แชร์

Chpater 7

ผู้เขียน: Luna Marie
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-06-18 12:29:21

Chapter 7

Suot ang isang Prada croptop, highwaist denim shorts at nike airforce ay lumabas na rin ako. I checked myself in the mirror.

"Damn this lipstick." Naiiritang sabi ko at saka binura iyon. Sa sasakyan na lang ulit ako maglalagay.

"Where's Abby?" Tanong ko kay Manang Pacing pagkababa ko.

"Tatawagin ko lang Daciana, nasa likod bahay yata siya."

"Sige po, salamat." Napabuntong hiningang sabi ko.

"Señorita, hinahanap niyo raw po ako? "

"Here, take this. " Iniabot ko sa kanya ang lipstick na hindi ko na nagustuhan.

"Sayo na iyan, I don't like the shade."

"Po? "

"Don't use 'po', mas bata ako sayo. Just call me Daciana, sige na. Nagmamadali rin ako."

Hindi ko na siya hinintay na umimik at saka lumabas ng bahay.

"Bakit iyan ang suot mo? " Bungad sa akin ni Kane ng makarating ako sa garahe.

"What? May mali ba sa suot ko? " Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Masyadong..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.

"Halika na nga. Kanina pa tayo hinihintay ni Sir Ryker." Malamig na sabi niya.

"I'll use my car. Convoy na lang tayo." Sabi ko sa kanya.

"Vittoria, ang sabi ni Sir Ryker ay ipagmaneho kita. "

"Kaya kong magmaneho Kane. "

"Pareho tayong mapapagalitan. " Napabuntong hiningang sabi niya sa akin.

"Tsk. Let's just use my car. " Ibinigay ko kay Kane ang susi ng kotse ko.

"Vitto?"

"What? "

"Aling kotse? " Parang nauubusan na ng pasensiyang sabi ni Kane.

"Oops. Ito ang gagamitin natin, my baby Shiloh! " Ngisi ko sa kanya.

Naiiling na binuksan ni Kane ang pintuan ng kotse ko.

"Sumakay ka na. Napakatagal mo pa lang mag ayos. "

"Sorry! " Nagpeace sign ako sa kanya at saka sumakay sa kotse.

Hindi rin nagtagal ang pagbyahe namin at narating agad namin ang bayan ng Sta.Ana.

"Nandito na tayo."

"What? Ito na yon? "

"Oo. Ano bang inaasahan mo? " Mataray na tanong niya sa akin.

Napatingin na lamang ako sa paligid at saka bumaba ng sasakyan.

"Daciana!" Bigla namang lumapit sa amin ni Kane si Joseph.

"Akala ko ba mas gusto mong maglibot mag isa? Bakit kasama mo itong alalay ni Sir Ryker? " Kita ko ang maangas na tingin niya kay Kane.

"May pangalan siya, Joseph. Excuse us, nagmamadali kasi kami ni Kane."

"Teka, pasama na rin ako. Papasok din ako sa loob, pinapunta kasi ako dito ni papa." Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Okay. Let's go, Kane." Kay Kane ako sumabay kahit na pilit isinisingit ni Joseph ang sarili niya para makipag usap sa akin.

"Nagmiryenda ka na ba? May alam akong masarap na kainan doon sa may tabi ng simbahan. Baka gusto mong subukan, Daciana."

"Nope. May gagawin kasi kami nila Kuya Ryker ngayon." Naiirita na ako sa kanya pero hindi ko na lang ipinahalata.

"Vitto." Seryosong sabi ni Kane sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Nandito na tayo. " Kumatok siya sa pintuan bago pumasok, sumunod na lamang ako sa kanya ng hindi man lang tinatapunan ng tingin si Joseph.

"Magandang hapon po. " Bati ni Kane sa mga nasa loob. May mangilan ngilan kasing tao sa loob ng opisina.

"Good afternoon po. " Bati ko na lang din sa kanila.

"Kuya Ryker." Matamis na ngiti ko kay Kuya.

"Late kayo. Kanina pa akong naghihintay sa inyo dito."

"Sorry kuya, tinanghali kasi ako ng gising." Ngiwi ko.

"Daciana, mabuti at napapasiyal ka rito." Napalingon ako kay Konsehal Alwin.

"Kayo po pala, good afternoon po."

"Magandang hapon rin sayo, hija. Mabuti na lang pala at pinapunta ko rito ang anak ko." Napataas na lang ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Vitto." Saway sa akin ni Kuya Ryker.

