Share

Chapter 8

Penulis: CuteLazyPig
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-07 23:59:34

Memory

Mira's POV

Tinanggal ko ang suot kong heels. Hinilot ko ang paa ko bago tumalon sa kama.Nakakapagod!

Kakauwi lang namin ni Nate galing sa Bar na iyon. Grabe ang pagod ko at tinatamad na akong tumayo!

Kinuha ko ang Laptop ko at sinaksak doon ang flashdrive na naglalaman ng mga kuha kanina sa Bar. Pinasa ko ito sa Laptop para ma review ko bukas. Tinatamad na talaga ako ngayon kaya bukas nalang.

Pagkatapos kong ipasa lahat ng kuha ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag linis ng sarili. Inabot ako ng ilang oras dahil naka-idlip na pala ako sa tub, buti at nagising ako dahil nilalamig na ang katawan ko.

Nag-bihis ako ng aking damit at lumabas na nang bathroom. Pagkalabas ay naabutan ko si Nate na nasa kama ko at may kinakalikot saaking Laptop.

"Why are you here, Agent Velasquez?" I said with irritation.

Can't he see that I'm about to sleep? It's 1:15 am.

"Hindi ako makatulog, eh. I know you're sleepy. Go to sleep and don't mind me. Ako na ang titingin sa mga kuha, bukas natin pag-usapan ang mga gagawin natin." seryosong sabi n'ya bago tumayo at pumunta sa table dala ang aking Laptop.

Well, hindi na ako aangal. Okay na din iyon para mabilis nalang kami bukas. Makakagawa na s'ya ng plano habang natutulog ako.

Pero..ngayon lang ako nagkaroon ng kasama sa kwarto! naiilang ako dahil alam kong makikita n'ya akong tulog. Nakakahiya! Baka mag likot ako o kung ano!

Pero inaantok na ako. I'm tired. Hindi ko na kaya na hindi matulog. I need to rest.

"Okay." sabi ko.

Dahan-dahan akong umakyat saaking kama at pinatay ang ilaw. Ang tanging ilaw na bukas ay ang lampshade sa gilid ni Nate.

Nag talukbong ako ng kumot para hindi na mapansin ang presensya ni Nate. Hindi ko gugustuhin na mapuyat nang dahil lang sa presesnsya n'ya. Iisipin ko nalang na isa itong misyon! ang makatulog nang hindi inaalala na may kasama ako sa kwarto na 'to!

Tama, Mira. Mission mo 'to kaya matulog kana!

Ilang minuto akong nakadilat sa ilalim ng kumot. Naririnig ko ang pag-tipa ni Nate sa Laptop. Hula ko ay mag aalas dos na! I really need to sleep now. Inaantok ako! inaantok..

Pinilit kong pumikit. Iba-iba na ang pwesto na ginawa ko hanggang sa makarinig ako nang tunog mula sa kinaroroonan ni Nate. Dahan-dahan kong tinignan ang pwesto ni Nate.

Wala na s'ya sa dati n'yang pwesto! Lumabas s'ya sa may balkonahe at doon ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Nang dahil doon ay biglang bumigat ang katawan ko, pati na rin ang aking talukap. Unti-unti akong bumigay sa antok na kanina ko pa nararamdaman.

Mission accomplished!

Nagising ako dahil sa isang tawag. Sinagot ko ito nang nakapikit pa ang mga mata. Si Tom ang tumatawag at nanghihingi ng update about sa misyon namin.

"We need more time here, Tom. Wala pa kaming nagagawa dahil kailangan pa namin maghanap ng information." sabi ko sa antok na boses.

I heard his frustration. "Okay, Agent Carper. 5 days, then uuwi kayo dito para mag report at hanapin si Philip Solomon." sabi n'ya.

"Yeah.."

Tumayo na ako pagkatapos ng tawag na iyon. Inihanda ko ang aking sarili sa mangyayari ngayong araw. Kailangan ulit namin pumunta sa secret bar na iyon mamayang gabi. We need more information.

Kumatok ako sa kwarto ni Nate para yayain s'yang mag breakfast ngunit hindi s'ya sumasagot. Tulog pa ata ang isang iyon dahil hindi agad s'ya nakatulog kagabi.

Bumaba na ako sa Lobby para mag breakfast. Payapa ang aking pagkain nang makita ko ang kakalinis lang na pool. Kakapalit lamang ng tubig doon. Mukhang masarap na mag swimming. To relax a bit? I think that's a good idea.

Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa taas para mag palit. Gusto ko magbabad sa swimming pool ng hotel. Maganda naman ang araw ngayon kaya wala naman sigurong masama doon.

Bumaba ako na nakadamit at sa ilalim ng damit ay ang bikini ko. Pagka baba ko ay nakit ako na wala gaanong tao sa pool side dahilan para lalo kong gusuhing mag swmming.

