Share

Claimed by the Billionaire Archaeologist
Claimed by the Billionaire Archaeologist
Author: Leveny

CHAPTER 1

Author: Leveny
last update publish date: 2026-10-04 13:26:25

TALA POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang baso ng mamahaling champagne. Sa paligid ko, puno ng malalakas na tawanan at amoy ng mamahaling sigarilyo ang gabi. Nasa gitna kami ng dagat, nakasakay sa isang tatlong palapag na luxury yacht na pagmamay-ari raw ng isang kilalang bilyonaryo. Pero wala akong pakialam kung sino ang may-ari nito. Ang gusto ko lang ngayong gabi ay ang makauwi nang buo.

"Tala, inumin mo 'yan. Huwag kang magmukhang patay-gutom sa harap ng mga bisita natin," bulong sa akin ni Doña Hortencia. Ang boses niya, kahit nakangiti sa harap ng mga bisita, ay puno ng banta.

Tiningnan ko si Don Rodolfo, ang stepfather ko. Nakaakbay siya sa anak niyang si Chanel habang nakikipagkwentuhan sa mga matatandang mayayaman. Mukhang masayang-masaya sila. Bakit nga ba hindi? Nagawa nilang ibenta ang nag-iisang natitirang ari-arian ng tunay kong ama. At ngayon, ako naman ang isusunod nila.

Hindi ko agad napagtanto kung ano ang nangyayari hanggang sa narinig ko ang usapan ni Don Rodolfo at ng isang matandang negosyante sa sulok kanina. Ginawa akong pambayad-utang. Binitag nila ako para sumama sa party na 'to sa akalang simpleng pamilyar na selebrasyon lang.

"Mama, siguraduhin mong hindi tatakas 'yan," marahang sabi ni Chanel habang naglalagay ng lipstick sa harap ng maliit na salamin. "Ayokong masira ang kontrata ni Papa dahil lang sa pakikipag-maarte ng babaeng 'yan."

Gumapang ang lamig sa buong katawan ko. Ito na ba talaga ang halaga ko sa kanila? Pagkatapos nilang kunin ang lahat ng pamana ng pamilya Velez, pati ang katawan at kalayaan ko ay kukunin na rin nila?

Hindi ako pwedeng magpadala sa takot. Kailangan kong makaalis dito.

Habang busy si Doña Hortencia sa pakikipagplastikan sa ibang bisita, dahan-dahan akong humakbang pabalik. Nang makakita ng pagkakataon, mabilis akong lumiko sa madilim na pasilyo ng barko.

Mabilis ang tibok ng dibdib ko. Rumaragasa ang kaba sa bawat hakbang habang binabaybay ko ang makikitid na hagdan pababa sa pinakailalim na bahagi ng yacht. Ang alam ko lang, kailangan kong magtago hanggang sa makadaong kami pabalik sa daungan.

Bawat p***o na nadadaanan ko ay nakalock. Naririnig ko na ang mga yabag ng sapatos sa itaas—hahanapin na nila ako. Sa gitna ng panic, may nakita akong p***o sa dulo ng pasilyo na bahagyang nakabukas. Walang ilaw sa loob. Walang pag-aalinlangan na pumasok ako roon at mabilis na isinara ang p***o.

Napakadilim. Amoy dagat at usok ng mahal na tabako ang buong silid.

Nakahinga ako nang maluwag nang kaunti, pero natigilan din agad nang makarinig ako ng malalim at mababang boses mula sa dilim.

"Who told you to come in here?"

Muntik na akong mapatili. Napasandal ako sa p***o habang sinusubukang aninagin ang tao sa loob. Sa tulong ng kaunting liwanag mula sa buwan na tumatagos sa maliit na bintana, nakita ko ang isang silweta ng matangkad at malapad na lalaki. Nakasandal siya sa isang mesa, nakabukas ang dalawang pindot ng kaniyang polo, at may hawak na baso ng alak.

