Chansen Nakakainis. Sobra. Ang hirap aminin pero parang kayang-kaya na ni Estella ang sarili niya. At sa tuwing nakikita ko ‘yon, pakiramdam ko hindi na niya talaga ako kailangan. Para bang unti-unti akong nawawala sa mundo niya. Alam na nina Mommy ang tungkol sa amin, pero pinakiusapan ko sila na
Estella “Wifey…” Napapitlag ako nang marinig ko ang tawag na ‘yon mula kay Chansen. Paglabas ko mula sa bathroom na konektado sa walk-in closet, nadatnan ko siyang nakaupo roon sa upuang ginagamit ko kapag nasa dresser ako. Para bang kanina pa niya ako hinihintay. Tumayo siya, mabagal, deliberate
Estella “Kaninong sasakyan ang nasa garahe?” tanong agad ni Chansen pagpasok sa kwarto namin. Halos kakarating ko lang din, at papunta na sana sa bathroom para maligo. Sa labas pa kasi kami kumain nila June, Vivian, at Tristan para sa hapunan. “Sa akin.” Simple kong sagot habang nagpatuloy sa pagl
Parang bumagal ang lahat. Hindi ko alam kung mas nangingibabaw ang gulat ko na nandito siya, o ang kakaibang kirot ng proteksyong ipinapakita niya. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong kaligayahan, Unang beses na may nagtanggol at sumalag ng sakit para sa akin maliban kina June at Vivian. "At sino
“Yes po, Ma’am,” maayos pero medyo naiilang na tugon ng sales agent. “Cash po ang binili ni Ma’am Estella.” Nakita kong nanlaki ang mga mata ng magulang ko habang si Nayomi ay halos hindi makapaniwala. Halos maputla ang mukha niya, at mahigpit ang kapit sa braso ng agent na para bang mahuhulog siya
Estella “Hindi ko akalain na magiging ganito ang ugali mo sa pag-alis sa bahay. Wala kang utang na loob…” Nagpunas pa ng luha si Mama, at kung titingnan mo lang siya nang hindi kilala, maiisip mong totoo ang pag-iyak niya. Pero ako? Hindi na ako naniniwala. Ngayon ko tuluyang narealize, tunay nga n