FAZER LOGINBoss Erwan
Tahimik na umiinom ako dito sa may sulok, kasama ang dalawa sa pangunahin kong tauhan. Si Andrei at Jeremy, halos magkakasing-edad lang kami at iisa lang ang pinagmulan namin. Palaboy sa lansangan, pero hindi na ngayon dahil kilala na ako at kinatatakutan. Pinaghirapan ko kung ano man ang mayroon ako ngayon dahil na rin sa hirap ng mga pinagdaanan ko noong panahon na nasa kamay ako ng mga demonyo at gahaman na tao. "Boss, mukhang malakas ang tama sa'yo nang anak ng gobernador aa. Bakit hindi mo patusin? Maganda naman," nangingiting untag ni Jeremy sa malalim na pag-iisip ko. "Halatang-halata ang babae na 'yon, akala mo sawa makapulupot sa'yo." nakangising sabat naman ni Andrei habang tumutungga ng alak. Tiningnan ko lang silang dalawa na may nakakalokong ngiti. Nandito kami sa isa sa mga bar na pag-aari ko rin, napadaan lang kami dito dahil sa importanteng bagay. "Hindi naman masama, kaya lang naaasiwa ako sa babaeng parang sawa kung makapulupot sa'yo. Ang sarap lang balatan ng buhay." natatawang ani ko sa kanila. Nagtawanan naman ang mga loko dahil sa sinabi ko. Pansin ko na dumarami na ang mga tao dito at umiingay na, dahil sa hating gabi na. Maraming magagandang babae akong nakikita at bukod pa doon mga sexy, kung tutuusin marami na akong naging babae at syempre mga naikama ngunit naghahanap talaga ako nang magkakaroon ako ng excitement, dahil yung mga babae na nakakasama ko puro pangtanggal init lang. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari sa paglipas ng oras, dahil nagulat na lang ako ng may pumuntang babae dito sa harapan namin at biglang umupo sa kandungan ko. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat ko, ngunit agad akong natauhan dahil sa pangahas na babae na bigla nalang umupo sa akin. Bago pa siya muling tumayo hinatak ko siya at siniil ng malalim na halik, mapagparusa para sa babaeng katulad niya. Nakita ko pa ang pamimilog ng mata niya dahil sa gulat na ginawa ko sa kanya. Tinagalan ko at gumapang pa ang isang kamay ko sa isa nitong dibdib at pinisil-pisil ko ito. Siguro natauhan na siya dahil tinutulak niya ako, pero dahil sa lalaki ako hindi niya kayang sanggain ang kamay ko. Sa totoo lang nagustuhan ko ang lasa ng labi niya na pinaghalong alak at matamis na kung ano. Nagustuhan ko rin ang amoy ng hininga niya, lalo na ang natural lang na amoy nito 'yung hindi siya naliligo na sa pabango. Nabitawan ko lang siya ng makawala ang kamay nito sa pagkakahawak ko at gulat na rin sa ginawa niya sa gwapo kong mukha. Tumabingi ang mukha ko dahil sa malakas na sampal na natikman ko. Fuck! Ang lakas no'n. "Napaka-bastos mo!" sigaw nito sa akin at akmang muli niya akong sa sampalin. "Isa pa, dahil kapag ginawa mo 'yan sa kama ang diretso mo. At sisiguraduhin ko na, bibigyan kita ng isang masarap na parusa." nakangisi kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na natigilan siya at titig-titig sa akin, hindi ko alam kung natakot ko ba siya o parang may naaalala siya dahil sa maiging pinakatitigan niya ako. "Er-Erwan?" Halos pabulong na sambit niya. Hindi ko gaano narinig bigla na lang siyang nagtatakbo palayo sa amin. "Ayos ang babae na 'yun ah," natatawang litanya ni Andrei, habang nakatanaw doon sa mga babae na kasama pa no'ng nanampal sa akin. "Pero maganda at makinis, mukhang anak mayaman." seryosong sabi ni Jeremy. Tahimik lang ako at pinagmamasdan ko ang babae na 'yun, nagmamadali na itong umalis at mukhang balak na nilang umuwi. Parang nakita ko na ang babae na 'yon, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Baka nga nakita ko na siya o hindi kaya naging isa siya sa mga babae ko? -------- "Akalain mo 'yun? Anak pala ang babae na 'yon ng isa sa mga kilalang negosyante?" Napaangat ako ng mukha nang marinig ko ang sinabi ni Jeremy, dahil kasalukuyan na pinupunasan ko ang hawak ko na baril. Habang nakaupo, iniiisip ko kung sino ang babae na 'yon. "Sinong babae?" kunot