Hindi siya mukhang katulad ng mga mayayamang matatanda sa itaas. May kakaibang aura siya—malamig, delikado, at tila San Nicolas ang lakas ng presensya na nakakakilabot pero nakakaakit sa parehong pagkakataon.

"P-pasensya na... kailangan ko lang magtago," nauutal kong sabi. Hinihingal pa rin ako sa takot. "Pakiusap, huwag mo akong isusumbong sa kanila."

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay parang nagpapatigil sa pagtibok ng puso ko. Nang makalapit siya, naamoy ko ang halo ng amoy ng dagat at maanghang na pabango. Hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya sa dilim, pero ramdam ko ang titig niyang nag-aapoy.

"Nagtatago?" malamig niyang tanong. Inabot ng kamay niya ang baba ko at inangat ito nang bahagya. Ang init ng palad niya ay nagdulot ng kuryente sa buong katawan ko. "Sino ang naghahabol sa'yo?"

"Ang... ang stepfather ko. Ibinebenta nila ako," bumagsak ang isang patak ng luha mula sa mata ko. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong maging victim ng pamilya Del Fierro at Villareal.

Naramdaman ko ang pagtatagpo ng mga mata namin sa gitna ng dilim. Tumigil siya nang ilang segundo, tila sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.

"Do you know where you are right now, sweetheart?" bulong niya. Mas mababa ang boses niya ngayon, halos magkadikit na ang mga labi namin. "This is my private cabin. And I don't usually let uninvited guests leave easily."

"Pakiusap..." wala na akong ibang maisip. Sa gitna ng takot sa mga taong nasa itaas at sa misteryosong lalaking ito sa harap ko, may biglang nagbago sa loob ko.

Kung mawawala rin lang ang dignidad ko ngayong gabi sa kamay ng isang matandang mamamatay-tao para sa utang ni Don Rodolfo, mas pipiliin ko pang ibigay ito sa lalaking ito. At least, ito ang sarili kong desisyon. Ang tanging desisyon na hawak ko pa sa buhay ko.

Yumuko ako at hinawakan ang kaniyang kamay na nasa baba ko pa rin. "Tulungan mo ako ngayong gabi. Kahit ano... kapalit nito."

Naramdaman ko ang pagtigil ng paghinga niya. Sa isang mabilis na galaw, inilapit niya ako sa kaniyang katawan. Ang init ng dibdib niya ay sumalubong sa akin, at bago pa ako makapag-isip nang maayos, naramdaman ko na ang kaniyang mga labi sa akin.

Naging mabilis at marahas ang bawat eksena pagkatapos niyon. Sa gitna ng dilim at ng alon ng karagatan, nawala ang takot ko at napalitan ng isang klaseng init na hindi ko pa kailanman naramdaman. Walang salita, walang pangalan. Ang tanging naririnig lang sa silid ay ang aming paghinga at ang tunog ng tubig sa labas ng barko.

Nang matapos ang lahat, nakahiga ako sa malambot na kama habang nakatalikod sa kaniya. Dama ko pa rin ang bigat ng kaniyang braso sa bewang ko at ang init ng kaniyang paghinga sa likod ng leeg ko.

Pumikit ako habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Alam kong bukas, wala na ang dating Tala Consuelo Velez. Nagbago na ang lahat.

Nang mapansin kong malalim na ang paghinga ng lalaki at tulog na ito, dahan-dahan kong inangat ang kaniyang braso. Hindi ako pwedeng magpalipas ng umaga rito. Kailangan kong makaalis bago sumikat ang araw at bago ako mahanap ng pamilya ko.

Kinuha ko ang aking mga damit sa sahig at mabilis na isinuot ang mga ito. Sa gitna ng pagmamadali, naramdaman kong may kumalas mula sa leeg ko. Ang lumang kwintas na gawa sa silver na may maliit na pendant—ang nag-iisang alaala ng tunay kong ama—ay naputol at nahulog sa tabi ng kama.

