Napailing si Fae at marahang nag-roll ng eyes kay Ariel."Ang OA ha," sabi niya habang pinipigilang matawa.Ngumiti si Ariel na parang bata at nag-blink nang mahigit isang daang beses sabay paypay ng pamaypay na parang nagpa-cute."Richard," ani Ariel na may kasamang pa-fall na tono, "alam mo, kung hindi ko lang bestfriend si Fae, baka sinagot na kita.""ARTEEEE!" sabay hagikgik ng ilang empleyado sa gilid.May sumabat pa na, "Kung ganun, love triangle pala 'to?!" sabay tawa ng iba.Isa namang bibo ang sumigaw, "Si Director Fae ang heroine! Si Sir Richard… eh edi male lead!""Tapos si Sir Ariel… extra!" dagdag pa ng isa na sinadyang pahigpitin ang boses na parang announcer.Nagkatawanan ang buong lobby, kahit may ilan pang tila shock pa rin sa mga pangyayari.Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi man lang kumurap si Richard. Hindi siya nagpatawa, hindi siya tumawa sa biro, at hindi rin siya napatinag sa kakulitan ni
Sa loob ng Everest Corp Headquarters, matapos ang huling sagot ni Fae sa interview at tuluyang pumasok siya sa loob ng gusali, tila biglang nagkaroon ng instant chaos. Ang dating tahimik at busy na atmosphere ng opisina ay napuno ng bulungan at gulat ng mga empleyado."Grabe… si Director Fae? Siya pala 'yong tumuklas nung sindikato?""Paano niya nagawa 'yon?!""Ni hindi ko nga alam na may ganoong kalaking problema sa loob…""Kung hindi siya kumilos… baka nakapasok talaga ang mga kriminal sa kumpanya natin!"Ang bawat department ay nag-uusap-usap, halos hindi makapaniwala. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa HR Director na tahimik lang na naglalakad, simple pa rin ang kilos, pero ngayon ay parang may aura ng heroism na dumadagundong sa buong lobby.At syempre, bago pa siya tuluyang makapasok, agad nang lumutang si Ariel, naka-pink floral suit, kumikislap ang brooch, at may hawak na pamaypay na animadong inaalon-alon na parang kasama sa choreography."Ayyyyy hija!" malakas na sigaw ni
Humagalpak sa tawa sina Victor at Richmond, sabay taas ng kanilang baso ng alak na tila mga hari sa sariling mesa. Nag-clink ang kanilang mga baso, at sabay nilang ininom ang mamahaling alak na parang nagdiriwang ng isang tiyak na tagumpay."Ha! Richmond, tingnan mo," ani Victor habang pumapahid ng luha sa kakatawa. "Isang simpleng galaw lang, at buong Everest Corporation, pati ang Gold Prime, yayanig! Ang ganda ng pagkakahanay ng plano."Ngumisi si Richmond, ang mga mata'y kumikislap sa kasiyahan. "Sabi ko na nga ba… walang makakakontrol sa sitwasyon kapag ako na ang humawak ng tali. Tingnan mo—isang ulat lang sa TV, at parang tinanggalan ng ngipin ang tigre."Umiling si Victor, napapailing habang natatawa. "At ang nakakatawa pa… si Richard Gold, ang paboritong apo ng matandang Bernard. Hindi man lang na-predict ng tinatawag nilang Prophet ang pagkatalo nila ngayon!"Tumawa silang muli, puno ng pangungutya."Prophet daw," dagdag pa ni Victor. "Kung tunay na propeta 'yon, dapat nakita
Naglakad ang dalawa patungo sa unit, mabigat ang bawat hakbang, parang eksena mula sa isang Hollywood action movie. Bawat tunog ng sapatos nila ay umaalingawngaw sa sementadong pasilyo. Nilapag ni Mendoza ang supot ng chips sa gilid ng hallway, kumaluskos ang plastik, saka siya dahan-dahang dumukot ng baril mula sa loob ng sling bag. Ganun din ang ginawa ni Arthur, marahan at kalkulado.Nakita ito ng mga tambay na tenant sa dulo ng pasilyo. Nanlaki ang mga mata ng mga ito, at halos sabay-sabay na nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang unit, ini-lock ang pinto, nagbukas ng kurtina, at palihim na sumisilip mula sa loob. Tahimik bigla ang hallway—tanging tunog ng aircon at mga yabag na lang nila Arthur at Mendoza ang maririnig.Huminto sila sa tapat ng unit. Tumingin nang matalim si Arthur kay Mendoza, mababa at malamig ang tinig."Handa ka na ba?"Umiling si Mendoza, nakatingin kay Arthur na parang tulala pero mahigpit ang kapit sa baril. "Hindi pa, Chief… ano ba ulit yung Plan E?"Sand
Napakamot ng ulo si Arthur nang makitang parang tangá si Mendoza na ayaw magseryoso kahit ilang beses na niyang pinaaalalahanan. Umiling siya, bago marahang inilagay ang kamay sa sling bag niya, saglit na sinilip ang mga laman—pistol, maliit na flashlight, radio, at ilang zip tie—bago muling isinara. Ganoon din ang ginawa ni Mendoza; mabilis niyang itinago ang hawak niyang baton at handcuff sa sling bag para hindi kahina-hinala sakaling may muling dumaan na residente."Okay," mahinang sabi ni Arthur. "Plano natin, simple lang. Kung hindi lalabas ang target sa susunod na trenta minutos, gagawa tayo ng distraction. Kung may backup, handa tayo sa worst case scenario."Tumango si Mendoza, pero halatang hindi masyadong iniintindi ang sitwasyon.Nagpatuloy si Arthur, "Ikakalat natin ang posisyon. Ako dito sa main hall, ikaw sa kabilang side ng pasilyo. Kung may gumalaw sa loob, maiipit natin siya. Kapag lumabas, bitag na."Sa unang pagkakataon, seryoso ang mukha ni Mendoza. Tumayo siya, nag
Tahimik na umatras sina Arthur at Mendoza mula sa pasilyo at nagtago sa isang sulok na hindi agad kita ng target. Kinuha ni Arthur ang kanyang radio, pinisil ang button at bumulong,"Confirmed, nasa ikatlong palapag, unit sa dulo. I-standby ang perimeter, huwag mag-ingay. Await further signal.""Copy," sagot mula sa kabilang linya, bahagyang may static.Huminga nang malalim si Mendoza, hawak ang service pistol niya pero nanginginig ang kamay. "Chief, sa totoo lang… baka magkamali ako ng pinto mamaya. Baka kapitbahay ang mabaril ko."Tumingin si Arthur sa kanya, seryoso pero may bahid ng inis. "Mendoza, huwag kang tatanga-tanga. Tandaan mo—unit sa dulo, hindi 'yung may nakasampay na bra sa pinto."Napakamot ng ulo si Mendoza. "Eh paano kung pareho silang may nakasampay? Alam mo naman dito, makulay ang sampayan."Napapailing si Arthur pero pilit na pinigil ang tawa. "Kapag may nagreklamo, ikaw ang magpaliwanag. Ako, hindi."Habang nagbibiruan, nilabas ni Arthur ang maliit na mapa ng gus