Hinubad ko ang aking damit dahilan para matira ang bikini ko. Umupo ako sa gilid ng pool at dinamdam ang lamig ng tubig doon. Tirik ang araw ngunit kalahati lamang ng pool ang nasisinagan nito.

Lumusong ako nang masanay sa lamig ng tubig. Habang nasa ilalim ng tubig ay nakaramdam ako ng kapayapaan. Nawawala ang mga isipin ko habang lumalangoy.

Tinignan ko ang aking paligid. Walang tao doon ni isa. Pati ang restaurant ay wala gaanong tao, meron naman pero malayo sa kung saan kita ang pool side kung nasaan ako.

Wala ang nagbabantay sa pool. Tanging ako lamang at ang payapang tubig. Marunong akong lumangoy. Sanay na ako dahil ilan sa mission ko ay kailangan kong lumangoy. Kasama na iyon sa experience ko.

Sa field na ito ay kailangan mo matutunan lahat. Kailangan mo mapagtagumpayan ang misyon mo. Kailangan mo maghanap ng paraan para mabuhay at para matapos ang kailangan mong tapusin. Kung may bagay ka na hindi alam ay tiyak na iyon ang magpapahamak saiyo.

Natiligil ako sa huling langoy dahil sa pagod. Pinalutang ko na lamang ang aking katawan. Tanaw ang langit, ipinikit ko ang aking mga mata.

"Choose, Mira. Me or them?"

Umiiyak akong tinignan s'ya. Ang mga kasamahan ko ay nakatali at tinutukan ng baril. Ang mga gamit namin ay nakuha na din nila kaya wala na talaga kaming takas.

"I don't have to choose." I said while crying.

Bakit kailangan maging ganito ang eksena? Bakit kailangan maging ganito kahirap?

Ngumiti s'ya saakin bago tumango. Tinignan n'ya ang babae na nasa kaniyang gilid.

Please..wag naman ganito.

"Okay, then. Mukhang mas pipiliin mo pa rin naman sila kaysa saakin." he said, biting his lips because of irritation and frustration.

Hindi ko kailangan mamili. Wala dapat akong piliin. Sa oras na 'to ay hindi ko alam ang tama at mali. Ang alam ko lang ay kailangan kong mailigtas ang mga kasamahan ko at s'ya.

Pero paano, Mira? Nalaman mo ang katotohanan. Hindi s'ya ang inaakala mo na s'ya. He's evil. He lied to me....but I..love him..

"Please choose me, Mira. They will not kill you. Trust me.."

"Why? You're one of them?" naiiyak kong sabi.

"Paano mo 'to nagawa sakin?"

Hindi ko na namalayan. Nawala ang balanse at focus ko sa kung nasaan ako dahil sa isang ala-ala. Nakalimutan ko na nasa swimming pool pala ako dahilan para hindi ako makaahon agad nang lumubog ako sa tubig.

Sinubukan kong lumangoy ngunit bigla akong pinulikat.

Ngayon pa talaga?

Hindi na ako makalangoy nang maayos dahil saaking paa. Unti-unti na rin nauubos ang hangin na mayroon ako. Lalong bumibigat ang aking katawan at hindi na kinakaya ang paglangoy.

Bago ako tuluyang mawalan ng pag-asa ay isang kamay ang humawak saakin at dahan-dahan akong dinala sa taas. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak saaking katawan.

Nang makaahon ay mabilis n'ya akong isinampa sa gilid ng pool kung saan naghihintay ang isang staff na may dalang towel. Agad n'yang ibinigay iyon kay Nate. Binuklat iyon ni Nate at mabilis na pinulupot saaking katawan.

"What happened, Mira?" seryoso n'yang sabi.

Hindi ko alam kung nag-aalala ba s'ya o galit s'ya. Pero wala akong pake doon dahil ang iniisip ko ay kung paano n'ya nalaman na nandito ako. Akala ko ay tulog pa s'ya?

"I was just.."

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Paano ko ba maipapaliwanag ang nangyari nang hindi binabanggit ang totoong dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse at lumubog?

"Pinulikat ako habang lumalangoy" sabi ko bago inayos ang towel saaking katawan.

Hinanap ko ang aking damit at nakita ko ito sa isang upuan kasama ng damit...ni Nate?

Ngayon ko lang na pansin na short lang ang kaniyang suot. Basang-basa s'ya habang nakatingin saakin.

"Bago iyon? That's not what happened first. I saw you" sabi n'ya bago tumingin sa gitna ng pool kung nasaan ako kanina.

Nag-baba ako ng tingin, walang balak sumagot. Hindi n'ya na iyon kailangang malaman pa.

"Are you okay? Ayos kana ba?" bigla n'yang tanong nang hindi ako sumagot.

"Yeah...Thank you, Nate" sabi ko bago tumayo.

Kinuha ko ang damit ko at sinuot na iyon. Naramdaman ko na umahon na din s'ya at sinuot ang kaniyang damit. Tumingin ako sakaniya bago kinuha ang isang towel at binigay ito sakaniya.