Sinubukan kong kapain ito sa dilim, pero narinig ko ang footsteps sa pasilyo sa labas ng p***o. Nataranta ako. Wala na akong oras.

Tumingin ako sa huling pagkakataon sa lalaking nakahiga sa kama, na nananatiling nakatago ang mukha sa baybayin ng dilim, bago ako dahan-dahang lumabas ng silid at tumakbo patungo sa malamig na hangin ng madaling-araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed by the Billionaire Archaeologist   CHAPTER 7

    TALA POVMabilis ang naging takbo ng mga pangyayari pagkatapos naming lumabas sa executive office ni Cassian. Ang mga tauhan niya ang nag-ayos ng paglipat ng ilang gamit namin mula sa luma kong tinutuluyan patungo sa isang private chopper na naghihintay sa rooftop. Kahit medyo naninibago ako sa bilis ng mga desisyon niya, wala na akong nagawa kundi ang sumunod, lalo na nang makita ko ang saya sa mukha nina Mateo at Maya habang manghang-manghang sumasakay sa helicopter.Habang lumilipad kami patungo sa mansyon ni Cassian sa Batangas, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya habang seryoso siyang nakatutok sa kaniyang tablet. Seryoso pa rin ang mukha niya, pero paminsan-minsan ay sumusulyap siya kina Mateo at Maya na masayang nakatitig sa mga ulap sa labas ng bintana. Ang lalaking ito na tinatawag na hari ng mga malalalim na karagatan at bilyonaryong may-ari ng napakaraming negosyo ay ang parehong lalaking nakasama ko sa isang madilim na cabin limang taon na ang lumipas. Maraming beses k

  • Claimed by the Billionaire Archaeologist   CHAPTER 6

    CASSIAN POVNakasandal ako sa leather chair sa loob ng private office ko habang nakatitig sa dalawang batang masayang naglalaro sa carpet malapit sa aquarium. Hawak ni Mateo ang isang toy submarine habang itinuturo kay Maya ang isang lumang bahagi ng barko na nakadikit sa display. Kung titigan sila, para silang salamin ng isa't isa—pareho ang hugis ng mukha, ang kulot ng buhok, at ang seryosong paraan ng pagtitig kapag may sinusuri silang bagay.Limang taon.Limang taong nagdaan simula noong gabing iyon sa pribadong yacht. Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa ang bawat detalye. Sawa na ako sa mga babaeng kusang lumalapit sa akin dahil sa pangalan at yaman ng pamilya ko. Pero noong gabing 'yon, sa madilim at tahimik na cabin ng barko ko, iba ang naramdaman ko. Isang babaeng pumasok na takot na takot, nagtatago sa sarili niyang pamilya, pero nagpakita ng kakaibang tapang. Nang gabing iyon, binigay niya ang sarili niya hindi dahil sa pera o impluwensya, kundi dahil iyon ang tanging desis

  • Claimed by the Billionaire Archaeologist   CHAPTER 5

    TALA POVTumigil ang mundo ko. Ang init ng mga daliri ni Cassian sa panga ko ay nagdala ng napakatinding kuryente—isang pakiramdam na ibinalik ako sa madilim at malamig na silid noong gabing iyon sa luxury yacht. Limang taon kong pilit na ibinaon sa limot ang gabing iyon, pero ngayon, nakatayo sa harap ko ang lalaking naging bahagi ng pinakamalaking pagbabago sa buhay ko.Nakatitig siya sa akin. Ang matitinding mata niyang kulay dark brown ay puno ng halo-halong emosyon—poot, pagtataka, at isang uri ng pangungulila na hindi ko inaasahang makikita sa isang dambuhalang bilyonaryo."I've been searching for you for five years, Tala," muling sabi ni Cassian. Ang boses niya ay mababa at paos, pero pinalalabas nito ang lakas na nakakapanginig sa mga binti ko."P-paano..." nauutal kong sabi habang mabilis na lumalayo ang tingin ko sa hawak niyang silver chain. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?""Do you really think I'd let the woman who disappeared from my bed just walk away without knowing

