Share

Chapter 275

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-05-24 23:19:03

NAHIGIT ni Katherine ang sariling hininga sa narinig. "A-Anong pinagsasasabi mo?!" Pakiramdam niya, para siyang naakusahan ng isang bagay na hindi naman niya ginawa.

"Gusto ko lang makasiguro na walang magbabago sa plano mo."

"Of course, wala."

Tumango-tango naman si Sherwin, tiwala naman sa salita ng kapatid. "Basta lagi mong tatandaan ang dahilan kung bakit mo 'to ginagawa. Kung sakaling gipitin ka niya o kung may ginawa man siyang labag sa loob mo'y magsabi ka lang at ako'ng bahala."

Napangiti naman si Katherine, siya itong matanda pero kung ituring ng kapatid ay parang ito pa ang nakakatanda sa kanilang dalawa. "Okay, I'll remember that." Pagkatapos ay natahimik na silang dalawa. Hanggang sa magtanong siya, "Alam mo ba kung kailan babalik ng bansa si Jude?"

Umiling si Sherwin. "Ba't mo natanong?"

"Wala lang, narinig ko kasi minsan na kinakausap ito ni Laura sa phone. Pakiramdam ko ay may pinag-aawayan sila."

"Mag-asawa naman sila kaya normal lang 'yon."

"You know na kasal lang nam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (37)
goodnovel comment avatar
Annipie
Massive report Kasi natin si Author maka ganti man Lang tayo
goodnovel comment avatar
Annipie
ako Kasi pag na frustrate ako SA author NATO 50x KO Lang Naman Siya nirereport atleast masaya ako kahit galit SA story niya hahahahaha diba author? hayaan niyo na pag I report niyo Kasi to bigla tong mawawala katulad nung na massive report Namin. Sabi nung author suspended Siya e ang Nono dasurb
goodnovel comment avatar
キン バリー
next chapter
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 279

    MABILIS na lumabas ng sasakyan si Sherwin ng makitang ang kasama pala ng kapatid ay si Cain. "Anong pinag-uusapan niyo?" Habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa."Wala, inaalok ko lang siyang ihatid dahil matagal na siyang naghahantay rito," sagot naman ni Cain.Tiningnan naman ni Sherwin ang kapatid. "Sorry, Ate, na-empty 'yung phone, tapos sobrang traffic pa.""Ayos lang," tipid na sagot ni Katherine.Pagkatapos ay sabay na silang sumakay sa kotse. Nang malayo-layo na ay saka lang naglakas-loob si Katherine na tingnan ito sa side-mirror.At hindi iyon nakaligtas kay Sherwin. "Concern ka ba?"Mabilis na umayos ng upo si Katherine at tumingin ng diretso. "Hindi, pero sinamahan niya 'ko ro'n hanggang sa dumating ka.""Dapat pala sana, nagpasalamat ka."Nanahimik lang sa puwesto si Katherine sa halip na magkomento. Mayamaya pa ay ikinuwento sa kapatid ang napagkasunduan nilang dalawa ni Cain kagabi."Mabuti naman pala kung gano'n," ani Sherwin. "Masaya ka naman ba?"Pero hindi na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 278

    PASADO alas-sais ng umaga ay nakahanda na si Katherine pagpasok sa trabaho. Ang anak na bagong gising ay hinalikan niya sa tuktok ng ulo at pisngi. "Magwo-work muna si Mommy, okay?"Tumango-tango ang bata habang kinukusot ang mga mata. "Take care, Mommy. I will study hard."Napangiti naman si Katherine, habang tumatagal ay mas nagiging matured mag-isip ang anak. Hindi siya sanay at kung maaari ay gusto niyang manatili lang muna itong bata. Mas mainam na nae-enjoy nito ang kabataan."Okay, baby. Uuwi rin ako later," aniya, paalis na ng malingunan ang kabubukas lang na pinto at lumabas si Laura na may dalang tuwalya."Good morning," ani Katherine sa kaibigan."Good morning din." Saka naglakad patungo sa kusina.Natawa naman si Katherine, halata kasing inaantok pa ang kaibigan. Matapos ay saka siya tuluyang lumabas at sumakay sa elevator.Pagkababa ay naglakad na siya palabas ng condominium ng mamataan ang kotseng nakaparada sa hindi kalayuan. Napakunot-noo siya. "Kotse niya ba 'yun? Ba'

