Share

Chapter 88

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-11-30 23:43:35
NAPAKURAP si Katherine dahil hindi niya alam kung anong dapat i-react sa sinabi ng asawa. Wala naman kakaiba sa sinabi nito pero hindi niya maiwasang kiligin.

"Tara, bumalik na tayo sa kwarto natin," pag-aaya pa ni Cain tinanguhan nito. Pagpasok sa loob ay nahiga agad siya sa kama.

"Mag-shower ka muna bago matulog," saad ni Katherine.

Kahit inaantok na ay pagod na bumangon si Cain sa kama saka nagtungo sa banyo. "Gusto mong mag-shower rin? Sabay na tayo."

Nanliit ang mga mata ni Katherine sa sinabi nito. Dahil alam niyang may iba itong binabalak.

"Nag-quick shower ako sa kwarto ni Mama Helen," ani Katherine.

Napangisi lang si Cain saka sinara ang pinto ng banyo. Ngunit kahit nahimasmasan na sa lagaslas ng tubig ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang pakiramdam. Kanina niya pa kasi gustong halikan, haplusin at angkinin ang asawa.

Iniisip nga niyang humirit kahit isa lang. Pero paglabas ay naabutan niyang mahimbing nang natutulog ang asawa sa kama. "Katherine? Katherine, tulog ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (21)
goodnovel comment avatar
Rosemarie Labastida
itinigil kona ang pagbabasa kasi nakagalit na talaga paikot ikot lang
goodnovel comment avatar
Genedin Hernaez Vargas
nakakabwesit namang basahin ito sayang ang effort walang kwenta ang oa nang story pa ikot ikot
goodnovel comment avatar
Mhelz Carmelita
knu un bka ito d kn tin tpusin nkaka stress lang kc walang aral nmapupulot
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 269

    NASARAPAN si Katherine sa pagkain, iyon nga lang ay hindi niya masiyadong na-enjoy dahil kay Cain.Naaasiwa siya sa panaka-naka nitong titig. Binabalewala naman niya pero sadya lang talaga itong makulit. Kahit hindi naman niya kinakausap ay panay ang kuwento kaya hinahayaan na lamang niya hanggang sa maubos ang laway nito sa kakadaldal.Nang matapos niya ang pagkain ay tumayo na siya. "Tapos na 'kong kumain, salamat.""May dessert pa," ani Cain."Hindi na, busog naman na 'ko," tanggi niya."Okay, pero hindi pa 'ko tapos kumain.""Pa'no, walang kang ibang ginawa kundi ang titigan ako," bubulong-bulong niya pang sabi."Ano? May sinasabi ka?" ani Cain.Umiling si Katherine saka muling naupo. "Ubusin mo muna 'yan tapos umalis na tayo, gusto ko ng umuwi." Hihintayin niya na lang itong matapos kumain tutal at ito naman ang magbabayad."Iyong asawa mo pala, kumusta siya? Inaalagaan ka ba ng mabuti noon?" biglang tanong ni Cain.Napalunok naman ng laway si Katherine. Gawa-gawa lang naman niya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 268

    TININGNAN ni Margaret si Director Lim, nagpapahiwatig na gumawa ito ng paraan para hindi na magalit si Mrs. Lim. Malakas kasi ang hatak ng Ginang sa mga social gathering at ayaw niyang mapahiya sa mga kakilala."At talagang tinititigan mo pa ang babaerong 'yan sa harap ko?!" ani Mrs. Lim. "Pwes, magsama kayong dalawa!" Saka tinalikuran ang dalawa upang kunin ang bag sa table."Director! Habulin mo siya, gumawa ka ng paraan!"Kahit malamig ang paligid ay tagaktak naman ang pawis sa noo ni Mr. Lim. Paano ba naman kasi, huling pagkakataon na niya upang patunayan ang sariling nagbago na siya. Dahil kapag hindi, ay paniguradong hihiwalayan na siya ng asawa.At hindi iyon pwedeng mangyari dahil mawawala sa kanya ang posisyon. Papangit pa ang reputasyon niya sa kompanya ng pamilya nito."Ano pang hinihintay mo? Habulin mo na siya!" utos pang muli ni Margaret."'Wag mo 'kong mautos-utosang babae ka! Dahil sa'yo kaya mawawala sa'kin ang lahat!" Saka ito dinuro-duro sa mukha, kulang na nga lang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 267

