Share

Chapter 22

What's the matter?

Mira's POV

"Ngayon na alam na natin ang tungkol dito, may magagawa na tayong plano para sa kaniya." Sabi ko.

Naghihintay ako ng sagot mula kay Nate ngunit wala akong natanggap mula sakaniya. Nilingon ko s'ya at nakita na nakakunot ang noo n'ya habang nakatingin sa kawalan.

"I'm not quite sure, Mira. I think there's something missing and I don't know what it is" makahulugan n'yang sabi.

Uhuh? Something missing? Ano naman kaya iyon? Bukod sa nakuha naming impormasyon tungkol sa kasabwat ni Philip ay nakakuha din kami ng impormasyon tungkol sa nangyayaring illegal na pagbebenta ng mga properties.

They are selling some properties that they got from killing the owner. It's really unacceptable! They are more worst than I think they are.

"Are you up for another mission?" I asked him while I lazily tossing my keys in the air.

Tumingin s'ya saakin bago bumuntong hininga. Napairap ako dahil sa inaasta n'ya.

"What's the matter, Agent Nate?" Tukso ko sakaniya.

He throw a bored look to my direction. I shrugged.

"May misyon pa tayo dito, Agent Carper. Hindi tayo uusad kung paiba-iba tayo ng plano" He said, dead serious.

Umirap naman ako bago pumunta sa ref at kumuha ng gatas. Nagsalin ako sa baso at diretsong nilagok iyon.

Tinitignan ko lamang si Nate na malalim ang iniisip habang nakatayo malapit sa table. Nag-lakad ako papunta sa sink at nilagay ang baso doon.

Kinuha ko na din ang mga gamit na pakalat-kalat sa sofa at ipinasok sa kwarto ko. Hinawakan ko ang pinto bago tinignan si Nate.

"Go to sleep, Agent. Madami pa tayong gagawin bukas" sabi ko bago sinara ang pinto.

I walked towards my bed. Umupo ako at tinignan ang paligid. Wala gaanong gamit sa kwarto na ito.

Nakasabit sa ding-ding ang mga litrato ko habang suot ang nga medalyang natatanggap ko bilang agent. Nandoon din ang mga costumize na gamit na regalo saakin katulad nalang ng bulletproof vest na may mukha ko sa unahan.

May mga nakasabit din na baril, it's fake and not a real gun. Ang kwarto ko ay may color green at black. dark pareho at mayroong clear white na floor.

I have TV but I often use it. I also have guitar but I already forgot how to play it. There's a mini walk in closet with my outfits and cool uniforms.

I also love to ride motor bikes before. Mas gusto ko nga lang ang kotse dahil mas kumportable ako.

Ang kwarto na ginagamit ni Nate ngayon ay dati kong gym room. Dahil sa naging partner ko s'ya ay agad na inayos iyon para sa kaniya.

Ngayon nga ay naisip ko kung gaano kabilis mag-bago ang lahat. Hindi ko na namalayan na ilang linggo na kaming mag kasama.

I cannot say that we really get along together but I can say that we don't fight that much na. Unlike before na lagi akong galit sakaniya.

Kahit naman ngayon ay naiinis ako sakaniya. Katulad nalang kanina sa race. I fired because of anger.

Pero parang wala lang sakaniya at alam na n'ya na gagawin ko iyon. Hindi nga n'ya naisipan na umilag, eh.

Mukhang nasasanay na s'ya sa ugali ko. It's good to know dahil bilang partner n'ya ay kailangan talaga namin buo ng bond.

Totoo na hindi ko s'ya sobrang pinagkakatiwalaan. Pero sa dami ng nangyari ay mahirap na sabihin kung ano ang mararamdaman ko.

Nakikita ko ang sinseridad n'ya sa trabaho ngunit tila may kulang. Hindi s'ya showy at hindi n'ya din sinasabi minsan kung ano ang iniisip n'ya.

Kagaya ngayon. Gumagalaw s'ya ng hindi ko alam. May tauhan s'ya at may alam na s'ya na hindi ko pa alam.

I know naman na dapat ay advance din ako sa pag iimbestiga pero kasi ngayon ay iniisip ko din na kung gagalaw ako sa paraan na sanay ako ay baka masira n'on ang pagiging partner namin.

