Home / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 155: You're not qualified

Share

Chapter 155: You're not qualified

Author: Author W
last update Huling Na-update: 2025-07-15 11:34:42

Umiling si Richard.

Tahimik. Kalmado. Tila bang may sariling mundo at hindi naaapektuhan sa pag-iingay ni Lorie.

"Natatakot ka ba?" tanong ni Lorie, sabay ngisi. Nilapit pa niya ang mukha niya kay Richard, nakataas ang kilay. "Umamin ka na lang. Hindi mo na kailangang ipahiya pa ang sarili mo sa harap ng maraming tao. Iisa lang din naman ang magiging resulta."

Napangisi siya, puno ng pang-aalipusta, confident na confident sa "panalong" pinaniniwalaan niya.

"Natatakot?" ulit ni Richard, sabay bahagyang iling, parang nasayangan. "Ang sinasabi ko... masyado kang mababa magtaya." Umangat ang sulok ng labi niya, lumitaw ang isang ngiting nakakakilabot sa lahat.

"Hindi ganun kadali."

"Hindi ganun kadali na magre-resign ka na lang matapos ang mga nagawa mong damage sa kumpanya."

Huminto siya, sumulyap kay Danie, saka ibinalik ang tingin kay Lorie.

"Hindi ka pwedeng basta mag-resign."

"Ngunit..." tumigil siya, saka ngumiti nang nakakakilig, nakakainis, nakakapanlamig.

"…magiging tagahugas ka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 155: You're not qualified

    Umiling si Richard.Tahimik. Kalmado. Tila bang may sariling mundo at hindi naaapektuhan sa pag-iingay ni Lorie."Natatakot ka ba?" tanong ni Lorie, sabay ngisi. Nilapit pa niya ang mukha niya kay Richard, nakataas ang kilay. "Umamin ka na lang. Hindi mo na kailangang ipahiya pa ang sarili mo sa harap ng maraming tao. Iisa lang din naman ang magiging resulta."Napangisi siya, puno ng pang-aalipusta, confident na confident sa "panalong" pinaniniwalaan niya."Natatakot?" ulit ni Richard, sabay bahagyang iling, parang nasayangan. "Ang sinasabi ko... masyado kang mababa magtaya." Umangat ang sulok ng labi niya, lumitaw ang isang ngiting nakakakilabot sa lahat."Hindi ganun kadali.""Hindi ganun kadali na magre-resign ka na lang matapos ang mga nagawa mong damage sa kumpanya."Huminto siya, sumulyap kay Danie, saka ibinalik ang tingin kay Lorie."Hindi ka pwedeng basta mag-resign.""Ngunit..." tumigil siya, saka ngumiti nang nakakakilig, nakakainis, nakakapanlamig."…magiging tagahugas ka

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 154: Game

    Napayuko si Lorie. Nanginginig ang kanyang balikat habang pilit nilulunok ang kahihiyan at takot na unti-unting bumabalot sa kanyang katawan.Hindi niya napansin kung paanong ang kanyang ate, si Lanie, ay biglang tumahimik at mahinahong yumuko nang bahagya bilang pagbibigay-galang sa lalaking nakatayo lamang sa tabi ni Marie—si Richard.Maging si Danie, sa wakas ay napansin na rin ang presensiya ni Richard."Presi—"Napabitin ang kanyang dila. Napansin kasi niya ang suot ni Richard—kupas na jeans at simpleng plain na t-shirt. Kaagad niyang naunawaan ang nais nitong gawin. Ayaw ni Richard na ibunyag ang kanyang pagkatao.Kaya sa halip na magpaliwanag, huminga si Danie nang malalim.At muling humarap kay Lorie."Lorie," mahinahon ngunit mabigat ang tono ng kanyang boses, "binigo mo ako."Napatingin si Lorie, gulat.Pero bago siya makapagsalita, nagpatuloy si Danie."Hindi mo lang ako binigo bilang bayaw. Binigo mo rin ang kumpanyang ito. Maraming kliyente ang napalayas mo gamit ang yaba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 153: Palpak na Lorie