"Paalis din kami, Konsehal. Ipapaayos namin ang cellphone ni Vittoria. "

"Ah, ganun ba. Sayang naman, pwede sana silang maglibot para malaman na ni Daciana ang pasikot sikot dito."

"No need naman po, konsehal. Nandyan naman po si Kane para samahan ako if ever." Nakangiting sabi ko.

"Nako, hija! Abala rin ang batang iyan. Kapag hindi sa hacienda ninyo ay dito sa munisipyo." Natatawang sabi sa akin ni Konsehal Alwin.

"I'm sure he can make time. Right, Kane? " Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Nakakunot noo namang tumingin sa akin si Kane.

"Kuya, tara na? Para makauwi rin tayo agad." Baling ko kay Kuya Ryker.

"Okay, let's go." Tumayo na si Kuya mula sa kanyang pagkakaupo at saka nagpaalam sa kanyang mga kasamahan.

"Ryker? Pwede niyo bang isabay ang anak ko? " Tanonh pa ni Konsehal Alwin kay Kuya."

"Oo naman, no problem." Sang ayon lang ni Kuya.

Sabay sabay kaming lumabas ng munisipyo.

"Sa akin ka na sumabay, Joseph. Kane, hayaan mong magdrive si Vittoria." Agad namang tumango si Kane bilang pag sang ayon.

"Ah, kuya Ryker? Baka pwedeng kay Daciana na ako sumabay? " Napangisi naman si Kuya Ryker dahil sa tanong ni Joseph.

"Sure." Pagpayag niya, matagumpay namang ngumisi si Joseph at saka napatingin kay Kane.

"Sa inyo na ba ako sasabay, Sir? " Seryoso namang tanong ni Kane kay Kuya.

"Oo, tara na. Sa kabilang bayan pa tayo pupunta."

"Gaano kalayo ba iyon mula rito? " Tanong ko.

"Two hours, Vitto. Maganda pati ang kalsadang daraanan natin. Bagong gawa kasi iyon at wala pa masyadong dumaraan."

"Oh." Wala sa sarili akong napangisi.

"Bakit? " Nagtataka namang tanong ni Joseph sa akin.

"Wala, sumakay ka na lang. Hindi ba at gusto mong sumama? "

Mabilis naman siyang tumango at saka sumakay sa kotse ko.

"My car key? " Inilahad ko ang kamay ko kay Kane at mabilis niyang iniabot sa akin ang susi ko.

"Huwag mong masyadong takutin iayng batang kasama mo, Vitto." Tawa sa akin ni Kuya Ryker.

Inosente naman akong ngumiti at saka sumakay sa kotse ko.

"Seatbelt mo."

"Ay, pasensiya na. Sobrang ganda talaga nitong kotse mo."

"Thanks. My baby Shiloh is a ford mustang." Nakangiting sabi ko.

"Baby Shiloh? May pangalan itong kotse mo? " Natatawang tanong niya.

Pinaandar ko na ang sasakyan at saka sinagot ang tanong niya.

"Yeah, lahat ng sasakyan ko ay may pangalan."

"Ilan ba ang sasakyan mo? " Curious na tanong niya.

" I have 7 cars and 3 big bikes. "

"Wow! Sobrang dami naman. Si papa hirap pa akong ibili kahit isang motor lang e." Nagkakamot sa ulong sabi niya.

"Ah. Kapag nakapagtapos ka at nakapagtrabaho, pwede ka ng mag ipon para makabili ka."

"Sana nga ganun lang kadali."

Hindi na lamang ako umimik at saka tinuon ang sarili sa daan.

"Daciana, may sasabihin pala ako sayo." Biglang imik ni Joseph.

"Ano naman iyon? "

"Wala ka bang napapansin kay Kane? "

Napakunot noo na lamang ako.

"Bakit? "

"Napapansin kaso namin ni papa na masyadong malapit si Kane sa Lolo at Kuya mo. Alam mo yun, parang ang s****p niya masyado. "

Natawa na lamang ako sa sinabi niya.

"Seryoso ako, Daciana. "

"I don't care. He's working for our family. Syempre kailangan niyang gawin ang lahat para hindi siya mapaalis. " Sarkastiko akong napatawa.

Pumantay sa amin si Kuya Ryker at saka sila nagbaba ng salamin. Diretso naman ang tingin sa akin ni Kane kaya napangiti na lamang ako. Tumango na lanh ako kay Kuya Ryker.

"Ayusin mo ang seatbelt mo." Utos ko kay Joseph. Nalilito man ay inayos na rin niya.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko.

"AHHHHH! " Napasigaw si Joseph pero hindi ko siya inintindi, bagkos ay mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho.