    MARAHAN naglakad ng papalapit si Cain, ang yabag ng sapatos ay mabigat na animo ay isang ticking bomb na ano man sandali ay sasabog na lamang sa isang maling galaw.Maging si Katherine ay hindi maiwasang kabahan sa presensiya nito, lalo na nang tingnan siya.Pero ang mapanganib na tingin ni Cain ay naging maamo. "Okay ka lang ba?" malambing niyang tanong. "Anong ginawa nila sa'yo?"Umiling lang si Katherine. "Wala lang 'to, ayos lang ako."Kahit iyon ang sinabi ng asawa ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala. Nasaksihan niya at narinig na pinagtutulungan ito. Magkaganoon man ay bumuntong-hininga na lamang siya, tapos ay tiningnan nang masama ang Manager. "Anong klaseng restaurant 'to na namamahiya ng customer at pinaparatangan ng kung ano-ano?Napakurap at nakaramdam ng hiya ang Manager pero hindi naman natinag. "H-Hindi sa gano'n, Sir. Sa katunayan nga, ang inaayos namin ang gulong nangyari.""Gulo? Sinasabi mo bang nanggugulo ang asawa ko?"Nabigla ang Manager sa narinig. Sinong m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 266

    PAGKAUSAD ng trapiko ay muling nagtanong si Cain kung gusto ba nitong kumain ng dinner. Hindi man sumagot pero tumango si Katherine. Wala, gutom na talaga siya para mag-inarte pa.Napangiti naman si Cain dahil para sa kanya ay isang magandang senyales iyon upang magkaroon sila ng quality time.Mabuti na lang talaga at malapit sila sa BGC, madadala niya si Katherine sa magandang restaurant. Ayaw niya sa kung saan na lamang na kainan."Sa'n mo gustong kumain?" siyempre, ang asawa ang masusunod kung saan nito gusto."Ikaw ang bahala," ani Katherine habang nakatingin sa labas ng sasakyan dahil tumila na ang ulan.Nang makapili na nang makakainan ay ipinarada na ni Cain ang kotse, saktong tumunog ang phone kaya pinauna na niya ito sa loob. "Sasagutin ko lang 'to," aniya.Pagpasok naman ni Katherine ay nilapitan agad siya ng staff, tinanong kung may reservation o wala at kung mag-isa lang ba o may kasama "Wala kaming reservation ng isa 'kong kasama."Tumango naman ito at pagkatapos ay igin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 265

    NAKATUNGANGA lang si Katherine at panaka-naka ang tingin sa wall clock sa taas ng pinto. At pagpatak ng alas-singko ay tumayo na siya dahil oras na ng uwian.Paglabas ng opisina ay nasa kanya-kanya pang desk ang mga empleyado. Bigla siyang nahiya matapos pagtinginan ng mga ito. Pakiramdam niya tuloy, may nagawa siyang mali. Tuloy parang gusto niyang bumalik sa loob.Saktong lumabas naman sa opisina niya si Cain. "Uuwi ka na ba?""H-Hindi pa yata out," ani Katherine saka hinawakan ang pinto.Tiningnan naman ni Cain ang suot na relo saka inanunsiyo sa lahat na tapos na ang trabaho, "Bukas niyo na lang tapusin ang ginagawa niyo."Hindi pa agad gumalaw ang mga empleyado. Kanya-kanyang tingin sa mga kasama, naghihintay na may kumilos."Hindi niyo ba ako narinig?" ani Cain.Hanggang sa tumayo na sa desk si Joey at naglakad patungo sa elevator. "Ano pang hinihintay niyo? Uuwi na 'ko." Nang matapat sa dalawa ay bahagyang yumukod. "Mauuna na 'kong umuwi sa inyo, Sir... Ma'am." Tapos ay nagpatu

