Share

Chapter 176: Lot Seven

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-07-25 10:43:30

May ilang segundo ng katahimikan bago isang lalaki sa kanan ng VIP row ang nagtaas ng paddle.

"One million increase," sabi ng auction assistant. "₱91 million."

Sumunod agad ang isang babae sa gitna.

"Ninety-two."

"₱93 million."

Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo, bawat isa ay binibigkas ng assistant habang nakatitig si Mr. Yale sa kanyang listahan.

"₱97… ₱98… ₱99…"

"₱100 million!" sigaw ng bagong bidder mula sa kanan.

Hanggang sa tuluyan nang huminto ang iba sa pagtaya at ngumiti si Mr. Yale.

"Going once… going twice… Sold! To bidder number 104. Congratulations!"

Palakpakan ang narinig sa loob ng pavilion habang iniabot ang sold card sa nanalo, isang kilalang negosyanteng real estate developer.

Nagpatuloy ang auction.

Ipinakilala ang Lote 2, Lote 3, at kasunod pa. Sunod-sunod ang bid, at kasabay nito ang pag-init ng loob ng mga dumalo.

Kitang-kita ang kasabikan ng bawat isa, ang pagkakakunot ng noo habang kumakalkula, ang mabilis na bulungan ng assistant sa investor, at ang tiim-bagang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Thanks s update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 178: Kumpiyansa ni Victor

    Halos masuka ng dugo si Victor sa galit. Ikinuyom niya ang kamao at tumingin nang matalim kay Richard na tila ba walang nararamdaman ni kaunting tensyon. Sa halip, kalmado pa rin ito, parang nanonood lamang ng isang comedy show.Nagngangalit si Victor, pero wala siyang ibang pagpipilian.'Hindi ako pwedeng umatras. Hindi ngayon.'Muling tinaas ni Victor ang paddle."₱238 million!" sigaw niya, sabay kagat sa kanyang mga ngipin. Halos mapunit ang papel na hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kamay.Alam niyang malayo na ito sa appraised value. Pero hindi lang pera ang nakataya ngayon—pangalan niya, karangalan niya, at ang pangako niya sa tatlong investor na umaasang mapapasakanya ang lote 7.Ngumisi si Richard. Kalmado. Hindi man lang kumurap."₱239 million."Natahimik ang silid. Ramdam ang tensyon na parang bakal sa hangin. Ang bawat bid ay parang kutsilyong tumatarak sa dignidad ni Victor."₱240 million!" muling sigaw ni Victor. Halos hingalin na siya sa galit.Mula sa ₱160

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 177: Risk, pati kaluluwa

    Kahit maganda ang lokasyon at may 30-hectare na flatland ang Lot 7, kaya mababa pa rin ang starting bid nito ay dahil sa ilang limitasyon. Kasama sa lote ang isang natural hot spring at ilang lumang struktura na itinayo noong dekada '80 na hindi maaaring basta tanggalin dahil nakarehistro ito bilang protected water site. Bukod pa rito, may bahagi ng lupa—halos 22 hectares—na hindi maaaring galawin ayon sa environmental zoning regulation. Ibig sabihin, sa halos 30 hectares, mahigit 8 hectares lang ang tunay na ma-develop para sa komersyal na gamit. Alam ito ng lahat ng negosyanteng naroroon—ang balanseng opurtunidad at panganib ng lupa ang dahilan kung bakit umabot lang sa ₱220 milyon ang appraised value nito."₱161 million!" sigaw ng isang lalaki sa dulong bahagi ng hall, halos kasunod ng hudyat ni Mr. Yale na nagsimula na ang bidding."₱162 million!""₱163 million!"Sunod-sunod ang taas ng mga paddle, may mga negosyanteng halatang gigil at sabik. Isa-isang milyon ang dagdag, parang m

