Sa hospital ay hindi magkamayaw si Stephanie sa pagwawala.
"Mama! Ang pangit ko na!" hagulgol nito at pinagbabasag ang mga bagay na mahawakan. Kagigising lang niya at salamin agad ang una niyang hinanap. At nang makita nga ang nangyari sa ulo ay hiniling niyang lamunin na lang siya ng lupa at ilibing ng buhay. Nasunog na lahat ng buhok niya na pati ang anit ay nadamay din! At ayon sa doctor na nakausap ay dalawa o tatlong taon ang gugugulin bago tumubo ulit ang mga buhok, depende kung gaano kabilis gumaling ang mga nasirang tissue.Naaawa naman na pinagmasdan ni Tesie ang anak. Higit doon ay galit siya sa hayop na nagsaboy ng gasolina sa ulo ni Stephanie! Ang nakaka-imbyerna pa ay walang kuhang footage ng CCTV sa oras na nangyari ang gulo kaya hindi matukoy kung sino ba ang salarin."Kalbo na ako, 'ma! Hindi ko na kayang mabuhay pa ng ganitong walang buhok!""Gagawa tayo ng paraan anak.. " ang tanging sinabi ni Tesie ngunit maging siya ay hindi alam kung ano ba ang solusyon sa problema ng anak."Seryoso ka, ma? Walang solusyon sa sitwasyon ni Steph kundi ang magsuot ng wig!" ani Ailene na bahagya pang natawa. Nagmumukha na kasing alien ang kapatid."Bwisit ka, Ailene! Lumabas ka dito!"Tatawa-tawa naman na sumunod si Ailene sa kapatid. • • • •"Uy sis, totoo ba ang balita na nangyari sa pinsan mo?" usyoso ni Janice habang nag-aayos sila ng mga bulaklak.Tumango si Lara saka mariin na nagdikit ang mga labi. Tandang-tanda pa niya ang eksenang nakita sa kusina kahapon. Ngunit kahit na ganun ay naaawa rin siya dito ng kaunti. Buhok pa naman ang isa sa mga pride ng mga babae, crowning glory ika nga nila pero binawi ito sa kanya."Hay naku, deserve niya iyon! Masyado na kasing m*****a at mapang-alipusta kaya naturuan ng leksyon! Mabuti nang nangyari iyon para pumirmi muna at matuto!"Masama ang maghangad ng ikapapahamak ng kapwa pero may punto si Maymay. Kailangang matuto ni Stephanie. Noong gabi rin ay sinabihan na niya si Garry na makikipaghiwalay na siya ngunit wala pa itong reply. Imagine, isang taon na palang gumagawa ito ng milagro kasama ng pinsan niya. Muling nanikip ang dibdib ni Lara.Samantala....Tanghali na nang magising si Garry. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakauwi matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan kagabi. Bukod sa kaunting pagkahilo ay wala naman na siyang ibang naramdaman sa katawan. Maswerte siya at walang ginawang masama ang mga ito.Hinarap ni Garry ang cellphone at nang makita ang mensahe ni Lara ay bigla siyang nagalit at ibinato ang aparato. Hindi maaari! Matagal niyang kinuha ang loob nito tapos ganitong hindi man lang niya ito matitikman? Hindi siya papayag!Naghubad ng mga damit si Garry upang maligo nang may mapansin siya sa katawan. Ang junjun niyang laging nakasaludo kapag bagong gising siya ay para ng lantang gulay! Hinawakan iyon ni Garry at sinubukan na pasaluduhin ngunit... ngunit para na itong naghihingalo na sundalo!Nanlalaki ang mga mata na sinabunutan ni Garry ang sariling buhok. Anong nangyayari? Wala rin siyang maramdaman doon!Kagyat siyang nagtungo sa hospital upang magpa-checkup at parang mawawalan ng ulirat sa resulta ng eksaminasyon na isinagawa."I'm sorry to say this, Mr. Panganiban. You're impotent. Meron kang erectile dysfunction."Biglang natumba si Garry sa kinauupuan at tuluyan nang nawalan ng malay. • • • • •"A-Anong sinabi mo?" si Katie na parang nabingi sa mga salitang binitawan ni Kaden. Katatapos lang nilang kumain ngunit nagbitaw agad ito ng bomba."I said I'm breaking up with you and forget that damn wedding."Lumandas ang mga masaganang luha ni Katie."No! Hindi mo ako pwedeng hiwalayan! Alam kong hindi mo ako mahal but think about the benefits kapag kinasal tayo! Our company will merge at mas magiging makapangyarihan tayo!"Lalo lamang nairita si Kaden sa pag-iyak ni Katie. Naiintindihan niyang nasaktan ito pero noong una pa lang ay nilinaw na niya na wala siyang nararamdaman dito. He only agreed with the arranged marriage because he wants a consistent partner in bed. That's it. Company and power my ass. Kahit na hindi mag-merge ang kompanya ng mga Zafirti at Deogracia ay mananatili pa rin siya sa itaas. At