Share

Chapter 40 - I'll Stand in His Place

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-12-16 21:09:08

NAHIGIT ni Laura ang hininga at mariing nilapat ang labi. Kahit na anong mangyari, hindi niya sasabihin na si Sherwin ang ama ng pinagbubuntis.

Umiwas siya ng tingin habang mahigpit na hawak ang sariling kamay sa ilalim ng kumot. Sa paraang iyon lang niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong iyon kahit na parang tambol ang puso niya sa lakas ng kabog.

“Hindi nga sabi ako buntis.”

Huminga nang malalim si Jude, ngunit nanatili pa rin ang madilim na ekspresyon kaya tinatansya ni Laura kung anong dapat gawin ng sandalin iyon.

“You don’t have to do this, Laura,” banayad at may kaunting lambing sa boses ni Jude.

Nang tingnan niya ang mukha nito, normal na ulit ang ekspresyon. Pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kamay niya.

“Kung ayaw mong sabihin kung sino siya, ayos lang. Pero ‘wag na ‘wag mong idi-deny ang anak natin.”

Sa narinig ay napakunot-noo siya, naguguluhan sa sinasabi nito. “Ano?”

Marahang hinaplos ni Jude ang kamay ng asawa, at tiningnan ito nang may lambing. “Sino man ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Salvie Cadivida
update po please ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 42 - He Confessed

    NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Katherine sa dalawa, naghihintay ng paliwanag pero wala man lang gustong magsalita.Tiningnan niya ang kaibigan pero umiwas lang ito ng tingin, bakas sa mukha ang guilt. Hanggang sa hinawakan siya ng kapatid sa kamay.“Do’n tayo sa unit ko mag-usap, Ate,” ani Sherwin.Nagpatianod naman siya pero napalingon pa kay Laura bago tuluyang pumasok sa unit ng kapatid.Pagkasara ng pinto ay tinitigan niya ang likod nito na naglalakad patungo sa sala. Nagpakawala siya ng buntong-hininga dahil nahihinuha na niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusapan nila.Pagkatapos ay sinundan niya ito at naupo sa sofa.“Anong gusto mong inumin—”“‘Wag ka nang mag-abala pa, gusto ko agad ng paliwanag mo,” putol niya sa sasabihin nito. Hindi na niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila roon.Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Sherwin, saka dahan-dahang lumingon paharap sa kapatid habang nakapamewang. “Anong gusto mong malaman?”Tumango-tango si Katherine. “A

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 41 - Keeping the Truth

    TINITIGAN ni Laura nang matagal si Jude, habang mariing nakakuyom ang kamay sa may hita. Gusto niyang makita kung naghihinala ba ito sa kanilang dalawa ni Sherwin, ngunit mukhang hindi naman.Pagtataka lang ang nakikita niya sa mga mata nito.“Hindi naman kami laging magkasama, kapag pumupunta lang siya sa unit ni Katherine para makikain,” sagot na lamang niya habang nakaiwas ang tingin.Tumango-tango si Jude sabay sandal sa upuan. “Nagkita kami ni Sherwin sa Canada…”Habang nagsasalita ito ay kinabahan siya. Baka kung ano-ano na ang pinagsasasabi ng binata kaya ganito na lamang ang mga tanong ni Jude.“Kung makaasta, parang bodyguard mo. ‘Wag daw akong ganito—ganyan sa’yo? Like, ‘di ko siya maintindihan. Kaya—”“Hayaan mo na lang siya, alam mo naman na may pagka-protective iyon,” ani Laura.“Gets ko naman na matagal na kayong magkaibigan, at malalim ang samahan niyong dalawa pero ako pa rin naman ang asawa mo. Kaya minsan, ‘di ko siya maintindihan. Napapaisip ako, na para bang niyaya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 40 - I'll Stand in His Place

