Share

Chapter 9

Great Night

Mira's POV

Sinuot ko ang aking jacket dahil sa lamig. Lumabas ako ng kwarto ko at nag-lakad na papunta sa elevator.

It's 9:00 pm. Maaga pa kaya lalabas muna ako. Mayroong malapit na store sa labas ng hotel. It's a 24/7 convinience store.

Tinignan ako ng guard nang makita na lalabas ako. Ngumiti s'ya saakin at tumango bago ako pagbuksan ng pintuan. Nagpasalamat ako bago tumuloy sa pag-lalakad.

Wala na gaanong tao sa labas. Gabi na din kasi. Ang tao nalang na nakikita ko ay ang mga taong galing sa trabaho at nag-titinda na pauwi na.

Tumawid ako sa kalsada. Kaunti nalang din ang sasakyan kaya hindi ako ganon kahirap na nakatawid. Naglakad ako papasok sa store.

Pagpasok ay wala gaanong tao. Ang cashier at dalawang lalaki lamang ang nandoon.

Sinimulan ko ang paghahanap nang makakain. Pumunta ako sa mga snacks at tinignan ang pagpipilian doon.

Tahimik akong tumitingin sa kung ano ang mayroon doon. Nang makakuha ng kakainin na snack ay pumunta ako sa mga inumin. Napili ko ang juice na nakalagay sa babasagin na bote. Dalawa ang kinuha ko dahil balak kong bigyan ang iniwan ko sa hotel.

Napalingon ako saaking kaliwa nang makita ang isa sa mga lalaki. Nakatalikod s'ya at nakaharap sa mga inumin. Tinignan ko ang suot n'ya at nakita na balot na balot ito.

Pantalon, Jacket at gloves? Mukhang wala naman s'yang motor. Kasama n'ya ang isa pang lalaki 'diba? Kausap n'ya iyon kanina, eh.

Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa pamimili. Napakadami ko ng hawak na pagkain! mukhang hindi ako kaagad makakatulog dahil sa kabusugan.

Ilang sandali ang lumipas nang mapansin ko nanaman ang lalaki saaking kaliwa. Tumahimik ang paligid at rinig ko ang tunog ng barya.

Pasimple kong tinignan ang salamin na nakalagay sa taas. Kita doon ang cashier.

Nagulat ako nang makita na ang isa sa lalaki ay nasa tabi na nito at tila may binubulong.

Hindi ako nagpahalata sa lalaking nasa aking kaliwa. Umikot ako at lumipat sa kabilang aisle. Pansin ko ang lalaki na sumunod sa kung nasaan ako kaya lumipat ulit ako ng aisle, malapit na sa cashier.

Inilaglag ko ang mga pagkain ko sa baba. Napatingin saakin ang lalaki na nakasunod. Sinilip ko ang cashier mula sa salamin at nakita na sinimulan n'ya na kunin ang mga pera sa lalagyan nito.

Yumuko ako at nag kunwari na pinupulot ang mga nalaglag. Lalong lumapit saakin ang lalaki na sumusunod. Kita ko kung paano n'ya nilabas ang kutsilyo mula sa kaniyang jacket.

Magnanakaw.

Gamit ang babasagin na bote ay ipinang-salag ko iyon sa kutsilyo n'ya. Kita ko ang gulat sa mata n'ya nang masangga ko iyon. Agad kong s'yang itinulak dahilan para tumalsik ang kutsilyo n'ya. Hinampas ko ang bote sa kaniyang balikat bago ko kinuha ang kaniyang kaliwang braso at inikot iyon.

"Argh!" d***g n'ya.

Pinulupot ko ang aking binti sakaniyang binnti bago ko s'ya pinatid. Siniko ko ang kaniyang likod bago s'ya itulak.

Kita ko kung paano naging alerto ang isa n'yang kasama. Kumuha ako ng isa pang bote bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang cashier.

Gulat silang pareho dahil saakin. Tinutok nang lalaki saakin ang kutsilyo n'ya. Natawa naman ako dahil sa panginginig nito.

"Oh, 'bat ka nangininig?" pang-aasar ko.

