Share

Chapter 39

Noella’s Point of View

Nang dumating kami sa Ospital ay walang malay si Mama nang naabutan namin sa kwarto niya. Namumutla ang mukha at halatang nanghihina talaga. Nakadama ako bigla ng awa sa kaniya kahit pa may nagawa siyang masasakit sa akin at sinabi niyang hindi niya ako tunay na anak. Hindi ko alam pero mas nangibabaw ang pagiging anak ko sa kaniya kahit hindi kami magkadugo at hindi ko napigilang lapitan at haplusin ang pisngi niya.

Ngayon ko lang napansin na pumayat pala si Mama hindi katulad noong huli ko siyang nakita saka nangingitim ang ilalim ng mga mata niya na tinatakpan lang ng make-up para hindi mapansin pero dahil nasa Ospital siya at walang malay ay hindi na siya nakapag-ayos pa.

Pumasok ang Doktor kaya kaagad akong lumapit sa kaniya. “Doc, ako po ang anak ni Kriselda Monragon, ano po bang nangyari sa kaniya? Bakit bigla na lang daw pong nawalan ng malay habang nasa isang restaurant at kumakain?” tanong ko.

“Hindi pa po ba sinasabi ng Mama mo sa’yo ang kalagayan niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status