LOGINLAURA
"Ako nga kamusta?" ngising sabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala na si Erwan talaga yung nakita ko doon sa bar akala ko dahil lasing lang ako no'n at ngayon itong kasama ko. Dahil siya lang naman 'yung batang lalaki na nakilala ko at tumulong sa akin no'ng panahon na kinidnap ako sampung taon palamang ako noon. Hnding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya kahit bata pa kami no'n. Medyo nag-matured at parang mas gumwapo lang siya ngayon dahil lalaking-laki na ang dating niya. "Wala ka bang balak na bumaba? O gusto mong buhatin kita?" Napukaw naman ako sa malalim na pag-iisip sa nakaraan ng marinig ko ang naasar na boses niya. Ngayon ko lang napansin na nasa isang malawak na bakuran na kami at ganun na lang ang tili ko dahil sa biglang umangat ang katawan ko. "B-bakit mo ako binuhat? Ibaba mo ako!" namimilog ang matang react ko, dahil sa biglang pagkarga niya sa akin. Naka-mini skirt pa naman ako na hanggang hita ko, kaya naman halos makita na ang panty ko dahil sa pagkakabuhat niya sa akin. "Hindi ko alam kung ako ba ang iniisip mo, kaya ka tulala at wala ka ng malay sa mundo." mapang-asar na sabi niya. Nakaramdam naman ako ng kayabangan sa tono ng pananalita niya. Tiningnan ko siya ng masama habang siya nakangiti sa akin. Dinala niya ako sa isang kwarto at binagsak sa kama. Kaya napahiga ako dito, galit na galit naman ang pakiramdam ko dahil bagay lang ako na binagsak lang sa kama. "Bakit binagsak mo lang ako? At bakit dito mo ako dinala, may balak ka sa akin. Hah?!" nangagalaiti na sigaw ko sa kanya. Dahil imbis na matuwa ako dahil nagkita kami ay hindi dahil nayayabangan ako sa kaniya. "Kung may balak ako sa'yo ngayon, malamang nakatikim ka na sa akin ng hahanap-hanapin mo." nakangisi na sagot niya sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya at hindi ko maiwasan na ikumpara siya sa noon na siya. Ikaw na ba talaga 'yan Erwan? Sa mukha oo, pero sa ugali. My god! Ang bastos niya. "Sandali saan ka pupunta? Iiwanan mo ako dito?" nakataas ang kilay na tanong ko dahil naglakad na siya papunta sa may pintuan. Humarap naman siya sa akin na may nakakaloko na ngiti. Kaya bigla akong napa-atras sa pagkakaupo ko sa malambot na kama dahil baka may kung ano siyang balak sa akin. "Gusto mo ba na nandito lang ako?" nakangisi na sagot niya at humakbang palapit sa akin. "Kapag hindi ako lumabas ngayon, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko o maaari naman na magustuhan mo rin," malokong patuloy na sabi niya habang papalapit nang papalapit sa akin. "Sa-sandali anong bang balak mo sa akin? Bakit hindi mo pa ako ibalik o kaya ay pauwiin mo na ako. Gusto ko ng umuwi sa amin." naiilang tanong ko sa kanya, kasi 'yung titig niya sa akin kakaiba at naiilang akong tingnan siya sa mata. "Hindi mo ba ako na-miss? Mali pala, dahil na-miss mo talaga ako dahil kumandong ka pa nga sa akin tama ba?" nakangising sabi niya sa mapanuksong itsura, pumantay pa siya sa mukha ko at pinakatitigan ako. "A-Ang yabang mo rin noh? H-hindi pa naman kita nakilala no'n kaya huwag kang mag-assume," kunwari na taray ko dahil ang bilis na ng tibok nang puso ko ngayon. "Magpahinga ka na muna diyan, bukas na kita isasauli." sabi niya na tila nagbago ang anyo nito at napalitan ng seryosong mukha. "Bakit bukas pa? Kung puwede naman ngayon, ako na lang mag-isa ang uuwi. Dahil kaya kong umuwi, hindi na ako bata." inis kong wika at hinawi ko siya upang makaraan ako dahil nakaharang siya sa harapan ko. "Subukan mo lumabas diyan sa pinto na 'yan. Sinisigurado ko sa'yo na pagsisihan mo." nakayukong pagkakasabi niya. Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa buong pagkatao ko ng makita ko ang kanyang itsura. Ano ba ang nangyari sa'yo, Erwan? Sa loob ng sampung taon? Oo alam ko naman na hindi kita ganun ka lubos na kakilala. Pero naramdaman ko noon ang pagiging mabuting tao mo, bakit ngayon.. Parang may kakaiba na sa'yo? Nakalabas na siya ng pinto nang hindi ko namalayan, narinig ko na lang pag-click ng pinto. Nakabalik naman na ako sa ulirat kaya kinalampag ko ang pinto, napagod na lang ako pero walang nagbukas. Nilock mula sa labas napaupo na lang at sumandal ako sa pintuan. Nakatingala ako sa kisame at bigla na lang naiyak. Dahil naalala ko ang mga magulang ko na siguradong nag-aalala sila ngayon sa akin. Nakatulog na lang ako dahil sa pag-iisip lalo na sa magulang ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, naramdaman ko na lang na parang dumuduyan ang katawan ko. Para bang kinarga ako, naramdaman ng katawan ko nang sapuin ng malambot ang katawan ko. Napamulat ako at ganun na lang ang pagtataka ko na si Erwan ang nandito sa harapan ko. Titig na titig siya sa akin at gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya. Sa huli ako na lang ang umiwas, pinaling ko sa ibang deriksyon ang atensyon, pero ramdam ko pa rin ang mga matang nakatingin pa rin sa akin. "Magpalit ka ng damit, ihahatid na kita ngayon." sabi niya matapos ilapag ang isang paper ba at mukhang mamahalin. Muli siyang naglakad sa pintuan at lumabas, naiwan na natitigilan naman ako dahil sa naging asal niya. Suot ang t-shirt na black na medyo fitted at jeans at isang pares ng kulay silver na sandals. Hindi ako makapaniwala dahil sukat lahat sa katawan ko at amoy fabric pa ito. Mukhang pina-wash niya pa ito bago pinasuot sa akin. Paano niyang nalaman lahat ng sukat ko? Oh, baka naman siguro talagang sanay na siyang malaman ang sukat ng mga babae. Dahil marami na siyang naging babae kaya hindi ko na kailangan pa na magtaka. Sa isipin ko na 'yun ay nakaramdam ako ng lungkot pero binalewa ko na lang. Binuksan ko na ang pinto, bumukas naman at hindi na siya naka-lock. Paglabas ko namangha ako sa mga nakita ko, mas magaganda pa ata ang laman nito kaysa sa bahay namin talagang masasabi ko na mayaman o bilyonaryo talaga ang may ari nito. Naglakad ako at nakita ko ang hagdan, bumilis ang lakad ko at nakita ko si Erwan banda sa gitna na at saglit na nilingon niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Anong problema no'n? Pero bakit ganun? Parang walang ibang tao dito. Wala bang mga maid o boy man lang dito? siya lang at sa kanya kaya itong magandang bahay na 'to? "Tara na may lakad pa ako." Napatitig lang ako sa nakasimangot niyang mukha, dahil sa tono ng pag-aaya niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng inis sa kanya at hindi ko alam kung bakit. "Alam mo, bigyan mo na lang ako ng pamasahe dahil wala akong pera kinuha nila ang bag ko at cellphone ng mga kaibigan mong holdaper." inis kong turan sa kanya. Nandito na kami sa labas ng bahay at narito rin ang kotse na ginamit namin kanina, alam ko na mamahalin yun pero wala akong pakialam sa kotse niya. "Hindi ko sila kaibigan, kung gusto mo talagang umuwing mag-isa." dumukot ito sa bulsa ng maong na pantalon niya at naglabas ng ilang lilibuhin na pera at inibot sa akin. "Sige, umuwi ka kung gusto mo. Ayoko sa lahat 'yung maarte hindi ko sasayangin ang oras ko." seryosong sabi pang muli niya at sumakay na sa kotse niya. "What the-" naiinis kong sambit at gustong-gusto ko ng batuhin ng suot ko na sandals ang kotse niya sa inis. Shit! Talagang iniwan niya ako? Ang sama talaga ng ugali niya! Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko habang malalaki ang hakbang na lumabas ng gate na nakabukas pa at nagtataka man ako dahil wala namang nagbukas no'n. Paglabas ko kusang nagsarado rin ito, kaya napailing na lang ako. Habang naglalakad ako sa gilid ng may kainitan na village, pansin ko na wala man lang puwedeng masakyan kahit na ano. Kahiy tricycle wala ba rito? wala ring taxi. Nagpatuloy akong maglakad dahil kahit na mga taong naglalakad wala rin. Sobra namang kamalasan 'to, alas diyes ng umaga palang kanina doon sa bahay ng demonyong si Erwan. Kaya napakainit na agad. Nagpalinga-linga ako sa kalsada at nagbaba-kasakali na makahagilap ng kahit na anong masasakyan. God! Saan ba ang daanan palabas dito? Nakakaasar na talaga, dahil sumasakit na ang paa ko dahil sa pataas ang mga daanan dito. Minsan pababa naman siya at ngayon ko lang naranasan maglakad ng ganito. Napalingon ako sa likod ko dahil may narinig akong tunog ng mabilis umaandar na sa sakyan. Natuwa naman ako dahil kilala ko ang kotse na 'yun, si Erwan! "Sakay na, bilisan mo lang." Napasimangot naman ako dahil hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Diretso lang ang tingin niya sa unahan, hindi na lang ako nagsalita pa sumakay na ako dahil alangan naman na umangal pa ako. Tahimik na nakikiramdam lang ako habang nakatuon ang atensyon ko sa labas ng pintuan. Hindi ko alam paano niya nalaman ang bahay namin dahil sa mismong gate ng bahay namin niya ako dinala at hindi ko yun napansin habang nasa biyahe kami dahil sa inis ko sa kaniya. Binuksan ko na ang pinto at tahimik na lumabas ng kotse nito, hindi ko alam pero parang ayoko pang bumaba. Pero ganun na lang ang gulat ko ng hatakin ako nito sa kamay at muli akong napasok sa loob. Naghihintay ako ng sasabihin niya dahil hinatak niya ako. Pero sa totoo lang may kakaibang init akong naramdaman habang hawak niya ako sa kamay. "B-bakit ba?" Kinakabahan na tanong ko, kasi tahimik lang siya. "Kung ayaw mong magsalita diyan lalabas na ako, may oras pa ako para makahabol sa mga klase ko." mahinang sambit ko at akmang lalabas na akong muli ng bigla niyang kabigin ang batok ko. Namilog na lang mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko, nakita ko siyang nakapikit kaya naman kusang pumikit ang mata ko at dinama ang pangalawang halik niya. This time, kakaiba ang halik na binigay niya, parang may kung anong bigla na lang nagliparan sa paligid ko at ang puso ko sobrang lakas ng tibok hindi ko alam kung ilan minuto ito bago niya ako binitawan at pakiramdam ko parang ayoko pa yun matapos. "Sige na, mag-iingat ka lagi." mahinang sambit niya at saglit na tiningnan ako. Marahan na kumilos ako at lutang ang diwa na lumabas ng kotse niya. Hanggang sa makaalis na sa harapan ko ang kotse niya, tulala pa rin ako. "LAURA!" Halos lumundag ang puso ko sa gulat dahil sa malakas at matigas na tono nang boses ng lalaki. Nagbalik sa tamang pag-iisip ko ng makita ko ang galit at seryoso na mukha ni Xander. Ang taong ayaw na ayaw kong makita. "What are you doing here, demon Xander?" sarkastiko kong bati ko sa kanya na nasa tabi ng kotse niya at talagang nasa loob siya ng gate namin, bumukas na ang gate at pumasok na ako sa loob. "I'm here to fix our marriage." sagot lang niya at natigil ako sa paglakad at sa balak na balewalain lang ito. Pakiramdam ko nawala ang dugo ko sa buong katawan dahil sa sinabi ni Xander. What? What he said, to fix our marriage? Shit!ERWANDahil sa marami akong koneksyon nalaman ko kung saan