LOGINLAURA
"What? Are you crazy, Xander? Paanong mangyayari 'yon at isa pa kahit kailan hindi kita gusto." mariin na pagkakasabi ko at sinabayan ko ng mabilis na paglakad. "Laura, you have no choice or else your dad is going to jail." Natigilan ako sa mabilis kong paglakad dahil sa narinig ko mula kay Xander, nakusunod siya sa akin. "Are you out of your mind? Saan mo naman nakuha ang ganyang pagbabanta sa daddy ko? Puwede ba, umalis ka na dito kung ayaw mo ipakaladkad kita sa mga guard namin!" malakas kong bulyaw sa kanya at tinalikuran ko siya. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa malaking pinto at akmag isasara ito upang hindi siya makapasok, ngunit nagawa pa rin niyang makapaso kaya tiningnan ko siya ng masama. "Huwag mo akong binabastos, dahil baka kung ano ang magawa ko sa'yo." seryoso at may halong pagpipigil ng galit. Mahigpit na kinapitan niya ang braso ko, nghanap ang mata ko kila mommy at daddy o kung sino mang ibang tao na narito. Naguguluhan talaga ako sa mga pinagsasabi niya at kung sakali lang ayokong mangyari ang sinasabi niya, alam kong nababaliw lang 'to. "Xander! Bitiwan mo ang anak ko, hindi mo siya kailangang harasin. " ma-awtoridad na utos ni daddy na nasa itaaas ng hagdan kasama si mommy. Lumuwag naman ang pagkakahawak ni Xander sa braso ko kaya patakbo na lumapit ako kila mommy. "Da, ano'ng problema ng Xander na 'yan?" Tanong ko agad. Nakita ko naman ang malalim na pagbuntong hininga niya at tiningnan ako. "I'll talk to you later, pero paanong nakatakas ka sa mga kumidnap sa'yo? Halos mabaliw na kami ng mommy mo sa kakaisip sa'yo." malungkot at nagtataka na tanong ni daddy. "Don't worry, I'm ok now. Pero na-stress ako sa sinabi ng lalaki na 'yan." tukoy ko dito 'kay Xander na matiim na nakatingin sa akin. "Mr, Albama. Hindi ako pumarito para lang bastusin ng anak mo, sagutin niyo lang tanong ko kung tuloy ba bukas ang kasal namin ni Laura." mayabang na sabi ni Xander na naglakad palapit sa amin. "Dad, hindi ko maintindihan. Ano'ng sinasabi niya? Bakit kami ikakasal?" Magkakasunod na tanong ko at talagang gulong-gulo na ako. Hindi naman nakapagsalita agad si papa habang si Xander ay nakangisi sa akin. Na parang Demonyo! ________ Tulala ako sa dito sa kuwarto ko dahil bukas na bukas ikakasal na ako 'kay Xander Villain. Ang pinakabastos na taong nakilala ko at napakasamang ugali. Wala akong magawa dahil ayokong makulong si daddy. Wala akong alam na umutang pala ng malaking halaga si daddy, upang mas lumago pa ang kanyang negosyo dahil nga sa nalulugi na pala ito na hindi ko alam. Akala ko ay lumalago ito dahil hindi ko naman sila nakikitain na namumroblema at lagi silang umaalis para sa business trip. Pero walang 'raw nangyari dahil mas lalo itong hindi nakaahon, hindi raw niya alam bakit nagkaganun dahil noong una naman raw maayos ang naging takbo ng kanilang negosyo paliwanag pa ni daddy sa akin kanina. Yung bagay na 'yan mabilis ko na naunawaan ang pinagtatampo ko lang sana alam ko rin na ganun na pala ang kalagayan namin. Pero ang hindi ko matanggap 'ay yung ikakasal na ako bukas sa lalaking ayaw na ayaw ko. Maga na ang mata ko sa kakaiyak dahil okey lang sanang makasal ako pero hindi sa isang Xander na baliw at demonyo. Magiging impyerno lang ang buhay ko sa kanya pagdating ng araw na 'yon. Wala naman akong maisip na ibang paraan. Dahil napakalaking halaga ang kailangan nasa bilyon ang dapat