FAZER LOGINNapakalaking pagkabigla nito! “Magaling. Napakagaling niya, hindi ba?” “Raphael…” “Magaling!” Bago pa man makapagsalita nang maayos si Marco, biglang sumigaw si Raphael habang pumapalakpak at masiglang sumisigaw papunta sa entablado. “Magaling!” Sa wakas, natapos din ang pagtatanghal. “Tara n
“Ganoon ba talaga kaseryoso?” Wala nang nagawa si Ramon kundi pumayag. Agad siyang nag-ayos ng sasakyan para kay Aleisha, habang tinulungan naman ni Jacob na ilagay ang mga bagahe nito sa likuran ng sasakyan. “Uncle Ramon, Manang Rosa, Jacob, aalis na ako.” Bahagyang yumuko si Aleisha bilang pamam
“Aleisha?” Katatapos pa lamang niyang mag-impake nang dumating si Manang Rosa, kasama si Ramon. Madalas siyang nasa ospital nitong mga nakaraang araw, kaya hindi niya inaasahang magkakaroon ng ganoon kalaking away ang mag-asawa. “Ano’ng nangyari?” Napatingin si Ramon sa maleta. “May ginawa na nama
Biglang sumambulat ang galit ng lalaki. Hindi umiwas si Aleisha sa kanyang matalim na tingin. “Galit na galit ka ba? Bakit?” Bakit? Natigilan si Raphael. Nagtanong pa talaga ito kung bakit? Nagsalita si Aleisha na para bang kinakausap lamang niya ang sarili. Bahagyang nanginginig ang kanyang boses
“Raphael, ano ba talaga ang paninindigan mo? Nasaan na ang mga prinsipyo mo?” Magulo ang isip ng lalaki, samantalang hindi pa rin pumapasok si Aleisha. Biglang napako ang tingin ni Raphael sa isang bagay sa ibabaw ng maliit na mesa. —Isang maliit na kuwaderno. Kay Aleisha ang mesang iyon. Nakala
Umalis na lang talaga siya nang ganoon? Halatang-halata namang galit na galit siya. Nanlamig ang mga kamay ni Aleisha. Natigilan siya at hindi malaman ang gagawin. Para siyang batang nakagawa ng kasalanan at iniwan na lamang ng isang nakatatanda. “Miss Aleisha!” Nang makita ni Joaquin ang pagkabal
Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya. Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleis
Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon. "Kumain ka! Wala ka talagang kwent
Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha. Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan. "Mabuti at
Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang. Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Do