Ayoko naman na sabihin n'ya na porket ayaw ko na may partner ay gagalaw ako mag-isa. Then, malalaman ko na ginawa na n'ya.

He's really...interesting.

Hindi din s'ya nag oopen kagaya ko kaya ang mga nalalaman namin sa isa't- isa ay ang mga bagay na nainvolve sa misyon na ito.

Mayroon pa kaya akong malalaman tungkol sakaniya?

Nate Velasquez...

Ginulo ko ang buhok ko bago padapa na humiga sa kama. Dahil sa madaming iniisip at pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ganong pwesto.

Nagising ako nang makarinig ng isang kakaibang tunog. Tila may nalag-lag na kung ano.

Tinignan ko ang orasan at nakita ko na 2 am na. Sinuot ko ang tsinelas ko at binuksan ang pintuan nang dahan-dahan.

Nakita ko si Nate na nakaupo pa rin sa sofa at hawak ang kaniyang baril na may drawing.

Sabi n'ya ay binigay iyon sakaniya...

Nililinis n'ya iyon at ang narinig kong ingay ay galing sa nalaglag na parts. Pinagmasdan ko lang s'ya mula sa maliit na awang sa pinto.

Tinitignan n'ya ang baril na para bang may inaalala. May hinugot s'ya na isang bagay sa kaniyang bulsa.

Nakita ko ang maliit na kumikinang na kung ano. I think it's a chain. Necklace?

Tinignan n'ya iyon at ang baril bago binalik sa kaniyang bulsa. Naramdaman ko naman na titingin s'ya sa direksyon ko kaya sinara ko na ang pinto.

Walang ingay itong nasarado. Bumalik ako sa aking higaan at inisip ang nakita. Napatingin ako sa walk in closet ko.

Dahan-dahan akong pumasok doon at dumiretso sa dulo. May isang painting doon na nakasabit.

Dalawang bata na nakatalikod at nakaharap sa isang bahaghari. Pinindot ko ang dulo ng bahaghari at mabilis na gumalaw ang painting para umusog.

Napalunok ako matapos makita ulit ang bagay na ito.

'We saw you laying on the ground, unconscious. But you didn't let go of that thing, Mira'

Naalala ko ang gabi na iyon. Binigay n'ya ang bagay na ito saakin bilang regalo. Ngayon ay mahirap saakin na titigan ito dahil ito din ang kasama ko sa gabing hindi ko makakalimutan.

Unti-unti kong inilapit ang aking kamay doon. Pigil ang hininga at ang luha sa mata. Sa huli ay sinara ko ulit ito at lumabas sa walk in closet para tahimik na umiyak.

Bullshit! I really can't forget it! Damn...

Ilang minuto ang inilaan ko sa pag-iyak. Mag 3:30 am na. Maga na ang mata ko at may sugat din ang kamay ko dahil sa pagpisil.

Ganoon ako lagi kapag natatakot o umiiyak. Kaya iniiwasan ko din lalo na kapag alam kong hindi ako pwede magkaroon ng malalanh sugat.

Tinignan ko ang may kalmot at namumula at dugo kong kamay. Pumunta ako sa bathroom para mag hilamos at hugasan iyon.

Tumingin ako saaking sarili at bahagyang natawa. Look at you, witch. You're ugly duckling.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at natulog.

Nagising ako dahil sa pag ring ng device sa gilid ng pinto ko. Nakita ko ang mukha ni Nate na nasa harapan ng camera sa may sala.

Naka connect ang device na ito sa mga camera sa buong room. Pwede din mag connect ng iba pa kung gugustuhin ko.

"It's already 11 am, Agent! Get up!" sabi n'ya bago umalis sa camera.

Uminat naman ako at nag-ayos ng sarili. Inayos ko din ang aking higaan at mga gamit ko. Tinago ko ang mga dapat itago at nilagay sa labahan ang mga damit.

Lumabas ako ng kwarto ko saktong 12. Nakita kong wala si Nate sa kwarto kaya dumiretso nalang ako sa table para kumain.

Mayroon doon na fish fillet and salad. Sinimulan ko kumain at chineck ang aking phone. Nakita ko na nag text si Kia kaya binuksan ko agad.

Kia: We have a meeting. Go to my room after you eat. Agent Velasquez is already here.