dinala ni Jackson si Laura. Sa isang isla na pagma-mayari nito, may mga nauna na akong tauhan doon. Maingat ang mga bawat galaw namin, lahat ng bantay ay naitumba na namin kasama ko si Andrei at Jeremy. Habang ang ibang tauhan ko ay pinalibutan na ang buong isla. Sumenyas ako kay Jeremy at Andrei na maghiwalay kami dahil hahanapin ko si Laura. Gamit ang silencer ko na baril iyon ang pinangbaril ko rito sa lalaki na nakakita ko na nakabantay sa hagdan. May isa pa na bigla akong sinakal, dahil malakas ang pangangatawan ko at malaki ako sa kaniya. Nabuhat ko siya at pabalibag na bumagsak sa tiles, agad kong binaril ng sunod-sunod. Umakyat ako hagdan at nagpalinga ako sa paligid, pagdating ko sa taas nakakailang hakbang palang ako ng makarinig ako nang sigaw. Hinnanap ko 'yun at pagbukad ko ng pinto.Sa gitna ng malaking kama halos hubad na ang asawa ko dahil sa nasirang damit, pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa galit at agad
LAURA"Please, ibalik muna ako sa asawa ko." pagmamakaawa ko kay Jackson dahil sinakay niya ako sa kotse.Panay ang lingon ko sa likod kung nakasunod ba si Erwan sa amin, kung kailan naalala na ako ng asawa saka naman may ganito. Dahil nakausap ni Jackson si Erwan."Kung ibabalik na kita agad hindi na magiging masaya ang laro." nakangisi niyang sabi.Hindi ako nakasagot dahil isa pa kailangan ko mag-ingat dahil may hawak na baril si Jackson."Bakit kayo magkakilala ni Erwan?" mahina kong tanong."Malalaman mo rin sa ngayon pahahabulin ko muna ang asawa mo, isa pa na-miss ko 'to."Napalingon ako sa kaniya."A-Ano bang balak mo sa amin?" kabado kong tanong dahil itsura na para bang may iniisip na maitim na plano."Simple lang, hangg't nag-eenjoy ako mananatili kayong buhay... Ngunit kapag na-boring na ako..." "Ma-May balak ka ba patayin kami?" tanong ko at lumawak ang pagkakangiti niya."Tama ka, matalino ka pala. Kaya dapat kang maging mabait at sumunod dahil kapag napipikon ako." N
ERWANSimula ng makita ko ang babae na yon na sinasabi na asawa ko siya hindi na ako nakatulog. Yung mukha niya pamilyar sa akin pati na yung lalaki na kasama niya, may mga nagbabalik sa alaala ko na may dalawang batang lalaki ang tumatakbo.Para hindi ako mahalata ni Luisa, ay pinili kong maging natural kahit naghihinala na ako. Yung Laura na 'yon parang may nagtutulak sa akin na lapitan siya yakapin at halikan. Asawa ko siya.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad ako dahil ako ang inutasan ng Itay ni Luisa para dalhin ang mga isda kay Governor. Tinuro lang sa akin kung saan at sabihi ko lang raw ang pangalan niya.Pagdating ko doon busy yung dalawang guard sa cellphone nila, pagkasabi ko ng pangalan ng Itay ni Luisa agad akong pinapasok sa gate."Dalhin mo na lang sa likod." Hindi ko inaasahan na makikita ko ang babae na 'to na laman ng isip ko simula pa kagabi. Dinaanan ko lang siya na parang wala lang. Diretso doon sa likod ngunit sumunod pala siya."Hindi mo
LUISANakauwi na kami sa bahay na wala kaming kibuan ni Dante, hindi rin siya nagsasalita o nagtatanong man lang. Natatakot akong magsalita o magtanong dahil baka mamaya may bigla siyang maalala.Magkatabi sa higaan ako ito nakatingin sa bubong habang tahimik na nakatalikod sa akin si Dante. Nilingon ko siya at iniisip ko kung tulog na ba siya, ginawa ko niyakap ko siya. Hindi naman siya tumanggi kaya mariin kong pinikit ang mata ko habang nakayakap sa kaniya.___Kinabukasan bigla akong nagising at pagtingin ko wala sa tabi ko si Dante, agad akong lumabas ng kuwarto namin at agad ko siyang hinanap. Ala sais palang ng umaga.Halos takbuhin ko ang pinto at natigilan dahil sa mga tawang naririnig ko, si Itay at Dante masayang pinagsasabong yung dalawang manok.Yung kaba ko kanina nawala dahil nakita ko siyang nakangiti, ibig sabihin wala na yung kagabi at wala pa rin siyang maalala."Luisa, timplahan mo nga kami ng kape." Sabi ni Itay at masayang tumango ako at napansin ko na ngumiti
