Share

Chapter 64: Aksyon

Penulis: Author W
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-02 11:09:34

Ilang segundo ng katahimikan... at muling umalingawngaw ang malalakas na tawa.

Halos gumulong sa tawa si Zaidee at Ella. Humawak pa sila sa kanilang tiyan sa sobrang pagkatuwa.

"Hoy, joker ka talaga!" ani Zaidee habang nagpupunas ng luha sa mata. "Pwede ka sa comedy bar! Galing mo!"

Sumunod si Ella, ginaya pa si Richard habang kumekembot pa ang balikat.

"Tanggal ka..." bulong niya sabay tawa. "Linisin ko ang ospital. Tanggal ka. Hahaha! Grabe, pang Netflix series 'to!"

"Sino ka ba ngayon?" tanong ni Zaidee, nakasimangot ang ngisi habang nakataas ang kilay. "Kanina, shareholder ka. Tapos, sabi mo igagalang ka ng CEO. Ngayon naman, nais mong tanggalin si Director Mendoza sa kanyang posisyon? Sino ka ba para magtanggal ng director? Tingin mo ba ikaw ang chairman ng hospital na ito?"

Mas lumakas ang tawa nila, halos maiyak-iyak sa saya. Si Mendoza naman ay napangisi rin, pilit pinipigil ang tawa. Ngunit kahit anong pilit niyang pigil, hindi niya ito mapigilan. Lumabas ang malakas at paran
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 79: Kawalang Pag-asa

    "G-Glenda…?" halos pabulong ang kanyang tinig habang unti-unting lumaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla.Kasunod na lumabas mula sa dilim ang isa pang pamilyar na mukha—ang anak nitong si Geraldine. Nakasalampak ang mga braso sa bewang, habang pinandidilatan si Fae na parang siya ang pinakakinamumuhian nitong nilalang."Anong ginagawa n'yo rito?! Anong klaseng kabaliwan 'to?!" singhal ni Fae, nanlilisik ang mga mata, nanginginig ang buong katawan—hindi na dahil sa lamig, kundi dahil sa purong galit.Ngumiti si Glenda, isang ngiting puno ng panunuya at kaplastikan."Anak, hindi mo ba alam? Tagilid na ang White Cosmetics. Lubog na sa utang, hindi na makabayad sa suppliers, halos hindi na namin maipangtustos ang operational costs. Kung hindi kami kikilos, mawawala lahat ng pinaghirapan ng ina mo!""Kaya kinidnap n'yo ako?! Akala n'yo ba—ito ang solusyon?!" sigaw ni Fae, pilit sinisipa ang bakal na silya kahit alam niyang wala siyang kalaban-laban."Kailangan naming gumawa ng paraan,"

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 78: Unexpected Vacation

    Nanatili si Richard sa harap ng hospital, tila isang haligi ng galit at determinasyon habang hawak pa rin ang kanyang telepono. Pabalik-balik ang kanyang paningin sa paligid—umaasang sa bawat kanto, sa bawat sasakyang dadaan, ay biglang lilitaw si Fae. Ngunit ang mga segundo ay tila oras, at ang bawat minuto'y isang torture.Biglang isang tunog ng malakas na makina ang bumasag sa katahimikan.Isang itim na sports car ang huminto sa harap ng entrance. Mabilis na bumaba si Kevin, seryoso ang mukha, hawak ang isang tablet at may suot na tactical earpiece."Boss!" sigaw niya habang papalapit. "May lead na tayo."Walang sinayang na oras si Richard at agad sumakay sa passenger seat ng kotse ni Kevin. Pagkasara ng pinto, mabilis na pinaandar ni Kevin ang sasakyan—humarurot ito palabas ng hospital driveway.Habang mabilis na nagmamaneho, binuksan ni Kevin ang tablet at nagreport:"Ayon sa initial scan ng surveillance footage sa ilang kalye malapit sa hospital, huling namataan ang sasakyan sa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 77: Code Zero

