author-banner
Alshin07
Alshin07
Author

Novels by Alshin07

Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Read
Chapter: Chapter 85 - Nahulog Na Naman
Matalim ang tingin ni Nica nang magsalita. "Hindi mo pinahalagahan ang kapatid ko noong nandiyan pa siya. Tapos ngayong nagkaroon siya ng ‘aksidente’ ay gusto mo nang magpakamatay? Kanino mo ba ipinapakita iyang drama mo?"Napangisi ako sa narinig. Kung hindi ko lang matagal nang pinapanood ang palabas mula sa paningin ng isang patay baka naniwala pa akong mabuting tao itong si Nica.Pero hindi ako tanga. Napakahusay ng pag-arte ni Nica at halos perpekto. Wala ni isang bahid ng kasalanan sa mukha niya kahit na siya mismo ang dahilan ng kamatayan ko. At ngayon, imbes na akuin ang ginawa niya ay siya pa ang nagtatapon ng lahat ng sisi kay Denver.Ang naaalala lang ng lahat ay ang pag-abandona sa akin ni Denver sa mismong araw ng kasal namin. Walang nakakaalam na si Nica ang tumawag sa kanya noon. Na siya ang may pakana ng lahat. Hanggang ngayon ay kasing-itim pa rin ng gabi ang kanyang budhi.Sa isang tabi ay napangiti si Tito Danilo nang makita si Nica. "Nica, hija, ikaw ang pinakamala
Last Updated: 2025-07-21
Chapter: Chapter 84 - Malayo Pa Sa Katotohanan
Halik ng malamig na hangin ang dumaan sa aking buhok at sa laylayan ng suot kong bestida. Tahimik na umaagos ang ilog na tila binubulong ang lihim na itinago nito nang matagal. Nakatayo ako nang walang sapin sa aking mga paa sa eksaktong lugar kung saan nakahandusay noon ang aking duguang katawan.Parehong lugar. Pero wala na akong maramdaman. Wala nang sakit. Wala nang ginaw.Sa harapan ko ay nakaluhod si Denver. Mapula ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang matinding sakit at kalituhan. Para bang totoo ang pagmamahal niya sa akin.Nakakatawa, hindi ba?Ikaw ang nagsabi na hahanapin mo ang bangkay ko para mai-report sa pulis! Ikaw rin ang tumalikod sa akin. Sumama sa sarili kong kapatid sa mismong gabi ng kasal natin! Ikaw ang nagwalang-bahala sa akin at ikaw rin ang dahilan kung bakit ako namatay!Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Sa anong klaseng pagpapanggap niya nasasabi ang mga salitang iyon? Iniisip ba niyang maniniwala ang iba na tunay ang paghihirap niya?Napangisi ako
Last Updated: 2025-07-21
Chapter: Chapter 83 - Scene Of The Crime
Matagal na tinitigan ni Officer Ramirez ang estatwa bago siya nagsalita. "Bakit ang laki ng pagkakahawig nito kay Miss De Leon?"Napatingin ako kay Denver at hinihintay ang sagot niya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Alam ng gumawa nito kung gaano kalalim ang relasyon namin ng asawa ko kaya ginamit niya ang mukha ng asawa ko bilang batayan sa estatwa."Napatingin ako muli sa estatwa— ang sarili kong mukha. Akong-ako talaga ito.Kumunot ang ni Officer Ramirez. "Ang kulay ng estatwa..."Hindi naman konektado o wala siyang kaalaman sa sining pero halatang may bumabagabag sa kanya.Kadalasan sa mga estatwa ay yari sa bato, plaster, o tanso. Sa mga templo naman ay karaniwang may halong tunay na ginto ang mga rebulto. Pero ang estatwa na ito ay may kakaibang kulay. Maputi pero may bahagyang kulay ng rosas na parang tunay na balat. Kahit ako ay hindi ko pa ito nakikita noon."May mali ba sa statue, officer?"Mabilis akong lumapit at hindi na rin mapakali. Kung may sikreto ang estat
