Share

Chapter 6

Zi Shien’s POV

Mag-isa lang si Qhuizhia nang madatnan ko sa classroom namin. Abala siya sa kung anong ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Umupo ako sa upuang katabi niya, hindi niya pa 4in ako napapansin dahil sa nakatuon ang buong atensyon nito sa ginagawa niya. Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Malambot ang bawat galaw ng kanyang mga kamay, bawat pagkumpas ng kanyang lapis na siyang nagdudulot ng hugis at linyang naimprinta sa papel ay unti-unti ring naibubunyag ang mukhang kanyang iginuhit. Nasa mga 40-years old na ito, batay sa bawat detalye ng guhit nito. Maganda ang babeng ginuhit niya at may kahawig din niya ito.

Habang abala siya sa kanyang ginagawa, hindi ko rin mapigilan ang mapatitig sa mukha nito. Hindi ko alam pero kahit hindi kami nag-uusap sa sandaling ito ay hindi pa rin ako dinadalaw ng boredom ko gayong madali lang akong ma-bored dahil sa sobrang kadaldalan ko, nage-enjoy akong pagmasdan siyang gumuguhit.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita ako.

“Maganda siya. Sino ba ‘yan?” usal ko. Napahinto siya sa kanyang ginagawa pero hindi siya nagsalita.

“Sorry. Nagulat ba kita?” tanong ko. Hindi siya nagsalita at umiling lamang. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-sketch sa babae.

Nakita ko sa cellphone niya ang babaeng ginuguhit niya. Morena ito, bilogan ang mga matang nabagay naman sa kanyang mga makakapal at maiitim na kilay. Matangos ang ilong at mapupula ang labi. Kulot ang buhok na hanggang bewang. Matangkad ito, balingkinitan ang katawan. Maganda kahit may katandaan na ito, kaya lang ay kulang ito sa emosyon. Katulad na katulad sila ni Qhuizhia.

“Ang galing mo namang mag sketch, ” usal ko. Kahit alam kong hindi rin naman ito magsasalita.

Hindi niya pa rin ako pinansin, kaya kinuha ko ang isang piraso ng earphone niya at ikinabit sa tenga ko. Nasiyahan ako dahil sa wakas ay napansin din niya ang presensya ko. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko pero hindi siya pumalag, blanko ang nakita ko sa mga mata niya. Kahit katiting na emosyon hindi ko mahanap-hanap sa kanya, sobrang hirap niyang basahin.

“Ang lungkot naman ng music mo, wala ka bang ibang music diyan? ” maktol ko. Tumingin siya sa akin, nagtagal ‘yon ng ilang segundo at ibinalik din ang atensyon sa ginagawa niya.

“Shien, ” tawag pansin niya sa akin. Habang nakatuon pa rin ang buong atensyon niya sa ginuguhit.

“Yes, ” malambing na sagot ko.

“Ano bang mararamdaman mo pag malungkot ang isang tao?” tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya. Like, seryoso siya? Kailangan pa bang itanong ‘yon?

“Alam mo ang weirdo mo,” sagot ko. Isang tingin na naman ang nakuha ko. Pang-ilang tingin na ‘yan.

Hindi siya nagsalita. “E kasi, ‘nong isang linggo tinanong mo ako, kung ano bang nararamdaman pag masaya ngayon naman, tinanong mo ako kung anong mararamdaman ng isang tao pag malungkot, ”

Hindi siya umimik sa sinabi ko. “Seryoso ka ba sa tanong na 'yan?” tanong ko.

“Never mind,” mahinang sagot niya. Ibinalik niya ang kanyang buong atensyon sa sketch niya.

“Sino ba yan?” paulit kong tanong sa ginuguhit niya.

“My mother, ” tipid niyang sagot.

Mama niya pala, kaya kahawig sila. Pareho silang maganda at walang emotion.

“Mana ka pala sa mama mo—,” usal ko. “Pareho kayong maganda, ” dugtong ko.

“Salamat, ” sagot niya.

Hays, dapat na siguro akong masanay na makipag-usap sa isang taong kontrolado ang mga salita.

Nabalot na naman ng katahimikan ang bawat sulok ng classroom. Pinagmamasdan ko lang si Qhuizhia, humahanga sa bawat stroke ng kanyang lapis. Hanggang sa nakatulog ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatulog. Nagising lang ako dahil sa ingay at sa pamilyar na mga baritonong boses.

“Uy bro, nag-iisa ka lang yata, ” ani Louise habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.

“Huh, anong nag-iisa?” naguguluhang tanong ko.

“Bakit? May kasama ka bang hindi namin nakikita?” si Joshua at inilibot pa ang tingin sa kabuohan ng classroom.

Ako na lang pala ang nandito sa classroom, kung hindi pa dumating ang mga loko hindi ko malamang umalis si Qhuizhia.

“Kasama ko kasi si Quizhiah kanina e, ” sagot ko. I stretched my arms upwards na para bang bagong gising lang ako sa umaga.

