LOGINHindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam. Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas?
View MoreInuman session(Based on Niccolo's own Story - Kapag Ayaw, May Dahilan)••Matapos ang kantahan na iyon, ibinagsak namin ang aming sarili sa sopang malambot."Kakapagod maging sawi ta's stress at the same time!" sigaw ko."Kulang, pre! Kulang talaga tayo ng alak! Hindi mapapawi ang mga kalungkutan at dalamhati natin ng kape-kape lang! Kulang tayo sa alak at outing, eh! Tara, dagat tayo tapos doon maglaklakan!" sambit ni lance.Tinignan lang namin siya na may pagkairita. Napangiwi na nga lang rin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya."Tignan mo ang hinayupak na 'yan. Ang lakas ng loob mang-aya pero wala namang pera!" sambit ko, talagang nagpaparinig kay lance."Bakit naman tayo magdadagat, ha? Gusto mo lunurin ka namin?" tanong ni jaq."Kasi nga sawi si niccolo!" tugon ni lance na may pagturo pa sa akin."Oh tapos? May pera ka ba?" wika ko."Ako, wala. Pero kayo, meron! Atsaka kung iiwan niyo ako sigurado akong makokonsensya lang kayo kasi maawain kayong demonyo! Sasabihin niyo na dapat
Kami sa bahay(Based on Niccolo's own story - Kapag Ayaw, May Dahilan)••Linggo, akala ko tahimik na ang buhay ko pero hindi pa pala kasi itong si lance, dinalaw ako rito sa bahay ng walang pasabi.Maaga siya pumunta rito sa bahay mga ala sais yata 'yon? Nagulat na lang ako at may humila sa akin pababa sa kama. Hindi na ako nagtaka kung paano siya nakapasok kasi alam kong may duplicate key ang mga kupal dito sa bahay, at ang matindi pa ro'n naghahanap pa ng almusal ang siraulo kaya napilitan ako umorder sa grabfood...McDo pa nga!"Ano na naman ba itong trip mo, ha?" tanong ko.Nasa kusina kami, nagtitimpla siya ng kape para sa aming dalawa."Tangina kasi tol, napasabak ako kagabi ro'n sa amin.""Inuman?""Ano pa ba? Kilala mo naman ako, napaka friendly kong tao!""Friendly pota, baka bully at lasinggero?""Pfft!"Sabay abot niya sa akin ng tinimpla niyang kape, kopiko blanca pa nga."Oh tapos?" wika ko para ipagpatuloy niya ang kaniyang dapat ikukwento."Ayon...mga anim yata kami no'
Tayo at lambingan(Based on Niccolo's own story - Kapag Ayaw, May Dahilan)••Linggo, walang pasok pero nag-aya si lucas na mag unwind daw muna kami sa Tanay, Rizal. Biglaan pa nga ang pagyaya ni lucas sa amin eh, wala kaming choice para humindi.lucalucas: Unwind tayo bukas? Tanay rizal?utak sebo: kkb ba yan o libre mo tutal ikaw nagyaya?jaq ass: kkb yan bro! si lucas nag aya eh hindi si niccolo!utak sebo: kkb, kanya kanyang bebot hahahaha!nico nico nii: wala kang bebot tanga! break na kayo!utak sebo: ikaw din tanga!lucalucas: nakapagreserve na ako. Overnight tayo bukas sa lambingan hills.jaq ass: desisyon ampota! Maaga pasok ko sa lunes boss!utak sebo: same!nico nico nii: gagu ako din!lucalucas: Ako din pero umangal ba ako?At syempre wala na kaming choice kapag si lucas na nagdesisyon...malakas siya sa amin, eh.Bandang alas tres kami umalis at nakamotor kami papuntang lambingan hills. Si lance ay naka angkas kay jaq dahil wala pa rin siyang sariling motor, bahay kasi pin
Ako at pahinga(A sneek peek of Lucas's own story - Ewan, Hindi Ko Alam)••Linggo, nagising na lamang ako sa ingay mula sa kabilang kwarto. Napakapa tuloy ako sa higaan para sa aking cellphone upang tignan ang oras.Wala pa naman tanghalian...nasa alas diyes pa lang naman ng umaga."Aga aga ingay ingay potek," pansariling dalamhati ko habang nakadapa't ibinabaon ang aking mukha sa unan."Bakit po kaya ang kaunti lang ng mabilis maka recover pero madami 'yong matagal maka get over sa love? Gano'n ho kasi ako, te!" rinig kong sambit ng isang babaeng hindi pamilyar ang boses.Sino naman kaya bisita namin ngayon? Parang wala naman nasabi si mama kagabi sa akin na may bibisitang kamag-anak, o baka nalimutan niya sabihin dahil hindi rin naman ako nagtanong."Puro ka yata kasi love-life, dapat iniisip mo rin kasi 'yong self-life mo!" boses ni ate."Ayan, jheda, makinig ka kay ate! Well experienced 'yan!" boses ni leila.Napabaligtad ako ng pwesto. Nakatitig na sa kisame at tahimik na nakiki
GRADUATION••Jaq's POV"For the candidates of the bachelor's degree, please rise." sambit ni Sir. Agustin.Lahat kami ay tumayo."Ms. President, on behalf of the faculty, I present to you the candidates for Bachelor of Science in Information Technology, Bachelor of Science in Business Administration, Bachelor of Science in Education, Bachelor of Fine Arts major in photography..." pagpapatuloy ni Sir. Agustin.Biyernes ng alas-nuebe ng umaga sa Philippine International Convention Center, Pasay City. Lahat ng mga estudyante na nandito ay nakasuot ng hinihintay nilang OOTD, ang togang itim. 'yong ibang course nauna na sa amin kahapon dahil by schedule ito.Pumunta sa harapan ang college president at nagsalita;"By virtue of the authority vested in me, As president of this university and the board of trustee, I confirmed on you, each and all, as listed in the special program the degrees of bachelor's of science and bachelor's of arts, for all the rights and privilege there too and testim
Career or Love••Lucas's POVSabado, ang tanging araw na may pasok kami sa Rizal's life at I.T trends seminar. Isang buong araw ng katamaran na naman dahil kapag kasama mo ay tamad, puwede kang mahawa.Nandito kami ngayon sa cafeteria, sa aming paboritong puwesto. Kakatapos lang ng I.T trends namin at nag-uusap lang kami ng normal naming pinag-uusapan."Ang life ay parang isang Quantum Intuition." sabi ko sakanila."Huh?" reaksyon nila lance, niccolo, jaq, at maki."Everything is energy. Energy connects everything. Energy carries information. The past, present, and future all exist simultaneously. Therefore, as energy beings, we have access to the past, present, and future at any point in time via energy. It all connects.""Pota." sambit ni lance habang seryoso lang ang tingin sa akin."So, you're saying, you don't believe in miracles?" sabi ni xowie.Nagkibit-balikat lang ako."We live on a blue planet that circles around a ball of fire next to a moon that moves the sea, and you don






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments