Share

Chapter 20: Kayabangan

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-04-24 10:25:17

Ngumisi nang may panunuya si Glenda, "Akala ko kung sinong bayani na ang dumating, mukhang ang mahirap mong asawa lang pala," sarkastiko niyang sabi habang tutawa nang bahagya.

Malamig ang tingin ni Richard sa dalawa at hindi agad nagsalita.

'Mukhang ang dalawang ito ang half-sister at stepmom ni Fae. Tila naparito sila upang manggulo,' naisip niya habang pinipigil ang sarili.

Humakbang siya palapit at sa isang iglap, sinipa ang isa pang lalaking may hawak kay Fae.

"Huwag mong hawakan ng marumi mong kamay ang asawa ko," anas niya, malamig at puno ng babala sabay hila kay Fae papalapit at itinago sa kanyang likod.

Nag-cross arms si Glenda, hindi pa rin nawawala ang kayabangan.

"Napaka-tapang mo naman? Mag-isa ka lang, naglakas-loob kang labanan ang dalawang taong 'to?"

Umiling si Richard, "Labanan? Nilayo ko lang sila sa asawa ko. Pero kung laban ang usapan…" Tumitig siya kay Glenda, isang napakalamig at nakakasindak na titig, "…hindi ako magpapakita ng awa."

Nanlamig ang paligid. Halo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 21: Fierce

    "Kung hindi ka niya kayang saktan, paano naman ako?" Nakangising tanong ni Fae habang tinatapik-tapik pa ang sariling palad. Tumitig siya kay Glenda na ngayo'y hindi makatingin nang diretso.'Fierce,' naisip ni Richard habang hindi maialis ang ngiti sa labi. 'Mabuti na lang at kumilos ang asawa ko, hindi ko kayang tingnan ang dalawang ito.'Natulala si Glenda at itinuro si Fae. "Faerie White, how dare you—"Pak!Isa pang malakas na sampal ang tumama sa kabilang pisngi ni Glenda bago pa niya matapos ang sasabihin."Glenda," mariing sabi ni Fae, "hindi mo pwedeng ipagmalaki sa harap ko ang pinagmamalaki mong status. Baka nakakalimutan mo kung saan ka lang nanggaling bago ka pumasok sa buhay namin. Kayo ng anak mo ang dumungis sa pangalan namin!"Nabigla si Geraldine at napaatras, takot na takot sa bagong anyo ni Fae."Fae, sumusobra ka na!" sigaw ni Glenda habang hawak ang pisngi niya."Sumusobra?" Tumawa si Fae nang mapait. "Baka nakakalimutan mo rin na ikaw ang pumunta sa apartment ko

    Last Updated : 2025-04-26
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 22: Charm

    Napakunot ang noo ni Fae. "Bakit? May mali ba? Maalat ba?" tanong niya, halatang kinakabahan.Tahimik si Richard ng ilang saglit, tila ba may malalim na iniisip. Pagkatapos ay tumingin siya kay Fae—at biglang ngumiti nang buong-buo."Ang sarap!" sabi niya. "Grabe, Fae. Ito na yata ang pinaka masarap na sinigang na natikman ko."Napasinghap si Fae, sabay kurot sa braso ni Richard. "Akala ko kung ano na, ha! Nag-alala ako!"Tumawa si Richard habang patuloy sa pagkain. "Well, worth the drama. Saka bagay na bagay 'tong sinigang sa ending ng gabi natin—mainit, maasim, pero comforting."Napangiti si Fae, at naupo na rin sa harap niya. "Thank you, Richard. Sa pagdating… at sa pagiging ikaw.""Hindi ako papayag na sirain nila ang kahit isang gabi mo, Fae," sagot ni Richard, habang tinitigan siya ng malambing.Napangiti si Fae at nagsimula na ring kumain. Ilang sandali pa, nagsalita si Fae habang nakatingin sa sabaw, "Alam mo, simula ngayon… paglulutuan na kita palagi."Napatingin si Richard s

    Last Updated : 2025-04-26
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 23: Rolls-Royce

    Nakatitig si Fae sa papalapit na Richard. Ramdam niya ang init ng hininga nito na halos sumasalubong na sa kanya. Mas bumibilis at lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ito ang kanyang unang beses na may lalaking ganito kalapit sa kanya.Halos ilang pulgada na lang ang pagitan nila nang hindi na niya kinaya. Mabilis siyang napaatras, parang may sariling utak ang katawan niya. Tumayo siya na parang robot, at walang sabi-sabing tumalikod."Matutulog na ako! Maaga pa ako bukas sa trabaho!" bulalas niya, halos patakbo nang naglakad papunta sa kwarto.Pagkapasok sa loob, isinara niya ang pinto nang may malakas na blag! Halatang halata ang kaba.Napangisi si Richard nang makita ang nangyari bago kaagad na nahiga sa sofa.Nakasandal si Fae sa pinto, nakatakip ang isang kamay sa kanyang dibdib na parang gustong pigilan ang mabilis na tibok ng puso niya."Kalma lang, Fae… kalma lang..." bulong niya sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapigila

    Last Updated : 2025-04-28
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 24: Anong nangyari?