    Sa loob ng opisina ng CEO, nakahinga nang maluwag si Lenard sa sandaling maisara ang pinto sa pag-alis ni Richard. Parang biglang lumuwag ang paligid at nanumbalik ang normal na daloy ng hangin."Grabe..." bulong niya habang dinampot ang ilang folder, "ang nipis ng hangin kapag malapit kay Mr. Gold."Napailing siya at sinimulang lakarin ang mesa. Sobrang lakas ng pressure ng presensya niya... parang mababali ang likod ko sa tension.Nang malapit na siyang maupo, halos tatama na ang kanyang puwitan sa upuan—BANG! Biglang bumukas ang pinto.Napalingon siya at nanlaki ang mata nang makita ang muling paglitaw ni Richard na may madilim at nakakatakot na mukha. Mabilis siyang napabalikwas at tumindig parang estatwang nagulat sa flash ng camera."M-Mr. Gold!" ani niya na parang robot, tuwid na tuwid ang katawan. "Anong... anong maitutulong ko?"Diretsong humakbang papasok si Richard at nagsalita sa malamig na tinig. "Nawawala si Fae. Gusto kong makita ang CCTV footage sa entrance ng hospita

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 76: Wala si Fae

    Sa opisina ng CEO ng St. Claire Medical Center…Tahimik na nakaupo si Richard sa mahabang, premium leather sofa.Ang kanan niyang binti ay nakapatong sa kaliwa, habang ang kanyang kanang kamay ay hawak ang isang folder na puno ng dokumento.Sa harapan niya, nakatayo si Mr. Lenard Cruz, nakangiti — ngunit hindi mo matukoy kung ngiti ba ito ng respeto, kaba, o simpleng pagsubok maging palakaibigan. Para bang may iniingatang tensyon sa paligid."Mr. Cruz," malalim at malamig ang tinig ni Richard."Bilang bagong chairman ng ospital na ito, una kong utos: ayusin ang lahat ng financial records sa loob ng dalawang linggo. I want everything clean — walang anomalya, walang under-the-table. Kung may hindi tugma sa datos, you will be held accountable."Agad na tumango si Lenard."O—opo, Mr. Gold. Mauuna na po akong—""Hindi pa ako tapos."Naputol ang paggalaw ni Lenard. Tumigil siya at nakinig muli.Binuksan ni Richard ang folder at inilapag ang ilang papers sa coffee table."Tiningnan ko ang in

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 75: Ghost of Ironhands

    Sa labas ng ospital, tinapon ng mga security guard sina Mendoza, Zaidee, at Ella na tila mga basang sisiw. Bumagsak si Mendoza sa semento, habang si Zaidee ay muntik nang madapa at si Ella ay halos gumapang sa kaba.Sa likod nila, lumabas din ang grupo ni Hunter, malamig ang ekspresyon, halos walang emosyon.Walang sinuman sa grupo ni Hunter ang nagsalita. Tahimik silang nakatingin sa tatlong inalis sa ospital na para bang hindi tao ang tinititigan, kundi basura.Kinilabutan si Zaidee, napayuko at napakapit kay Ella, na nanginginig na lamang sa kanyang kinatatayuan.Hindi sila pinansin ni Hunter.Diretso siyang lumapit kay Mendoza."Tapos na ang utang sa pagitan natin."Napalingon si Mendoza."Paanong natapos? Wala ka ngang nagawa!" panunuya niya.May bahid ng galit, ngunit halata ang takot sa boses.Ngumisi si Hunter, mapait."Hindi mo ba alam na pareho tayong muntik mamatay sa katangahan mo?""Mamatay?" Ulit ni Mendoza, saka tumawa ng pilit. "Siya? Isa lang siyang rich kid! Anong ga

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 74: Explain

    Bagsak.Tila tuluyang gumuho ang mundo ni Mendoza.Nawala na ang lahat ng yabang, ang lahat ng pagmamataas.Maging si Zaidee at Ella ay tila lantang gulay, hindi makakilos, hindi makapaniwala.Ang hamak na lalaking tinawag nilang basura…Ay isa palang Gold—isa sa pinakamakapangyarihang pangalan sa buong bansa."Huli na, Mendoza," malamig na sambit ni Lenard habang nakatingin sa lalaking halos nakaluhod pa sa harap niya."Laging nasa huli ang pagsisisi. Ngunit kahit magsisi ka, wala nang silbi."Tumingin si Lenard kay Richard."Mr. Gold, anong gusto mong gawin natin sa mga taong ito?""Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin." Kalmadong sambit ni Richard.Tumango si Lenard, "Security," utos niya nang walang pag-aalinlangan, "ilabas ang tatlong taong ito."Agad, sampung security personnel ang lumapit.Mabilis at walang pasintabi.Handang damputin sina Mendoza, Zaidee, at Ella.Ngunit bago pa man sila mahawakan, mabilis na lumuhod si Zaidee sa harap ni Richard, parang aktres sa isang tr

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status