noong tanong ko 'kay Jeremy. Nagtataka na napatingin naman ito sa akin, ganun rin si Andrei. "Yung babae sa bar na kumandong sa'yo, isang buwan na ang lumipas. Napadaan kasi kami sa may building ng Aerolla University. Nakita ko yung babae na yom doon pala nag-aaral at napag-alaman ko sa mga tao doon na anak mayaman talaga ang babae na 'yun, tapos mayamaya lang may sasakyang huminto doon sa babae at 'ayun nga dinukot 'yung babae." kuwento ni Jeremy. "Kawawa nga at siguradong tiba-tiba ang mga holdaper." "Bakit wala bang sariling kotse yung babae?" Tanong naman ni Andrie. "Mayroon naman nataon na magkikita lang sila nang kaibigan raw ng babae sa labas ng gate at doon raw sasakay sa kaibigan at 'yun na nga ang nangyari." Muling kuwento pa ni Jeremy. "Hindi mo nakita kung sino ang kumuha doon sa babae?" Muling tanong ni, Andrei. "Hindi ko nakita mga may bonet ang mga mukha nila, pero yung van na ginamit nila parang pamilyar sa akin." Sagot ni Jeremy. Bigla naman akong napatayo na pinagtaka ng dalawa. Dahil nakikinig lang ako sa usapan nila, mabilis na sinuot ko ang coat ko at lumakad palabas. "Boss! Saan ka pupunta?!" sigaw na tanong ni Jeremy sa akin. "Sumunod kayo kung gusto niyo," sagot ko lang at nagtuloy-tuloy palabas nang sarili kong mansyon. Sakay ng bagong-bago kong pulang kotse, mabilis na pinasibad ko ito sa kalsada na parang walang pakialam. Kahit hindi ko kilala kung sino ang kumuha sa kanya, alam ko na agad kung sino utak nito. Si Dino lang o ang mga tauhan nito, mga gahaman sa pera, ito ang kanilang pinagkakakitaan nila. Malamang tag-hirap ngayon 'yun kaya naisip na mangidnap na lang. Kilala ko ang buong pagkatao no'n alam ko ang pupuntiryahin niya, ang mga anak ng mga negosyante kaya kung tama ako malamang naroon 'yung babae 'yon. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong makita ulit yung babae na 'yon hindi lang naman niya ako pinatulog ng maayos. Makaisa lang ako sa kaniya sigurado mananahimik na 'tong alaga ko. Pagkarating ko sa bakante lote kung saan ang tambayan ng mga gago na 'yon pumasok ako kahit may dalawang bantay na lalaki at mukhang bagong tauhan lang ito ni Dino. Hinarangan nila ako agad at tinutukan ng mga baril na hawak nila. Pinasok ko naman ang isang kamay ko sa loob nang bulsa ng pantalon ko at tiningnan sila nang sa seryosong mukha. Mga nakasimangot naman ang mga mukha nila sa akin. Nakakainis ayokong nakakakita ng panget na mukha lalo na kung nakasimangot. "Nasaan ang amo niyo? Palabasin niyo, sabibin mo gusto siyang makausap ng boss niya. " nagtataka naman na napatingin sila sa akin. "Sino ka ba? Hindi ka puwedeng pumasok dahil mahigpit na pinagbabawal sa amin." mariin na tanggi niya sa akin, malaki ang tiyan. Nakaramdam naman ako ng pagkainit ng ulo ko. Kaya mabilis na hinigit ko ang kwelyo nitong matabang lalaki, sinakal ko ito gamit ang isang kamay ko at nakatutok naman ang baril na hawak ko sa gitnang tiyan niya. "Bilisan mo, pumasok ka na sa loob. Bago pa uminit lalo ang ulo ko baka pumutok 'to bituka mo." mariin na sabi ko sa kaniya at napansin ko na nakaramdam siya ng takot. Natataranta naman na tumakbo papasok siya sa loob at itong isa naman sa kanya ko tinutok ang baril ko itinapat ko sa sintido niya. "B-boss, huwag naman may pamilya ako." maluha-luhang sambit nito. "Sa susunod na makikita mo ako, gagalangin mo ko. Dahil baka sa sunod makita ko 'yang pagmumukha mo baka pumutok na talaga ito sa'yo." nangigil na sabi ko at binaba ko na ang baril ko. "Anong kaguluhan ba 'yan." bungad ni Dino sa baritonong boses, dahil may kaedaran na ito. "Nasaan na 'yung babae na kinidnap niyo. Ibigay niyo ngayon sa akin," seryosong sabi ko na kinagulat ni Dino. "P-pero, Boss. Magkakapera na kami mamaya, kailangan ko ng pera." sagot nito at bakas sa boses nito ang matinding pangangailangan. "Pera? Kunin mo 'kay Andrei, ilabas mo na 'yung babae. Ginalaw niyo na ba?" sunud-sunod na tanong ko at dumukot