LAURAWala akong nagawa dahil hindi ako pamilyar sa lugar at mukhang kailangan ko talaga ng tulong. Tinawagan ko si Governor Jackson at niyaya niya ako mag-dinner para 'daw mapag-usapan namin ang tulong na kailangan ko. Naka-check in ako sa isang hotel malapit sa bayan dito sa probinsya na pinuntahan ko.Nagsuot lang ako ng simpleng bistida na kulay lavander. Labas ang balikat pero hindi masiyado mababa sa may dibdib dahil ipapakita ko lang ang cleavage ko sa asawa ko lang.Handa na ako suot ang shoulder bag ko sumakay na ako sa kotse ko dahil gusto niya sundoin ako sabi ko hindi na.Mabilis na nakarating ako sa lugar na sinabi niya dahil madali ko lang nakita, pagpasok ko sa restaurant nakita ko agad si Governor, sinalubong niya at nagulat pa ako sa pagbati niya ng pagdikit nang pisngi sa akin."Goodevening beautiful lady." puri niya sa akin at pinaghila ako ng upuan."Thanks," sabi ko. Lumibot ang paningin ko sa restaurant maganda at malinis dito sa loob. May mga ilang customer, na
LAURAMatapos ang isang linggo, tatlong linggo na ang lumipas wala pa ring Erwan. Walang balita at hindi pa rin nakikita ang katawan niya, hindi ako naniniwala na baka raw kinain ang katawan niya. No! Hindi ako naniniwala hanggat sa puso ko alam kong buhay siya hindi ako susuko. Ako na mismo ang maghahanap sa kaniya.Nandito ako ngayon nakatayo sa tapat ng dagat, malapit kung saan bumagsak ang helikopter na gamit ni Erwan. Pinuntahan ko ang mga lugar na posibleng baka doon siya inanod. ___"Laura, are you sure about this? Talagang ikaw lang mag-isa na maghahanap?" "Yes." sagot ko kay Julie."Puwede ka namin samahan," ani ni Shara na nag-aalala."Oo nga samahan ka namin." sabi rin ni Agatha."Ano ba kayo hindi ba may pasok pa kayo? Ee, ako nagpaalam naman alam nila ang nangyari." sabi ko sa kanila dahil gusto kong ako nalang mag-isa ang maghanahanap. Ayoko kasi na may alalahanin pa.Nagsabi na rin ako kila mommy at daddy na aalis ako wala silang nagawa dahil mapilit ako. "Fine, pe
Madumi at mabahong rehas kung saan ikinulong ang isang siyam na taong gulang na batang babae. Tahimik na umiiyak sa may sulok, marumi na ang suot nitong kulay pink na dres at magulo na rin ang magandang buhok.May binatilyo na dahan-dahan na naglalakad papunta kung saan naroon ang batang babae."Wa
LAURA"Humihingi kami ng tawad hindi namin nailigtas si boss," Nanlalambot na napaupo at unti-unting sumisikip ang dibdib ko, pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Hanggang sa lumabas na ang tinig ko at magkakasunod na bumagsak ang luha ko."Laura, anak." "Mo'm hindi patay si Erwan sa-sabi niya b
LAURANagising ako na wala sa tabi ko si Erwan, inisip ko na baka nasa ibaba, sinuot ko mun ang damit ko dahil wala akong suot kahit isa. Matapos ko mai-suot ang bistida ay patayo na ako ng makarinig nang parang may nabasag.Napatakbo ako sa pintuan at saktong pagbukas ko may apat na lalaki na mga
ERWANHABANG PABALIK kami napansin ko na tahimik ang magandang babae na kasama ko. Mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi ko gustong makita siyang ganyan pero mas pinili ko manahimik gusto ko siyang mag-isip, kung ano man ang maging desisyon niya tatanggapin ko."Nandito na tayo magpahinga ka na m







