Beranda / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 279: Patuloy na tensyon

Share

Chapter 279: Patuloy na tensyon

Penulis: Author W
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-25 09:53:29

Biglaang napatalon si Bernard mula sa kanyang kinauupuan, kumalabog ang mesa nang ituro niya si Richmond gamit ang nanginginig na daliri.

"Richmond!" sigaw niya, nanginginig ang tinig na halo ng galit at lungkot. "Paanong nagawa mong humarap dito at pagtaksilan ang sariling dugo?! Anak ka rin ng pamilyang ito! Isa kang Gold!"

Nanlaki ang mga mata ni Richmond, pero imbes na matigatig, ngumisi siya nang malamig at mapanukso. "Gold? Ako ba? Huwag mong gawing katawa-tawa, matanda," aniya na puno ng pang-uuyam. "Ikaw mismo ang dahilan kung bakit wala akong pamilya. Ikaw ang nagpatalsik sa akin noon, ikaw ang nagbura sa pangalan ko, at ikaw rin ang dahilan kung bakit ako itinapon na parang walang silbi."

"Dahil sa'yo, halos mamatay ako sa gutom! Dahil sa'yo, natuto akong maglakad mag-isa sa dilim, natuto akong mabuhay na parang hayop sa kalsada. Ang lahat ng peklat, ang lahat ng sugat—" tinuro niya ang hiwa sa kanyang pisngi "—ay mga paalala ng pagkakait mo sa akin ng isang buhay na marapat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 291: Kahihiyan

    Sa sandaling ito, marahang ibinaba ni Bernard ang hawak niyang kapeng barako sa ibabaw ng mesa. Tumunog ang baso sa mesa, sapat para makuha ang atensyon ng lahat. Ang dating magaan at makulit niyang aura ay biglang naglaho, napalitan ng malamig, matalim, at puno ng bigat na boses nang magsalita siya."Salazar. Santos." Mabagal, ngunit mariin ang bawat pantig. "Matagal na kayong bahagi ng board. Matagal ko na kayong nakasama, nakasandigan, at pinagkatiwalaan." Nilingon niya ang dalawa nang diretso, malamlam ngunit nanlilisik ang mata. "Kaya higit sa lahat, kayo ang pinakanagbigay ng pagkadismaya sa akin ngayon."Hindi makatingin nang diretso ang dalawa, para bang biglang lumiit ang kanilang mundo.Nagpatuloy si Bernard, mas mabigat ang tinig. "Naaalala ko pa noong mga unang taon ninyo dito. Kayo ang isa sa mga unang nagturo sa mas batang henerasyon ng disiplina. Kayo ang madalas kong ipagmalaki kapag may tanong tungkol sa tatag ng board." Umiling siya nang dahan-dahan, may halong pait

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 290: Dalawang mukha

    Pagkalabas nina Richmond at Victor kasama ng mga otoridad, biglang lumubog sa katahimikan ang buong silid. Parang nahigop ang hangin—wala ni isang kumurap.Halos walang buhay ang panig ni Salazar. Nakasalampak sila sa kani-kanilang upuan, tila mga bangkay na walang lakas. Ang iba ay nakatungo, hindi makatingin kay Richard o Bernard, habang ang ilan ay pilit na nagpapanggap na nag-aayos ng papel o inuubo upang maiba lang ang atensyon.Si Salazar mismo ay pinagpapawisan ng malamig, paulit-ulit na pinupunasan ang kanyang noo ng panyo. Nang magtagpo ang kanilang paningin ni Richard, agad niyang ibinaba ang ulo, parang batang nahuli sa kasalanan."Mr. Gold..." mahinang wika ni Salazar, nanginginig ang boses. "Hindi talaga namin ginusto na lumapit kay Richmond. Pinagbantaan niya kami. Sinabi niyang kung hindi kami papanig, may mawawala sa amin—mga pamilya, negosyo..."Sumabat naman si Santos, halos mabali ang leeg sa kakayuko. "T-totoo 'yan. Hindi kami malakas ang loob para lumaban sa kanya