sa bulsa ng sigarilyo, sinindihan ko ito. "Sigurado ba 'yan? Bakit type mo ba 'yung babae, Boss?" nakangising tanong nito sa akin. "Ilabas mo na dito, nauubos na oras ko." Inis kong turan sa totoo lang mas lalo akong naaasar dahil bakit ba nandito ako at sinasayang ko ang oras ko. Mabilis na kumilos si Dino at bumalik naman sa loob at mayamaya'y lang dala na nito ang babae na naka-uniform pa. Medyo marusing na ang puting blouse nito, gulo na rin ang hanggang balikat na buhok nito. Fuck! Laura? Ikaw ba 'yan? Sambit ng isipan ko nang maalala ang mukha ng batang babae na hindi ko makakalimutan ang mukha. Hinding-hindi ko makakalimutan ang magandang mukha niya. "Anong gagawin niyo sa akin? Ibalik niyo na ako." nagwawalang sigaw niya. Napatingin naman itong muli sa akin at parang kagaya ko natigilan siya. Pero hindi ko muna pinansin, tinapon ko na ang sigarilyo at pumasok sa kotse ko. "Ipasok mo na 'yan." Utos ko lang kay Dino at agad naman nitong pinasok sa loob ang babae. "Sige na, Dino. Si Andrei na bahala sa'yo." sabi ko lang at pinaandar ko na ang kotse ko. "Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo na ako diyan, uuwi na ako." malakas na sabi niya, tiningnan ko naman siya sa salamin sa itaas na sa likuran siya nilagay ni Dino. "Hindi ka ba natutuwa? Ako ang kasama mo o gusto mo roon sa mga panget na 'yon? Pagnanasahan lang nila ang katawan mo." seryosong sabi ko, nakita ko naman na natigilan siya kaya napangiti ako ng palihim. "Erwan?" mahinang bigkas niya pero sapat na para marinig ko. Biglang bumagal ang patakbo ko dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ko. Nakilala niya na rin pala ako, hindi ko siya agad namukhaan doon sa bar noon dahil sa may kadiliman at may mga iniisip ako ng mga oras na yonLAURANAGISING AKO na masakit at makirot ang ibabang bahagi ko na naman dahil ilang ulit lang naman niya akong inangkin. Nakarinig ako ng tunog nang cellphone, napatingin ako doon banda sa may table malapit sa may pintuan. Yung katabi ko tulog na tulog naghihilik pa, napapangiti na tiningnan ko lamang siya. Dahil kahit tulog ang gwapo ng hinayupak.Dahan-dahan na bumaba ako ng higaan at paika-ikang nilapitang ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ni, Erwan Nakita ko agad ang naka-rehestro sa screen, Xander? Dinampot ko ang cellphone at sinagot ko 'yon."Ashole! Kingina ka!Erwan! Ibalik mo sa akin si Laura. Kung hindi papatayin ko ang magulang niya ng saba!""Huwag! X-Xander, huwag na huwag mo 'yang gagawin. P-Pupuntahan kita, huwag mo sasaktan ang mga magulang ko." naiiyak na sagot ko, natigilan naman si Xander sa kabilang linya. "Laura! Talagang nasa piling ka ng gago na 'yan? Baka hindi mo kilala 'yang sinamahan mo ha!?" malakas na sabi niya."Pupun-" "Huwag mong kausapin an
LAURATulala na nakatingin lang ako sa kisame at pinapakiramdaman ang katabi ko na umayos na ng higa. Wala akong pinagsisihan na binigay ko kay Erwan, isa pa grabe ganun pala feeling no'n kahit masakit. Ang sarap pala,Sinulyapan ko si Erwan na nakapikit at napangiti, smula noon kaligtasan ko ang iniisip mo hanggang ngayon na nagkita na tayo. Nandiyan ka pa rin sa akin..."Patawarin mo ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko." Natigilan ako dahil akala ko tulog siya gising pala. Humarap siya sa akin at tiningnan ko ng tuwid ang mata niya at muli kong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Kahit bata pa kami noon, hindi ko maitatangi na gwapo siya mas lalo pa siyang gumwapo ngayon at sobrang lakas ng dating. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, dahil baka hindi ako makapagpigil na naman." Pinisil ko naman ang matangos niyang ilong. "Kapal mo! Tama na 'yon noh! Aba, nasarapan ka aa!" Natatawang sabi ko at napayuko ako dahil bigla akong nailang sa tingin niya na alam ko na naman ang