kahit na mawala sa kanya ang kompanya ng pamilya ay kayang-kaya niya pa rin ang tumuntong sa itaas gamit ang talino, yaman at mga negosyo na naipundar niya gamit ang sarili niyang kakayahan. Hindi niya kailangan ng merge o mga partnership na iyan."Sorry but my decision is final. Deogracia's are big enough to compete along with the leading companies in the country. Hindi mo na kailangan pang magpakasal sa akin para mapanitili ang inyong kapangyarihan.""Pero ipinagkasundo tayo ng ating mga magulang! Kaden, hindi mo pwedeng gawin sa akin ito!"Hindi na pinansin ni Kaden ang pagdadrama ni Katie at iniwan na ito sa private restaurant."Kaden!!" Halos mapugto ang hininga niya sa katatawag dito ngunit bato talaga ang puso ng lalaki. Lalong napaiyak si Katie habang kino-contact ang ina."Mom! This is an emergency! You need to talk to Tito Albert!""Emergency? Bakit, ano na naman ang nangyari?""Kaden didn't just postponed our wedding, he cancelled it! He broke up with me, mom!"Kahit nasa gitna ng dinner meeting si Marissa ay agad itong umalis papunta sa bahay ng mga Zafirti. Sakit talaga sa ulo ang anak ni Albert na iyon! Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal ng mga ito. Tinawagan din niya ang babaeng biyenan upang ipaalam ang masamang balita."Magandang gabi, madam—""Nasaan ang amo mo? Pababain mo si Albert ngayon din mismo," utos ni Marissa sa sumalubong na katulong.Pagbaba nga ni Albert ay hindi na napigilan ni Marissa ang sarili."Kailangan nating mag-usap. Yang anak mo talaga ay sobrang tigas ng bungo!"Napabuntong hininga si Albert. Pagod siya at patulog na pero heto ang may bahay ng mga Deogracia at nagtatatalak. "Ano na naman ang problema sa anak ko?""Nakipaghiwalay na siya kay Katie at wala na raw kasalang mangyayari! Albert, paano na ang merging ng company natin? Tandaan mo na pati ang papa mo ay sang-ayon sa bagay na ito!"Nagulat naman si Albert sa sinabi ng kausap. Hinilot niya ang sintido dahil biglang sumakit iyon. Mabuti na lang at lumipad na pauwi sa Costa Rica si Caroline dahil kapag nagpang-abot ang dalawa ay mag-aaway na naman na parang pusa. Madadagdagan lang ang sakit ng ulo niya."Hayaan mo. Kakausapin ko siya," pangako ni Albert."Dapat lang. Gusto ko ay maayos agad ito. May sungay iyang anak mo eh. Dapat ay noon mo pa pinutol," ismid ni Marissa saka umalis na sa mansyon ng mga Zafirti."Oh yeah. Move that ass, baby. Sige. Igiling mo."Napailing si Magnus sa mga pinagsasabi ni Owen sa babaeng nagsasayaw sa harap nito. They were in a club, VIP to be exact. They were enjoying their time before they part ways again."Hmmm.." napaungol ang babae nang malakas na pinalo ni Owen ang pang-upo nito. "Ang ganda ng pwet mo ah. Ang laki. Totoo ba ito? Hindi retoke?" Muling itong pinalo ni Owen na may kasama nang paghimas.Hindi na nakapagpigil si Logan at binatukan ang lalaki. "Tarantado ka talaga. Ang manyak mo talaga.""Aray! I'm just checking her out!" angil ni Owen at naglalambing na niyakap ang babae. Natigil tuloy ito sa pagsasayaw at napaupo sa kandungan ng binata."Did I hurt you, baby?" masuyo nitong tanong at hinalikan pa sa pisngi."H-Hindi naman," sagot naman ng babae na nahihiya.Magnus took the glass of liquor to his mouth as he checked her out. The girl was shy and timid, petite but she has great curves. The total type of Owen.He already know that she's new to t
"Mommy! Mommy! Mommy! Kailan lalabas si baby?"Kagigigising lang ni Lara ng mga sandaling iyon. Naging maselan ang pagbubuntis niya at nitong mga nakaraang araw ay hirap na hirap talaga siya. Kawawa talaga si Kaden sa kanya noong naglilihi siya. Laging mainitin ang ulo niya at laging ito ang pinag-iinitan niya. Sa madaling araw pa talaga siya nagpapabili ng mga pagkain na mahirap hanapin. Kaya kahit na inaantok ay bumibyahe talaga ang asawa niya kahit sa kabilang bayan pa. Kadalasan ay ayaw niya itong makita at ayaw katabi sa kama. Ang ending tuloy ay sa guest room ito natutulog. Though Kaden confess to her that he usually joins her to bed kapag tulog mantika na siya. Saka lang aalis kapag mag-uumaga na. Ngunit nitong last week nga ay naging sobrang clingy niya sa mister. Kailangang nasa tabi niya ito palagi at nakikita, if not, then iiyak talaga siya. Kaya hindi na pumapasok ng opisina si Kaden at sa kanilang bahay na lang ginagawa ang mga trabaho. Kapag may importanteng meeting na
