Share

chapter 1

Author: BM_BLACK301
last update publish date: 2026-04-27 18:20:34

LAURA

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na lagi na lang nagbabalik sa akin kaya kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko pa rin nakakalimutan.

Napanaginipan ko na naman ang isang bahagi ng buhay ko noon, sampung taon na ang nakakalipas. Hindi ko pa rin nakakalimutan si Erwan, lalo na 'yung pangako niya sa akin na hahanapin ako para magkita kaming muli.

Hays! Laura aasa ka pa ba? Wala na, sampung taon na.

"Lau? Are you awake?"

Napalingon ako sa may pinto si mommy papalapit siya sa akin at nagtataka ang mukha niya. Siguro dahil tulala na naman ako.

"Yes, mo'm." ngiting sagot ko at gamit ang diliri ko sinuklay ko ang medyo magulo kong buhok.

"Your dad and I are going for a business trip, kumain ka na lang bago ka pumasok sa school." paalam ni mommy at sabay halik sa noo ko.

Tumango lang ako at lumabas na siya ng kuwarto ko, parehong busy ang mga magulang ko sa negosyo namin dahil lumalawak. Kaya kapag naka-graduate na rin ako sa college do'n ang tuloy ko sa business nila para tulungan sila.

Inayos ko na ang sarili ko dahil maaga ang pasok ko at graduating na ako ngayong taon kaya naman excited na akong maka-graduate. Bente anyos na ako ngayon kaya kahit paano hindi na nila ako hinihigpitan, hindi tulad dati dahil nga sa sampung taon ako ng ma-kidnap. Pero dahil kay Erwan hindi na kinailangang magbigay ng pera ni mommy at daddy, nahuli rin yung mga kumidnap sa akin pero wala raw nakitang binatilyo ang mga police.

_____

Pagkarating ko sa University nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Masayang nagyakapan kami na parang ngayon lang kami nagkita.

"Laura! Birthday ni Agatha tomorrow, kaya kailangan sumama ka dahil last year na natin itong magkakasama." bungad agad sa akin ni Julie.

Ngumiti naman ako. "Oo na sasama ako, saka papayagan na ako nila mommy. At isa pa dalaga na ako noh?" nakangiting sagot ko sa kanila na lumawak naman ang pagkakangiti nila sa akin.

"Yes, finally! Exciting to dahil doon 'daw gusto ni Agatha tayo mag-celebrate sa isang sikat na bar." masayang wika ni Shara.

"Sandali nasaan ba si Agatha?" tanong ko kasi wala siya dito, kalimitan talagang laging wala 'yun at bigla-bigla na lang lumilitaw.

"Agatha? Alam niyo na nandoon sa kandungan ng iba." natatawang sagot ni Shara at sinabayan ni Julie ng nakakalokong tawa kaya naman parehong kaming nagtawanan.

Hindi kasi lingid sa aming kaalaman ang kalandian na ginagawa ni Agatha noon pa man. Pero syempre bilang kaibigan niya, support lang kami sa kanya.

"Halika na nga pumasok na tayo," aya ko sa kanila at magkasabay na kaming naglalakad.

Parehong may sinabi sa buhay ang aming mga magulang. Kaya naman naibibigay sa amin ang lahat ng gusto namin, pero hindi kami brat na tulad ng iba iyon nga lang mga pilya kami at aminado naman ako.

Habang nasa klase kami ay wala akong naitindihan sa mga dini-discuss ng prof namin dahil busy kaming apat sa pag-uusap para sa gagawin at kung ano ang isusuot namin sa araw ng kaaawaran ni, Agatha.

-----

Kinabukasan ng gabi excited kaming apat na nag-uusap sa group chat about sa party na gagawin namin, para mamaya.

Todo naman ang paalala sa akin ni mommy dahil nga nag-aalala pa rin siya pero si daddy ay okey na dahil minsan lang naman raw ito, pero kailangan ko pa rin magpasama kahit na sa labas lang daw 'yung bantay ko.