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 176: Lot Seven

    May ilang segundo ng katahimikan bago isang lalaki sa kanan ng VIP row ang nagtaas ng paddle."One million increase," sabi ng auction assistant. "₱91 million."Sumunod agad ang isang babae sa gitna."Ninety-two.""₱93 million."Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo, bawat isa ay binibigkas ng assistant habang nakatitig si Mr. Yale sa kanyang listahan."₱97… ₱98… ₱99…""₱100 million!" sigaw ng bagong bidder mula sa kanan.Hanggang sa tuluyan nang huminto ang iba sa pagtaya at ngumiti si Mr. Yale."Going once… going twice… Sold! To bidder number 104. Congratulations!"Palakpakan ang narinig sa loob ng pavilion habang iniabot ang sold card sa nanalo, isang kilalang negosyanteng real estate developer.Nagpatuloy ang auction.Ipinakilala ang Lote 2, Lote 3, at kasunod pa. Sunod-sunod ang bid, at kasabay nito ang pag-init ng loob ng mga dumalo.Kitang-kita ang kasabikan ng bawat isa, ang pagkakakunot ng noo habang kumakalkula, ang mabilis na bulungan ng assistant sa investor, at ang tiim-bagang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 175: Bidding Starts Now

    Sa kanyang kaliwa ay isang babaeng naka-black suit, seryoso ang mukha, naka-headset at hawak ang tablet—ang kanyang assistant, si Marla.Sa kanyang kanan naman ay isang lalaki—kalmado ang postura, may hawak na folder at calculator, at paminsan-minsan ay sinusulyapan ang tatlong foreigner na nakaupo sa likuran. Siya ang financial advisor ng investors na ka-partner ni Victor.Umupo si Victor sa upuang dalawang puwesto lang ang pagitan mula kay Richard, pero hindi nito tinago ang titig sa kanya. Parang gutom na hayop na nakakita ng kapwa predator.Ngumiti si Richard, elegante at malamig."Chairman Victor," sabi niya, "It's been a while.""Ah, Richard Gold," sagot ni Victor habang tumango at ngumisi. "Still alive and kicking. I thought you retired to raise ponies in the countryside.""Ponies are peaceful," tugon ni Richard habang nilalapag ang baso ng tubig sa mesa, "but I do enjoy watching lions fight for land."Tumawa si Victor, pero malamig ang mata."Then I guess we're both here for t

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 174: Harrington Syndicate

    Sa ApartmentBumangon si Fae habang napangiwi. Masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang ibabang bahagi. Napatingin siya sa gilid ng kama at napansin na wala na si Richard. Sa side table, may iniwang maliit na notes. Kinuha niya ito at binasa:"Tumawag si Mr. Gold, may urgent. Nag-prep na ako ng breakfast mo, kumain ka diyan. Di mo na rin need umalis ng bahay. Hintayin mo na lang, may maghahatid ng trabaho mo. I love you, Hon. —Richard."Napangiti si Fae matapos basahin, sabay iling."Kaya ko namang pumasok…" bulong niya sa sarili, sabay pilit na tumayo. Pero nang makaangat ng bahagya, agad siyang napakapit sa gilid ng kama. "Aray…" ungol niya at napakagat sa labi. Masakit.Napilitan siyang bumalik sa kama at marahang kinuha ang kanyang undies. Habang isinusuot ito, napatingin siya sa bedsheet at nakita ang bakas ng dugo. Napangiti siya at umiling habang marahang tumayo para kumuha ng shorts at damit. Kinuha niya ang bedsheet, itinupi iyon at inilagay sa laundry basket.Matapos ayus

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 173: Game Plan

    Gold Prime Enterprises, President's OfficeBumukas ang pinto at pumasok si Richard, diretso sa loob. Naroon na si Kevin, na agad siyang sinalubong."Sir," bati ni Kevin. "Maaga po kayong dumating.""Anong nangyari, Kevin?" tanong ni Richard, diretso sa punto."Ganito, Sir," panimula ni Kevin, sabay abot ng tablet na may nakabukas na mapa ng isang lupain. "Matagal na po nating minamanmanan itong lote sa West Valley—'yong may access sa bagong expressway at may natural spring sa loob ng boundary. Target po natin ito mula pa noong isang taon. Alam nating hindi ito pipitsugin, kaya hinihintay talaga natin ang tamang panahon... ngayon na sana 'yon."Tumango si Richard. "Auction ngayong araw, diba?""Opo, Sir. Ala-una ng hapon ang simula. Akala po natin madali na lang, dahil wala namang kumukontra o nagpapakita ng interest nitong mga nakaraang buwan. Kaya hindi niyo na rin masyadong pinansin sa schedule niyo."Nagbago ang tono ni Kevin, naging mas mabigat. "Pero kanina po, may nakuha tayong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status