Malawak ang pagkakangiti ni Katie habang binabaybay ang daan paalis sa kanilang hideout. Dala niya ang lahat ng mga pera na kinuha nila sa bangko. Ang balak niya sana ay kalahati lang ang kukunin ngunit nagbago agad ang isip at kinuha na lahat. Magpapakalayo na muna siya habang nag-iisip ng plano kung paano muling makakabalik sa buhay ni Kaden.Sinulyapan ni Katie ang limpak limpak na pera na nasa likod ng sasakyan at malakas na napahalakhak. Ahh. Iba talaga kapag mautak. Imagine, halos wala siyang ginawa ngunit napunta sa kanya ang lahat ng pera. Sigurado siyang naidispatsa na ng ina niya ang mga kambal. Hindi na rin niya poproblemahin si Lara dahil hawak na ito ni Garry. Wala siyang pakialam kung ano man ang gawin dito ng lalaki. Whatever happens to her, she deserves it!Natigil sa pagtawa si Katie nang mapansin ang sasakyan na nasa likod niya. Kanina pa iyon bumubuntot sa kanya. Lumiko na siya at iba pa, nakasunod pa rin ito. Madali niyang kinuha ang baril na naipuslit kanina at bi
"I-Ikaw?"... mahinang usal ni Lara pagkakita sa lalaking pumasok sa kwartong kinalalagyan nila. She gulped so hard. Of course, this wasn't Kaden. It was his twin brother, Magnus Zafirti.Sinubukan ni Lara na umusog sa kama ngunit hindi iyon nangyari dahil sa pagkakatali ng mga kamay niya. She was still laying on the bed while struggling to get free. He looks absolutely dark and domineering. Bahagya siyang natakot ngunit kung totoo talaga na may gusto ito sa kanya, he wouldn't hurt nor harm her. Inaasahan niyang si Kaden ang darating but of all people, ang kambal pa nito.Magnus on the other hand only had his eyes on Garry that was writhing in pain on the floor. Unti-unting nilapitan ng binata ang lalaki.Napasuka ng dugo si Garry sa tindi ng tumama sa sikmura niya. Hindi niya alam kung ano iyon, sipa ba o suntok. "Hayop ka! Ang lakas ng loob mo—"Napatigil sa pagsasalita si Garry nang makita ang lalaking basta na lang pumasok ng kwarto at umistorbo sa ginagawa niya."K-Kaden..?" Aga
Kaden was torn between saving Lara and their twins. They identified their location. Two different locations to be exact. At hindi magkalapit kundi magkalayo ang distansya ng bawat lokasyon.He wants to save both of them at the same time. Ngunit iisa lang ang katawan niya. Kung pwede lang hatiin ay ginawa na niya. He was furious. Magbabayad talaga nang malaki ang nangahas na saktan ang pamilya niya. He was hoping that they were alive and safe. If it's the opposite, heaven and earth will collide with his rage.Kaden heard a static on his earpiece. Then Logan's voice echoed next.. "I'm not in the position to say this but I'll take care of the twins from here.. Just focus on saving Lara."Kaden gripped the steering wheel tightly. He wants to do the saving by himself but just like what he said, he can't do it at the same time. Wala siyang gaanong tauhan na isinama. Only the strong and trusted one. Logan and Timothy and more or less 10 men from his underground organization."I'll owe you t
"Gising!" Napasigaw si Lara at agad na naalimpungatan nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig na tubig sa kanya. Her vision was blurry at first until a feet became clear in her eyes. Her gaze moved up until she saw... Katie Deogracia."Ano ha?" Marahas nitong sinabunutan ang buhok niya palikod. "Ilabas mo ngayon ang tapang mo, Lara! Wala kang kakampi dito ngayon. Naiintindihan mo? Walang magliligtas sa iyo dito!"Pinigilan ni Lara ang mapada ing sa sakit sa pagkakasabunot sa kanya ni Katie. She won't show any weakness to her. Hindi na siya nagtaka nang malaman na ito ang nasa likod ng pagka-ambush nila. "Nasaan ang mga anak ko?" matigas niyang tanong dito. She was soaked and cold as hell ngunit hindi niya hahayaan na manginig ang boses niya. Doon niya lang din namalayan na nakagapos ang mga paa at kamay niya sa isang silya. Ipinagpasalamat na lang niya na wala siyang piring sa mga mata."Ang mga anak mo?" Namewang ang babae sa harap niya at malakas na humalakhak. Pinagmasdan niya i