Last Updated: 2025-07-21
Chapter: Chapter 82 - Pinatay?
Hindi ako makapaniwala sa narinig na balita.Hindi. Hindi totoo ang narinig ko!Sa puso at isipan ko ay si Julia pa rin ang masigla at masayahing batang nakilala ko noon. Di ba at sinabi ng doktor na kahit hindi maganda ang lagay niya, hindi naman delikado ang buhay niya?Paano siya namatay?Nanghina ang buong katawan ko. Bumagsak ako sa sahig at nanginginig ang buo kong katawan.Alam ko kung paano ang mamatay. Noong nasaksak ako ay wala akong naramdamang sakit sa umpisa. Para akong nanigas at hindi makagalaw. Nang tingnan ko ang sarili ko ay nakita kong umaagos ang dugo mula sa baywang ko. Dinudumihan niyon ang suot kong wedding dress. Ang patalim na puno pa ng dugo ko ay naglalaro sa liwanag, kumikislap sa harapan ko.Saglit akong natigilan ng mga oras na iyon. Pagkatapos, saka ko pa lang naramdaman ang hapdi kasunod ang matinding takot.Takot sa kamatayan. Takot sa hindi ko alam na mangyayari. Hindi ko na naisip kung sino ang sumaksak sa akin. Ang tanging nasa isip ko noon ay ang t
Last Updated: 2025-07-20
Chapter: Chapter 81 - Naglaho Ang Katiting Na Pag-asa
Nagulat ako. Nakikita ba ako ni Vicento?Kung ganoon man ay nagbabakasali akong sana nga! Pero bago pa ako makapagsalita ay narinig ko ang boses ni Denver mula sa labas ng simbahan."Nasaan ka?"Nagmamadali siyang pumasok at hinahanap ako na parang isang ligaw na kaluluwang hindi alam ang direksyon. Ang malamig na hangin na dala niya ay nagpatay sa mga ilaw na dati ay hindi namamatay sa bulwagan.Sumama ang ihip ng hangin sa malakas na pagbagsak ng ulan. Nilingon ko si Vicento at nakita kong pinahid niya ang kanyang mga mata. Isang aninong puno ng lungkot at pagkadismaya ang lumitaw sa kanyang mukha."Bakit ka nandito?" tanong ni Denver kay Vicento, mababa ang tinig at tila puno ng pangungulila.Nagtataka ako. Bakit nga ba siya nandito? Sino ang hinihintay niya? Hindi ko namalayan na biglang nawala si Denver na hindi man lang hinintay ang sagot ni Vicento.Bigla na lang nagkaroon ng kaguluhan sa labas. Sinundan ko ang ingay at nakita ko si Denver na mahigpit na hinahawakan si Father R
Last Updated: 2025-07-20
Chapter: Chapter 80 - Nagbabalik!
Bilang isang kaluluwa ay inakala kong hindi ko magagawang makalapit sa isang banal na lugar. Inakala kong itataboy ako ng liwanag kagaya ng napapanood sa mga palabas sa telebisyon.Pero hindi pala totoo ang mga iyon. Walang pumigil sa akin.Naglakad ako nang nakayapak sa hagdan at ang aking mahaba at manipis na damit ay tinatangay ng malamig na hangin. Pero hindi ko maramdaman ang ginaw.Nang makita ko si Denver na nakaluhod sa puting karpet papunta sa lumang tempong nasa tuktok ay hindi ko napigilan ang sarili kong lumuhod din.Hindi ko alam kung may Diyos nga ba talagang nakikinig sa ating mga dasal. Hindi ko alam kung may himala sa mundong ito. Pero ngayon ay hindi na para sa iba ang panalangin ko.Ito ang unang pagkakataon na ipagdarasal ko ang sarili ko.Hinawakan ko ang laylayan ng aking suot at yumuko. Sa kabila ng lahat, ako ay taimtim at buong pusong nagdasal.Samantalang si Denver ay nanatili sa kanyang posisyon. Ang kanyang buhok at pilikmata ay may maninipis na guhit ng pu
Last Updated: 2025-07-20
Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire

Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire

Maagang naulila sa ina si Aleisha. Kaya naman nang mag-asawang muli ang kanyang ama ay naging miserable ang buhay nila ng kanyang kapatid. Nalugi ang kanilang negosyo kung kaya ay binenta si Aleisha ng kanyang madrasta para maging pambayad-utang. Bilang kapalit ay ipapagamot nito ang kapatid niyang may sakit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay maling hotel room ang napasukan ni Aleisha. Naibigay niya ang kanyang pagkababae sa lalakeng hindi niya naman kilala. Anong gagawin ni Aleisha kapag nalamang ang lalakeng nakaniig ng isang gabi ay siya pa lang itinakda ng kanyang yumaong ina bilang kanyang mapapangasawa? Ang malala pa ay mabubuntis siya nito. Tatakas ba siya? O haharapin ang nakatadhanang buhay para sa kanya?
Read
Chapter: Kabanata 147
Ang paa ni Raphael ay umangat at walang sabi-sabing sinipa nang malakas sa tiyan si Mr. Sandoval. "Ahh!" Tumilapon si Mr. Sandoval na para bang bolang pinagulong hanggang sa sumalpok sa sulok ng dingding. Napahiyaw siya sa sakit at halos hindi na makahinga. "T-Tama n-na..." pagmamakaawa ni Mr. Sa
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 146
"Hmmm... ang bango mo naman, mahal kong Aleisha," sabi ni Mr. Sandoval habang ibinababa ang kanyang ulo at sumandal sa leeg ni Aleisha— palalim na palalim ang kanyang paghinga. Halata na lubos na nasiyahan ang matandang lalaki habang tinitingnan si Aleisha na parang isang natatangingng kayamanan. H
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 145
Naikuyom ni Raphael ang mga palad. Talaga bang hindi mapili si Aleisha? Ganoong klaseng babae ba siya? Ang Romulo Sandoval na iyon ay kasing edad lang ng tatay niya! Habang lalo siyang nagagalit ay lalong nagiging kalmado ang hitsura niya. Pagak siyang napatawa at mahinahong nagsalita. "Magmaneho k
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: Kabanata 144
Sinubukan ni Raphael na makipag-usap nang maayos kay Sophia, ngunit hindi ito nakikinig at pinipilit pa rin ang sarili nito sa kanya. Wala nang nagawa si Raphael kung hindi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo kahit nanghihina ang kanyang mga tuhod at itinaas ang kanyang mga braso kaya naman ay
Last Updated: 2025-03-14
Chapter: Kabanata 143
"O-Oo..." Wala sa sariling tumango si Raphael habang niluluwagan pa ang kanyang suot na polo. "Kung ganoon ay alisin mo na lang ang coat mo," malumanay na saad naman ni Sophia. Tumayo siya at lumapit kay Raphael saka inilagay ang mga kamay sa kwelyo nito— handa nang hubarin iyon. Ngunit biglang hi
Last Updated: 2025-03-14
Chapter: Kabanata 142
Maagang dumating si Raphael sa opisina nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sophia. "Raphael..." Mahinahon ang boses ni Sophia na aakalain mong hindi makabasag pinggan. "Gusto kang imbitahin ng mama ko sa bahay para maghapunan mamaya. Pwede ka bang pumunta?" Natakot si Sophia na baka tumanggi s
Last Updated: 2025-03-12
Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord

Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord

"Kuya, kahit pangkape lang!" Iyon ang lagi kong naririnig kay Nanay noong bata pa ako. Naisip ko dati na sobra talaga kaming naghihirap dahil kahit pambili ng kape ay walang-wala kami. Marumi, mababa ang lipad, at wala ng dignidad— iyon ang buhay na mayroon si Nanay. "Kuya, pangyosi lang!" Hindi naglaon ay sumunod ako sa yapak ni Nanay at iyon na lagi ang linyahan ko gabi-gabi. Pero dahil sa linyang iyon ay mas lalong gugulo ang buhay kong matagal nang miserable. Paanong ang isang babaeng mababa ang lipad na katulad ko ay magiging asawa ng isang makapangyarihan na mafia lord?
Read
Chapter: Chapter 5 - Honeymoon
Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya."Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis."Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon India.Oo.Sa India.Para mag-mekus-mekus.Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin.Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walo lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios.Paanong hindi?Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga public figure
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: Chapter 4 - Kambal
"Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile. "Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila. "Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya. Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala. Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!" "Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Jander habang nakatingin sa akin. "Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne R
Last Updated: 2025-03-07
Chapter: Chapter 3 - Kondisyon
"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi."Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap
Last Updated: 2025-03-07
Chapter: Chapter 2 - Nasaan?
Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano
Last Updated: 2025-03-07
Chapter: Chapter 1 - Kontrata
"Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malay
Last Updated: 2025-03-07
You may also like
The Brat's Obsession
The Brat's Obsession
Romance · MyCrescentKara
5.7K views
The Hate List
The Hate List
Romance · TheCatWhoDoesntMeow
5.7K views
One night stand
One night stand
Romance · GirlInBlack
5.7K views
Clouds on the Horizon
Clouds on the Horizon
Romance · Captain Maria
5.7K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status