ERWAN"Puwede ba huwag mo nga akong hanapan ng babae, hindi ba kinuha mo si Laura sa araw mismo ng kasal namin tapos ngayon pupunta ka dito?" Pigil ang galit ko kay Xander dahil hangga't kaya ko pa."Sagutin mo lang ang tanong ko." seryosong tanong ko ulit."Wala siya dito! May lakad ako." Tinalikuran niya ako napahimas ako sa buhok ko, ba't ba ang tigas ng ulo mong babae ka? Makakatikim ka na talaga ng parusa sa akin oras na makita kita.Mabilis na sumakay ako ng kotse dahil matapos ang usapan namin ni Xander at sinabi niya na wala sa kaniya si Laura. Aalis na sana ako sa lugar na 'yon nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa may likuran. Pinatakbo ko ang kotse ko patungo sa likod bahay ni Xander, nakita ko ang tauhan niya sa driver seat dahil nakabukas ang bintana nito. Napansin ko sa likod ng kotse na may nakasakay doon na dalawang taoNakaramdam ako na si Laura yon kahit pa medyo malabo ang salamin nang likuran parang kilala ko na kung sino 'yon. Laura!Mabilis na pinat
LAURAMatapos ang kabastusan na ginawa sa akin ni Erwan, bigla na lang siyang nawala. Iniwan ako rito sa kuwartong mag-isa, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dito.Gusto ko makaalis dito dahil nag-aalala ako sa mga magulang ko, kaya kailangan kong umisip ng paraan kung paano makakalabas dito. Lumibot ang mga mata ko sa paligid ng kuwarto at may nahagip ang mata ko, isang baseball bat. Nakasandal ito sa gilid ng cabinet, lumakad ako at nilapitan ito at napapangiti na lang ako sa naiisip ko. Bahala kang magalit. Lumapit ako sa may pintuan at pumuwesto sa harapan, iniangat ko ang baseball bat at ubod lakas na hinataw ko ang pintuan. Nayupi lang ito, kaya muli kong inulit ang paghampas. Nawasak ang gitna nito, ngunit bahagya lang kaya naman muli ko itong hinataw hanggang sa lumaki na ang sira. Kasya na ang tao kapag lumusot ka dito, napapangiti naman ako dahil sa wakas makakaalis na ako dito.Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahan ako'ng naglakad palabas. Wala naman ako napansi
XANDERFuck! Nasaan ka ng babae ka? Huwag mo ubusin pasensya ko Laura. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Nanginnginig ang kalamnan ko at binato kung saan ang hawak ko na baso na may laman na alak. Halos hindi ako makatulog sa pag-iisip na nasa ibang tao si Laura at hindi ko nagustuhan ang balita na kasama ay kaibigan na lalaki. Binayaran pa ng kung sino mang na tarantado na 'yun ang utang ng papa ni Laura."Boss, alam na namin kung sino ang may hawak 'kay Laura." Awtomatiko na napalingon bigla ang ulo ko sa biglang may magsalita sa likuran ko dahil nakaupo ako rito sa mini bar ko. Napansin ko agad ang ngiti sa mukha ni Arnold ang tapat ko na tauhan.Umikot muna ako paharap sa kanya bago sumagot. "Sino?" tanong ko lang. "Si, Erwan." Pagkarinig ko sa pangalan na 'yon naikuyom ko ang kamao ko. Napapamura ako ng ilang ulit sa isipan ko dahil ang tarantadong, Erwan pala ang may hawak 'kay Laura, paanong napunta sa kanya ang babae na 'yon? "Makakaalis ka na," mahinang bigkas
LAURANakakaramdam na ako ng inis dahil wala pa rin siyang sinasabi kung bakit niya ako kinuha. Pero kung totoong ayos lang si daddy 'di maganda hindi matutuloy ang kasal pero siya kaya ang nagbigay?"Ano pang hinihintay mo? Magpalit ka na ng damit mo," salubong ang kilay na baling niya sa akin.Tiningnan ko naman siya ng naiinis na tingin, lumibot ang mata ko sa paligid. Dahil hinahanap ko ang banyo siguro nabasa niya ang iniisip ko dahil umayos siya ng upo at tinuro niya banda doon sa may nakabukas na pinto. Noong nagbihis kasi ako nakaraan dito lang sa kuwarto at hindi na ako nag-abala pa na pumunta ng cr saka wala naman siya dito sa loob no'n ee, ngayon mukhang wala siyang balak na lumabas.Naglakad naman ako papunta doon sa tinuro niya na kanto at ganun na lang ang pamimilog ng mata ko dahil sa itsura ng banyo. Oh, my gosh! Nababaliw na ba siya? Paano ako gagamit nito kung ganitong makikita ka rin naman pala ako sa loob. Dahil gawa sa salamin ang buong c.r at kitang-kita ang mg