Pumayag na ako matapos lang usapan namin at least makakapunta na ako sa mga ganun. Napakatagal na taon na rin ang lumipas bago ko ulit ito magagawa.

___

This is it! Nandito na kami ngayon sa loob ng bar.... Para kaming nakawala sa hawla o mas tamang ako lang dahil ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ngayon.

Hindi ko talaga akalain na makakasama ako sa ganitong klase ng lugar. First time ko ang makapasok nang bar dahil birthday ngayon ng kaibigan namin na si Agatha. At isa pa pinayagan ako kaya naman ang saya-saya ko dahil nakasama ko rin sila. Dahil ilang beses na nila akong niyaya pero lagi akong tumatanggi kahit gustong-gusto ko na, pero ngayon totoo na talaga.

Nakapalibot kami sa bilog na lamesa at may iba't ibang klase ng mga alak ang nandito at mga pagkain. Maingay at malakas na sound pero hindi ganun kasakit sa tenga. Ilaw na papalit-palit, akala mo na sa langit ka na dahil sa mga usok na naglalabasan na kung saan na nagbibigay pa lalo ng kakaibang kasiyahan.

"Hey! Lau, nag-enjoy ka ba?" Malakas na tanong ni Julie dahil hindi kayo magkakarinigan sa sobrang lakas ng tug-tog.

Tumango naman ako ng nakangiti, habang si Agatha na may birthday at si Shara ay nagsasayaw habang nakatayo. Natatawa naman kami ni Julie habang tumutungga ng alak. Sanay naman akong uminom pero mas masarap palang uminom sa ganitong klase na lugar. Dati kasi noong birthday ko sa bahay lang ginanap hindi tulad nila na talagang sa mga sikat na mga hotel and restaurant.

Habang walang tigil ang pag-serve ng mga alak sa amin. Wala ring awat si Agatha at Shara sa kakasayaw, minsan nagpupunta sila sa gitna ng dance floor at doon nagwawala. Si Julie naman na katabi ko pilit ako'ng niyaya pero todo tanggi talaga ako dahil kahit nakainom ako hindi ko pa rin kayang sumayaw.

Hanggang sa bumalik na ang dalawa halatang may tama na sila, pero masaya pa rin sila at tawa nang tawa.

"Guys! Dahil araw ko ngayon. I have a challenge," malokong sabi ni Agatha na naniningkit na ang mata at namumungay. Mamula-mula na rin ang magkabilaan na pisngi niya.

"Gosh! Agatha. I'm so excited!" napatili si Shara.

Nagtawanan naman kami dahil sa inasal ni Shara pero katulad niya nakaramdam rin ako ng excitement sa challenge na sinasabi ni Agatha.

"Ok, game!" sigaw naman ni Julie at ganun na rin ako.

Tinaas namin ang mga alak na hawak namin at sabay-sabay na tinungga ito grabe ang sarap sa lalamunan ng alak.

"Ok, so... I want to challenge you, Shara! Dare lang gusto ko kaya wala kayong pagpipilian." Nakangising sabi ni, Agatha.

"Ok accepted the." Matapang na sabi ni Shara.

Pagkatapos no'n ay may binulong si Agatha 'kay Shara na lumapad ang pakakangiti nito.

Sinundan namin kung saan pupunta si, Shara. Nilapitan niya 'yung lalaki na nakasandal sa pader malapit sa bar tender na busy sa hawak nitong cellphone. Nagulat na lang ako ng dakmain ni Shara ang harapan ng lalaki at nagtatakbo siya pabalik sa amin.

"Oh, my gosh! Agatha ang laki!" malokong sabi ni Shara pagkaupo niya dito.

"I know Shara, kahit hindi ko pa nahahawakan." Hagik-gik na sabi ni Agatha.

Naiiling naman 'yung lalaki na hinawakan ni Shara, natawa na lang kami lahat dahil sa ginawa ni Shara.