    NAHIGIT ni Laura ang hininga at mariing nilapat ang labi. Kahit na anong mangyari, hindi niya sasabihin na si Sherwin ang ama ng pinagbubuntis.Umiwas siya ng tingin habang mahigpit na hawak ang sariling kamay sa ilalim ng kumot. Sa paraang iyon lang niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong iyon kahit na parang tambol ang puso niya sa lakas ng kabog.“Hindi nga sabi ako buntis.”Huminga nang malalim si Jude, ngunit nanatili pa rin ang madilim na ekspresyon kaya tinatansya ni Laura kung anong dapat gawin ng sandalin iyon.“You don’t have to do this, Laura,” banayad at may kaunting lambing sa boses ni Jude.Nang tingnan niya ang mukha nito, normal na ulit ang ekspresyon. Pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kamay niya.“Kung ayaw mong sabihin kung sino siya, ayos lang. Pero ‘wag na ‘wag mong idi-deny ang anak natin.”Sa narinig ay napakunot-noo siya, naguguluhan sa sinasabi nito. “Ano?”Marahang hinaplos ni Jude ang kamay ng asawa, at tiningnan ito nang may lambing. “Sino man ang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 39 - Who?

    NAG-OFFER ng tulong ang staff ng restaurant nang makitang may nahimatay, “May sasakyan po kami sa likod, Sir.”“Salamat,” ani Jude saka mabilis na sinundan ang lalakeng waiter patungo sa likod ng gusali.Tinuro nito ang isang mini van at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkatapos ay maingat niyang inihiga ang namumutlang si Laura sa likod. Saka niya tiningnan ang waiter na nasa labas pa.“Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pwedeng iwan ang trabaho,” paghingi nito ng paumanhin na kakamot-kamot pa sa ulo.Nilahad ni Jude ang kamay, hinihingi ang susi ng van. “Ako na lang ang magda-drive.” Pagkatapos ay kinuha ang passport. ”Iiwan ko ‘to sa’yo, babalikan ko na lang mamaya.” Para hindi nito isipin na itatakbo o modus ang lahat.Tumango naman ito at binigay ang susi ng mini van. Walang sinayang na oras si Jude at mabilis na lumipat sa driver seat at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na ospital.Nang makarating ay binuhat niya si Laura papasok. Lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang emerge

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 38 - Breaking Point

    BIGLAANG desisyon na bagama’t pagsisisihan ni Laura ay hindi naman niya babawiin. Pino-provoke siya ni Sherwin kaya gumanti siya at nang makita ang reaksyon nito ay na-satisfied siya.“Laura! Seryoso ka?” tanong ni Katherine, na nabigla rin gaya ng binata.Huminga siya nang malalim, kahit gustong sabihin na nagbibiro lang siya ay kailangan niyang panindigan dahil naroon si Sherwin. “Oo.”“Ba’t ‘di mo naman sinabi sa’kin? Nagkaayos na kayo ni Jude?” tanong muli ni Katherine sabay lapit at hinawakan ang magkabilang braso ng kaibigan.Kaysa magsinungaling muli ay tumango na lamang siya bilang sagot. “Sorry, ‘di ko agad nasabi sa’yo.”“Ayos lang,” ani Katherine.“Sige, kailangan ko nang umalis at baka ma-late pa ‘ko sa meeting place namin,” paalam niyang muli.Pagkabitaw sa kanya ni Katherine ay tumalikod na siya, ngunit nahagip ng paningin ang madilim na ekspresyon ni Sherwin. Saglit lang iyon, pero walang duda na galit na galit ito.Kaya ang normal na kilos ay naglahong bigla pagkalabas

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 37 - A Silent Hurt

    SURPRISINGLY, simula ng araw na iyon ay hindi na nagkrus ang landas nilang dalawa ni Sherwin. Ilang araw na silang hindi nagkikita—ni boses nga nito hindi niya naririnig kahit pa nasa katabing unit lang ito.Masakit at mahirap pero kinakaya niya dahil ito ang gusto niyang mangyari. Hiniling niya ito kaya dapat ay panindigan niya.Sa ikalimang araw, weekend iyon kaya tanghali na siyang bumangon—mag-a-alas-onse na rin iyon ng umaga. Iyon din ang araw na magkikita sila ni Jude.Pagtingin niya sa cellphone, may message ito sa kanya two hours ago.Jude: Boarding na kami. See you soon.Bumuntong-hininga siya saka hinawakan ang tiyan na bagama’t maliit pa rin—ay kapansin-pansin na ang pagbabago. May kaunti ng baby bump, kaya recently ay nagsusuot na siya ng maluluwag na damit. Kapag sa work naman ay lagi siyang naka-cardigan para walang makapuna.Laura: Okay.Reply niya sa message at pagkatapos ay tumayo na siya para makapagsipilyo at maghilamos. Habang nasa loob ng banyo, ay biglang ginutom

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status