Malakas na tawanan ang umukopa sa buong classroom.

“Obvious naman, nasaiyo nga ‘yang cellphone niya oh, ” Si Rhein. Tinuro pa nito ang cellphone na hawak-hawak ko.

Kinuha ni Louise ang cellphone kahit ayaw kong ibigay ito sa kanya. “At may note pang kasama, ” usal niya.

“Babasahin ko, ” si Joshua. “Shien, iiwan ko muna sa’yo ‘tong cellphone, sa canteen lang ako. ” Ginaya pa nito ang boses ni Qhuizhia.

“Hanep bro, close na ba kayo? Akalain mong pinagkatiwala niya cellphone niya sa’yo,” tawag-tawa  usal ni Rhein.

“At tinawag pa siyang SHIEN, ” si Louise na pinagdiinan pa ang second name ko.

Alam na alam nila ang ayaw at gusto ko. Syempre sa ilang taon na naming pagbabarkada, imposibleng hindi na namin kilala ang isa’t-isa.

“Tumahimik nga kayo, ” I said in a bossy tone just to make sure they would stop from what they are talking.

“Akala ko ba ayaw mong tawagin ka sa second name mo?” si Rhein.

“Hindi naman niya alam yun e,” pagdadahilan ko.

“Sus, nag-iipon ka lang naman ng points e, ” si Joshua.

“Tss,” tanging nasagot ko.

Ano namang mali kung totoong nag-iipon ako ng points?

Louise’s POV

Nagsimula na ang klase nang dumating si Qhuizhia sa classroom. Timing pa talaga at music class namin, terror pa naman ‘to.

“Ms. Sleman, why are you late?” bungad ng music instructor namin kay Qhuizhia.

Tumingin lang si Quizhiah sa professor namin. Blanko ang mukha na para bang hindi ito natatakot mapagalitan ng instructor namin.

Nauna nang makapagsalita si Zi kay Qhuizhia, “Sir, kanina pa ho si Quizhiah dito, pumunta lang siya sa canteen, ” pangiti-ngiting usal niya.

Aba’t, night and shining armor na pala ngayon ni Quizhiah si Zi. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

Mabuti na lang at nakumbinsi si sir, “Okay, go to your sit, ” usal ni sir.

Si Stephanie naman ang sama-sama ng tingin halos patayin na niya si Quizhiah.

“Okay class, our topic for today is all about pinoy composers. It’s about their life and works. ” discuss ni sir.

I’m just listening to the discussions, but Qhuizhia caught my attention. She’s taking down notes. Walang pakialam sa paligid niya. Kanina pa kasi siya pinagtitinginan nina Stephanie at mga barkada niya at halos umusok na ang ilong sa galit. Meron kasi kaming activity mamaya na by pair, kakanta kami bilang isa sa requirement namin ngayong araw, at hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana ang ipaglapit si Zi at Qhuizhia. Sa lahat-lahat ng babae si Qhuizhia pa ang laging napa-partner ni Zi, well hindi ko naman sinasabing hindi sila bagay pero mas maganda sana kung iba ang partner ni Qhuizhia sa activity na ‘to.

“Class time is up for the preparation, let’s begin with your presentation. ” Nag bunot ng pair si sir para maunang mag-present. Naunang nabunot ang pair namin ni Stephanie.

Nag-duet kaming dalawa sa kantang ‘Ikaw’ ni Yeng Constantino. Nasunod naman sila Zi at Qhuizhia. Kinanata nila ang ‘Tuwing umuulan at kapiling ka’ ni Ryan Cayabyab.

Malamyos sa pandinig ang boses ni Qhuizhia, soft at malamig sa tenga pero nakukulangan ako ng emosyon sa pagkanta niya. Si Zi naman mababa ang boses pero malambing sa tenga at punong-puno ng emosyon.

Nang matapos ang lahat ng pairs sa pag-perform, nag discuss pa si sir Gelo ng iilang mga topics about pinoy music and composers. Inisa-isa niya ang bawat buhay ng composers. At pagkatapos dinismiss din niya kami.

Ilang oras pa ang sasayangin namin para sa next subject. 7 pm kasi ang start ng next class namin. Kaya naman naisipin na naman ni Zi ang magyayang magtambay sa canteen. Nakaugalian na kasi naming magbabarkada ang tumambay sa cafeteria tuwing vacant time namin.

“Guys, tambay tayo sa cafeteria, ” pagyaya ni Zi.

“Game!” masayang usal naming tatlo.

Ilang sandali pa ay lumapit sa amin sina Qhuizhia at Mari upang kunin ang naiwang cellphone ni Qhuizhia.

“Zi nasaan ang cellphone ko?” si Quizhiah. Tumingin ito ng diretso kay Zi.

Kinapa-kapa ni Zi ang bulsa ng bag niya, upang mahanap ang cellphone. Nang makita na niya ito ay iniabot ito kay Qhuizhia.

