LOGINOne night of reckless passion. A lifetime of consequences. Selene Flores never imagined her fifth anniversary would end with her heart shattered into pieces. Catching her boyfriend in bed with her best friend was the final straw—five years of forgiving his betrayals, gone in an instant. Drowning her sorrows at Eclipse, Manila's most exclusive club, Selene makes a decision that will change everything: give away what she's been saving to a devastatingly handsome stranger. No names, no numbers, no strings attached. Just one night to forget the pain. Drake Valencia didn't plan on being captivated by the heartbroken woman at the bar. As heir to a real estate empire, he's used to getting what he wants—but she disappears before dawn, leaving him with nothing but memories of the most intense night of his life. Dayss later, Selene walks into a conference room and comes face-to-face with her one-night stand. Drake Valencia. Her new boss. And he has no intention of letting her slip away again. What starts as an impossible attraction becomes an undeniable connection. But navigating a relationship built on secrets, societal pressure, and a night they were supposed to forget won't be easy. His family's disapproval, her career ambitions, and the scars of her past threaten to tear them apart. From strangers to lovers, from passion to partnership—can a relationship born from one reckless night survive the weight of forever?
View MoreLIMANG TAON.
Ganoon katagal ang inaksaya ni Selene Flores sa lalaking akala niya ay magiging "forever" niya. Pero sa gabing ito, sa mismong gabi na dapat ay ipinagdiriwang nila ang kanilang fifth anniversary—nalaman niyang limang taon lang pala siyang nagpakatanga. Limang taon siyang nag-aksaya ng oras sa maling tao. Nakatayo si Selene sa harap ng pinto ng condo ni Tristan. Hawak-hawak niya ang paper bag na puno ng surprises—may wine, may pagkaing paborito nito, at isang maliit na box na naglalaman ng limited edition cufflinks na matagal niyang pinag-ipunan. Isama mo pa ang kase-set up lang niyang lingerie sa ilalim ng suot niya. Akala niya, ngayong gabi na magpo-propose si Tristan. Limang taon na sila. Tangina, sobrang tagal na niyon. Lahat ng kakilala nila, kung hindi kasal ay engage na. Sila lang ni Tristan ang parang stuck sa limbo. Boyfriend-girlfriend lang. Walang usad. Walang upgrade. Pero okay lang, bulong niya sa sarili noon. Mahal naman niya si Tristan, eh. At mahal din siya nito. O baka sadyang pinanganak lang siyang tanga. Binuksan niya ang pinto gamit ang kaniyang spare key. Tahimik siyang pumasok; gusto niyang mapatalon sa gulat at kilig ang boyfriend niya. In-imagine na niya ang magiging reaction nito—yung effort niya, yung ngiti nito, yung yakap... Pero narinig niya ang ingay mula sa living room. Noong una, akala niya TV lang iyon. Baka nanonood si Tristan ng action movie. Pero habang papalapit siya, mas lumilinaw ang tunog. Ungol. Daing. Yung tipong... yung tipong hindi mo dapat naririnig sa national television. Napatigil si Selene sa gilid ng hallway. Parang may kumulong asido sa dibdib niya. Alam na niya kung ano ang makikita niya, pero ang tanga-tangang utak niya, ayaw pa ring maniwala. ‘Please, huwag naman sana...’ dasal niya sa sarili. ‘Please, please, please—’ Pero nang sumilip siya sa living room... CRASH. Nahulog ang paper bag na hawak niya. Nabasag ang wine bottle sa marble floor. Red wine everywhere. Pero mas "red flag" pa ang nakita niya sa couch. Si Tristan. At si Ashley. N*******d. Nakapatong si Ashley sa boyfriend niya. Tangina. Nakapatong ang babae kay Tristan, mga mukha nilang halos magkadikit, mga katawan nilang magkasalikop, at— Fuck. Fuck, fuck, fuck. Sabay na napatingin ang dalawa kay Selene. Nanlaki ang mga mata ni Ashley at agad itong sumigaw sabay hablot ng throw blanket para itakip sa katawan niya. Yung blanket na regalo ni Selene kay Tristan noong nakaraang Pasko. Tangina talaga. Tumayo si Tristan. N*******d pa rin