    "I-ikaw? Kotse mo 'to?" dudang tanong ni Fae, nakataas ang isang kilay."Fae, let me explain—" sambit ni Richard, medyo nabubulol pa habang nag-iisip ng excuse.Muling nagsalita si Fae, sumimangot. "Mali. Paano ka magkakaroon ng ganitong klaseng sasakyan? Siguro... Siguro sasakyan 'to ni President Gold!" mariing sabi niya.Ha? Natigilan si Richard, bago mabilis na tumango. "Oo, oo! Tama! Sasakyan ni President Gold 'yan!" mabilis niyang sagot.Tumango si Fae pero hindi pa rin kuntento. "Eh bakit nasa 'yo?""May nangyari kasi kagabi..." ani Richard, sabay isip ng mabuting dahilan.Nanlaki ang mata ni Fae. "May nangyari sainyo?!" sambit niya sabay takip sa sariling bibig.Halos mapasapo si Richard sa noo. 'Langhiyang iniisip mo, Fae,' bulong niya sa sarili."Ano bang naiisip mo, Fae?" reklamo niya, hindi alam kung matatawa o maiiyak. "Kagabi, hinatid ko si President Gold pauwi, tapos nagpaalam akong umuwi. Pero nung papaalis na ako, sinabi niya na ihatid ko yung kotse sa kumpanya. Kaya l

    Last Updated : 2025-04-28
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 25: Eksena

    "Anong nangyayari?" Walang malay na tanong ni Fae."Hindi ko rin alam," sagot ni Richard, seryoso ang ekspresyon.Sa gilid ng kalsada, may nagtipong mga tao. Sa mismong harap nila, huminto ang isang kotse na naging sanhi para mapatigil din sila. Maraming nag-uusap-usap, ang ilan pasigaw pa."Tingnan natin," ani ni Richard bago bumaba ng kotse."Sandali!" tawag ni Fae, mabilis na inalis ang seatbelt at sumunod kay Richard.Paglapit nila, nakita nila ang isang matandang lalaki, nasa edad 60s, nakahiga at walang malay sa gitna ng kalsada. Nakapagitna siya sa mga nag-uusap na mga tao. Marami ang nagtatalo kung ano ang tunay na nangyari."Nabangga mo siya!" sigaw ng isang babae, galit na galit habang dinuduro ang driver ng kotse."Bigla siyang natumba! Hindi ko siya nabangga!" depensa naman ng driver, napapakamot ng ulo sa stress."Ikaw talaga, kita ko, binangga mo siya!" sigaw ng babae."Hoy, ako mismo nakita ko, bigla siyang natumba, wala kang karapatang manisi agad!" sabi ng isa pang la

    Last Updated : 2025-04-29
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 26: Umay

    Naging seryoso rin si Fae at nakaramdam ng kakaibang kaba matapos makita ang pagbigat ng mukha ni Richard. Tumahimik ang paligid, ang mga tao na kanina'y nag-aaway at nagtuturuan, ngayon ay tahimik na nakapalibot at naghihintay.May mahinang bumulong, "Doctor ba siya?""Oo nga, baka," sagot ng isa, sabay tango sa katabi."Grabe, nakita ko siyang bumaba dun sa Rolls-Royce... baka big time 'yan o di kaya isang bigating doctor," sabi pa ng isa, sabay turo sa kotse ni Richard.Marami pang mahihinang bulungan ang kumalat sa paligid, ang iba'y nagsasabi na baka nga eksperto sa medisina ang lalaking bumaba sa mamahaling sasakyan. Tumindi ang tingin ng mga tao kay Richard, para bang umaasa silang mailigtas niya ang matanda.Habang iyon ang nangyayari, muling sinuri ni Richard ang pulso ng matanda. Banayad niyang pinisil ang pulso nito, pagkatapos ay inilapit pa ang kanyang daliri sa ilong ng matanda para tingnan kung may paghinga pa.Napailing si Richard nang marahan, dahilan para lalo pang b

    Last Updated : 2025-04-29
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 27: Baliw