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 264

    SA ISANG IGLAP ay biglang sumabog si Katherine. "Ano?!" Nagtaas-baba pa nga ang dibdib dahil sa emosyong nararamdaman. "Nasisiraan ka na ba?!"Hindi naman na-offend si Cain sa narinig. Kalmado nga lang na tumayo saka nilapitan ang asawa. "Inaabot ng taon o mahigit pa ang annulment dito sa bansa.""So, what?" sarkasmong sabi ni Katherine.Nagkibit-balikat naman si Cain. "Wala lang, gusto ko lang sabihin sa'yong kahit pirmahan ko ngayon ang annulment papers ay mahaba-habang proseso pa ang mangyayari. Marami na 'kong iniisip at trabaho tapos dadagdag pa 'to? Baka naman kahit ito lang ay maging compensation ko na?""Babayaran na lang kita kung ayaw mo ng stress na maidudulot ng separation," ani Katherine.Natawa si Cain saka napakagat-labi. "Hindi ko kailangan ng pera mo. Marami ako niyan."'Yabang.'Muntik nang masabi ni Katherine. "Kung gano'n ay magsabi ka lang kung anong gusto mong kapalit, 'wag lang 'tong dini-demand mo."Umangat ang gilid ng labi ni Cain, halatang natutuwa. "Kaya ba

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 263

    HINDI muna pinaalis ni Juliet ang bisita. Inaya sila Sherwin na mag-stay kahit ilang minuto lang. Hindi naman tumanggi sila Katherine dahil magbibigay ng pasalubong ang kaibigan."Chocolates and biscuit para kay Sha-Sha saka may bag ako rito na magugustuhan mo," ani Laura habang hinahalungkat ang laman ng luggage."Meron bang para sa'kin?" hirit naman ni Sherwin sa pintuan, nakasandal at pinagmamasdan ang dalawa sa sahig."Chocolates na lang ang sa'yo, hindi ko kasi alam ang size mo," saad ni Laura.Tumango lang si Sherwin saka bumalik sa sala. Ang dalawa naman ay tuloy lang sa ginagawa. Hanggang sa matigilan si Laura, maya't maya ang tingin sa kaibigan. "Ahm, Katherine... May gusto sana akong sabihin."Nag-angat ng tingin si Katherine, naghihintay ng sasabihin nito.Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Laura, saka maingat na sinabi ang totoo, na kasal na silang dalawa ni Jude, "Sorry, kung ngayon ko lang 'to nasabi."Sumama ang loob ni Katherine sa narinig. Pakiramdam niya, nadaya

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 262

    MARIIN hinawakan ni Katherine ang handle ng cart saka bahagyang tinulak upang makalayo sa mag-ina. "Maiwan ko na kayo," aniya ng hindi tinitingnan ang dalawa.Pero bigla na lamang humabol si Amelia, ang tingin ay halatang asiwa. "I-Ikaw pala si Ms. Madrigal... Kaya pala tila pamilyar ka. Pinakita ni Diana ang picture mo habang ini-introduce ka sa'min." Pagkatapos ay tinuro ang nakatalikod na si Aaron. "Ang anak ko, kung ano man ang ginawa niya sa'yo ay ako na ang humihingi ng despensa."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Katherine. "Ayos lang po, wala na sa'kin 'yun. Hindi niyo kailangan na mag-sorry, wala kayong ginawang kasalanan." Dahil kung may kailangan man humingi ng kapatawaran, si Aaron iyon.Ngunit umalma ang binata nang marinig ang sinabi nito, "Sa'yo, balewala lang dahil hindi naman ikaw ang nasaktan.""Aaron!" saway muli ni Amelia sa anak."Ba't ako, 'Mmy? Wala naman akong ginawang masama. Siya at 'yung kasama niyang lalake ang gumawa nito sa pagmumukha ko!"Dahil sa taas ng

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 261

    NAGPALIPAT-LIPAT naman ng tingin si Sherwin sa dalawa at baka bigla na lamang magkainitan, maawat niya agad."Matagal na tayong hindi nagsasama, wala na rin akong natandaan tungkol sa'yo kaya tama lang na maghiwalay na tayo nang tuluyan," ani Katherine."Paninindigan mo talaga 'tong kalokohan mong may amnesia ka?""Kung ayaw mo maniwala, wala na 'kong magagawa pa pero tuloy ang annulment."Nagngitngit ang bagang ni Cain habang mariin nakakuyom ang kamao. Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari, hindi ngayong nagkrus na muli ang kanilang landas.Kahit kumukulo siya sa galit ay ayaw naman niyang takutin ang asawa at baka lalong lumayo kaya huminahon siya. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong dahilan kung ba't mo 'ko iniwan..." aniya, saka hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa table.Kumabog ang dibdib ni Katherine nang hawakan siya kaya mabilis niyang binawi ang kamay bago pa ito makahalatang apektado siya. "H-Hindi ko rin alam kung anong sinasabi mo," an

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status