MasukPara sa kalog at uhaw-sa-inspirasyon na romance writer na si Diane Zamora, madali lang isulat ang perpektong bilyonaryo, masungit, misteryoso, at marupok sa kama. Ngunit nang dahil sa kalasingan, nagkamali siya ng pinasukang kwarto at napadpad sa presidential suite ng totoong bilyonaryo na si Rolishun Rivera. Sa pag-aakalang isa itong 'premium escort' na bayad para sa kanyang hands-on research, walang-habas niyang inangkin ang kilalang 'Ice King' ng business world. Isang mainit na gabi at isang malaking pagkakamali ang pinagsaluhan nilang dalawa. Kinabukasan, matapos mahimasmasan, tumakas si Diane tangay ang kanyang sapatos at ang natitirang piraso ng kanyang dignidad. Inakala niyang ligtas na siya, ngunit hindi lang ang katawan ni Rolishun ang kanyang nabingwit, kundi pati na rin ang nakakandadong puso nito. Makalipas ang isang buwan, muling nagkrus ang kanilang landas nang matiyagang pumila ang bilyonaryo sa kanyang mismong book signing event. At sa muli nilang pagkikita, isa lang ang malinaw sa mga mata ng malamig na CEO: hindi na siya nito papakawalan pa hangga't hindi sila natatapos sa kanilang research.
Lihat lebih banyak“Isa pa nga, Kuya Bartender! Yung medyo may kurot sa lalamunan, ha!” sigaw ko habang iwinawagayway ang baso ko sa ere.
Umingay ang live band sa unahan ng bar, pero mas maingay ang selebrasyon sa loob ng utak ko. Kakatapos ko lang i-email kay Ma'am Becky, ang masungit kong editor, ang final manuscript ng pinakabago kong erotic romance novel. ‘The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack.’ O, ‘di ba? Title pa lang, nakakagutom na.
Bilang isang paboritong romance writer ng mga marurupok online, trabaho kong mag-isip ng mga eksenang nakakapagpapawis kahit naka-aircon. Sanay akong gumawa ng mga bidang lalaki na ubod ng yaman, malamig pa sa yelo ang ugali, pero kayang lumuhod at magmakaawa kapag nakita na ang babaeng mahal nila. Ang problema nga lang, hanggang sa MS Word ko lang sila nakakasama. Sa totoong buhay? Wala. Zero. Nganga. Ang huling boyfriend ko, iniwan ako kasi mas binibigyan ko pa raw ng pansin ang fictional abs ng mga character ko kaysa sa kanya. Eh ano bang magagawa ko kung mas masarap hawakan ang keyboard kaysa sa kamay niyang pasmado?
“Miss, baka masyado na kayong lasing,” nag-aalalang sabi ng bartender pagkalapag ng isa pang baso ng tequila sa harap ko.
“Ako? Lasing?” Tumawa ako nang malakas, yung tipong pang-kontrabida sa teleserye. “Hindi ako lasing, Kuya. Nagre-research lang ako para sa next book ko! Kailangan kong ma-experience ang totoong buhay!”
Inisang-lagok ko ang alak. Agh, sarap. Nag-iwan ito ng mainit na guhit sa lalamunan ko pababa sa sikmura ko. Paglapag ko ng baso, naramdaman ko na ang epekto ng kalasingan. Parang biglang naging rubber bands ang mga binti ko at nag-uumpisa nang mag-slow motion ang paligid.
Kinuha ko ang maliit kong bag at nag-iwan ng isang libo sa counter. “Keep the change, Kuya! Bili kang character development!”
Naglakad ako pasuray-suray palabas ng bar ng sikat at mamahaling hotel na ito. Dahil nakuha ko na ang advance royalty ko, nag-splurge ako at nag-book ng isang standard room sa 4th floor para mag-feeling rich naman ako kahit isang gabi lang. Isang mainit na gabi at alak lang sana ang plano ko para i-treat ang sarili ko.
Sumakay ako sa elevator. Sa sobrang labo ng paningin ko at sa bigat ng talukap ng mga mata ko, hindi ko na masyadong napansin kung anong button ang napindot ko. Basta ang alam ko, may number four.
Nang bumukas ang p***o ng elevator, sinalubong ako ng isang napakatahimik at napaka-eleganteng hallway. Wow, naisip ko. Ganito pala ang itsura ng 4th floor? Bakit parang mas mukhang mamahalin kaysa doon sa lobby?
Naglakad ako, hinahanap ang Room 404. Ang bawat hakbang ko sa makapal na carpet ay parang nagpapalutang sa akin. Nakita ko ang isang p***o sa dulo ng hallway na bahagyang nakaawang. May nakasulat na Presidential Suite, pero sa lasing kong utak, ang basa ko ay Room 404.
“Aha! Nandito ka lang palang kwarto ka,” bulong ko sa sarili ko.
Dahil sa kalasingan, imbes na sa sariling kuwarto, napadpad ako sa presidential suite kung saan nagpapahinga ang isang tao na hindi ko pa kilala nang mga oras na iyon.