    "Bayaw… b-bakit mo ako sinampal?" nanginginig at naguguluhang tanong ni Lorie, hawak pa rin ang pulang pisngi habang napapaatras. Nakaawang ang kanyang labi at bakas sa mukha ang pagkabigla—hindi makapaniwalang siya, sa lahat ng tao, ay pinatamaan ng sariling bayaw sa harap ng maraming tao."Dapat hindi ako ang tinatamaan mo!" mariing dagdag pa niya, sabay turo kay Richard na nakatayo pa rin sa di kalayuan, tahimik ngunit malalim ang titig."Kundi ang lalaking iyon!" sigaw niya, puno ng desperasyon."Siya ang naglakas loob na gustong bumili ng villa gamit ang isang… arcade card!"Umiiyak na ang kanyang boses, nagmamakaawa, pilit ipinaglalaban ang sarili."Wala akong kasalanan, Kuya Danie… wala!" halos mapaos siya."Pinapalayas ko lang ang mga manloloko! Kagaya ng dati!"PAK!Hindi na pisikal—pero ang boses ni Danie ay mas masakit pa sa sampal."Tumahimik ka!"Suminghap si Lorie.Nanigas siya sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa bigat ng galit na narinig mula sa bayaw."Sinabi kong T

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 152: Ilusyon ni Lorie

    Nang makita ni Lorie ang madilim na ekspresyon ng kanyang bayaw, naisip niyang galit na ito kay Richard at Marie. Akala niya nakagawa siya ng mabuti kaya naman napangiti siya.Isang matagumpay na ngiti, punong-puno ng kayabangan, para bang sigurado na siyang nanalo sa gulo, at buong opisina ay kampi na sa kanya.Naglakad-lakad siya ng kaunti, para bang nasa entablado ng isang pelikula. Tinuro niya muli si Richard mula sa di kalayuan, hindi niya pa rin makilala ang tunay nitong pagkatao."Alam mo, Kuya Danie," may panlalait sa boses ni Lorie habang sumulyap sa card na hawak niya, "ang lalaking nagdala nito? Dapat yang ipatapon sa kulungan!"Napailing siya habang pinupunasan kunwari ang kanyang pisngi na masakit pa rin. "Pinalayas ko lang naman siya dahil ayokong lokohin tayo! Ikaw na mismo ang nagsabi, 'wag papapasukin ang mga scammer! Eh anong tawag mo sa lalaking nag-aalok bumili ng multi-million property gamit ang—" tinaas niyang muli ang card, "—isang arcade card?!"Tumawa si Lorie

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 151: Galit si Danie

    Tatakbo na sana si Lorie patungo sa direksyon ng boses, umaasang kakampihan siya ng taong iyon—ngunit bigla siyang sumimangot nang makita kung sino ang kasama nito.Humakbang ang dalawa, papalapit sa gitna ng nagkakumpulan.Si Danie, suot ang isang maayos na navy blue button-up shirt na hapit sa kanyang matikas na katawan, ay mukhang kalmado ngunit may halatang tensyon sa kanyang mga mata. Pormal siyang naka-slacks at leather shoes, at dala ang kanyang badge lanyard na nagpapakita ng kanyang pagiging General Manager ng Altaire Grand Estates.Sa tabi niya ay ang isang babaeng halatang matalino at may class—si Lanie, ang kanyang asawa. Naka-light beige blouse si Lanie na neatly tucked sa high-waisted pencil skirt. May suot siyang salamin na may manipis na gold frame, at ang buhok niya ay neatly tied in a bun. Halatang isang professional at respetadong babae, na malayo ang itsura, aura, at asal kay Lorie.Napayuko si Lorie. Kahit pa mayabang siya sa mga staff at agents, takot siya sa ate

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 150: Kahihiyan

    Nang makita ni Lorie na natahimik si Richard at Marie, lumaki ang ngisi sa kanyang mukha na tila ba nahuli niya sa akto ang dalawang magnanakaw.Tila bang nasa isang eksena siya ng teleserye kung saan siya ang bida, tumawa siya nang malakas at nagsimulang mag-ingay."Ayan oh! Tingnan niyo lahat!" sigaw niya habang nililingon ang mga tao sa paligid. "Natahimik! Di makasagot! Kasi totoo! Magnanakaw sila! Magka-kutsaba!"Akala niyo hindi ko mahuhuli ang modus ninyo? Magpapanggap bilang buyer kasama ang senior agent, tapos kukunin ang unit, magbibigay ng pekeng card… Tapos lalayasan lang kami! Taktika ng mga scammer! Ang problema lang sa inyo—matalino ako!"Tumawa siya nang malakas. Isang halakhak na walang respeto at walang preno."Akala niyo ba maloloko niyo ako?! Hindi niyo ako matatalo! Hindi lahat ng agent tanga! Hindi lahat mangmang na maniniwala sa pakulo nyong card-card! Hindi ako kagaya ng iba—"PAK!Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Lorie.Tahimik ang laha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status