"Ok, your next Julie!" Turo naman ni Agatha kay Julie na napatakip sa bibig niya.

"Ok, accepted!" Sagot ni Julie at tinungga muli ang bote.

Pinagsayaw sa gitna nang dance floor si Julie habang tinataas ang skirt niya hanggang sa undies niya. Gosh! Ang saya pala.

"Ok, your turn Laura." nakangising baling ni Agatha sa akin.

Bigla naman ako'ng kinabahan nawala 'yung excitement ko kanina. Ewan ko ba pero hindi ko pinahalata, dahil ayoko namang mag-isip sila sa akin dahil ngayon lang ako sumama sa ganito. Nagpaling-linga si Agatha na para bang may hinahanap, hanggang sa matuon ang atensyon niya doon banda sa gilid ng bar na medyo may kadiliman.

"Madali lang naman 'to Laura, only three minutes. Nakikita mo 'yung tatlong lalaki na 'yun banda sa may gilid? Yung nasa pinaka-gitna?" Tukoy ni Agatha doon sa banda sa may gilid, hindi ko gaano makita ang mga itsura ng mga lalaki na nandoon dahil madilim ang parte doon.

Mga nakangiti sila habang nakatingin doon banda sa mga lalaki. Hindi ko gaano maaninag ang mukha ng na sa gitna at isa pa naka-sumbrero ito kaya mas natago ang mukha.

"Okey nakita ko. What am I going to do in three minutes?" tanong ko na may halong kaba.

"I dare you, sit on his lap for three minutes. Ganun lang walang kahirap-hirap." nakangising ani ni Agatha.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa isipin na kakandong ako sa lalaki na 'yun na hindi ko kilala. Pero hindi ba nga challenge, kaya kailanga kong gawin.

"Go, Laura. Mukhang gwapo naman hindi na masama," sabi pa ni Shara sa akin.

"Kaya mo 'yan, Lau." pag-cheer sa akin ni Julie.

Pilit ang ngiti na tumayo ako, pero bago ako maglakad muli kong tinungga ang kakabukas pa lang na bote ng beer at diretsong inubos ko 'yun para pampalakas ng loob at pampakapal narin ng mukha.

"Wohooo! Exciting! Hindi na kami makapaghintay." masayang sabi ni Agatha.

Parang may mabigat sa dalawang paa ko dahil parang hirap na hirap akong humakbang. Lumingon pa ako sa paligid kung nariyan ba ang bantay ko pero wala naman dahil kilala ko naman 'yun.

Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko ng makarating na ako sa harap nang tatlong lalaki na ito. Muli naman akong lumingon kila Agatha, mga nakataas ang alak nila ibig sabihin go lang.

Kaya mo yan Laura three minutes lang naman ang gagawin mo.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga, mabilis na lumakad ako at dumaan ko sa gilid nitong isang lalaki. Diretso ako dito sa lalaki na nasa gitna, sabay upo patagilid sa kandungan niya.

Nagulat naman ang dalawang lalaki na kasama nito at parang pigil ang ngiti na gustong sumilay sa labi nila. Binibilang ko naman ang sigundo na mas lalong nagpapatindi ng bilis nang pagtibok ng puso ko. At isa pang nakakaba dahil hindi man lang nagsasalita ang lalaki na 'to. Hindi rin siya gumagalaw at hindi ko magawang tingnan ang mukha niya dahil sa takot ko.

Akmang tatayo na ako dahil tapos na ang tatlong minuto ng hatakin nito ang braso ko, muli ako'ng napaupo sa kandungan niya. At ganun na lang ang pamimilog ng mata ko nang sakupin niya ang labi ko ng isang mapusok na halik ang ibinigay niya sa akin nalanghap ko pa ang pinaghalong amoy ng alak at mabangong hininga niya kasabay ng pagmasahe sa isa kong dibdib na hindi ko inaasahan. Nanlaki ang mata ko.