    Nanlaki ang mga mata ni Fae, ramdam niya ang lamig ng kutsilyo sa kanyang balat, kasabay ng malamig na pawis na bumalot sa kanyang likod.Ang mga pulis ay nagtaas ng kamay, umaamo, pinipilit kalmahin ang babae.Ang mga tao naman, napaatras, walang makakilos.Maging si Richard ay nagdadalawang-isip—isang maling galaw at baka mapahamak si Fae.Tila tumigil ang oras. Ang kapalaran ni Fae ay nasa kamay ng isang baliw na desperadong budol!"Layuan niyo ako!" sigaw ng babae, mahigpit ang hawak kay Fae habang ang balisong ay tutok pa rin sa leeg ng dalaga. "Kundi, magsisisi kayo!""Kalma lang, ma'am," marahang sabi ng isang pulis habang iniangat ang dalawang kamay bilang senyales ng hindi pag-atake. "Walang lalapit. Pero pakiusap, bitawan mo ang babae. Walang kailangan masaktan dito.""Shut up!" singhal ng budol na babae, nanginginig ang boses, pero hindi pa rin bumibitaw. "Akala niyo ba madali akong hulihin?! Ha?!"Napalunok si Fae, nangingilid ang luha sa kanyang mata habang pinipilit mana

    Last Updated : 2025-04-30
  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 28: Nemesis

    Nagkumpulan ang mga tao sa paligid. May ilan nang kumuha ng cellphone, may live sa Facebook, may nagsisigaw ng, "Nakunan ko! Nakunan ko lahat!" habang ang ibang tao ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan nilang eksena."Grabe 'yung lalaking 'yon… para siyang action star!""Sinabi mo pa! Ang bilis, parang si Liam Neeson!"May isa pang nagsalita, "Teka, hindi ba siya 'yung bumaba sa Rolls-Royce kanina?"Napalingon ang mga tao sa kinatatayuan ng kotse—ang makintab at marangyang sasakyan na tila hindi babagay sa eksenang iyon. Natahimik ang iba, tinitigan ang kotse, tapos si Richard, tapos si Fae.May bulong-bulungan."Sino ba talaga 'yun? Mayaman ba siya?""O baka bodyguard ng isang VIP?""O baka agent ng government… o ng mafia?!"Habang kinukuyog ng mga tanong at bulungan ang paligid, lumapit ang isang reporter na may hawak na mic."Sir, excuse me! Anong pangalan ninyo? Paano ninyo natutunang gawin 'yon? Anong trabaho ninyo? May training ba kayo?"Si Fae, na ngayo'y medyo nakakabawi

    Last Updated : 2025-04-30

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 34: Emergency

    Ang taong pumasok ay walang iba kundi si Chase. Ang Head ng HR ng buong Everest Corp, at tiyuhin ni Jane.Diretso ang lakad ni Chase patungo sa upuan sa harap ng desk ni Fae, tila ba siya ang may-ari ng lugar. Naupo siya na parang walang respeto sa espasyo ng iba, at hindi naiwasang magpaskil ng kakaibang ngiti sa kanyang mukha habang titig na titig sa dalaga.Tiningnan ni Fae ang lalaki mula sa kanyang desk at kaagad na kumunot ang kanyang noo."Mr. Chase," ani Fae, pilit itinago ang pagkasuklam. "Napabisita ka? Mukhang hindi ka abala sa opisina mo at nagawa mong bumisita rito?"Bahagya siyang ngumiti, "Parang mas gusto ko na lang tuloy maging Head ng HR, tamang travel lang sa buong kumpanya." Sarkastiko niyang sabi.Napahilig si Chase sa pagkakaupo at tumawa nang mahina, hindi nagalit sa sinabi ni Fae. Sa halip, pinagmasdan siya, mula mukha pababa—at ang mata niya ay tumigil sa dibdib ni Fae. Hindi iyon lihim. Lantarang pananakal ang tingin, at bahagya pa siyang ngumisi na para bang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 33: Ally

    Tumigil si Nina sa harap ng desk ni Fae, hinayaan munang gumalaw ang kanyang mga mata, mula ulo hanggang paa, na tila ba sinusukat ang bagong direktor ng HR. Walang ngiti at walang emosyon sa kanyang mukha, tanging isang malamig na pagtatasa lang.Iniabot niya ang mga papel."HR paperwork for the executive interns," aniya sa malamig na tono. "Naisip kong personal ko na lang dalhin para siguradong maayos."Tiningnan siya ni Fae, walang bahid ng tensyon sa mukha. Tahimik, kalmado, at propesyonal ang kanyang aura."Salamat. Pakilagay na lang diyan," sabay turo niya sa gilid ng desk.Ngunit hindi gumalaw si Nina. Nanatili siya sa kinatatayuan, tila may gustong patunayan.Tumango-tango siya at bahagyang ngumisi."By the way," panimula niya, "maraming nagugulat. Ang bilis mong umangat. Impressive… o baka sabihin nating… suspicious?"Mataas ang kilay ni Nina, ang tono niya'y matamis sa ibabaw pero puno ng lason sa ilalim."I mean," patuloy niya, "marami sa amin dito ang matagal nang naglilin