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 289: Checked mate

    Nagkatinginan ang mga board members, ang ilan ay halatang kinakabahan, ang iba nama'y tahimik na nakikiramdam, pinipilit intindihin ang nangyayaring labanan sa pagitan ng kambal. Kahit ang grupo nila Salazar ay tila naghihintay sa susunod na hakbang ni Richmond—parang nag-aabang kung paano niya sasalubungin ang bigat ng sitwasyong lumipad palabas sa kanyang kontrol.Napabuntong-hininga si Bernard. Sa kanyang isip, 'mukhang tama nga talaga ang naging desisyon kong kay Richard ipamana ang lahat.' May bahagyang ginhawa sa kanyang mga mata, kahit sa gitna ng kaguluhan.Ilang sandali pang nakatulala si Richmond, hindi makapagsalita. Sa huli, mabigat ang kanyang tinig nang tanungin si Richard,"Paano mo ito nagawa?"Nagkibit-balikat lamang si Richard, walang emosyon sa mukha, saka malamig na nagsalita:"Alam kong magkakaroon ng kasunod na galaw matapos mahuli ang Athena Team. Hindi ako sigurado kung ano ang susunod nilang gagawin—pero ang alam ko, hindi titigil ang mga kagaya ninyo."Saglit

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 288: Trahedya

    Nabigla si Lexa. Nanlaki ang kanyang mga mata, parang biglang natanggalan ng hininga. Nanginig ang buong katawan niya habang iniisip ang kalunos-lunos na kamatayan ng kanyang mga magulang. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi, at muntik na siyang matumba sa bigat ng sindak at sakit. Ngunit sa halip na bumagsak, nagpakatatag siya. Lumapit kay Richmond at buong lakas niyang sinampal ang lalaki.Slap!Umalingawngaw ang malakas na sampal sa loob ng marangyang conference room. Napatingin ang mga direktor, gulat na gulat sa eksena.Nanginginig sa galit si Richmond, halos hindi makapaniwala na sinampal siya ng isang babae. Ramdam niya ang init sa kanyang pisngi, at lalo siyang nagngitngit sa hiya. Namula ang kanyang mukha habang malamig na bumulong,"Sinampal… mo lang ako?"Marahan niyang iniangat ang kanyang tingin kay Lexa, naglalabas ng nakakakilabot na presensya. Para bang bawat hakbang ng kanyang galit ay pumapait sa hangin. Napaatras si Lexa, halos hindi makahinga sa takot.Mabilis niyang

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 287: Patayin sila

    Napasinghap si Lexa, hindi agad nakapigil, at halos matigilan sa biglang pagkakahawak sa kanyang leeg. Nanginginig ang kanyang mga kamay, at ramdam niya ang malamig na kilabot na bumalot sa buong katawan."Bakit palpak na plano ang nakuha mo?!" sigaw ni Richmond sa isang boses na malamig at nakakatakot, halos gumigiwang ang paligid sa tindi ng galit niya. "Alam mong ikaw ang may access sa mga classified files ng kumpanya! Ikaw ang nakakaalam kung nasaan ang company plan!"Nagpumiglas si Lexa, halos mawalan ng hininga, pilit na nagsalita habang nangingilid ang luha sa kanyang mata. "Hin—hindi ko alam! Wala akong kinalaman!"Pinandilatan siya ni Richmond bago siya biglang binitawan. Bumagsak si Lexa sa tuhod, sumapo sa leeg at malakas na inubo, nanginginig at hingal na hingal. Ngunit bago pa siya tuluyang makaahon, sinampal siya ni Richmond—isang malakas na sampal! na kumalabog sa conference room.Nabahala ang lahat, ngunit nanatiling malamig ang titig ni Lexa, nakatingin kay Richmond n

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 286: Naloko

    Nandilim ang mukha ni Ramiro, ang mga mata'y nag-aapoy habang malamig niyang tinanong, "Anong nangyari?!"Kinilabutan ang sekretarya. Halos mapaluhod siya sa takot, nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang mga papeles. Yumuko siya nang husto bago nagsimulang magpaliwanag, halos hindi makatingin kay Ramiro."C-Chairman, sinunod namin ang plano… Kinuha namin ang mga lupang nakasaad, inilapit ang pondo, at ipinatupad ang mga unang hakbang sa pagkakasunod-sunod ng plano. Una, bumili kami ng ilang lote na tinukoy para sa mall at mixed-use development, pero nang suriin nang mabuti… mataas pala ang flood risk area, hindi matutuloy ang konstruksyon nang hindi gumagastos nang doble sa drainage at foundation system."Nagpahinga siya sandali, nanginginig ang boses, bago nagpatuloy. "Ikalawa, sinubukan naming simulan ang pagkuha ng lupa para sa industrial hub. Ngunit nang alamin ang zoning clearance, nalaman naming restricted area pala ito para sa environmental protection. Kailangan ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status