ito—walang kahihiyan. Nag-panic lang ito nang kaunti, pero ang mas nakakasulasok? Mukha siyang inis. Inis dahil na-disturbo ang "session" nila. "Selene—" panimula ni Tristan habang naglalakad palapit sa kaniya. Agad na umurong si Selene. Hindi niya kayang tingnan ang lalaki nang diretso. Alam niya, kapag tiningnan niya ito, iiyak siya. At ayaw niyang mangyari 'yun. Ayaw niyang makita ni Tristan na wasak na wasak siya. Dahil tangina, sobrang sakit na parang binibiyak ang puso niya. "Baby, wait!" sigaw ni Tristan. "It's not what it looks like!" Napatigil si Selene. Hindi dahil naniwala siya, kundi dahil... natawa siya. Natawa siya dahil, tangina, ganoon ba talaga? Ganoon ba ka-cliché ang buhay niya? Parang pelikula lang? Parang sa mga napapanuod niya sa mga teleserye sa TV? ‘It's not what it looks like.’ Bitch, huwag ako. Nakita niya lahat. Kitang-kita ng dalawang mata niya. Kaya tumalikod na si Selene. Naglakad siya pabalik sa pinto nang hindi lumilingon. Iniwan niya ang basag na wine bottle, ang pagkain, ang cufflinks. Iniwan niya ang lahat. Kasama na ang limang taon nila ni Tristan. "Sel, please! Let me explain!" pahabol na sigaw ni Tristan sa likuran niya. Pero hindi na siya tumigil. Lumabas siya ng condo at isinara ang pinto nang pagkalakas-lakas. Halos tumakbo siya patungong elevator dahil nararamdaman niyang anumang sandali ay guguho na siya. Pagpindot niya ng button, nanginginig ang kaniyang kamay. Pagbukas ng elevator, blurred na ang paningin niya. At pagpasok niya sa loob... doon na pumatak ang traydor na luha. Tangina. Limang taon. Limang taon niyang ibinigay ang lahat kay Tristan. Oras, effort, tiwala—ubos. Limang taon niyang ipinagtanggol ang lalaki sa mga kaibigan niyang nagsasabing babaero ito at hindi kailanman magiging faithful. Limang taon niyang niloloko ang sarili niya na, "No, si Tristan, special. Si Tristan, magbabago para sa akin." Pero gago lang pala talaga siya. Pagdating niya sa parking lot, patakbo siyang pumunta sa kotse niya. Pagkasakay ay ni-lock niya agad ang pinto bago hinayaang bumuhos ang lahat. Umiyak si Selene nang malakas—yung tipong halos hindi na siya makahinga, yung tipong gusto na niyang mamatay sa sobrang sakit. Pero hindi. Dahil mas nangingibabaw na ang galit kaysa sa pait. Galit kay Tristan na niloko siya. Galit kay Ashley na kumabit sa kaniya. Pero mas galit siya sa sarili niya. Bakit niya hinayaan? Bakit pinilit niya pa ring maniwala? Alam naman niya, eh. Alam niyang may mga ibang babae si Tristan. Marami. Ilang beses na niyang nahuli. Pero pinapatawad niya. Paulit-ulit. Kasi ang mantra niya: "Mahal niya ako. Magbabago siya." Pero hindi. Hindi nga. Ilang minuto siyang nakasubsob sa steering wheel bago niya napansin ang phone niya. Walang tigil ang pag-vibrate nito. Maraming missed calls. Tristan. Ashley. Mika. Ang iba pa nilang kaibigan. Madiing pinindot ni Selene ang power button at ini-off ang phone. Ayaw niyang may kumausap sa kaniya ngayon. Pinaandar niya ang kotse. Nag-drive siya nang walang patutunguhan. Gusto lang niyang lumayo. Dumaan siya sa EDSA, sa Makati, sa BGC. Ang daming tao, ang daming kotse. Lahat sila, parang normal lang ang buhay—parang walang mundong gumuho. Naiinggit siya. Huminto siya sa isang red light nang mapansin niya ang isang neon sign sa kanan. Eclipse. Ang club na palagi niyang nadadaanan pero hinding-hindi niya kailanman pinasok. Bakit? Dahil expensive. Sosyal. Hindi iyon ang tipo ng lugar na pupuntahan ng isang "good girl" na tulad niya. Pero ngayong gabi... Ngayong gabi, wala na siyang pakialam. Gusto niyang makalimot. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak. Gusto niyang maging ibang tao. Hindi na ang "Selene na good girl," ang "Selene na laging mauunawain," o ang "Selene na laging talo." Gusto niyang maging ang Selene na walang pakialam sa mundo. Kaya pumasok siya.SELENE FLORES POVChapter 54IIsang linggo na naman ang nakalipas ng halo-halong emosyon,lungkot, galit, pag-asa, at takot. Paulit-ulit. Animo'y parang rollercoaster na hindi ko kontrolado.Pero isang linggong iyon, may nagbago.Hindi ko alam kung ano o paano, pero parang unti-unting bumabawi ang mundo sa pagpapahirap sa akin. Hindi naman totally okay dahil malayong-malayo sa katotohanan ng estado ng puso ko ngayon, pero parang may liwanag na sumisilip sa dulo ng mahaba at madilim na tunnel na kinaroroonan ko.Ang S.F. Design Studio? Tuloy-tuloy ang pag-angat nito. Dumadami ang clients. Lumalaki ang portfolio. At sa wakas, nakakapag-focus na ulit ako nang hindi umiiyak sa gitna ng meeting.Si Mika? Araw-araw nagte-text. Hindi na masyadong pushy tungkol kay Drake. Sa katunayan ay mas focus siya sa akin, lagi itong nagtatanong kung kumakain ba ako, kung natutulog ba ako, kung okay lang ako. At kahit papano, malaking tulong iyon.Si Drake?Araw-araw may simpleng message. Hindi naman nag
Selene Flores POVTatlong linggo ko sinubukang mag-isa. Tatlong linggong pinilit na ituon ang atensyon sa trabaho, sa studio, sa mga designs na kailangang ipasa. Kung may isang bagay na nagligtas sa akin sa mga oras na gusto ko nang sumuko, iyon ay ang S.F. Design Studio.Araw-araw, pumapasok ako nang maaga. Umuuwi nang hatinggabi. Iniiwasan ang lahat ng puwedeng magpaalala sa akin kay Drake, kasama na ang pagdaan sa mga lugar na pinupuntahan namin, ang pagkain ng mga pagkaing pinagsaluhan namin, at ang pagsuot ng mga damit na regalo niya.Pero hindi ko maalis ang singsing.Nakatingin ako rito habang nagkakape sa opisina. Mag-isa. Alas-otso ng gabi. Walang ibang tao kundi ako at ang mga blueprint na nakakalat sa mesa."Selene?"Napalingon ako. Si Carla, ang secretary ko, nakatayo sa may pinto."Ms. Carla? Akala ko umuwi ka na," sabi ko, nagtataka."Dapat po," sabi niya, nag-aalangang pumasok. "Pero may... may nagpapahatid po sa inyo nito."Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kaho
SELENE FLORES POV Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin si Drake. Hindi dahil handa na ako. Hindi dahil okay na ako. Kundi dahil kailangan kong marinig galing sa kanya nang personal, at harapin ang lahat kahit na durog na durog na ako. Nagkita kami sa Tagaytay. Sa parehong lugar kung saan siya lumuhod at nagbigay sa akin ng singsing na iyon. Nang makita ko siya, parang may pumitik sa dibdib ko. Ang dating pogi niyang mukha ay mababanaag na ang kapayatan. May malalim na eyebags. Halatang hindi kumakain, hindi natutulog. "Selene," sabi niya, basag ang boses. "Sabihin mo sa akin," simula ko, diretso sa mata niya. "Lahat. Wala kang itatago. Ngayon na." At ginawa niya iyon. Kinwento niya ang lahat, mula sa gabing iyon hanggang sa kung paano niya dinala ang lihim na iyon nang ilang linggo. Umiiyak siya habang nagsasalita. Nanginginig. Basag na basag. At sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, ramdam ko ang sincerity niya. Ramdam ko ang pagsisis
SELENE FLORES POV Tatlong araw. Tatlong araw akong hindi bumangon mula sa kama. Hindi ko binuksan ang pinto ng condo ko kahit kanino. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Mika. Hindi ko binasa ang sunod-sunod na messages ni Drake na dumadating sa phone ko na parang walang katapusang alon. Basta nakahiga lang ako. Nakatingin sa kisame. Paulit-ulit na pinapatugtog sa utak ko ang mga salitang iyon. Buntis siya, Selene. Anim na linggo na raw. Anim na linggo. Anim na linggong may lihim siyang dala-dala. Anim na linggong may kasinungalingan sa pagitan namin, habang ako, akala ko okay na ang lahat. Akala ko, wala nang tinatago. Akala ko, sa wakas, totoo na ang lahat. Gago pa rin pala ako. Sa ikaapat na araw, may kumatok sa pinto ng condo ko. Malakas. Paulit-ulit. Hindi tumitigil. "Selene! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto na 'to o ipapasara ko ito sa'yo gamit ang mukha ko!" boses ni Mika. Hindi ako kumilos. "Selene Marie Flores! Bibilang ako hanggang tatlo! Isa... dalawa...












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.