Hindi ko na s'ya nireplyan at nagpatuloy na sa pagkain. Tumayo ako at pumunta sa ref para kumuha ng soda.

Nang kukuhanin ko na ay napansin ko ang aking kamay. Gusto ko mag-mura dahil doon. Mabilis akong nag-lakad papunta sa room ko at kinuha ang gloves.

It's a cool gloves actually. Kaya n'yang tandaan lahat ng bagay na hahawakan ko. It's black and made of cotton.

It looks nice naman kaya siguro naman ay hindi na nila ito pansinin. Well, I hope Kianna will not talk about it.

Lumabas na ako at pumunta na sa room n'ya. Naabutan ko nga silang dalawa na nag-uusap dalawa.

Nakatingin sila sa monitor ng pc ni Kia. Nang pumasok ako ay parehas nila akong nilingon.

Agad na dumapo ang mata ni Kia saaking kamay. Pinaningkitan ko s'ya dahilan para magpakawala s'ya ng malalim na buntong hininga.

I saw Nate glance but I don't care and just continue walking. Huminto ako sa tabi ni Nate.

"Okay, what's up?" kasyual kong sabi.

Tinignan ko ang screen at nakita na isa itong picture ng Invitation at isang lugar.

Iyon ang invitation na nakuha namin ni Nate sa lalaki na sinundan namin. Habang ang isa ay mukhang bahay.

"This is Montero's house. Today magkakaroon ng auction and big party at dito gaganapin."

Tumango naman ako bago nag-hintay sa kasunod nilang sasabihin.

"The theme is masquerade. It is a great time to move." si Nate.

"So we're planning to gate crash?" tanong ko.

Kianna nodded as a response. May pinindot s'ya na button sa pc n'ya at napunta na ang view sa loob ng bahay, particularly sa isang kwarto.

"You have to enter this room because I think this is the room where he hides the files." si Kia.

Mangha naman akong tumingin kay Kianna. "You learned how to hack systems, Huh? So proud of you" sabi ko.

Umirap naman s'ya saakin bago nagpatuloy sa sinasabi. "After that, call us so that we can arrest him" sabi ni Kia.

Gulat naman ako dahil doon. Arrest him? Agad?

"Why arrest him? We can't use him if he's in jail!" sabi ko.

"I already know you would disagree. I told you, Kia." sabi ni Nate.

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi n'ya.

Pumunta ako sa sofa at doon umupo. "If that's a really huge party, I think Philip will not be there. Kung magkasabwat silang dalawa ay paniguradong hindi basta-basta pagpapakita si Philip at Montero na magkasama."

"I think, Philip is not in Luzon right now" si Kia.

"What? I thought he's here! Where is he right now?"

"Somewhere in mindanao. Maybe in CDO or bukidnon" si Kia.

"Then, let's just get the files and escape." sabi ko.

"I agree. Kung ikukulong natin agad si Montero ay hindi tayo magkakaroon ng lead sa iba pa nilang kasamahan" si Nate.

"Then, that's it! We'll go to the party" sabi ko.

Pupunta kami sa party today. We'll go there and search for a file na makakatulong saaming misyon. Maybe some evidence?

Kung tama ang hula ko ay madami ding business man ang nandoon. Kung ganoon nga ay madaming body guard sa paligid. We need some equipment and devices para hindi mahuli.

Sana lamang ay walang mangyaring kahit ano na magdadala saamin sa kapahamakan. Mas maganda din na hindi muna n'ya kami kilala. Katulad ni Philip. He don't know me. Paniguradong ang alam n'ya lamang ay ang corp ang naghahabol sakanila.

We can't lose this chance right now. Kung ano man ang pagkakataon na ito ay dapat na naming magawa ng maayos ang kailangang gawin.

"Let's get ready, shall we?"

"Ako na ang kukuha ng mga devices sa storage room. Wait for me on your room" si Kia bago lumabas.

Tinignan ko naman si Nate na sumulyap ulit sa gloves ko. "What?" tanong ko sakaniya.

"Nothing. Let's go" sabi n'ya bago nagpauna na lumabas.

Bumuntong hininga naman ako at muling tinignan ang lugar mula sa screen ni Kia. Tinignan ko iyon bago pinatay at umalis sa loob.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status