bayaran, naawa ako kay mommy lalo na kay daddy dahil ngayon ko lang siya nakitang na-stress. Napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga at pinikit ko ng mariin ang mata ko upang makatulog at saglit na makalimutan ang bigat na nasa dibdib ko. ------- Kinabukasan busy ang lahat habang ako ito tulala na inaayusan talagang desperado na si Xander dahil hindi pa nga nangyayari. Nakahanda na pala talaga ang kasal namin dahil alam na agad nito na siya ang magwawagi. Naisip ko na baka mamaya siya ang may dahilan para malugi ang negosyo ng magulang ko, hindi ko naman masisi sila dahil lahat ay binibigay nila sa akin. Gusto kong tumukas pero magiging kawawa ang mga magulang ko, kaya kailangan ko na talagang tanggapin para sa daddy at mommy ko. "Laura, patawarin mo kami ng mommy mo. Dahil sa amin napilitan ka, maaaari ka namang umatras dahil nakahanda akong makulong." Napatingin ako kay daddy, nasa may pintuan siya at malungkot na nakatingin sa akin. Halatang wala siyang tulog dahil sa mga mata niya, alam ko ayaw niya rin talaga itong mangyari sa akin, pero ako na ang kusang tumanggap na rin dahil hindi naman ako papayag na makulong siya. "Dad, you don't have to say that. Ayoko naman makulong ka, dahil magulo sa bilangguan." pilit ang ngiting sagot ko, ayoko kasi na mag-aalala pa siya ng husto gayun rin si mommy na hanggang ngayon hindi pa ako kinakausap dahil alam kong mas nagdaramdam 'yon. "Salamat anak." naiiyak na wika niya. Naiyak na rin tuloy ako at yumakap ako sa kanya, napansin ko naman si mommy sa may pinto at dahan-dahan siyang lumapit sa amin at nakiyakap na rin. "I'm so sorry, anak." umiiyak na halik ni mommy sa noo ko. "It's ok mo'm, alam kong sa una lang 'to magiging okey rin ang lahat." sabi ko lang at pinilit kong ngumiti. ___ Sakay ng itim na limousine tahimik na tinatanaw ko lang mula dito sa loob ang mga nadaraanan namin na lugar papunta sa simbahan. Kahit mga kaibigan ko walang kaalam-alam na ikakasal na ako agad-agad at ngayon mismo. Mas mabuti na rin na hindi ni alam ayoko ng umiyak dahil mas lalo lang akong nanghihina dahil sa mga naiisip ko na magbabago sa buhay ko, dahil sa edad kong 'to mag-aasawa na ako agad. "Shit!" Malakas na mura ko dahil tumama lang naman ang noo ko sa sandalan ng upuan sa harapan. Bigla kasing nag-preno ang driver at hindi ko alam kung bakit. Dahil malalim ang iniisip ko at talaga namang ang sakit ng noo ko. "Ma'am, Laura. M-may humarang po sa ating mga armado." nauutal na sabi ng driver. Hinatatakot naman na napatingin ako banda sa may harapan. Isang van ang humarang sa amin at may lima o anim na lalaki ang naglabasan, mga naka-bonet sila na itim sa kanilang mukha tanging mata at bibig lang ang nakikita. Papalapit na ang isa sa kanila at kinatok ang bintana banda kay manong driver. Buwesit! Huwag niyong sabihin kikidnapin niyo na naman ako? Sa gitna ng kasalan na 'to? Wala ng pera ang magulang ko mga bwesit! Isip ko at tiningnan pa ako ni Manong bago niya unti-unting binaba ang salamin nang bintana niya. "Hiramin ko muna 'yang babae na kasama mo. Na-miss ko na 'yan," sabi nitong may kataasan na lalaki na may bonet, sabay palo nito ng hawak na baril sa ulo ni Manong driver, bagsak ang mukha ito sa manibela. Para akong natuka ng ahas dahil sa nasaksihan ko. Pero bakit ganun? Parang kilala ko ang boses ng lalaki na 'yun. Nawala ako sa pag-iisip ng bigla akong may maamoy na naghatid