Lalo s'yang naging balisa dahil doon. Patuloy ang lakad ko dahilan para umatras s'ya. Sinilip ko ang cashier at nakita na wala na ang lamang pera sa lalagyan nito.

"Ibalik mo ang pera" mahinahon kong sabi.

"At bakit ko naman iyon gagawin?" sabi n'ya habang hinigpitan ang hawak sa bag na may laman na pera.

Sinenyasan ko ang babae na umalis dahilan para mabilis s'yang umalis. Malayo na ang lalaki sakaniya dahilan para makaalis ito ng tuluyan.

Umangat ang sulok ng aking labi nang makita ang lalong panginginig n'ya.

Tss. Magnanakaw tapos takot lumaban? Ni hindi n'ya nga ginawang panlaban saakin ang babae kanina.

"First time mo?" tanong ko bago humakbang ulit.

"W-wag ka lalapit! Umalis ka d'yan!" sigaw n'ya.

Hinampas ko ang bote na dala ko sa counter dahilan para mabasag iyon. Itinutok ko iyon sakaniya at nagkunwari na sinisipat s'ya mula saaking kinatatayuan.

"They will arrive soon, you know? Kung ako sa'yo ay ibabalik ko ang ninakaw ko at kakaripas na nang takbo" natatawa ngunit maka hulugan kong sabi.

Matalim ko s'yang tinignan."Ibalik mo na!"

"O-opo! sorry! I-babalik ko na po! wag n'yo lang ako sasaktan!" takot na takot n'yang sabi.

Pinanood ko kung paano n'ya ibalik ang pera sa counter. Naka sandal lamang ako sa counter habang pinapanood s'ya.

Nang matapos s'ya sa paglalagay ay lumuhod s'ya saaking harapan dahilan para lalo akong matawa. Naalala ko ang mga agents na takot saakin. Hindi dahil ako ang ranked 1 kundi dahil sa ugali ko.

Umiiyak s'ya habang nakaluhod. "Please po. Paalisin n'yo na po kami! Hindi na po mauulit!" pagsusumamo n'ya.

"Too late. Nandito na sila." sabi ko kasabay nang sirena ng pulis.

Tumayo na ako ng ayos at iniwan s'yang naka luhod. Sinimulan ko na ang paglalakad ngunit nagulat ako nang may maramdaman na hiwa saaking braso.

Masama ang tingin ko sa lalaki na humiwa doon. Susugod pa sana s'ya nang ilagan ko ang kutsilyo n'ya bago s'ya tinulak sa likod. Hinigit ko ang damit n'ya dahilan para bumalik s'ya saakin at doon ko s'ya pinaharap saakin at sinuntok sa mukha.

Tumayo s'ya at aambang susugod ulit nang mahawakan ko ang braso n'ya na may hawak na kutsilyo at ihampas iyon sa counter dahilan para makarinig kami ng pagbali ng buto.

Hinawakan ko s'ya sa braso at inikot iyon sakaniyang likod bago s'ya pinadapa.

Hawak-hawak ko ang braso n'ya sa likod habang nakadapa s'ya sa sahig nang pumasok ang mga pulis sa loob.

Hinigit ko s'ya patayo at hinagis sa isang pulis bago walang pakialam na naglakad paalis.

Nakita ko pa ang kakaibang tingin saakin ng babaeng cashier nang makalabas ako.Itinaas ko ang isang chips na hawak ko dahilan para tumango s'ya.

Free!

Nag-lakad ako pauwi sa hotel. Nakita ko pa ang tingin ng guard nang pumasok ako sa loob. Hawak-hawak ko ang chips sa kamay ko nang sumakay ako sa elevator.

Bumaba ako sa floor ko at nagpatuloy sa paglalakad. Huminto ako sa tapat ng room ko. Hinanap ko ang susi saaking bulsa nang biglang bumukas ang pintuan.

"Bakit ka nasa kwarto ko?" tanong ko.

Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Tumigil ang mata n'ya saaking tiyan. Napangiti ako ng bahagya.

"This is my room." seryoso n'yang sabi.

Napasinghap ako dahil doon. Mali pala ako. Akala ko ay ayun ang kwarto ko.

"Oh, my bad!" sabi ko at tumalikod na.

