로그인BAKAS ang pagkabigla at pagtataka sa mukha ni Sherwin sa ginawa nitong pagtulak, pero agad rin ngumiti na parang wala lang. “Wala namang makakakita sa atin,” bulong niya.Pero nanatiling ilag si Laura. Nilampasan niya ito at mabilis na naglakad papunta sa sariling kwarto. Isasara na sana ang pinto nang bigla itong sumunod kaya pinandilatan niya ng mata. “Lumabas ka. Baka may makakita sa ’tin,” mariin niyang bulong.Umiling si Sherwin. “Relax. Nasa kwarto sina Ate, kasama si Cain at si Sha-Sha. Si ate Elma naman ay busy sa kusina. Walang makakapansin na nandito ako.”“Kahit na,” mariin niyang sabi, tinulak-tulak ang pinto pero nakaharang ang paa nito. “Isa, Sherwin, alisin mo’ng paa mo.” Ngunit nanatili sa hamba ng pinto ang binata hanggang sa aksidente niyang mabitawan ang bag. Tumapon ang laman sa sahig—lipstick, powder, wallet, at ang pinaka-kinatatakutan niyang makita nito… ang sonogram.Halos manlambot ang tuhod niya. Agad siyang yumuko para pulutin iyon na kumakabog pa nang mabil
TAHIMIK lang si Laura habang nakahiga sa examination bed, nakatingin sa kisame habang nilalagyan ang tiyan niya ng gel. Nang maramdaman ang lamig ay napasinghap siya.“Don’t worry, cold gel lang ang nilagay ko. Hindi mo kailangan na kabahan,” saad ng OB-GYN, si Dr. Cruz bago idinampi ang ultrasound probe sa tiyan. Mula sa monitor ay unti-unting lumitaw ang grayscale na imahe. Itinutok ng doktora ang pointer sa maliit na bilog. “Nakikita mo ba nang malinaw?” masaya nitong sabi. “This here is your gestational sac. Ibig sabihin, nasa early intrauterine pregnancy ka, around four weeks.”Walang imik at tahimik lang si Laura. Nanatili ang mga mata sa monitor, hindi makikitaan ng kahit na anong reaction sa mukha.Zinoom ng doktora ang screen at pinakita pa ang isang maliit na bilog. “Ito naman ang yolk sac. Siya yung nagbibigay ng nutrients habang wala pang fully formed placenta. Sa ganitong stage… wala pa talaga tayong makikitang malinaw na embryo.”“Okay,” mahina niyang sagot, walang kabuh
HINIHINGAL na dumating sa botika si Laura, mahigpit na hawak ang wallet at tila isang batang nawawala hindi malaman ang gagawin pagharap niya sa pharmacist.“Anong atin, Ma’am?” tanong nito.“Ahm, may P-PT kayo?” bulong niya, na kahit wala naman tao sa paligid ay kinakabahan siya na baka may makarinig.“Ilan?” tanong ng pharmacist, nakatitig mula sa salamin ng eyewear nito.“Isa…” aniya, sabay bawi. “Ah—apat na lang.”“Same brand ba?” Sabay lapag ng dalawang magkaibang brand ng pregnancy test kit.“Ano… pareho na lang. Tagdadalawa.”Tumango ang pharmacist at binigay ang kailangan niya. Matapos ipunch ang total ay iniabot nito ang paper bag, kasabay ng marahang, “Ma’am, okay lang po kayo? Medyo maputla kayo.”“Ayos lang,” aniya at umalis na pagkatapos makuha ang paper bag.Hindi pa man siya nakakalayo mula sa botika ay biglang nanlambot ang kanyang tuhod. Napaluhod siya sa kalsada, muntik nang tumama ang mukha kundi naitukod ang kamay—napangiwi sabay tingin sa kamay na may bahid ng dug
MATAPOS maghapunan ay lumabas si Laura sa veranda para sagutin ang tawag ni Jude. Tahimik ang paligid, tanging mga kuliglig lang ang maririnig nang ilapit niya ang cellphone sa tenga.“Sorry, hindi ako nakatawag kahapon,” bungad ni Jude, halatang nahihiya. “May dinner akong pinuntahan… ayun, nalasing ako.”Napangiti si Laura. “Ayos lang ‘yon. Maaga rin naman akong natulog kagabi.”Nakahinga nang maluwag si Jude at nagsimulang magkuwento tungkol sa meeting na dinaluhan niya. Ramdam ni Laura ang saya nito sa kabila ng gaspang ng boses, paniguradong kagigising lang nito. “Successful lahat, Laura. As in sobra. Hindi ko in-expect na magiging gano’n ka-smooth ‘yung proposal.”“That’s good to hear,” sagot niya habang nakatitig sa madilim na bakuran. “Masaya ako para sa’yo.”Tuloy lang sa pagkukuwento si Jude, mas mahaba kaysa sa nakasanayan nilang pag-uusap. Madalas kasi, sandali lang pero ngayon, mahaba at hindi na siya nagtaka dahil masayang-masaya ito. Kaya nakinig lang siya nang tahimik,
ARAW ng pag-alis ni Sherwin, ganoon din ni Juliet. Kaya masiyado silang abala sa araw na iyon, na sinamahan pa ng pag-iyak ni Sha-Sha.“Don’t leave, please!” pakiusap ng bata habang yakap sa batok ang tiyuhin.Si Shewin naman na buhat ito ay paulit-ulit na hinahaplos ang buhok at pisngi ng pamangkin. “Don’t cry, araw-araw naman akong tatawag.”Si Katherine na nasa tabi ay tiningnan ang kapatid, sabay iling. Alam niyang mahihirapan ito dahil magkaiba naman ang oras sa Canada at Pilipinas. Kasalukuyan silang nasa unit ng kapatid, sa mismong kwarto nito. Nakahanda na ang lahat at naibaba na rin sa first floor ang luggage. “Tara na at baka ma-late ka,” aniya.“No!” iyak ni Sha-Sha, lalong humigpit ang yakap sa tiyuhin.Napabuntong-hininga si Katherine sabay senyas sa kapatid. “Akin na si Sha-Sha.”Ayaw bumitaw ng bata kaya napilitan si Sherwin na ibaba ito. Lumapit naman si Katherine para kausapin nang masinsinan ang anak.“Baby, kapag hindi umalis si Uncle Sherwin mo—malulungkot si Lolo.
LUMALANGITNGIT nang malakas ang kama, animo ay mawawasak kapag nagpatuloy si Sherwin sa ginagawa. Ngunit sa halip na maghinay-hinay ay binilisan at mas binigyang puwersa ang pagb*yo.Sa puntong dumadaing na sa sakit si Laura, pero tinitiis niya dahil gaya nito—malapit na rin siya.Lalo pang binilisan ni Sherwin ang paggalaw, kaya mas bumibigat at bumibilis ang paghinga nilang dalawa.Makaraan ang ilang sandali ay sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan.Tagaktak ang pawis sa katawan ni Sherwin nang mahiga sa tabi ni Laura na naghahabol din ng hininga.May ngiti sa labi ng binata, tatawa-tawa pa nga pero si Laura ay nanatiling seryoso ang tingin at nakatitig sa kisame.Makalipas ang ilang sandali nang hindi na gaanong mabigat ang kanilang paghinga ay humarap ng higa si Sherwin. May lagkit niyang tinitigan ang pawisan nitong noo, saka niya maingat na pinunasan gamit ang likod ng kamay.Mula sa pagkatulala ay napatingin sa kanya si Laura, kaya ngumiti siya at pagkatapos ay inilapi