nang hilo at unti-unting pagpikit ng mata ko at hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. ---------- Masakit ang ulo ko pagmulat ng mata ko at nalanghap ko agad ang amoy ng alak kaya naman pakiramdam ko sumakit ang ulo ko lalo. Lumiwanag na ang paningin ko at lumibot ang mata ko sa paligid dahil parang pamilyar sa akin silid na 'yon. Halos lumundag naman ang puso ko ng makarinig ako ng tunog nang pagbukas ng in-can. At ganun na lang ang pamimilog ng mata ko ng makita ko sa may banda sa bintana si Erwan? Nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang isang paa sa mababa na lamesa. Tinutungga nito ang iyon pala ang narinig ko, habang sa kabilang kamay nito ay ang umuusok na sigarilyo. "B-bakit nandito ako? Hah?" Takang tanong ko at nakaramdam ako ng takot dahil sa itsura niya. Yung tipong kunting pagkakamali ko lang ay patay ako. Seryoso ang mukha na pinakatitigan niya ako at hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Napansin ko na may dinukot sa gilid ng bulsa nang pantalon niya at sabay hagis sa akin. Sakto namang lumanding ito sa may sa mismong ibaba ko. Inis na tiningnan ko siya. "Hindi mo ba puwedeng i-abot at kailangan talagang ihagis?" inis kong wika at nagtaka ako na makita na cellphone 'yun. "Anong gagawin ko dito? Mag-selfie ako at ano ang husgtag ko? Dinukot ako ganun?" pang-aasar ko dahil hindi ko alam kung ano naman ang pakulo nito ngayon. At siya talaga ang nag-kidnap sa akin? Naguguluhan ako sa tao na 'to. "Tawagan mo ang magulang mo, sabihin mo na sa mabuting kalagayan ka." sabi lang na walang buhay. "What? Siraulo ka ba? Alam mo ba sa ginagawa mo malalagay sa panganib ang magulang ko. Wala ka-" "Gawin mo na lang ang inutos ko, kung gusto mo maligtas ang magulang mo." malamig ang boses na putol niya sa sasabihin ko. "Your crazy! Wala kang alam. Kaya ibalik mo na ako!" sigaw ko dahil naiinis na ako talaga, tumayo naman ako kaso natumba ako dahil sa mahabang suot ko na pangkasal. "Hubarin mo na rin 'yang basahan na wedding gown na 'yan. Hindi bagay sa'yo," muling sabi niya. "Naguguluhan na ako sa'yo, but please! Kailangan ko ng umalis dahil baka kung anong gawin ni Xan-" "Putang *na! Sundin mo ang inuutos ko sa'yo! Walang mangyayari sa magulang mo!" singhal niya sa akin na napatayo siya sa kinauupuan niya. Bigla naman akong nakaramdam ng takot dahil sa tono ng boses niya. Naiiling na dimapot ko ang cellphone at nagsimulang mag-touch sa numero ng number ni daddy. Matapos ko makausap si daddy at sinabi na nasa mabuti lugar ako ngayon, sumangayon naman siya basta mag-iingat raw ako lagi. Nagtaka naman ako sa sagot ni daddy na parang wala lang, at ang isa pang hindi ko mapaniwalaan 'ay yung may nagbayad raw sa utang namin 'kay Xander. "I'm done, happy?" Sarkastiko na sambi ko pero napaangat ang kilay ko dahil nginisihan niya ako. What the? Nababaliw na ba siya? Kanina galit na galit tapos ngayon, parang asong ulol. Grabe, piling ko mas malala pa ata 'to kay Xander lamang lang siya ng kagwapuhan.ERWANDahil sa marami akong koneksyon nalaman ko kung saan dinala ni Jackson si Laura. Sa isang isla na pagma-mayari nito, may mga nauna na akong tauhan doon. Maingat ang mga bawat galaw namin, lahat ng bantay ay naitumba na namin kasama ko si Andrei at Jeremy. Habang ang ibang tauhan ko ay pinalibutan na ang buong isla. Sumenyas ako kay Jeremy at Andrei na maghiwalay kami dahil hahanapin ko si