Pilit na tinutulak ko siya pero parang wala lang sa kanya, hinawakan pa niya ang isang kamay ko upang pigilan sa pagtulak sa kanya. Para akong mauubusan ng hangin dahil sa ayaw niyang paawat sa pag-ankin sa labi ko.

Dito tumaas na ang level ng galit ko at hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas. Nagpakawala ako at malakas ko siyang sinampal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claiming His Woman   chapter 10

    LAURANAGISING AKO na masakit at makirot ang ibabang bahagi ko na naman dahil ilang ulit lang naman niya akong inangkin. Nakarinig ako ng tunog nang cellphone, napatingin ako doon banda sa may table malapit sa may pintuan. Yung katabi ko tulog na tulog naghihilik pa, napapangiti na tiningnan ko lamang siya. Dahil kahit tulog ang gwapo ng hinayupak.Dahan-dahan na bumaba ako ng higaan at paika-ikang nilapitang ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ni, Erwan Nakita ko agad ang naka-rehestro sa screen, Xander? Dinampot ko ang cellphone at sinagot ko 'yon."Ashole! Kingina ka!Erwan! Ibalik mo sa akin si Laura. Kung hindi papatayin ko ang magulang niya ng saba!""Huwag! X-Xander, huwag na huwag mo 'yang gagawin. P-Pupuntahan kita, huwag mo sasaktan ang mga magulang ko." naiiyak na sagot ko, natigilan naman si Xander sa kabilang linya. "Laura! Talagang nasa piling ka ng gago na 'yan? Baka hindi mo kilala 'yang sinamahan mo ha!?" malakas na sabi niya."Pupun-" "Huwag mong kausapin an

  • Claiming His Woman   chapter 9

    LAURATulala na nakatingin lang ako sa kisame at pinapakiramdaman ang katabi ko na umayos na ng higa. Wala akong pinagsisihan na binigay ko kay Erwan, isa pa grabe ganun pala feeling no'n kahit masakit. Ang sarap pala,Sinulyapan ko si Erwan na nakapikit at napangiti, smula noon kaligtasan ko ang iniisip mo hanggang ngayon na nagkita na tayo. Nandiyan ka pa rin sa akin..."Patawarin mo ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko." Natigilan ako dahil akala ko tulog siya gising pala. Humarap siya sa akin at tiningnan ko ng tuwid ang mata niya at muli kong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Kahit bata pa kami noon, hindi ko maitatangi na gwapo siya mas lalo pa siyang gumwapo ngayon at sobrang lakas ng dating. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, dahil baka hindi ako makapagpigil na naman." Pinisil ko naman ang matangos niyang ilong. "Kapal mo! Tama na 'yon noh! Aba, nasarapan ka aa!" Natatawang sabi ko at napayuko ako dahil bigla akong nailang sa tingin niya na alam ko na naman ang

  • Claiming His Woman   chapter 8

    ERWAN"Puwede ba huwag mo nga akong hanapan ng babae, hindi ba kinuha mo si Laura sa araw mismo ng kasal namin tapos ngayon pupunta ka dito?" Pigil ang galit ko kay Xander dahil hangga't kaya ko pa."Sagutin mo lang ang tanong ko." seryosong tanong ko ulit."Wala siya dito! May lakad ako." Tinalikuran niya ako napahimas ako sa buhok ko, ba't ba ang tigas ng ulo mong babae ka? Makakatikim ka na talaga ng parusa sa akin oras na makita kita.Mabilis na sumakay ako ng kotse dahil matapos ang usapan namin ni Xander at sinabi niya na wala sa kaniya si Laura. Aalis na sana ako sa lugar na 'yon nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa may likuran. Pinatakbo ko ang kotse ko patungo sa likod bahay ni Xander, nakita ko ang tauhan niya sa driver seat dahil nakabukas ang bintana nito. Napansin ko sa likod ng kotse na may nakasakay doon na dalawang taoNakaramdam ako na si Laura yon kahit pa medyo malabo ang salamin nang likuran parang kilala ko na kung sino 'yon. Laura!Mabilis na pinat