"Damn it! Ayan na agad sila." Naiinis na sabi ko. Magaling ding magmaneho si Kuya. Kapag lumuluwas siya sa Maynila ay palagi kaming sa mga race track pumupunta.

"DAHAN DAHAN DACIANA! "

"SHUT UP! " Sigaw ko rin kay Joseph.

May paliko kaminh daraanan kaya naman nagdrift ako. Nangunguna pa rin kami kaya lang sigurado akong may plano si Kuya Ryker.

"Oh, I know how you drive kuya." Ngisi ko at saka ipinaling sa kabila ang kotse ko para hindi siya makalampas. Magkadikit pa rin halos ang sasakyan namin pero nangunguna pa rin ako.

"Na-ah, hindi mo ako matatalo ngayon." Tawa ko at mas lalong binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse ko. Nang makita ko ang malaking signage at malampasan iyon ay saka ko lamang binagalan ang takbo. Bumusina pa si Kuya kaya naman itinigil ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada.

Mabilis akong bumaba at tumatawang hinintay si Kuya.

"Natalo kita Kuya! Akala mo ha?! " Tumatawang sabi ko sa kanya ng makababa siya sa kotse niya.

Bumaba rin si Kane at Joseph at parehong nagsuka sa gilid ng kalsada.

"Fuck! That's dangerous, Vitto! " Angil ni Kuya Ryker sa akin.

"Well, iyon ang bago kong natutunan bago ako umalis ng Manila." Kibit balikat na sabi ko.

"Hey, baka nagsuka ka sa kotse ko! " Sumusuka pa rin si Joseph habang nanlalambot na napaupo si Kane.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Claimed By The Haciendero   EPILOGUE

    EPILOGUE 3 years later... "Sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw." Matiim akong tumitig sa pangalang nasa lapida. "I know he understands you, Vitto." Marahan akong hinawakan ni Letizia sa aking balikat. Inilapag din niya ang isang pumpon ng bulaklak na dala niya. "Yeah. " Muli akong napatingin sa puntod. Nangilid ang aking luha habang taimtim na nagdasal. "I hope you're happy na... " Sinserong sabi ko. "Vitto, anong sabi ng doctor? Don't stress yourself too much." Paalala sa akin ni Letizia. "I just miss him, Leti. Siya kaya lagi ang kakampi ko kapag inaaway ako ni Kuya Ryker." Natatawang sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Duh! We all miss him, Vitto. Ikaw yata talaga ang favorite niyang apo at hindi si Kuya Ryker." Iling ni Letizia habang natatawa rin. Isidro Collazo. My loving and supportive Lolo... He died last year because of a heart attack. It hurts but wala naman na kaming magagawa. Sabi niya sa akin noon na he's ready naman na. Gusto na rin daw niyang makas

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 93

    Chapter 93THIRD PERSON'S POV"Ano pa bang balak mo sa kanya babaeng iyon, Kane? Pwede bang ako na lang ang bahala sa kanya? " Malambing na sabi ni Katalina kay Kane habang papunta sila sa isang silid. "Huwag mo na munang isipin iyon, Katalina. Teka, nasaan na iyong mga tauhan mo? " Napataas naman ang kilay ng dalaga dahil doon. "Baka nasa sala sila. Bakit mo sila hinahanap? " May pagdududang sabi ni Katalina sa binata. Tumigil naman sa paglalakad si Kane kaya natigilan din ang dalaga. Magkaharap sila ngayon na nag uusap."I want to thank them, babe. It's a job well done. Pinadali ninyo ang mga plano ko. Syempre, I want to give them a reward. Ikaw? Ayaw mo ba ng reward? " Masuyong sabi ni Kane sa dalaga at saka sinakop ang bewang nito. " Ka...ne. " halos pa ungol na sabi ng dalaga. Napabuntong hininga na lamamg si Kane dahil doon. " Halika na, bigyan mo muna sila ng pang inom. Hindi ba at nasa iyo ang wallet ko? Hayaan mo na sa iyo iyan, tutal naman kapag mag asawa na tayo ay ib