Napahinto ako sa pag-lalakad nang may humila saakin. Nakangiti ko s'yang tinignan.

"What happened?" seryoso n'yang sabi.

Napatingin ako saaking tagiliran. May nakatusok doon na parte ng bote na hinampas ko kanina. Dahil sa kulay ng aking jacket ay hindi iyon gaano halata sa malayo.

Nagkibit-balikat lamang ako bago unti-unting nanghina. Ang sakit n'ya, sa totoo lang.

I give him a sarcastic smile. "Do you mind helping me? 'Cause I think I will pass out"

Pagkatapos kong magsalita ay napaluhod ako dahil sa sakit. What the fuck, Mira!

Kung bakit naman kasi pinairal mo ang pagiging bayolente mo kanina. Hindi na kailangan na makita ng ibang tao ang ugali mo. Hays.

"Come here. I will help you treat your wounds" kinuha n'ya ang braso ko at tinulungan ako tumayo.

Inalalayan n'ya ako papasok sa room n'ya. Nagulat pa ako dahil sa linis doon na tila walang gumagamit. Nahiya naman ako na ang kwarto ay puno ng kung ano-anong bagay!

Inupo n'ya ako sa higaan n'ya bago s'ya tumawag sa hotel staff para manghingi ng first aid kit.

Iniinda ko parin ang sakit ng bubog na nasa aking tagiliran. Ayan siguro ang nakita ng mga nadaanan ko kanina dahilan para mapahinto sila sa daan para lamang titigan ako.

Kumuha si Nate ng mga ka-kailanganin n'ya kaya pinanatili ko ang aking sarili na maupo. Manhid na ang parte na iyon kaya hindi ko na ito gaano ramdam.

Bumalik si Nate dala na ang first aid kit. Hindi ko alam kung kailan may kumatok sa room para ibigay iyon pero buti na nandito na. Lumapit s'ya saakin at seryoso ang mukha n'ya akong tinignan.

"What?" tanong ko.

"What happened, Agent Carper? Saan mo dinala ang pagiging marahas mo?" he said, accusing me.

Sinimulan n'ya na akong gamutin. Sanay na naman ako sa ganito dahil sa ilang beses kong pagkakaroon ng malalalim na sugat kaya hinayaan ko lamang s'ya. Napapa-d***g parin ako sa sakit ngunit hindi na sobra.

Tinaasan ko s'ya ng kilay bago sumagot."Ako? Bakit ako? Hindi naman ako ang magnanakaw" sabi ko.

Napunta saakin ang tingin n'ya pagkatapos marinig ang sinabi ko. Shocked, Huh?

"Hindi naman porket marahas ako ay iyon ang lagi kong paiiralin, Agent Vela-"

"Anong ginawa mo sa magnanakaw?" putol n'ya saakin.

Nag-ikot naman ang mata ko sa kwarto dahil sa pagiging guilty.

"Well.."

"Well?" naghihintay n'yang tanong.

Nababa ko ang aking balikat, hudyat ng pag-suko. "Okay! Hinampas ko ng bote, happy?" sarkastikong sabi ko bago natawa.

"Kung nakita mo lang kung paano s'ya nagmakaawa saakin, Nate. Tsk. Naalala ko ang pag-baril ko sa braso mo partner!" pang-aasar ko.

"Hindi ako nagmakaawa sa'yo" maangas n'yang sabi.

Aba sumasagot pa! Kung nakita n'ya lang ang sarili n'ya nung araw na iyon. Duguan ang braso at puro d***g! Tss.

"Pero bakit nga ba hindi mo ako binawian? hindi ka ba nagalit sa ginawa ko?" tanong ko 'di kalaunan.

Wala akong nakuhang sagot mula sakaniya dahilan para tignan ko ang kaniyang ginagawa. Tapos na pala! naka bandage na iyon at malinis na din! Great!

Tumayo s'ya at nag-lakad sa bathroom. Naiwan akong naka-upo sa higaan n'ya. Napa-irap ako sa kawalan nang mapansin na hindi n'ya sinagot ang tanong ko.

Edi don't! Psh.

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa bathroom. Nakita ko na kakatapon n'ya lang ng bubog at naghuhugas ng dugo sa kamay. Tinawag ko s'ya dahilan para lingunin n'ya ako.