Laura. Gamit ang silencer ko na baril iyon ang pinangbaril ko rito sa lalaki na nakakita ko na nakabantay sa hagdan. May isa pa na bigla akong sinakal, dahil malakas ang pangangatawan ko at malaki ako sa kaniya. Nabuhat ko siya at pabalibag na bumagsak sa tiles, agad kong binaril ng sunod-sunod. Umakyat ako hagdan at nagpalinga ako sa paligid, pagdating ko sa taas nakakailang hakbang palang ako ng makarinig ako nang sigaw. Hinnanap ko 'yun at pagbukad ko ng pinto.Sa gitna ng malaking kama halos hubad na ang asawa ko dahil sa nasirang damit, pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa galit at agad
LAURA"Please, ibalik muna ako sa asawa ko." pagmamakaawa ko kay Jackson dahil sinakay niya ako sa kotse.Panay ang lingon ko sa likod kung nakasunod ba si Erwan sa amin, kung kailan naalala na ako ng asawa saka naman may ganito. Dahil nakausap ni Jackson si Erwan."Kung ibabalik na kita agad hindi na magiging masaya ang laro." nakangisi niyang sabi.Hindi ako nakasagot dahil isa pa kailangan ko mag-ingat dahil may hawak na baril si Jackson."Bakit kayo magkakilala ni Erwan?" mahina kong tanong."Malalaman mo rin sa ngayon pahahabulin ko muna ang asawa mo, isa pa na-miss ko 'to."Napalingon ako sa kaniya."A-Ano bang balak mo sa amin?" kabado kong tanong dahil itsura na para bang may iniisip na maitim na plano."Simple lang, hangg't nag-eenjoy ako mananatili kayong buhay... Ngunit kapag na-boring na ako..." "Ma-May balak ka ba patayin kami?" tanong ko at lumawak ang pagkakangiti niya."Tama ka, matalino ka pala. Kaya dapat kang maging mabait at sumunod dahil kapag napipikon ako." N
ERWANSimula ng makita ko ang babae na yon na sinasabi na asawa ko siya hindi na ako nakatulog. Yung mukha niya pamilyar sa akin pati na yung lalaki na kasama niya, may mga nagbabalik sa alaala ko na may dalawang batang lalaki ang tumatakbo.Para hindi ako mahalata ni Luisa, ay pinili kong maging natural kahit naghihinala na ako. Yung Laura na 'yon parang may nagtutulak sa akin na lapitan siya yakapin at halikan. Asawa ko siya.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad ako dahil ako ang inutasan ng Itay ni Luisa para dalhin ang mga isda kay Governor. Tinuro lang sa akin kung saan at sabihi ko lang raw ang pangalan niya.Pagdating ko doon busy yung dalawang guard sa cellphone nila, pagkasabi ko ng pangalan ng Itay ni Luisa agad akong pinapasok sa gate."Dalhin mo na lang sa likod." Hindi ko inaasahan na makikita ko ang babae na 'to na laman ng isip ko simula pa kagabi. Dinaanan ko lang siya na parang wala lang. Diretso doon sa likod ngunit sumunod pala siya."Hindi mo
LUISANakauwi na kami sa bahay na wala kaming kibuan ni Dante, hindi rin siya nagsasalita o nagtatanong man lang. Natatakot akong magsalita o magtanong dahil baka mamaya may bigla siyang maalala.Magkatabi sa higaan ako ito nakatingin sa bubong habang tahimik na nakatalikod sa akin si Dante. Nilingon ko siya at iniisip ko kung tulog na ba siya, ginawa ko niyakap ko siya. Hindi naman siya tumanggi kaya mariin kong pinikit ang mata ko habang nakayakap sa kaniya.___Kinabukasan bigla akong nagising at pagtingin ko wala sa tabi ko si Dante, agad akong lumabas ng kuwarto namin at agad ko siyang hinanap. Ala sais palang ng umaga.Halos takbuhin ko ang pinto at natigilan dahil sa mga tawang naririnig ko, si Itay at Dante masayang pinagsasabong yung dalawang manok.Yung kaba ko kanina nawala dahil nakita ko siyang nakangiti, ibig sabihin wala na yung kagabi at wala pa rin siyang maalala."Luisa, timplahan mo nga kami ng kape." Sabi ni Itay at masayang tumango ako at napansin ko na ngumiti
