niy
Noella’s Point of View“Where the hell am I?” galit na tanong ni Mama nang kinagabihan ay magising siya at halos ilang-oras ay nakabawi na kaagad ng lakas.Kahit namumutla pa rin si Mama ay tinanggal niya ang IV na nasa pulsuhan niya saka aalis sana sa kama kaya nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Wala si Diego dahil nagpresinta na bibili ng hapunan namin at ang kasama ko ay si Maya, Tita at Tito.“Ma, huwag na kayong tumayo. Magpahinga lang kayo—““May mahalaga akong dapat gawin sa Maynila at hindi ko kailangan magpahinga dahil ayos lang ako!” galit na tugon ni Mama sa akin.“Mas mahalaga pa ba ang aasikasuhin niyo sa Maynila kaysa sa buhay mo? May malala kayong sakit, Ma—““Now you know that I have been sick? So you are now acting like a worried daughter because you know I have a serious illness and am going to die?” puno ng sarkasmong tanong ni Mama sa akin saka ngumisi.“Nag-aalala talaga ako sa’yo, Mama at hindi ako nagpapanggap lang!” diin ko sa kaniya.Balewalang tinignan lang
Noella’s Point of ViewIsang balita ang halos magpalugmok sa akin.Nalaman ko mula sa aming abogado na wala nang pag-asang makaligtas pa ang hacienda na pag-aari na tanging natitira ng namayapa kong ama sa aming mag-ina. Kukunin na raw ng bangko ang buong hacienda at wala kaming ibang mapupuntahan dahil ito na lang ang nag-iisang ari-arian na natira sa amin.Ginawa ko naman ang lahat upang makabayad sa malaking pagkakautang namin sa bangko subalit kulang pa rin ang pagsisikap ko. Ang mga tauhan sa farm, ay unti-unti na rin nagsiwalaan dahil halos wala na kaming maisahod at nagkaroon pa ng malakas na bagyo dahilan ng pagkakasira ng halos lahat ng mga tanim naming mga prutas at puno na pinangkukunan naming ng pangkabuhayan.Nakakaiyak subalit wala na akong magawa kundi tanggapin na lang ang katotohanang mawawala na sa amin ang lahat.“Hindi maaari!” malakas na sigaw ni Mama nang sabihin ko ang balita sa kaniya.Nakuha tuloy niya ang pansin ng mga iilan naming kasambahay sa bahay na sasa
Noella's Point of ViewWala kaming ibang kasama ni Mama kaming dalawa lang na mga babae at mahihina na kayang gawan ng masama ng dalawag lalaking ito na naglalakihan ng katawan.Hindi nagsalita ang dalawang lalake at nagulat ako nang lapitan nila ako at hinawakan nila ang dalawa kong kamay. Tig-isa sila at malakas na inilabas ng bahay kaya nagsisisigaw na ako sa takot at tinawag ko si Mama para saklolohan ako.Hinila ako palakad pababa ng hagdanan at may lalaking nakaupo sa sofa sa sala kasama si Mama at walang emosyong nakatingin sila sa akin hanggang sa nailapit na ako sa kanila.“M-Mama!” bulalas ko. “S-sino sila b-bakit nandito sila—““Sinabi ko nang gumawa ka nang paraan, Noella, para hindi tayo maghirap pero wala kang ginawa,” sabat ni Mama na ikinalaki ng mga mata ko.“Siya na ba ang babae?” tanong ng lalaking katabi ni Mama na may ngisi sa labi.Sa tantiya ni Noella ay hindi nalalayo sa edad niya ang lalake at may itsura siya at halatang mayaman dahil sa designer suit na suot
Noella’s Point of ViewSubalit naisip ko na baka may pag-asa pa, p’wede pa akong makaalis sa lugar na ito at hindi maibenta. Labag ito sa karapatang pangtao at iligal ang ginagawa ng mga tao sa likod ng organisasyon na ito kaya maari pa akong makatakas!Muli ay napatingin ako kay Dothy.“Hindi ba ako makakagawa nang paraan para makatakas sa ganoong buhay? Ayokong mabenta kung kaninong lalake,” tanong ko at nakahanap ako ng pag-asa para mailigtas ang sasapitin kong buhay.“Hindi na,” malungkot na tugon ni Dothy. “May sumubok nang naibenta sila subalit nang ipinaalam ng customer sa organisasyon ay kumilos sila kaagad at buhay ang naging kapalit niyon pati ng pamilya ng babaeng iyon.”Sinabi na ng lalaking kausap kanina ni Mama na iyon nga ang kapalit kapag magtatangka akong tumakas subalit iniisip ko pa rin na baka may pag-asa at makatakas ako para hinddi maibenta kung kanino man.“Ang tanging pag-asa mo na lang ay kung pakakawalan ka ng mismong customer na bumili sa’yo. May iilan naman
Noella’s Point of ViewI wore a red satin dress with a sleeveless square neckline, bungee spaghetti stripe, and an open back with bar a strap at the back. The dress I was wearing did not go beyond my knees, and my long and white legs were apparent, as well as my cleavage.I'm not used to wearing this kind of clothes with my body almost exposed, but I can't complain about what they want me to wear. I have also been living in this place for a month, and I don’t know which part of the Philippines I am, and I have met people like me who, if not sold by a relative, will be repaid in her family debt.Ang iba ay nabaon sa sugal na nasa organisasyon din ito at nang walang maipambayad ay ang anak nilang babae ang kinuha ng organisasyon at pinapirma ang kaanak nila ng isang kasulatan na pumayag silang kunin ang anak nila. Kahit ayaw nila, ay wala silang magawa dahil buhay naman ng pamilya nila ang kapalit at kailangan din nilang manahimik habang buhay.Marami akong nalaman sa organisasyon pero
Noella’s Point of ViewNapalingon ako sa baritono at malamig na boses na iyon na nakatayo pala sa gilid ng pinto at may hawak na baso at may lamang alak. Nakasuot ang lalake ng polo na kulay puti at pants at naka-tuck-in sa pants ang polo niya.The man's eyebrows were thick, and his emotions were full of cold as he looked at me. He had a sharp nose and thin and red lips. The man in front of me was handsome, and he had a strong personality, but I could see more of his evil aura than his good personality, and I couldn't help but step back and my heartbeat faster with the fear I felt.Naglakad palapit sa akin ang lalake dahilan para mapaatras muli ako subalit dahil saradong pinto ang katabi ko ay napasandal na lang ako doon at malayang lumapit ang lalake sa akin.“I seem to enjoy being with you in bed because you are even more beautiful than I expected,” sabi pa niya saka hinaplos ng likod ng kamay ang pisngi ko. “I will not regret the money I paid to buy you.”“S-sino ka? Bakit tinatang