Gulp!Napalunok nang mariin si Fae bago lumingon sa kanan.Tumingin siya sa katawan ng lalaki—may pagtataka sa kanyang mga mata, sunod-sunod ang tibok ng kanyang puso.Tumingala siya nang dahan-dahan. Inalis ang unan na nakapatong sa mukha ng lalaki, marahang parang natatakot sa kung anong matutuklasan.Hanggang sa..."Haaaah," napabuntong-hininga siya."Si Richard…" mahina niyang bulong, nakahinga siya nang maluwag.Sa sandaling iyon, gumalaw ang katawan ng lalaki at dumilat ang mga mata.Nag-unat si Richard at naupo sa kama."Good morning, hon," sabi niya, sabay ngiting parang walang nangyari.Kaagad na hinila ni Fae ang kumot sa katawan niya—napagtanto niyang naka-bra lang siya at walang damit pang-itaas."Richard?" tanong niya agad. "Anong nangyari kagabi? Bakit... bakit nasa hotel tayo? At—bakit wala akong damit? May… may ginawa ka ba sa akin?" tanong niya, puno ng pag-aalinlangan at kaba.Ngumiti nang mapaglaro si Richard. "Hindi mo ba talaga naaalala kung anong ginawa mo sa aki
"Cheers, mga beshies," nakangiting sabi ni Jane habang sinisilip ang bawat mukha sa lamesa.Ngumiti ang lahat habang sabay-sabay nilang tinaas ang baso.Habang nagtatawanan at nagbabalikan sa masasayang kwento ng college days, tahimik lang si Richard. Hindi siya uminom, ngunit inikot ang mata sa mga baso. Walang kakaibang kulay. Walang amoy. Walang mali sa texture."Wala sa alak…" bulong niya sa isip. "Ano bang pinaplano ng babaeng 'to?" sabay higop ng alak."Naalala n'yo ba nung nahuli tayong kumain sa pantry nina Ma'am Elvie? Grabe, halos lahat tayo hindi nakatapos ng plates noon," tawa ni Mica habang tinuturo si Troy."Ay! Oo nga! At ang dahilan ng lahat... si Troy!" sigaw ng isa."Eh crush n'ya kasi si Fae noon kaya sinusundan kahit saan," sabat pa ng isa.Tumawa ang lahat, maliban kay Fae, na pilit na ngumingiti lang. Si Richard naman ay ngumiti rin ngunit patuloy na nagbabantay.Sa bawat pagkakalahati ng baso, napapansin ni Richard na agad na sinasalinan ng waiter. Paulit-ulit.
Lumingon si Fae. Si Richard iyon—preskong-presko ang itsura, naka-roll-up ang sleeves at may hawak na susi ng kotse. Tumigil ang hininga ni Troy habang si Jane ay napilitang ngumiti."Mininsan lang 'to. Baka mamaya, mag-enjoy ka pa. Saka… nakakamiss din ang college friends 'di ba?" nakangiting sabi ni Richard habang lumalapit."Siyempre, puwede ka rin sumama, Richard. Para hindi OP si Fae," sagot ni Jane."Casual lang naman talaga. Para lang makumpleto ang barkada," dagdag ni Troy.Tahimik si Fae saglit. Ngunit nang inabot ni Richard ang bag niya para buhatin, at sinabayan ng mahinang bulong, "Kung ayaw mo, sabihin mo. Pero kung feeling mo may something off, samahan na lang kita," doon siya nakapagdesisyon."O-okay. Pero sandali lang ha? May maaga akong meeting bukas," sagot ni Fae.Hindi maitago ng dalawa ang pananabik. Lalo na si Jane, na hindi inaasahang sasama si Richard.Habang naglalakad palabas si Richard at Fae, nakabuntot sina Jane at Troy, walang masabi.Pagkababa nila sa pa
Tumunog ang elevator sa likod nila at tuluyang umakyat. Hindi nila alam, kanina pa naroroon si Richard, tahimik na nakikinig sa kanila.Sa baba, muling ngumiti si Jane at tumikhim bago humarap kay Troy."So, Troy..." aniya habang nakapamaywang."Siguro nagtataka ka pa rin kung bakit ko 'to ginagawa."Napakunot ang noo ni Troy, bahagyang dumistansya. "Actually, oo. Bakit nga ba? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"Tahimik sandali si Jane, bago ngumiti—hindi ngiting malisyoso, kundi ngiting mapagkunwari."Gusto ko lang makabawi.""Makabawi? Kanino?""Sa'yo," sagot niya, sabay tingin sa mata ni Troy. "Isa ako sa dahilan kung bakit hindi naging kayo ni Fae noon."Napatigil si Troy."Ano'ng ibig mong sabihin?""Naalala mo ba noong college?" tanong ni Jane. "Lagi kang nag-aabot ng lunch kay Fae, nilalapitan mo siya kahit sa ulan, sinusundo mo pa nga siya minsan pauwi..."Tumango si Troy. "Oo… pero hindi niya ako sinagot.""Dahil natakot siya," sabat ni Jane.Napakunot ang noo ni Troy."
Napalunok siya. Umiling, pilit inaalis ang ideya sa kanyang isip. Ngunit lumapit pa siya sa desk at dahan-dahang binuksan ang isang folder sa tray ng confidential records. Isa-isa niyang sinilip ang ilang dokumento—at bawat isa, may parehong pirma.Richard Gold.Position: President.Nanlamig ang kanyang likod. Ang mga tuhod niya ay tila gustong bumigay."Si Richard... ang presidente?" bulong niya sa sarili. "Hindi siya driver... siya ang totoong presidente?"Pilit niyang pinroseso ang lahat ng ito, at saka dahan-dahang tumingala. Mabilis na kumislap ang isang ideya sa kanyang isipan."At mukhang... hindi ito alam ni Fae."Unti-unting gumuhit ang isang mapanlinlang na ngiti sa kanyang mga labi. Isang ngiting hindi makatarungan. Hindi inosente."Kung ganun…" ani niya, mas lalong lumalalim ang ngiti, "...hindi ako papayag na ikaw ang makinabang sa katotohanang 'yan, Faerie White. Aagawin ko ang asawa mo. At sisiguraduhin kong ako, si Jane Vasquez, ang magiging tunay na Madam Gold.""Ang
Ang taong ito ay walang iba kundi si Jane.Kalalabas lang niya ng elevator, may hawak na folder at seryosong naglalakad patungo sa reception area. Ngunit nang mapansin ang lalaking may bitbit na kape, natigilan siya. Tinitigan niya ito ng ilang segundo.Then her eyes widened. "T-Troy?" bulong niya sa sarili. Ang ultimate campus crush niya, ang lalaking hindi niya malimutan hanggang ngayon.Pero agad ding nawala ang kislap sa kanyang mga mata nang makita kung kanino nakangiti si Troy.Napakunot ang noo ni Jane. Nagngitngit ang kanyang damdamin habang pinagmamasdan kung paanong parang slow-motion na iniabot ni Troy ang kape kay Fae. At lalong sumabog ang selos sa dibdib niya nang ngumiti si Fae pabalik."Ano bang meron sa babaeng 'yan at lahat na lang ng lalaki parang lumuluhod sa harapan niya?" bulong niya habang pinipisil ang folder sa kamay.Kababalik lang ni Jane mula sa isang business trip. Ilang araw din siyang wala, kaya hindi niya alam na may bagong empleyado sa Everest Corp—at