Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Victor DeLuca, malakas at walang pigil, tila ba nananabik sa bawat salitang naririnig. Tumango-tango siya habang pinaglalaruan ang hawak na baso ng alak, nakasandal sa upuan na parang nasa sarili niyang trono.Ngumisi ang misteryosong lalaki, ang tinatawag nilang "mastermind," ngunit sa madilim na silid, ang mga mata lamang nito ang kumikislap. "Hindi na magtatagal," wika niya sa malamig at kalmadong tinig, "at luluhod ang Everest Corporation sa sariling mga kasalanan." Tumagilid ang kanyang ulo, nakatingin kay Angelo na nakaupo sa tabi. "Siguraduhin mong may maiiwang 'pulbos' sa bodega," utos niya.Tumango agad si Angelo, diretso at walang pag-aalinlangan. "Walang magiging problema," magalang niyang tugon.Hinawi ni Catriona ang kanyang buhok, ang kanyang mga mata'y kumikislap na parang may sariling lihim na kasiyahan. "Handa na rin ang mga scapegoat na buyer," dagdag niya. "Kapag natapos ang operasyon, sila ang unang mahuhuli."Tumango ang maste
Tahimik na umupo si Victor sa bakanteng upuan, habang ang tingin niya ay nagliliyab."Talunan, huh?" bulong niya, naglalaro ang ngiti sa labi. "We'll see… who's the loser when this is all over."Ang mastermind ay nanatiling nakangisi, parang nag-eenjoy sa tensyon."Exactly why I called you here," mahinang sabi niya. "Because when Everest Corp falls… I want Richard Gold to know it wasn't just one man's hand that pushed him down. It was an entire empire."Humalakhak nang mahina si Victor, malamig at puno ng pananabik."Then let's burn his empire to the ground."Tahimik na nakaupo ang lahat, naghihintay ng susunod na sasabihin ng misteryosong lalaki. Sa manipis na usok ng sigarilyo, dahan-dahan siyang nagsalita, malamig ang tinig at mabagal ang bawat salita, parang isang maestro na nagdidikta ng simponiya ng kaguluhan."Walang… nagmamadali," wika niya, tinapik-tapik ang abo ng sigarilyo sa mamahaling crystal ashtray. "Hindi ito karera, gentlemen. Ito ay isang larong pangmatagalan. At sa
Sa isang silid na halos nalunod sa dilim, tanging ang mahina at malamlam na ilaw mula sa isang lamp shade ang nagbibigay ng liwanag. Ang mga mukha ng pito—ang anim na galamay at si Chase—ay bahagyang nakalubog sa anino, parang mga sundalong nakatago sa ilalim ng mga maskara. Sa dulo ng mahaba at makintab na mesa, may isang lalaking halos hindi makita ang buong itsura; nakaupo siya nang nakasandal, nakatago ang kalahati ng mukha sa lilim, tanging ang mapupulang sinag ng kanyang yosi ang paminsan-minsang nagpapakita ng hugis ng kanyang labi. Hindi kailangang makita nang malinaw ang kanyang mukha; sapat na ang presensiya niya para manlamig ang silid."Report," malamig at mababang boses ang pumuno sa katahimikan. Tahimik na tumayo ang anim, kasama si Chase, parang sundalong susunod sa utos.Unang nagsalita sina Paulo at Angelo, parehong seryoso at alerto, nakaupo nang tuwid habang nag-uulat."Walang sablay, sir," sabi ni Paulo, bahagyang nakayuko. "Naitago nang maayos ang pagpapalit ng sh
Nagsalita si Bernard, mariin ang tono."Hindi tayo pwedeng kumilos kaagad. Lalo na't baka malagay sa alanganin ang Everest Corp kapag nagkamali tayo ng galaw."Tumango si Richard, ngunit nanatiling mariin ang ekspresyon."Sa ngayon, kailangan muna nating malaman kung sino talaga ang mga taong ito. Mukhang nililigaw tayo sa isang bagay." Ikinuyom niya ang kamao, pinipigil ang galit.Dumagdag si Fae, bahagyang nakakunot ang noo."Kung tama ang isa pang hinala ko, palabas lang na malalapit ang mga taong ito kay Chase. At siguradong alam ng kabilang partido na gagawin natin ang hakbang na iyon — background check… para iligaw tayo."Natahimik sila nang ilang sandali hanggang biglang tumunog ang phone ni Kevin, kinuha niya ito at binasa ang isang mensahe. Kinabahan ang tono nito."B-Boss…" nag-aatubili niyang sambit, hindi alam kung dapat bang ituloy."Ituloy mo," malamig ngunit kalmado ang tinig ni Richard.Huminga nang malalim si Kevin bago nagsalita."Same result… gaya ng una."Muling na
Sinimulang ilatag ni Fae ang lahat ng kanyang natutunan, mula sa kung paano napakalinaw at malinis ang gawa ng kalaban—halos walang kahina-hinala sa unang tingin—hanggang sa kung paano siya napunta sa logistics area at kung paano niya nakuha ang papel na hawak niya ngayon.Nagkatinginan sina Richard, Kevin, at Bernard, tila nagtataka kung ano ang hawak niya. Dahan-dahan, itinaas ni Fae ang papel at ngumiti."Ito ang record ng shipment para sa susunod na linggo," sabi niya.Nagtaas ng kilay si Richard. "Shipment record? So… normal lang ba yan o may kakaiba?"Ngumisi si Fae, parang may tinatagong sikreto. "Hindi siya ordinaryo. May kakaibang pattern dito.""Pattern?" ulit ni Bernard, nakasandal habang nakikinig.Tumango si Fae. "Kung titignan, iisang address lang ang pinapadalhan pero iba-iba ang pangalan ng consignee. At kung susuriin pa, may dalawang magkaibang street sa shipping address… pero pareho lang ang lokasyon kung saan nakaturo."Napakunot noo si Kevin. "Parang diversion tact
Nakasakay si Fae sa passenger seat habang nagmamaneho si Richard pabalik sa kanilang villa. Nanatiling tahimik dalawa, tanging ugong ng makina at ilaw ng kalsada ang kasama sa biyahe.Pagkaraan ng ilang minuto, nagsalita si Richard, hindi inaalis ang tingin sa kalsada."Kumusta ang work? Hindi ka ba napagod?"Umiling si Fae at bahagyang ngumiti. "Kung sa work, wala namang problema. Maayos naman lahat sa HR. Pero…" napabuntong-hininga siya at tumingin sa bintana, "kung sa mission, medyo sumakit ang ulo ko."Napatingin sandali si Richard, saka muling bumalik ang mga mata niya sa daan. "Ganun ba kabigat?"Umikot ang mga mata ni Fae at natawa nang mahina. "Hindi naman gano'n kabigat… pero nakakainis din kung minsan. Parang ang daming layers bago makarating sa sagot."Nagkibit-balikat si Richard, parang walang gaanong pakialam pero halata ang concern sa tono. "At least, sanay ka na sa ganyang palaisipan. Ako? Mas gusto ko yung diretsuhan—sabihin kung sino, puntahan, tapos."Umiling si Fae,