Kabanata 66 - ForceHindi naman talaga nakikita ni Mrs Vasquez ang pinagdaanan ng anak niyang si Pearl, puro yung puso niya sa anak niyang lalaki. Para sa kanya, ang anak niyang lalaki ang pinakamahalaga, at ang anak niya na babae parang hindi naman mahalaga, kaya natural lang na balewala sa kanya ang paghihirap ni Pearl.Pagkakita ni Mrs. Vasquez kay Pearl na umiiyak at garapal ang lungkot, agad nag-init ang ulo niya at sinabi ng diretso, sa anak na may halong pangungutya:“Sabihin mo nga, Ikaw ba ang may kasalanan kung bakit umalis si Kent? Ngayon, bakit siya napunta sa tabi ng ibang babae? Ano ba talaga ang ginawa mo? Hindi mo man lang ba maprotektahan ang kapatid mo, karapat-daan ka ba talaga na maging kapatid niya?”Sa mga nakaraang araw, halos araw-araw na pinagbubugbog ang damdamin ni Pearl. Pinupunit-punit siya sa mga bagay na hindi nakikita ng iba, pinapahiya, pinaparatangan at sinisisi. Noon, lagi si Kent ang nasa isip niya, halos araw-araw silang magkasama, pero ngayon, ram
Kabanata 65 – A PromiseSi Daisy ang may pinakamalaking shareholder ng kumpanya. Hindi niya kailangan ng approval ng kahit sino para makabalik sa trabaho. Kung dati, baka iniisip pa niya kung ano ang opinyon ni Kent James Hernandez, pero ngayon, para sa kanya, nonsense na ang lahat ng iniisip ng lalaking ‘yon!“What?!” Kanina, si Kent ang pinupuntirya ng lahat, pero ngayong narinig nila ang sinabi ni Daisy, biglang siya naman ang naging target. Hindi kasi nila matanggap na ang isang babaeng wala namang background sa business ay basta-basta na lang makakapasok sa kumpanya. Kahit pa simpleng empleyado lang, para sa kanila, hindi iyon katanggap-tanggap.“Mrs. Hernandez, mas mabuti siguro kung manatili ka na lang sa bahay niya. Maglaba, magluto, at kung ano pa ang gawaing bahay yun ang bagay sa’yo.”“Wala ka namang alam sa negosyo. Hindi ba’t lalo mo lang patatagalin ang problema? Wala na ngang ayos ang sitwasyon ng kumpanya, tapos dadagdag ka pa?” Reklamo ng ibang shareholder kay Daisy,
Kabanata 64 — Ang Pagsikat ng Bagong DaisyPinili ni Daisy ang kotse na pinaka-type niya sa garahe. Pag-upo niya sa loob, at ramdam niya ang malaking kaibahan niya ngayon kaysa noon. Napamura siya sa sarili habang pinipisil ang manibela.“Bwisit! Anong klase ng hirap ba ‘ang tiniis ko dati?” bulong niya sa sarili.Agad siyang nagmaneho papunta sa harap ng Hernandez Group Building. Noon, imposible para sa kanya ang makapasok dito. Pero ngayon, dala niya ang sasakyan ni Kent James mismo, at wala ni isang guwardiya ang naglakas-loob na harangin siya. Sa halip, nakasaludo pa ang mga ito na para bang boss din siya.Napangiti si Daisy. Noon lang niya tunay na naintindihan. ang dignidad, hindi hinihingi kundi sarili mong ibinibigay sa sarili mo.Na-realize din niya na kaya siya tinitingnan ng mababa ng ibang tao noon ay dahil hinayaan niya. Masyado siyang mabait at mahina, kaya hindi nila nakita ang totoong halaga niya ng pagiging “Mrs. Hernandez.”Pero ngayon, iba na. Wala na si Kent James
Kabanata 63 — ChildishHabang nasa banyo si Daisy, narinig niya ang yabag ng sapatos at ang tunog ng kotse na papalayo. Nagbago ang mukha niya na may halong lungkot at ginhawa. Sa totoo lang, hindi niya akalaing darating ang araw na tatakutin at tatanggihan niya pa ang pagdampi ng taong minsang pinakamalapit sa kanya. Naabot na nila ‘yon, at hindi niya maintindihan kung bakit napakabigat ng loob niya ngayon. Napa-ngisi siya, at napuno ng dilim ang mukha.Pagkatapos niyang maglinis, ay sumaklob na siya sa kama at para bang ito ang unang beses sa matagal na panahon, na makaka tulog siya. Nagpasya siyang kumain ng maayos, matulog nang maayos at mag-ipon ng lakas para sa Sydney. Para sa mga huling salita na binigkas niya noon, para maging karapat-dapat sa alaala ng anak niya.Tuwing iniisip niya si Sydney, kumikirot ang dibdib niya. Ito ang bahay kung saan kasama niya ang anak niya sa maraming taon. Kahit na pinunasan niya ang mga bakas ng pag-iyak at alaala bago umalis, tila ba nandyan p
Kabanata 62: Shameless rotten cucumber!Nang makita ni Nick ang masiglang aura ni Daisy, parang bigla siyang napatulala. Matagal na panahon na mula nang huli niyang makita si Daisy nang ganito, puno ng apoy at determinasyon ang mga mata nito, lalo na habang nakatitig ito sa computer screen.Naalala niya ang panahon sa kolehiyo. Noon lang niya nakikita si Daisy na ganito ka-pursigido. Pero sa ilang taon na kinasal ito kasama si Kent Hernandez ay halos kumitil sa lahat ng pangarap ni Daisy.Napakuyom si Nick ng kamao, kumunot ang noo, at sa isip niya ay paulit-ulit na isinumpa si Kent.Matapos ang ilang minuto, tumigil si Daisy at marahang nagsabi.“Okay na, uuwi na ako.”Nagulat si Nick. “Uuwi? Saan?”“Sa Hernandez villa.” Umangat ang kilay ni Daisy habang itinabi ang USB.“Ganito talaga ako. Kung minsan, gagawin ko ang lahat… kahit ano, para lang maabot ang gusto ko.”Kung hindi siya nadala sa puntong ito, hindi niya malalaman na kaya pala niyang maging ganito katapang. May bahid ng p
Kabanata 59: Give me, I'll give it a tryKahit walang sinasabi si Kent Hernandez, halata pa rin sa mga mata at mukha niya ang iniisip niya. At dahil doon, halos maduwal si Daisy. Parang gusto niyang sumuka sa sobrang inis!Tinulak niya si Kent James palayo at malamig na napangisi.“Bahala ka sa buhay mo. Nakuha ko na ang gusto ko ngayong gabi, at wala na akong balak makipag aksaya ng oras sa iyo, lalo na’t may ganito kang ugali,” bulong niya sa isip habang tumalikod.Si Secretary Ben, na nakatayo sa may pinto, ay nag-alangan pa bago magsalita.“Mr. Hernandez… siguro dapat dumiretso muna tayo sa ospital. Dumudugo pa rin ang sugat niyo.” nag aalala na sabi nito“Hmm.” Tumango lang si Kent, kahit ang mukha niya’y puno ng inis. Tama nga naman, kailangan niyang magamot.Pagkasakay nila sa kotse, nagsimula nang mag-report si Secretary Ben tungkol kay Mr. Vasquez. Pero dahil mainit ang ulo ni Kent, padabog siyang sumabat:“Cancel the order!” galit na saad ni KentDoon lang nakahinga ng maluw