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 32: Dementia

    Opisina ng CharimanPagpasok ni Richard sa opisina ng chairman, bumungad sa kanya ang maaliwalas at eleganteng silid. Mabango ang halimuyak ng pinakuluang dahon ng tsaa. Sa isang antigong mesa, nakaupo si Bernard Gold, nakangiti habang dahan-dahang iniinom ang tsaa sa isang porselanang tasa.Tumango si Bernard nang makita si Richard. "Maupo ka, President Gold," magalang ngunit dama ang awtoridad sa tono nito, habang itinuro ang upuan sa tapat niya.Umupo si Richard, bumalik agad sa kanyang business composure. Sa likod, tahimik na nakapwesto si Kevin at si Alastair."Let's proceed," sambit ni Bernard, habang inilapag ang tasa. "The reason I called you in, Richard, is to brief you about a high-stake cooperation deal with Monarch Tech—based in Singapore.""Monarch Tech?" tanong ni Richard, nakakunot ang noo. "They specialize in AI-integrated cloud infrastructure, right?""Exactly," sagot ni Bernard. "They're expanding their network in Asia, and they want us to be their exclusive logistic

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 31: Terminate her

    Isang pamilyar at pormal na tinig ang sumagot sa kabilang linya."Good morning, Mr. Gold. Si Alastair po ito," sambit ng butler at long-time assistant ng kanyang lolo."Alastair? May problema ba?" tanong ni Richard habang kumunot ang noo."Wala naman po, Sir. Pero pinapatawag po kayo ni Chairman Gold sa headquarters. Sinabi niyang 'urgently.'"Mabilis ang naging tugon ni Richard. "Sige. Pupunta na ako ngayon din."Pagkababa ng tawag, lumingon siya kay Kevin. "Pupunta tayo sa Gold Prime Enterprises. Pinapatawag ako ni Lolo.""Roger that, boss," mabilis na sagot ni Kevin.....Gold Prime Enterprises BuildingIsang imposibleng hindi mapansin na estruktura—tumatayong parang hari sa kalagitnaan ng financial district ng siyudad. Kumikinang sa sikat ng araw ang mala-salamin nitong panlabas, at may gintong GPE logo sa pinakataas na bahagi ng gusali. Ang front entrance ay may awtomatikong glass doors na bumubukas nang maayos habang tumutunog ang mekanikal na 'ding.'Sa ground floor, ang lobby

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 30: Huli?

    Sa loob ng opisina ng presidente sa Everest Corp, naglakad na si Richard papunta sa upuan na nasa executive desk. Mag-uumpisa na sana siyang umupo nang bigla siyang pigilan ni Fae."Hoy! Ano ka ba, Richard?" awat ni Fae, sabay hawak sa braso niya. "Mauuna ka nanaman? Dito ka nga lang sa tabi!"Napasinghap si Richard, napatingin kay Fae na parang nabunutan ng karayom. Samantalang si Manager Morgan at Kevin sa gilid ay parehong nagpipigil ng halakhak, nanginginig na halos ang balikat.Walang nagawa si Richard kundi umatras ng kaunti, sabay hikab na kunwari'y relax. "Aayusin ko lang ang uupuan ng presidente," palusot niya, saka marahang humakbang, maharlika ang kilos habang hinila ang swivel chair.Pagkatapos, tumingin siya kay Kevin sabay bigay ng isang matalim pero nakatawang tingin. "Mr. President, mangyaring maupo," aniya, sabay gesture na parang butler na inaanyayahan ang hari.'Mamaya ka sa akin, Kevin…' naisip ni Richard habang pinisil ang isang matalim na ngiti.Naglinis ng lalam