  • Claimed by the Billionaire Archaeologist   CHAPTER 4

    TALA POVLimang taon ang mabilis na lumipas.Sa loob ng limang taon na 'yon, natuto akong mabuhay nang tahimik kasama ang anak kong si Maya. Dito kami nakatira sa isang maliit na coastal town sa Batangas, kung saan nagtatrabaho ako bilang head janitress at maintenance crew sa Zobel-Madrigal Marine Research Center—isang dambuhalang pasilidad para sa mga deep-sea exploration at ocean preservation.Araw-araw, pumasok ako nang maaga para maglinis ng mga glass display, mag-mop ng malalaking kwarto, at siguraduhing maayos ang lahat bago dumating ang mga VIP. Mahirap ang trabaho at mababa ang pasweldo, pero sapat na para makakain kami ni Maya at makabili ng mga gamit niya sa eskwela."Nay, tingnan mo oh! Ang laki ng pating!" masayang turo ng limang taong gulang kong anak na si Maya habang nakatitig sa dambuhalang aquarium sa main lobby ng facility. Sabado ngayon kaya naisama ko siya sa trabaho dahil wala siyang pasok.Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Si Maya ang nag-iisang liwanag

  • Claimed by the Billionaire Archaeologist   CHAPTER 3

    TALA POVLumipas ang limang buwan. Nakatira ako ngayon sa isang maliit at lumang kubo sa dalampasigan ng Bicol, sa bayan kung saan lumaki ang yumaong yaya ko. Nagtitinda ako ng kakanin sa umaga at tumutulong sa paglinis ng mga huling isda sa hapon para lang makaraos. Lumalaki na ang tiyan ko—at kamakailan lang, nalaman ko sa ultrasound sa pampublikong klinika na kambal ang dinadala ko. Isang lalaki at isang babae.Kahit mahirap ang buhay, may konting kapayapaan na sana akong nararamdaman. Pero isang hapon, habang naglalakad ako pabalik mula sa palengke, napansin ko ang isang itim na SUV na nakaparada malapit sa kubo ko.Nagtago ako sa likod ng malaking puno ng niyog. Mabilis ang tibok ng dibdib ko nang makitang bumaba mula sa kotse sina Don Rodolfo at dalawa niyang tauhan."Siguraduhin niyo lang na nandito ang babaeng 'yan," galit na boses ni Don Rodolfo na abot hanggang sa kinaroroonan ko. "May interesadong mayamang mag-asawa sa abroad na gustong bumili ng sanggol. Kapag nanganak si

  • Claimed by the Billionaire Archaeologist   CHAPTER 2

    TALA POVApat na linggo ang mabilis na lumipas mula noong gabi sa luxury yacht. Apat na linggong puro takot at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang ginawa kong pagtakas. Akala ko matatapos na ang lahat nang makauwi ako sa bahay nang walang nakakahuli sa akin noong madaling-araw na iyon. Akala ko babalik sa dati ang buhay ko—mahirap pero nakakaraos.Pero mali ako.Nakatayo ako ngayon sa loob ng maliit na banyo ng kwarto ko, nakatitig sa dalawang pulang linya sa maliit na plastic stick na hawak ng nanginginig kong mga kamay. Positive.Buntis ako.Napaupo ako sa tabi ng inodoro habang hawak ang tiyan ko. Paano nangyari 'to? Isang gabi lang 'yon. Isang gabi sa piling ng isang lalaking hindi ko man lang nakita ang mukha at hindi ko man lang alam ang pangalan. Biglang sumikip ang dibdib ko. Paano na ang buhay ko ngayon? Wala akong pera, wala akong maayos na trabaho, at nakadepende pa rin ako sa pamilyang walang ibang ginawa kundi gamitin ako.Bago ko pa maitago ang pregnancy te

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status