LAURAWala akong nagawa dahil hindi ako pamilyar sa lugar at mukhang kailangan ko talaga ng tulong. Tinawagan ko si Governor Jackson at niyaya niya ako mag-dinner para 'daw mapag-usapan namin ang tulong na kailangan ko. Naka-check in ako sa isang hotel malapit sa bayan dito sa probinsya na pinuntahan ko.Nagsuot lang ako ng simpleng bistida na kulay lavander. Labas ang balikat pero hindi masiyado mababa sa may dibdib dahil ipapakita ko lang ang cleavage ko sa asawa ko lang.Handa na ako suot ang shoulder bag ko sumakay na ako sa kotse ko dahil gusto niya sundoin ako sabi ko hindi na.Mabilis na nakarating ako sa lugar na sinabi niya dahil madali ko lang nakita, pagpasok ko sa restaurant nakita ko agad si Governor, sinalubong niya at nagulat pa ako sa pagbati niya ng pagdikit nang pisngi sa akin."Goodevening beautiful lady." puri niya sa akin at pinaghila ako ng upuan."Thanks," sabi ko. Lumibot ang paningin ko sa restaurant maganda at malinis dito sa loob. May mga ilang customer, na
LAURAMatapos ang isang linggo, tatlong linggo na ang lumipas wala pa ring Erwan. Walang balita at hindi pa rin nakikita ang katawan niya, hindi ako naniniwala na baka raw kinain ang katawan niya. No! Hindi ako naniniwala hanggat sa puso ko alam kong buhay siya hindi ako susuko. Ako na mismo ang maghahanap sa kaniya.Nandito ako ngayon nakatayo sa tapat ng dagat, malapit kung saan bumagsak ang helikopter na gamit ni Erwan. Pinuntahan ko ang mga lugar na posibleng baka doon siya inanod. ___"Laura, are you sure about this? Talagang ikaw lang mag-isa na maghahanap?" "Yes." sagot ko kay Julie."Puwede ka namin samahan," ani ni Shara na nag-aalala."Oo nga samahan ka namin." sabi rin ni Agatha."Ano ba kayo hindi ba may pasok pa kayo? Ee, ako nagpaalam naman alam nila ang nangyari." sabi ko sa kanila dahil gusto kong ako nalang mag-isa ang maghanahanap. Ayoko kasi na may alalahanin pa.Nagsabi na rin ako kila mommy at daddy na aalis ako wala silang nagawa dahil mapilit ako. "Fine, pe
LAURA"Humihingi kami ng tawad hindi namin nailigtas si boss," Nanlalambot na napaupo at unti-unting sumisikip ang dibdib ko, pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Hanggang sa lumabas na ang tinig ko at magkakasunod na bumagsak ang luha ko."Laura, anak." "Mo'm hindi patay si Erwan sa-sabi niya b
LAURANagising ako na wala sa tabi ko si Erwan, inisip ko na baka nasa ibaba, sinuot ko mun ang damit ko dahil wala akong suot kahit isa. Matapos ko mai-suot ang bistida ay patayo na ako ng makarinig nang parang may nabasag.Napatakbo ako sa pintuan at saktong pagbukas ko may apat na lalaki na mga
ERWANHABANG PABALIK kami napansin ko na tahimik ang magandang babae na kasama ko. Mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi ko gustong makita siyang ganyan pero mas pinili ko manahimik gusto ko siyang mag-isip, kung ano man ang maging desisyon niya tatanggapin ko."Nandito na tayo magpahinga ka na m
LAURANAGISING AKO na masakit at makirot ang ibabang bahagi ko na naman dahil ilang ulit lang naman niya akong inangkin. Nakarinig ako ng tunog nang cellphone, napatingin ako doon banda sa may table malapit sa may pintuan. Yung katabi ko tulog na tulog naghihilik pa, napapangiti na tiningnan ko la