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 277

    SA HINDI malaman na dahilan ay biglang sumikip ang dibdib ni Katherine. Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na nasasaktan lang siya ngunit hindi maikakaila ang pagdaloy ng init sa kanyang pisngi at batok...Alam niyang iba ang pinapahiwatig ng kanyang puso at hindi niya iyon matanggap.Kinailangan niya pa tuloy pakalmahin ang sarili para lang hindi siya magmukhang apektado. "M-Mr. Vergara, sana maisip mo na hindi na 'ko ang dating asawa na minahal mo. At hindi na rin ikaw ang asawa na natatandaan ko, kaya pakiusap lang... tama na, tigilan mo na 'to." Saka siya napabuga ng hangin. "'Wag mo sanang kakalimutan ang kasunduan natin na matapos ang isang buwan, susundin mo ang gusto ko at maghihiwalay tayo ng maayos."Napatiim-bagang si Cain at kumuyom ang mga kamay. "Hindi ko nakakalimutan ang napagkasunduan. Pero 'wag mo rin sanang kakalimutan na asawa mo pa rin ako, legal na asawa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka nakikipag-date sa ibang lalake."Mabigat na buntong-hininga ang pin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 276

    ISANG MATALIM na tingin ang pinukol ni Cain sa kaibigan. "Nananadya ka ba?"Napalunok naman ng laway si Levi. "Joke lang naman." Gusto pa ngang matawa pero pinili na lamang niyang itikom ang bibig. "Kidding aside, mukha kailangan atang pagbutihin ang panunuyo sa asawa mo. Hindi effective 'yung mamahaling wine, tsk, sayang talaga at tinapon. Dapat pala hiningi ko na lang." Saka pinagmasdan ang basurahan.Tumayo na sa kinauupuan si Cain matapos mairita sa boses ng kaibigan saka naglakad patungo sa hagdan.Napalingon naman si Levi matapos mapansin ang paglayo ng kaibigan. "T-Teka, sa'n ka pupunta?!"Para naman walang narinig si Cain na tuloy-tuloy lang.Samantala, sa ibaba naman ay abala sa pagkain sina Katherine at Daniel."Kumusta na nga pala si Sha-Sha?" tanong ng binata."She's fine, sa ngayon ay homeschooled dahil iyon ang nakasanayan niya abroad. But later on, ay ililipat ko sa new invironment. Hopefully, sa susunod ay makapasok na siya sa school," pagkukuwento naman ni Katherine.

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 275

    NAHIGIT ni Katherine ang sariling hininga sa narinig. "A-Anong pinagsasasabi mo?!" Pakiramdam niya, para siyang naakusahan ng isang bagay na hindi naman niya ginawa."Gusto ko lang makasiguro na walang magbabago sa plano mo.""Of course, wala."Tumango-tango naman si Sherwin, tiwala naman sa salita ng kapatid. "Basta lagi mong tatandaan ang dahilan kung bakit mo 'to ginagawa. Kung sakaling gipitin ka niya o kung may ginawa man siyang labag sa loob mo'y magsabi ka lang at ako'ng bahala."Napangiti naman si Katherine, siya itong matanda pero kung ituring ng kapatid ay parang ito pa ang nakakatanda sa kanilang dalawa. "Okay, I'll remember that." Pagkatapos ay natahimik na silang dalawa. Hanggang sa magtanong siya, "Alam mo ba kung kailan babalik ng bansa si Jude?"Umiling si Sherwin. "Ba't mo natanong?""Wala lang, narinig ko kasi minsan na kinakausap ito ni Laura sa phone. Pakiramdam ko ay may pinag-aawayan sila.""Mag-asawa naman sila kaya normal lang 'yon.""You know na kasal lang nam

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 274

    NALULUHANG sumandal sa pader si Pearl. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa nagawang pagkakamali. Bakit niya naisip na hahalikan siya ni Jared?"Anong ginagawa mo rito? Ang customer mo?" tanong ni Rona ng mapansin ang dalaga na nasa labas ng VIP room.Pasimpleng pinunasan ni Pearl ang luha saka ito tiningnan. "P-Papunta lang po ako sa restroom."Pero iba ang nakikita ni Rona, hindi nakaligtas sa paningin niya ang luha nito sa mga mata. "Sa tingin mo ba talaga ay special ka? Na porke't pinakitaan ka ng kaunting kabutihan ni Mr. Fernandez ay interesado na siya sa'yo?"Umiling-iling si Pearl. "H-Hindi po gano'n ang nasa isip ko."Pagak na natawa si Rona. "Oh come on! Dumaan din ako sa ganyan, umasa at nasaktan kaya kung ako sa'yo. Samantalahin mo ang pagkakataon, sa mundong ginagalawan natin, walang lalakeng magseseryoso. Kaya kung ako sa'yo, utak ang gamitin mo, 'wag puso."Nasasaktan si Pearl sa sinasabi nito kaya pinili na lamang niyang umalis pero hinawakan siya nito nang mahigpit sa b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status