Tinulak ko ang p***o. Bumungad sa akin ang isang napakalaking sala na may chandelier, malaking flat-screen TV, at bintanang floor-to-ceiling na nagpapakita ng buong city lights ng Maynila. Nalaglag ang panga ko.
“Grabe ka, Ma'am Becky...” bulong ko sa hangin. “In-upgrade mo ba ang room ko dahil best-seller na naman tayo? I love you na po talaga!”
Naghubad ako ng heels at itinapon iyon kung saan. Dumiretso ako sa loob, hinahanap ang higaan para makapag-dive na ako. Pero bago pa ako makarating sa bedroom, may narinig akong bumukas na p***o mula sa banyo. Huminto ako.
Isang lalaki ang lumabas.
At hindi lang siya basta lalaki. Para siyang estatwa ng isang Greek God na biglang nabuhay at naglakad sa carpet ng hotel. Basang-basa pa ang maitim at medyo mahaba niyang buhok. Nakatapis lang siya ng isang makapal na puting tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ang mga patak ng tubig ay mabagal na gumagapang pababa sa malapad niyang dibdib, dumaan sa perpektong hulma ng kanyang chiseled abs, at nawala sa ilalim ng tuwalya niya.
Napalunok ako. Mother of plot twists.
Tumigil ang lalaki nang makita ako. Ang kanyang mga mata, na kulay tsokolate na may halong yelo sa sobrang lamig ng tingin, ay naningkit. Matangkad siya, siguro mga 6'2", at ang aura niya ay sumisigaw ng awtoridad, kapangyarihan, at... panganib sa sarap. Kung nasa katinuan ako, baka kumaripas na ako ng takbo palabas. Pero lasing ang isip ko, at ang erotic romance writer kong utak ay biglang nag-overdrive.
“Who the hell are you?” boses niya'y malalim, paos, at parang kulog na yumanig sa buong kwarto. “And how did you get past my security?”
Dahan-dahan akong ngumiti, yung ngiting akala ko ay seductive pero baka mukha na akong asong ulol. Naglakad ako palapit sa kanya.
“Ang galing talaga ni Ma'am Becky,” mangha kong sabi habang iniikutan siya. Amoy na amoy ko ang mamahaling mint body wash na gamit niya, humahalo sa natural niyang musky scent. “Nagpadala pa ng premium research material. Magkano ang binayad sa'yo, Kuya? Package deal ba 'to kasama ng kwarto?”
Lalong kumunot ang noo niya, halos magsalubong na ang makakapal niyang kilay. “What nonsense are you talking about? Get out of my suite before I call the guards and have you arrested.”
Hinawakan ko siya sa braso. Shet. Ang tigas. Wala 'tong taba.
“Huwag ka nang umarte, Kuya. Alam ko namang trabaho mo 'to. Premium escort ka, 'no?” Inilapit ko ang mukha ko sa dibdib niya at huminga nang malalim. “Ang bango mo naman. Anong pangalan mo? Armando? Alejandro? Or gusto mo bang tawagin kitang Sir?”
Naramdaman ko ang pag-igting ng mga kalamnan niya. Mabilis niyang hinuli ang magkabilang pulso ko at inilayo ako sa kanya. Ang hawak niya ay mahigpit, mainit, at may babala.
“I don't know who sent you, or what kind of sick joke this is,” malamig niyang sabi, ang mga mata niya ay tumatagos sa kaluluwa ko. “But I am not a damn escort. I am Rolishun Rivera.”
Rolishun Rivera. Ang pangalan ay parang pamilyar, parang nabasa ko na sa Forbes Magazine o sa business section ng dyaryo. Pero sa isip ko, napakagandang stage name nito.
“Wow. Rolishun Rivera. Ang taray ng name. Bagay sa cold billionaire trope,” pumalakpak pa ako nang mahina, tuwang-tuwa sa characterization niya. “Ang galing mo sa role play, ah! You're hired! Alam mo, kailangan ko ng ‘hands-on experience’ para sa Chapter 15 ng isinusulat kong nobela. Medyo nahihirapan kasi akong i-describe kung paano mag-init ang isang cold CEO. Kaya mo ba 'yon, Rolishun?”
Tinitigan niya ako na parang tinubuan ako ng tatlong ulo. Ang malamig niyang ekspresyon ay napalitan ng pagkabigla, at pagkatapos ay isang kakaibang kinang sa kanyang mga mata. Isang kuwartong hindi ko dapat pinasukan ang naging simula ng lahat.
Binitawan niya ang isang pulso ko, pero ang kabilang kamay niya ay gumapang papunta sa bewang ko. Isang malakas na hila at bumangga ang katawan ko sa matigas niyang dibdib. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang init ng balat niya sa manipis kong damit.
“You think this is a game?” bulong niya, ang mukha niya ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin. “You barge into my suite, insult me, and now you want to use me for your... research?”
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi na ito dahil sa alak. Dahil ito sa kaba... at sa kakaibang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko dahil sa lapit namin sa isa't isa.
“Bakit?” matapang kong sagot, tinitingala siya. “Bawal ba? O baka naman... takot kang mapatunayan na hanggang cold aura ka lang at wala kang ibubuga sa kama?”