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 29: Plan

    Hindi nila pinansin ang bulalas ni Jane, ngunit may pagdududang tumingin si Fae kay Richard."Sabihin mo nga," ani niya sa seryosong boses, "may tinatago ka ba sa 'kin?"Natulala si Richard pero mabilis na nag-isip. Tumawa siya ng awkward bago tumikhim at sabay sabing, "Baka nagkamali lang sila… o baka nagpa-practice?"Mabilis na sulyap ang ibinato ni Richard kina Manager Morgan at Kevin na mabilis namang nakuha ng dalawa ang nais niyang ipahiwatig."Ah! Oo, practice lang!" agad na sabi ni Kevin, sabay tawa."Right, right, rehearsal lang 'yan," dugtong ni Manager Morgan habang tumango-tango.Hindi pa rin kumbinsido si Fae. Tumingin siya kay Kevin, itinuturo ito habang nakakunot ang noo. "Mr. Gold, 'di ba ikaw ang presidente? Bakit… para saan kayo nagpa-practice?"Tila naalimpungatan si Kevin bago bumungisngis. "Oo nga! Tama! Ako nga… ang president, hehe. Role play lang 'to! For… team building!"Tumango si Manager Morgan. "Mahilig talaga si Mr. Gold sa surpresa," sabay ngiti.Tumango a

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 28: Nemesis

    Nagkumpulan ang mga tao sa paligid. May ilan nang kumuha ng cellphone, may live sa Facebook, may nagsisigaw ng, "Nakunan ko! Nakunan ko lahat!" habang ang ibang tao ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan nilang eksena."Grabe 'yung lalaking 'yon… para siyang action star!""Sinabi mo pa! Ang bilis, parang si Liam Neeson!"May isa pang nagsalita, "Teka, hindi ba siya 'yung bumaba sa Rolls-Royce kanina?"Napalingon ang mga tao sa kinatatayuan ng kotse—ang makintab at marangyang sasakyan na tila hindi babagay sa eksenang iyon. Natahimik ang iba, tinitigan ang kotse, tapos si Richard, tapos si Fae.May bulong-bulungan."Sino ba talaga 'yun? Mayaman ba siya?""O baka bodyguard ng isang VIP?""O baka agent ng government… o ng mafia?!"Habang kinukuyog ng mga tanong at bulungan ang paligid, lumapit ang isang reporter na may hawak na mic."Sir, excuse me! Anong pangalan ninyo? Paano ninyo natutunang gawin 'yon? Anong trabaho ninyo? May training ba kayo?"Si Fae, na ngayo'y medyo nakakabawi

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 27: Baliw

    Nanlaki ang mga mata ni Fae, ramdam niya ang lamig ng kutsilyo sa kanyang balat, kasabay ng malamig na pawis na bumalot sa kanyang likod.Ang mga pulis ay nagtaas ng kamay, umaamo, pinipilit kalmahin ang babae.Ang mga tao naman, napaatras, walang makakilos.Maging si Richard ay nagdadalawang-isip—isang maling galaw at baka mapahamak si Fae.Tila tumigil ang oras. Ang kapalaran ni Fae ay nasa kamay ng isang baliw na desperadong budol!"Layuan niyo ako!" sigaw ng babae, mahigpit ang hawak kay Fae habang ang balisong ay tutok pa rin sa leeg ng dalaga. "Kundi, magsisisi kayo!""Kalma lang, ma'am," marahang sabi ng isang pulis habang iniangat ang dalawang kamay bilang senyales ng hindi pag-atake. "Walang lalapit. Pero pakiusap, bitawan mo ang babae. Walang kailangan masaktan dito.""Shut up!" singhal ng budol na babae, nanginginig ang boses, pero hindi pa rin bumibitaw. "Akala niyo ba madali akong hulihin?! Ha?!"Napalunok si Fae, nangingilid ang luha sa kanyang mata habang pinipilit mana

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 26: Umay

    Naging seryoso rin si Fae at nakaramdam ng kakaibang kaba matapos makita ang pagbigat ng mukha ni Richard. Tumahimik ang paligid, ang mga tao na kanina'y nag-aaway at nagtuturuan, ngayon ay tahimik na nakapalibot at naghihintay.May mahinang bumulong, "Doctor ba siya?""Oo nga, baka," sagot ng isa, sabay tango sa katabi."Grabe, nakita ko siyang bumaba dun sa Rolls-Royce... baka big time 'yan o di kaya isang bigating doctor," sabi pa ng isa, sabay turo sa kotse ni Richard.Marami pang mahihinang bulungan ang kumalat sa paligid, ang iba'y nagsasabi na baka nga eksperto sa medisina ang lalaking bumaba sa mamahaling sasakyan. Tumindi ang tingin ng mga tao kay Richard, para bang umaasa silang mailigtas niya ang matanda.Habang iyon ang nangyayari, muling sinuri ni Richard ang pulso ng matanda. Banayad niyang pinisil ang pulso nito, pagkatapos ay inilapit pa ang kanyang daliri sa ilong ng matanda para tingnan kung may paghinga pa.Napailing si Richard nang marahan, dahilan para lalo pang b

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status