“Ah ito,” si Zi sabay abot ng cellphone kay Quizhiah. Agad namang kinuha ni Qhuizhia ang cellphone niya sa kamay ni Zi. Hinawakan pa niya ang mga kamay ni Qhuizhia at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

“Sorry, I fall asleep, ” usal ni Zi. Nagpapa-cute pa ito sa harap ni Qhuizhia.Pero si Qhuizhia blanko lang ang mukhang tumingin kay Zi at agad binawi ang kanyang kamay na hinawakan ni Zi.  Alam nating lahat na hindi tinatablan ng mga ganitong galawan si Qhuizhia.

‘Mabuti nga sa’yo, ’ sa isip-isip ko.

“Never mind, ” sagot ni Quizhiah. Agad itong nag scroll sa cellphone niya at walang paki-alam sa taong nagpapa-cute sa harapan niya ngayon.

Lumapit ako sa kanila upang yayain si Qhuizhia na sumabay nalang sa amin na tumambay sa cafeteria.

“Quizhiah sumama nalang kaya kayo sa amin, tatambay kami sa cafeteria, ” yaya ko kay Qhuizhia. Isang blankong tingin lang ang nakuha ko bilang sagot. Mabuti na lang at game na game si Mari na sumama kung hindi, baka napahiya pa ako sa harap nila Zi.

“Sure!” usal ni Mari. Tumingin pa ito kay Qhuizhia bilang pagkumbinsi na sumama sa amin. Napasama naman ito ni Mari sa amin.

Laging nagpapahuli si Qhuizhia sa paglakad habang papunta kami sa cafeteria. Kaya lumapit ako sa kanya upang masabayan siya sa paglakad.

“Qhuizhia are you okay? Do you mind if sasabayan kita?” tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik, nagpatuloy lang ito sa paglakad. Naka earphone kasi ito kaya marahil hindi niya narinig ang sinabi ko.

Lumingon naman si Mari at nagpaiwan din kina Zi sa paglakad.

“Uy Quizhiah ba’t ka ba nag papahuli?” usal ni Mari. Sumabay ito sa paglakad namin. Katulad ko ay wala ring nakuhang sagot si Mari kay Qhuizhia.

Wala namang imik si Quizhiah habang naglalakad kami, napaka introvert talaga ng babaeng ‘to. I wonder why she enrolled in psychology. Napaka-interesting ng attitude niya para sa akin.

Agad kaming pumwesto sa pinakagilid ng cafeteria pagdating namin dito. Matatanaw kasi mula sa pwestong ‘to ang paglubog ng araw. Si Quizhiah ang pumili ng pwesto na ito and I think she likes sunsets.

“Quizhiah ano ang o-orderin mo?” tanong ni Zi. Lumapit pa ito sa upuan ni Qhuizhia, pero hindi ito nakinig. Nakapukos ang buong atensyon nito sa kagandahan ng paglubog ng araw na tila ba manghang-mangha ito sa kulay golden yellow ng araw. Hindi man naiipakita nito sa mukha niya pero alam kong gandang-ganda ito sa araw na papalubog pa lamang. Katulad kong gandang-ganda sa pagtitig sa kabuohan ng kanyang maganda ngunit blankong mukha.

Walang sagot na nakuha si Zi kay Qhuizhia, kaya naman si Mari ang sumagot dito. “As usual, doughnut, ” usal ni Mari. Kinilabit pa nito si Qhuizhia upang makuha ang atensyon nito, agad namang napatingin si Qhuizhia kay Mari. Binigyan ni Mari ng isang tingin si Zi na ngayon ay nakatitig pa rin kay Qhuizhia. Tinanggal nito ang dalawang pares ng earphones na nakakabit sa dalawang tenga niya.

“I’m sorry,” usal ni Qhuizhia. Sa wakas ay nagsalita rin ito. Sa bawat pagsasama kasi namin, bihira lang itong magsalita at kadalasan pa ay tango at oo o hindi lang ang sagot nito sa amin.

Ngumiti si Zi at inulit ang tanong nito kanina. “Ano ang gusto mong kainin?” tanong ni Zi.

“Bavarian doughnut lang,” sagot ni Qhuizhia. Ito na siguro ang pinakamahabang salita ang naisagot niya sa ilang buwan naming pagsasama. Sa bawat pagsasama naming magbabarkada, doughnut ang lagi nitong kinakain. And I assume na ito ang paborito nitong pagkain.

“Sige libre ko kayo, ako mag babayad ng orders natin,” usal ni Zi. Agad itong pumunta sa counter ng cafeteria upang mag-order ng pagkain namin.

And here comes our savior.

Halos maubos na naming apat ang mga salita sa kakadaldal namin, pero si Qhuizhia nanatiling tahimik pa rin gilid ng aming pwesto sa cafeteria. Walang imik at nakatuon ang atensyon sa halos palubog na araw.

‘Gusto kitang makilala, ’ sa isip-sip ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status