"Mag meeting tayo sa room ko. I'll change first." sabi ko.

Tumango lamang s'ya saakin. Ramdam ko ang kakaiba sa titig n'ya. Tila tinatantya n'ya ako o kung ano.

Umiwas ako ng tingin sakaniya at nagpasalamat sa staff bago mabilis na naglakad paalis. Umakyat ako saaking kwarto. Pumasok ako sa bathroom at doon tumulala.

Iniisip ko ang nangyari kanina lamang. Bakit ko biglang naisip iyon? Tapos na iyon kaya dapat na iyong kalimutan. Bakit kailangan na maalala ko pa iyon?

Tulala ako hanggang sa matapos. Nabalik lamang ako saaking sarili nang may kumatok.

Pinilit ko ang sarili ko na bumalik sa dati. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago binuksan ang pintuan.

Pumasok si Nate at dumiretso sa loob. Umupo s'ya sa kama ko at doon n'ya ako pinanood na ayusin ang lahat ng kailangan kong gamit. Inayos ko na din ang Laptop ko.

"May nakita ka sa mga kuha kagabi?" panimula ko.

Umupo ako sa kaniyang tabi at tinignan ang Laptop ko. Pinindot ko ang video para mag play ito. Sinimulan kong panoorin ito.

Kita sa video ang paglalagay ko ng mga mini camera at ang pakikinig ko sa bawat kwarto. Ilang sandali habang nakikinig ako sa usapan sa huling pintuan ay nakita kong pumasok si Nate at tumayo malapit sa entrance.

"That's it" Nate said.

Tinignan ko s'ya at nakita kong tutok ang atensyon n'ya sa laptop ko. Naka-kunot ang kaniyang noo. Nang mapansin ang pagiging tahimik ko ay tsaka n'ya ako hinarap.

"What?" tanong n'ya.

Dahan-dahan akong umiling bilang sagot. Nag patuloy kami sa panonood sa kuha at sa huli ay sinabi ko sakaniya ang lahat ng mga narinig ko gamit ang ear device.

"Philip Solomon is not here? And someone, who we didn't know, is the one who's managing Philip's businesses including the drugs?" seryosong sabi ni Nate.

Tanging tango lamang ang aking nagawa. Sinarado ko ang Laptop nang matapos akong isend kay Kia ang mga kuha at information.

"What's our plan?" tanong ko.

Wala na ang dahilan namin kung bakit kami nandito. Kailangan na din namin bumalik sa manila dahil nandoon ang taong hinahanap namin. Kung mananatili kami dito ay kailangang may gawin kami.

"We have to stay, I guess?"

"For what?" mataray kong sagot.

What's the point of staying here? We have plenty of missions in manila that we have to solve and do! Bakit pa kami mananatili dito?

"Ikaw na din ang nag-sabi, Agent Carper. May Idedeliver na drugs."

"Oh, tapos?"

"We have to stop them." sabi n'ya.

What!? Hindi kasama sa misyon namin dito ang pakialaman ang kung ano. Mayroong taong naka-assign doon!

"No way! Nate, we don't have much time left!" irita kong sabi sakaniya.

"We have to do this Mira. Kapag nahuli natin ang mag dedeliver ay magkakaroon tayo ng clue kung sino ang taong nagha-handle ng secret bar ngayon. Kapag nalaman na natin, then, makakagawa na tayo ng plano sa lahat" mahinahon n'yang paliwanag.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong tikom dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot din ako mag desisyon ngayon. Ngayon lang ako nagkaroon ng doubt sa mga desisyon ko sa misyon na 'to. Siguro ay dahil hindi ako sanay na may kumokontra sa ura-urada kong desisyon?

Dahil kung ako lang mag-isa ang gagawa ng misyon na 'to? tiyak na kanina pa ako umuwi para lang hanapin ang taong dahilan kung bakit ako nandito. Hindi na ako makikialam sa kung ano man na bagay ang nangyayari at mangyayari dito dahil hindi ko na iyon misyon.

Ngayon na sinabi ni Nate na gusto n'yang manatili at pakialaman ang magaganap na delivery, hindi ko alam kung papayag ako. What if he's right? what if magkaroon nga kami ng lead sa kung ano ba talaga ang kailangan at dapat namin na gawin?

Pero kapag ginawa namin ang nais ni Nate, tiyak na iikli lalo ang oras namin.

Hindi ko na alam! Hati ang desisyon ko tungkol sa bagay na ito.

"Ikaw na din ang nagsabi, Mira. Ito ang unang misyon natin. This is just the beginning. Paano natin mahahanap ang kasunod kung kulang ang impormasyon natin una palang? We have to take the risk" mahinahon at pilit ipinapaintindi n'yang sabi.

Yumuko ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

Inangat ko ang aking tingin bago tumango. Ramdam ko naman ang pagkakaroon n'ya ng pag-asa.

"Four days. We have four days to accomplish it" sabi ko bago tumayo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status