Biglang nagdilim ang mga mata ni Rolishun. Isang mapanganib at pilyong ngisi ang sumilay sa kanyang labi, isang ngiting hindi nababagay sa kilalang yelong CEO.
“Careful what you wish for, little writer,” paos niyang babala bago niya hinapit ang bewang ko nang mas mahigpit. “Because once I start this 'research' of yours... I don't stop until I'm satisfied.”
Literal na kumakaladkad.Hindi ko alam kung ganyan ba talaga maglakad ang mga bilyonaryo o sadyang mahaba lang ang mga binti niya, pero halos magkandapatid-patid na ako sa suot kong stilettos habang hila-hila niya ako palabas ng event area. Ang higpit ng hawak ng malapad niyang kamay sa siko ko. Pakiramdam ko, kapag pumalag ako, mababali ang buto ko.“Rolishun! Ano ba! Bitawan mo nga ako!” pabulong na sigaw ko, pilit na ngumingiti sa mga nakasalubong naming readers na nagtataka kung bakit ako kinakaladkad ng isang mukhang modelong naka-suit. “Kidnapping ‘to, uy! Pag nakita tayo ng guard, ipapahuli talaga kita!”Isang malamig na ngisi lang ang isinukli niya nang hindi man lang nililingon ang nagwawala kong pigura. “Go ahead. Scream for help, Diane. Let’s see who they’ll listen to.”Nang dumaan kami sa main entrance ng mall, humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang dalawang naglalakihang security guard. This is it. My heroic rescue.“Kuya Guard! Tulong! Kinikidnap po ako ng ta
Isang buong buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang 'The Great Presidential Suite Escape' ko. At sa loob ng isang buwan na iyon, dalawang bagay lang ang na-realize ko. Una, ang hirap palang mag-move on kapag ang naka-one-night stand mo ay may naglalakihang billboard sa EDSA. At pangalawa, nagka-writer's block ako nang napakalala.Paano ba naman hindi? Tuwing bubuksan ko ang MS Word para simulan ang bago kong draft, naiisip ko yung pawisang likod ni Rolishun. Kapag tina-type ko ang salitang 'chiseled abs,' nai-imagine ko yung perpektong hulma ng tiyan niya bago niya ako tuluyang angkinin. Kapag sinusulat ko ang linyang 'malamig ngunit nakakapapasong halik,' nagpa-palpitate agad ang puso ko. Nasira na niya ang fictional standards ko! Gusto ko tuloy idemanda ang Rivera Empire for emotional damages at loss of income."Miss Diane, pa-sign po! 'Yung may 'To my fellow marupok' sana," masiglang sabi ng isang reader na nagpabalik sa akin sa reyalidad.Nandito ako ngayon sa paborito kon
Tuluyan nang bumagsak sa magkabilang braso ko ang manipis na silk dress na suot ko, kasunod ng pag-uumpisa ng isang eksenang siguradong bubura sa lahat ng outlines at drafts na nakasave sa laptop ko.Kung bibigyan ko ng rating ang pacing ng ginagawa ni Rolishun, big solid five stars ito. Walang dragging scenes. Walang unnecessary dialogues. Diretso sa main plot.Naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa aircon ng presidential suite na dumampi sa balat ko, pero agad din itong napalitan ng nagbabagang init nang idikit ni Rolishun ang katawan niya sa akin. Bawat haplos ng malalaki at magagaspang niyang palad ay parang nag-iiwan ng apoy sa balat ko.“You’re beautiful,” paos niyang bulong, ang boses niya ay parang musika na nagpapanindig ng mga balahibo ko. “And you talk too much.”Bago pa ako makasagot at maipagtanggol ang verbal diarrhea ko, sinakop na naman niya ang mga labi ko. Isang halik na malalim, nag-aangkin, at nakakalunod. Nawala na sa isip ko kung anong kulay ng underwear ang
“Careful what you wish for, little writer,” paos niyang babala. “Because once I start this 'research' of yours... I don't stop until I'm satisfied.”Bago pa man ma-process ng lasing kong utak ang sinabi niya, naramdaman ko na lang ang pag-angkin ng mga labi niya sa labi ko.Holy plot twist.Nanlaki ang mga mata ko. Sa dami ng isinulat kong kissing scenes, yung tipong umaabot ng tatlong paragraphs para lang i-describe kung paano naglapat ang kanilang mga labi, kung paano nag-away ang kanilang mga hininga, at kung paano sumabog ang mga bituin sa kalawakan, wala, as in wala, sa mga iyon ang makakapantay sa ginagawa ng lalaking ito ngayon.Hindi ito yung gentle at sweet na first kiss ng mga pa-cute na teen romance. At lalong hindi ito yung tentative na halik ng mga nagkakapaan pa lang na characters. Ito? Ang halik ni Rolishun Rivera ay parang isang bagyo na bigla na lang nanira ng bubong ng bahay nang walang pasabi. Mapusok. Nag-aangkin. Uhaw.At bilang isang dedicated na manunulat, ano p






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.