"I'm going to sleep. Thank you for helping me, Agent. Sa'yo nalang ang libreng chips ko." sabi ko bago nag-lakad paalis.

Sinarado ko ang pintuan n'ya at pumasok na sa room ko. Hindi na ako pumunta sa bathroom dahil mahihirapan lamang ako dahil sa sugat ko. Pumunta ako sa kama para manood.

Nanonood ako ng movie about sa sharks. Sayang-saya ako kapag nakakain ang tao tapos nakakatawa yung situation n'ya bago makagat. Although, nakakaawa din at nakakatakot.

Napatingin ako sa phone ko nang mag ring ito. Nakita ko na tumatawag si Kia kaya agad ko 'yong sinagot.

"Mira! How are you?" she said in a very energetic voice.

Natawa ako dahil sa pagka highper n'ya. "Okay, I guess? We can't come back yet. We have to do something here before going back to the headquarters"

"Oh? Bakit naman!? I miss you na, Mira! Ilang days pa ulit bago kayo umuwi?" tunog dismayado n'yang sabi.

"Four days lang ang dagdag namin, kia! And I miss you too! Kumusta ka?"

Narinig ko ang paglalakad n'ya at tunog ng higaan. Mukhang handa na din s'yang matulog kagaya ko. Sana lang ay hindi s'ya sa kwarto ko natutulog dahil alam n'yang magagalit ako.

Natutulog sa room ko si Kia kapag nasa misyon ako. Nandoon s'ya para bantayan ang mga gamit ko dahil may mga gamit ako doon na ayaw kong makita ng mga kasali sa Org.

"I'm fine too. Nakakastress ang mga misyon ko, Mira! Sana nandito ka para pagalitan ang tamad kong ka-member!" pagsusumbong n'ya saakin.

Madalas kasi akong manermon sa headquarters. Sinisiguro ko kasi na lahat ay may gagawin. Hindi naman kasi pwede na akuin lahat ng isang member ang mga responsibility sa mga missions.

To be a great agent is to accomplish every missions with hardwork and unity.

"Oh, really? Lista mo sila para alam ko kung sino ang pagsasabihan ko pag-uwi" natatawa kong sabi.

Patuloy ang pagkwentto ni Kia sa araw n'ya. Sinabi n'ya saakin na maraming agents ang nasa misyon ngayon dahil sa maraming report. Kahit daw si Tom ay stress na dahilan para pagbuntunan s'ya ng galit at sermon nito.

Tinanong din ni Kia kung okay lang ba daw kami ni Nate. Kinakabahan daw s'ya dahil ang huli n'yang nakita ay ang naka bandage na braso ni Nate dahil sa kagagawan ko.

Natawa ako dahil sa mga sinabi n'ya. Baka daw lagi akong masungit at inaaway si Nate. Kinuwento ko sakaniya ang mga pag-aaway namin ni Nate at doon ako nakatanggap ng mga comment ni Kia.

"Easyhan mo lang Mira! Wag mo naman lagi awayin dahil kawawa naman s'ya" sabi n'ya.

Napasimangot ako dahil doon. Mukhang mas kinakampihan n'a pa ang lalaking iyon kaysa saakin, ah.

"Wala akong ginagawa sakaniya!" depensa ko.

Nakarinig ako ng hagikhik sa linya ni Kia dahilan para lalo akong sumimangot. Hindi s'ya naniniwala!

"I swear, Kia! Well..inaaway ko s'ya pero hindi naman lagi! Hindi ko din alam kung bakit hindi n'ya ako binabawian." sabi ko.

Natahimik si Kia sa kabilang linya. "But I heard that he's scary, Mira. Hindi naman s'ya magiging Ranked 1 kung mahina at ganon s'ya kabait..diba?" may halong pagtataka n'yang sabi.

"Siguro nga.." sabi ko.

Bakit nga ba s'ya ganon? Parang pinakikisamahan n'ya ako dahil sa partner ko s'ya. Hindi ko pa naman s'ya lubusang kilala pero bakit parang ang nakikita ko sakaniya ngayon ay hindi ang totoong ugali n'ya?

Hmm..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status