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 92

    Chapter 92"Sigurado ka bang hindi ka magsasampa ng kaso laban kay Katalina? " Tanong sa akin ni Kuya Ryker ng sumunod na umaga. "No, kuya. Mukha anmang hindi na siya hahayaan ng tatay niya na makapanakit ng ibang tao. " Malumanay na sabi ko. "May lakad ka ba ngayon? " "Yeah. May usapan kami ni Kane." Napailing naman sa akin si Kuya. "Okay. Isama mo pa rin si Reiner. Tawagan ninyo ako agad kapag nagkaproblema." Seryosong sabi ni Kuya. "Yes, kuya. Salamat po." Ngiti ko sa kanya."Good morning, Ma'am. Sana po tayo ngayon? " Magalang na tanong sa akin ni Reiner. " Ah, Reiner. May sundo ako ngayon, pwede bang sumunod ka na lang sa amin? "" Oo naman, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. Maya maya pa ay natanaw ko na rin ang sasakyan ni Kane. Dadalawin namin ngayon si Lolo Domeng at sila Mamà. Napag usapan namin kagabi ang pagbisita sa kanila. " Mukhang okay na po ulit kayo ni Kane, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. " Yeah, nag usap kami kagabi. Sa tingin mo ba

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 91

    Chapter 91Dinala ako nila Mariz sa guest room nila sa second floor. "My god, Kris! I told you not to invite her." Inis na sabi ni Mariz sa kanyang asawa. "I didn't invite her, Babe. Nagulat din ako ng makita ko siya kanina." Napabuntong hiningang sabi ni Kristoff. "Are you okay, Vitto? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? " Malumanay na tanong naman sa akin ni Kane. "I'm fine, Kane. Maliit na sugat lang ito." "Gosh, mabuti na lang at sumunod kami agad ng mapansin naming ang tagal mong wala." Nag aalalang sabi naman ni Oliver. "Nasaan si Reiner? " Bigla ko namang naitanong. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Kane na siyang ikinakunot ng noo ko. "Nasa labas siya, kumukuha ng first aid kit.." Seryoso lang na sagot niya. Napailing na lamang si Mariz. "Are you sure? Ayaw mong magpapadala sa ospital?" Tanong niya sa akin. "No. Okay lang ako." Iling ko. "Tsk, may mga kalmot ka pa. " Hinawakan ni Mariz ang braso ko. "Okay na ako dito. Sige na, baka hinahanap na kayo sa baba." Ma

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 90

    Chapter 90Hindi na umalis ang batang si X sa tabi ko. He's name is Xarion, pamangkin siya ni Kristoff sa kanyang mother side. "X, bakit ba hindi ka na umalis sa tabi ng Tita Daciana mo? " Natatawang sabi ni Kris sa bata. Magkakasama kami ngayon sa table at kasama rin namin si Kane. Katabi niya si Kristoff ngayon. "She's my girlfriend, Tito." Proud na sabi ni X, apat na taon na ito. Wala raw ang parents nito kaya ang Tiyahin ni Kris ang nag aalaga sa bata. "Baby Xarion, you're too young to have a girlfriend. Paunahin na muna natin iyong mga malalaki na, baka tumandang binata. " Pabulong na sabi pa ni Mariz sa bata at saka nakangising tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Kane." Stop it, Marz. " Banta ko sa kanya. "Lagi ka na lang galit, Daciana. Epekto ba iyan ng patandang dalaga?" Mas lalo pa niya akong inasar. " Talaga ba, Marz? " Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman natigilan siya. " Oopsie, tatahimik na nga po." Kunwaring izinipper ni Mariz ang bibig niya. Tuwang tuwa na

  • Claimed By The Haciendero   Chapter 89

    Chapter 89Kinabukasan ay maaga rin akong umalis sa bahay ni Lolo Isidro para sa birthday party ni Timothea. "Alis na po ako." Paalam ko kila Lolo. "Oh! Mag iingat ka, apo. Nasa labas na si Reiner, siya raw ang makakasama mo, sabi ng Kuya Ryker mo. " Ngiti sa akin ni Lolo Isidro. " Okay po, Lolo. Salamat. " Malaki akong ngumiti sa kanya at yumakap. " Inom ka ng meds mo, Lolo. Don't forget, okay? " Paalala ko pa sa kanya na ikinatawa naman niya. " Don't worry, apo. Hindi ko nakakalimutan. " Ngiti niya sa akin. Matapos kong magpaalam ay umalis na rin ako. " Good morning, Ma'am. " Sabi ng isang baritong tinig. " Good morning, too. I'm Daciana. " I smiled. " Aalis na ba tayo? " Seryosong tanong niya. He reminds me of Kane. Tsk, erase! Erase! " Let's go. " Tahimik lamamg kaming nagbyaheng dalawa ng biglang tumunog ang cellphone niya. " Tsk. " Napailing na lamang siya ng ilang beses pang tumunog ang cellphone niya. " Ah, you can answer it muna. Baka importante. " Malumanay na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status