  • Claiming His Woman   chapter 7

    LAURAMatapos ang kabastusan na ginawa sa akin ni Erwan, bigla na lang siyang nawala. Iniwan ako rito sa kuwartong mag-isa, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dito.Gusto ko makaalis dito dahil nag-aalala ako sa mga magulang ko, kaya kailangan kong umisip ng paraan kung paano makakalabas dito. Lumibot ang mga mata ko sa paligid ng kuwarto at may nahagip ang mata ko, isang baseball bat. Nakasandal ito sa gilid ng cabinet, lumakad ako at nilapitan ito at napapangiti na lang ako sa naiisip ko. Bahala kang magalit. Lumapit ako sa may pintuan at pumuwesto sa harapan, iniangat ko ang baseball bat at ubod lakas na hinataw ko ang pintuan. Nayupi lang ito, kaya muli kong inulit ang paghampas. Nawasak ang gitna nito, ngunit bahagya lang kaya naman muli ko itong hinataw hanggang sa lumaki na ang sira. Kasya na ang tao kapag lumusot ka dito, napapangiti naman ako dahil sa wakas makakaalis na ako dito.Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahan ako'ng naglakad palabas. Wala naman ako napansi

  • Claiming His Woman   chapter 6

    XANDERFuck! Nasaan ka ng babae ka? Huwag mo ubusin pasensya ko Laura. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Nanginnginig ang kalamnan ko at binato kung saan ang hawak ko na baso na may laman na alak. Halos hindi ako makatulog sa pag-iisip na nasa ibang tao si Laura at hindi ko nagustuhan ang balita na kasama ay kaibigan na lalaki. Binayaran pa ng kung sino mang na tarantado na 'yun ang utang ng papa ni Laura."Boss, alam na namin kung sino ang may hawak 'kay Laura." Awtomatiko na napalingon bigla ang ulo ko sa biglang may magsalita sa likuran ko dahil nakaupo ako rito sa mini bar ko. Napansin ko agad ang ngiti sa mukha ni Arnold ang tapat ko na tauhan.Umikot muna ako paharap sa kanya bago sumagot. "Sino?" tanong ko lang. "Si, Erwan." Pagkarinig ko sa pangalan na 'yon naikuyom ko ang kamao ko. Napapamura ako ng ilang ulit sa isipan ko dahil ang tarantadong, Erwan pala ang may hawak 'kay Laura, paanong napunta sa kanya ang babae na 'yon? "Makakaalis ka na," mahinang bigkas

  • Claiming His Woman   chapter 5

    LAURANakakaramdam na ako ng inis dahil wala pa rin siyang sinasabi kung bakit niya ako kinuha. Pero kung totoong ayos lang si daddy 'di maganda hindi matutuloy ang kasal pero siya kaya ang nagbigay?"Ano pang hinihintay mo? Magpalit ka na ng damit mo," salubong ang kilay na baling niya sa akin.Tiningnan ko naman siya ng naiinis na tingin, lumibot ang mata ko sa paligid. Dahil hinahanap ko ang banyo siguro nabasa niya ang iniisip ko dahil umayos siya ng upo at tinuro niya banda doon sa may nakabukas na pinto. Noong nagbihis kasi ako nakaraan dito lang sa kuwarto at hindi na ako nag-abala pa na pumunta ng cr saka wala naman siya dito sa loob no'n ee, ngayon mukhang wala siyang balak na lumabas.Naglakad naman ako papunta doon sa tinuro niya na kanto at ganun na lang ang pamimilog ng mata ko dahil sa itsura ng banyo. Oh, my gosh! Nababaliw na ba siya? Paano ako gagamit nito kung ganitong makikita ka rin naman pala ako sa loob. Dahil gawa sa salamin ang buong c.r at kitang-kita ang mg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status